"Tsss asa siya. Yabang niyang iyun." Nilingon ako ni Mrs. Santos na nakangiti bago sumubo ulit ng pagkain. Kumain na lang din ako dahil baka bigla siyang may ipagawa hindi pa ako nakakakain. Inayos na namin ni Mrs. Santos ang mga pinagkainan namin saka ibinalik sa mga staff ng cafeteria. "Siya nga pala sumunod ka sakin at may mga papel na kailangang ireview ni Sir." Sumunod na lang ako kay Mrs. Santos at pumasok sa isang opisina na per cubicle ang table. Kita sa mga mukha nila ang pagkaseryoso sa mga trabaho nila. Sa papel at computer lang nakatuon ang mga atensyon nila. May mga nasa mid 30's na at parang mga kagragraduate ang mga nandito meron ring mga nakaOJT. Kita ko kasi sa mga ID nila,nakalagay na OJT at intern. "Pakisabi kay Sir na ireview ang lahat ng ito tapos pirmahan niya na rin kung approve ba sa kaniya lahat iyan." Iniabot niya na sa akin ang ilang mga kapirasong papel at kinuha ko. Tinanguan ko na lang si Mrs. Sa
Read more