Alessia's POVHINDI ko na magawang magsalita pa. Nanahimik ako at nag-iisip ako kung tama ba itong ginagawa ko. Tama ba na masyado kong pinaniwala ang sarili ko na maaabutan namin sila Elijah. Alam ko sa simula't sapol ay malaki na ang tsansa na hindi namin sila maaabutan sa labas ng Eleftheria. Pero umasa pa rin ako, umasa na maaabutan sila.Pero sa sitwasyon na ito, mas malaki ang tsansa na nasa loob na sila at hindi namin sila maaabutan sa labas. Nagtatalo ang isipan ko. Kinakain ako ng takot, pero tinutulak din ako ng isipan ko na kailangan kong maibigay kay Elijah ang gamot. Hindi ko alam kung makakaya ko ba ito, namin ni Dustan pero pipilitin ko.Kahit kinakain ako ng takot, kung kinakailangan ay papasukin ko ang Eleftheria, maihatid lamang ang gamot kay Elijah.Patuloy lang ako sa pagmasid sa dinadaanan namin. Sa bawat metrong tinatakbo ng kabayo, mas bumibigat ang pakiramdam ko. Napapatingin na din si Sushi sa akin at nakikita ko sa kanyang mga mata na nag-aalala siya sa akin.
Alessia's POVHINDI ko alam kung ilang minuto nang tumatakbo si Sushi. Pero ramdam ko na balisa siya at mas binilisan niya ang kanyang takbo na tila may hinahabol siya at iniiwasan.Gusto ko man siyang tanungin kung meron ba siyang inaalala pero hindi ko ginawa. Nanatiling tahimik ako at nakikiramdam. Sa mga nagdaan mga minuto, unti-unti nang lumuluwag ang pakiramdam ko at nabawasan na ang takot ko.Siguro, kung wala si Sushi sa tabi ko, kanina pa ako inatake ng mga nilalang dito. Somehow, the forest beast recognize him as one of them that's why no one is attacking us.Medyo mas dumidilim na ang paligid at nakaramdam na rin ako ng pagod. Mas ramdam ko na rin ang pananakit ng aking likod pero natitiis ko pa naman iyon. Kailangan maabutan namin sila bago magdilim, dahil hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, kung maabutan ako dito nang mag-isa, kasama lang si Sushi.Nagulat na lamang ako nang biglang tumalon na si Sushi sa mga sanga ng kahoy kaya mas lalong kumapit ako sa kanya dah
Alessia's POVNAKASANDAL ako sa isang malaking kahoy habang abala naman ang mga sentinels sa pagsisiga at pag-iihaw ng hayop na kanilang nahuli. Naging madali sa kanila ang paghuli ng hayop dahil hindi ito dinadayo ng mga immortal kaya hindi sanay ang mga hayop na mabubuhay dito. Hindi ito tumatakbo tuwing nakakakita ng mga kagaya namin. They are even curious and moving closer to see us.Si Elijah naman ay abala sa paggawa ng tulugan. Gumagawa siya ng higaan gamit ang mga dahon na nakuha niya sa mga puno. Nakatingin lang ako sa kanila. Si Sushi naman ay bumalik na sa pagiging tuta niya."Ales." Nakangising bati sa akin ni Stefano na tapos na sa kanyang ginagawa. Gumawa din siya ng higaan para maging tulugan niya.Hindi ko na inabala na gumawa ng higaan, dahil kaya ko naman matulog kahit saan basta inaantok na ako."Mabuti at hindi ka nilamon ng mga nilalang kanina." Biro ko pa sa kanya kahit alam ko naman na kayang kaya nila ang mga iyon."Mas mabuti na hindi ikaw ang kinain." Balik b
Alessia's POVNATAPOS din ako sa pagbabawas at naging maingat ako dahil baka maapakan ko ang krimen na ginawa ko. Umalis ako doon sa pinagbawasan ko kahit wala naman akong nakikita."T-tapos na ako." Saad ko naman kahit hindi ko alam kung saan nakatayo si Elijah ngayon."I know." Biglang saad naman ni Elijah na nasa gilid ko na pala. Nagulat ako doon pero hindi naman ako nainis o naasar."U-umalis na tayo." Saad ko naman sa kanya kaya hinila na niya ako pabalik sa grupo.Ngayon ay maaliwalas na ang pakiramdam ko at hindi na kagaya kanina na masakit ang aking tiyan. Maybe, this will be my life in the next few days. Dapat hindi na rin ako mahihiya dahil parang wala lang naman ito sa kanila.Unlike with humans, pagnalaman nila na natatae ka, pagtatawanan ka pa. Kaya nakakahiya sabihin iyon. To them, it's natural and they don't find it funny kaya hindi na nakakahiya.Ngayon ko lang napagtanto, na nakakahiya lang ang isang bagay kung pagtatawanan ka ng mga nasa paligid mo. Doing a thing is
Alessia's POVNAGSIMULA nang umusad ang kabayo na sinasakyan namin ni Elijah pagkatapos ng usapin na iyon. Ngumunguya naman ako ngayon ng prutas na tinatawag nilang Soursop. Guyabano ito sa pagkakaalam ko pero tinatawang nilang Soursop dito. Hindi naman siya maasim na parang sampalok, it's sweet and juicy to be exact, though sometimes their is a bit distinctive sourness of the fruit but it taste delicious.Kumakain lang ako nun habang nakatingin ako sa unahan. Si Elijah naman ay maingat na denedepensahan niya ako sa kung ano man. Hindi kami nag-uusap dahil abala ako sa pagkain. Pero abala ang aking mga mata sa pagtingin sa paligid. Mas maaliwalas ang panahon ngayon, mukhang nawala yung makulimlim na ulap kaya nagiging normal na kagubatan tingnan ang Eleftheria. May kabilisan ang takbo ng kabayo, pero dahil hawak hawak ako ni Elijah, maayos pa rin akong nakakakain. Hindi ako natatakot na mahulog dahil malaki ang tiwala ko sa kanya na hindi niya ako hahayaan na mahulog.Naubos ko naman
Alessia's POVNAPAPASIMANGOT ako tuwing naaalala ko na inirapan ako ni Sushi at hindi pinapansin. Hindi ko akalain na marunong pala itong magtampo. Hindi ko na talaga siya naalala dahil sa dami ng mga nangyari. Inaalala ko na ang buhay ko kanina.Kaya hinayaan ko na kang muna si Sushi. Kung hindi na siya nagtatampo, alam ko na lalapit din yan sa akin.Napatingin ako sa itaas at nakikita ko ang tila walang hangganang bulkan ng Eleftheria. Wala na ang mga winged baboons, at nandito kami ngayon sa isang matarik na daan. Wala itong trail, at halatang hindi ito daanan na parte. Pero wala naman dumadaan dito kung iisipin ko."We will hike from here." Saad naman ni Elijah sa lahat at naramdaman ko naman ang bibig ni Elijah sa aking tenga. "Sweetheart, they are all watching you clinging to me." Bulong niya sa akin. Tsaka ko naman naalala kung ano ang posisyon namin dalawa na hindi pa nagbabago simula nang nagkahabulan kami ng mga baboons.I am still straddling him, until now. Nakaramdam ako n
Alessia's POVMAGTATANONG sana ako kung ano ang ikinagalit niya pero hindi ko na iyon nagawa pa dahil narinig ko na ang halakhak ni Stefano na pababa mula sa butas."Woooaaaahhhh!" Nakita ko na sila pababa. Hawak hawak niya si Sushi na naging tuta ngayon na hindi pa rin ako pinapansin.Agad silang lumapag at nakita ko na dala nila ang lahat ng mga unisus kasama ang kay Elijah.Agad silang nagsibabaan sa kanilang mga kabayo at ako naman ay tahimik lang at kinakabahan. Lumapit sila sa amin at hindi nakaligtas sa aking mga mata na tumingin ang mga bagong dating sa akin. Nakita ko ang gulat na lumarawan sa kanilang mga mata pero agad din naman iyon nawala at parang wala lang nangyari."We will walk from here." Saad naman ni Elijah na nagpasya nang magsalita. "And I would like to say a reminder, whatever you saw and discover from here, will remain a secret." Saad niya at agad ko naman nakuha ang kanyang ibig sabihin. He wanted to hide the fact that they already know that I am a girl."Masu
Alessia's POVYou know nothing about the beast's body...you can never heal my wounds."I might not be able to, but at least I tried. Only the ocean can heal your wounds." Saad ko sa kanya at natahimik ulit ito. Hindi ko alam kung ano ang iniisip ng Basilisk, pero alam ko na napaisip siya sa sinabi ko.Oceans is a sacred water. We filthy beast has no right to touch the waters.Pakiramdam ko ay parang nilamukos ang puso ko. Bakit parang ang sakit ng mga sinabi niya? Hindi sila pwede? Ngunit sa pagkakaalam ko ay pinamamahayan ang dagat ng mga halimaw na hindi ko alam kung ano."Who says that a beast has no right to touch the ocean, when the ocean is filled with monsters? I might have no idea with the law of beasts, but I believe, if you need something, you need to obtain it even breaking the rules. You will only bathe in the sea and nothing else." Saad ko sa kanya at sana ay pumayag siya.How can I trust you?"You can see the sincerity of my heart. And I am with the king of Valeria, the