Alessia's POV
MAGKASABAY kaming naglakad ni Elijah pero sa akin naman siya nakasunod. Lahat nang nadadaanan namin ay napapatingin sa amin sabay yukod. Pareho kaming hindi nagsasalita ni Elijah.Ilang hakbang na lang ay mararating na namin ang aking kwarto. Agad na natanaw ko ang pintuan ng kwarto ko kaya mas binilisan ko ang aking mga hakbang at inabot ko ang hawakan at pinihit iyon upang bumukas.Pagbukas ko ay agad na bumungad sa akin ang amoy ng bulaklak. No, it's my fragrant lingering in this room. Hindi ko alam pero ganoon ang amoy ko, amoy sampaguita na hindi ko alam kung bakit.Agad na tumayo si Estrebelle at binati kaming dalawa ni Elijah."Estrebelle, maaring ba na lumabas ka muna?" Hingi ko sa kanya.Wala naman akong makitang reaksyon sa kanyang mga mata at mabilis na tumalima si Estrebelle na parang kailangan na kailangan niya iyong gawin.Mabilis na isinarado ni Estrebelle ang pintuan kaya kaming dalawa na lang ni Elijah ang nasa loob ng kwarto. Napatingin ako sa puno, alam ko na hindi iyon mapapansin lalo na at nahaharangan iyon ng kurtina ng higaan ko."Halika." Yaya ko kay Elijah at nagpatiuna akong maglakad sa kanya.Walang kibo na sumunod sa akin si Elijah at pumatungo ako sa puno at huminto ako sa harap nito. Naramdaman ko din ang pagsinghap ni Elijah na alam ko ay nagulat ito sa nakikita ngayon.Ayokong basagin ang kanyang pagkagulat kaya nanatili akong tahimik at nakikiramdam."How is this possible?" Mabilis na tanong ni Elijah at tumabi siya sa akin.Napalingon naman ako sa kanya at nakatingin siya ngayon sa puno. Puno nang pagtataka at pagkamangha ang kanyang mukha na hindi ko nakasanayan. Si Elijah yung tipong kahit gulat na, hindi mo pa rin mapapansin na nagulat na pala."Hindi ko rin alam kung paano nangyari. Isang araw, tumubo na lang siya." Sagot ko naman sa kanya. Pero malaki ang pakiramdam ko na nahalo iyon sa lupa. "May nangyari kasi noon. Aksidenteng nabasag ni Sushi yung paso ng bulaklak. Pati yung mga halaman gamot din ay nagkalat sa sahig, mukhang nahalo sa lupa ang binhi.""Pero hindi ito tumutubo kahit anong gawin pagpapatubo nito." Nagtatakang saad pa rin ni Elijah. Alam ko na isang kataka-taka ito pero wala akong magagawa dahil kahit ako ay nagtataka din."Hindi ko talaga alam kung paanong tumubo siya." Tugon ko sa kanya.Ibinaling naman niya sa akin ngayon ang kanyang paningin at ngumiti. "I don't know what's the mystery lies with this three, but I am still thankful. This is the only tree of life remaining now. In your room." Saad niya sa akin."Ah, should we transfer it outside?"Umiling siya. "This tree is very delicate. Nakikita ko na komportable siya sa kinalalagyan niya ngayon. I think it's better to let it stay here." Saad niya sa akin at napatangu-tango naman ako pero nagulat naman ako nang biglang hapitin niya ako at agad na nagdikit ang making mga katawan.Napalunok ako nang tingnan niya ako na parang ako ang pinakamagandang bagay sa buong mundo. His eyes, like the universe is inside it, he really has a beautiful eyes laced with thick lashes. Kumpara sa mata ko na kulay emerald. His black long hair framing his face is like a glory."Uhmm, what are you doing?" Pigil kabang tanong ko sa kanya. He's acting this way at hindi ako sanay. Hindi naman dapat ako magiging sanay dahil wala akong naging karelasyon kailanman sa buong buhay ko."I hate it when we are like thieves. Stealing time just to see you. Don't have the freedom to be with you." Malungkot niyang saad sa akin.Naiintindihan ko siya dahil ganoon din naman ang nararamdaman ko. But we have to do it that way."Because we are fighting against destiny. We have no choice but act like a criminal." Tugon ko sa kanya at itinukod ko ang aking kamay sa kanyang dibdib. "At pwedeng bitawan mo ako? Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung makikita tayo ni Estrebelle nang ganito ang ayos natin dalawa." Saad ko naman sa kanya at narinig ko naman ang kanyang tawa. It's a low sexy voice chuckle. Ni hindi ko alam kung paano niya iyon ginagawa."She won't come in, not until I am out." Paninigurado naman ni Elijah na halatang alam na alam ang mga gagawin ng mga serbidora sa palasyo. "So let me kis—""No." At itinulak ko siya pero hindi man lang siya natinag.Nakita ko naman kung paanong kumunot ang kanyang noo dahil sa naging tugon ko."Why?" Sa kanyang tono, parang binawian ko siya ng karapatan. Parang kasalanan ko pa."Elijah, it's not proper for you kiss me whenever you want. And we should not be even physical with each other. Ni hindi kita kasintahan." Sagot ko sa kanya na nililinaw ko ang estado namin dalawa.Tumaas naman ang kanyang kilay. "Sweetheart, I am not kissing you whenever I want. If only I can follow my heart, I will kiss you every time. I will not even care if someone is watching." Pagrarason niya sa akin na pinapalabas niya na mali ako. "Para sa akin, kasintahan kita. Ikaw lang ang nag-iisip sa atin dalawa na hindi mo ako kasintahan." Napasimangot naman bigla si Elijah na tila may naalala siya. "No label? I am labeling us, as lovers wether you like it or not."Napasimangot naman ako. "Hindi ganoon kadali, kamahalan." Ganoon ba kadali para sa kanya ang gawin akong karelasyon?Mas lalong kumunot naman ang noo niya dahil sa sinabi ko."What makes it difficult for you?" Tanong niya sa akin na hindi pa rin akong binibitawan.Lumunok ako bago sumagot. "Hindi ka nanliligaw, you just declared that you like me. And yes, I like you too, but it doesn't mean that I am already your girlfriend. Hindi ako easy to get, kamahalan. Earn my yes, before sucking my face again."Nababaghan naman siyang nakatingin sa akin. "You're calling it sucking?"Tumaas naman ang kilay ko. "I prefer that way because we are not in a relationship.""Sweetheart, I did not suck you yet. That was just a peck!" Reklamo niya na tila pinagbibintangan ko siya sa isang bagay na hindi niya ginawa.That was just a peck? Ni hindi ko alam na peck pala ang tawag sa ganoon. Yes, our lips meet each other, but not like those in the movies, exchanging salivas and tongue licking kiss."You can't still kiss me, your highness. It's inappropriate." Sagot ko sa kanya at ngumiting tagumpay ako dahil nakita ko sa kanyang itsura ang pagsimangot."Jeez, why can't you just be the one fated to me? If it's you, I'll marry you right away." Saad niya at biglang pinagdikit niya ang aming mga noo. "Though, I am still marrying you after this mess." Malambing na saad niya sa akin. "I wanted to kiss you so badly, but I will endure it. I will court you to your satisfaction." Saad niya at nagbigla naman ako nang hinalikan niya ako sa aking noo.Hindi ko nagawang magsalita dahil sa kanyang mga inakto. Hindi lang ako makapaniwala na may ganito siyang bahagi ng kanyang pagkatao. Hindi ko lubos maisip, kung anong klase siyang kasintahan. Magiging mas malala ba ang kanyang kalambingan o ito na iyon?Humiwalay na siya sa akin. "I'll go now. I'll be gone for a few days, be a good girl here sweetheart." He tapped my head like I am a little kid."A-alright." Naging tugon ko na naman sa kanya kaya mabilis siyang lumabas sa aking silid at sinundan ko na lamang siya ng tingin.•••LAHAT kami ay nasa labas at nakatingin sa pag-alis ng grupo nina Elijah. Kasama nito si Stefano at nasa mga sampong sentinels sa kanilang paglalakbay patungo sa Eleftheria.Tahimik akong nakamasid sa kanila at si Elijah naman ay pasimpleng tumingin sa akin pero hindi na niya ako kinausap pa. Wala si ate, hindi pa rin siya lumalabas sa kanyang kwarto, kahit alam na ng buong kaharian na aalis ang hari patungo sa Eleftheria. Kung saan ay pinamumugaran ito ng mga mababangis na nilalang.Ang tanging magagawa ko na lamang ay ang ipagdasal sila sa kanilang kaligtasan. Sana ay walang mangyaring masama sa kanilang paglalakbay. Sana ay mapagtagumpayan nila ang kailangan nilang gawin sa Eleftheria."Bakit ba kailangan ng mahal na hari na pumunta doon ng personal? Delikado ang lugar na iyon para sa lahat ng imortal." Naiiyak na saad ng katabi ko na na serbidora na hindi ko kilala ang pangalan."Importante daw kasi iyon kaya kailangan na personal na puntahan iyon ng mahal na hari." Sagot naman ng katabi nito.Totoo na importante ang pakay nila doon. Hindi iyon magagawa ng isang ordinaryong imortal. Si Elijah lang ang makakagawang pasukin ang isang bulkan."Ipagdasal na lang natin ang kanilang kaligtasan." Naiiyak pa rin na saad ng katabi ko."Were leaving." Saad ni Stefano sa lahat.Tahimik kaming nakatanaw sa kanila at napalunok ako nang tinapunan ako ng huling tingin ni Elijah bago nila pinatakbo ang mga kabayo nila palabas ng Palasyo.Napatakip ako sa aking bibig at ilong dahil sa alilabok na lumilipad ngayon sanhi ng mga kabayo. Nakatanaw kami sa kanila na papalayo hanggang sa hindi na namin sila naabot ng tanaw."Ginoong Ales!" Tawag naman sa akin ni Syn na ngayon ay papalapit na sila sa akin. Kasama nito si Angelica na tahimik."Bakit?" Mahinahong tanong ko sa kanya."Nagtataka lang po kami kung bakit hindi kayo sumama sa paglalakbay patungong Eleftheria?" Tanong nito sa akin. Napatingin din ang ibang mga serbidora sa akin. Siguro, ganoon talaga ang iniisip nila dahil dapat ay kasama ako sa mga paglalakbay ng hari, kahit saan lupalop iyan.Ngumiti naman ako kay Syn. "Hindi pumayag ang Hari na sumama ako. Masyado daw na delikado ang lugar." Sagot ko naman sa kanya.Nakita ko naman ang pagtataka sa kanilang mukha. "Hindi ko alam kung kailan pa naging mapag-alala ang hari sa mga nakakababa sa kanya." Puna naman ni Syn."Syn, tumigil ka." Sita naman ni Angelica ngayon, pinipigilan si Syn na magsalita."Totoo naman kasi." Nakangusong saad ni Syn."Bata pa kasi daw ako para sumama sa mga ganoon kadelikadong lakad." Paliwanag ko na lang sa kanila. Kahit hindi naman iyon ang dahilan. Ang dahilan ng pagiging bata ko ay hindi problema kay Elijah. Ako mismo ang iniisip niya.Nakita ko naman na sumangayon si Syn. "Kunsabagay po, mahirap nga kung isasama kayo."Parang sinabi na din nito na pabigat ako. Kahit hindi niya binanggit iyon, pero ganoon na rin ang dating sa akin. Pero di ko naman siya masisisi dahil yun naman ang katotohanan."Ibig niyang sabihin po ginoong Ales, mahirap mawalan ng isang magaling na manggagamot." Singit naman ni Angelica na sa palagay ko, ano man oras ay sasabunutan na niya si Syn.Tumango naman ako sa kanilang dalawa. Hindi naman iyon malaking bagay sa akin dahil totoo naman na magiging pabigat lang ako kung sasama ako. Hindi ako katulad ni Elijah na may kapangyarihan. Hindi ako katulad ni Stefano na kayang lumaban."Sige, babalik na ako sa silid pagamutan. Mauuna na ako sa inyong dalawa." Paalam ko naman sa kanila at tumalikod na ako. They are gone for a mission and that is to get the relic. Kahit isipin ko na kaya nila iyon, lalo na at wala na ang Basilisk, hindi ko pa rin mapigilan na kabahan para sa kanilang kaligtasan.Naglakad na ako patungo sa silid pagamutan dahil hindi pa ngayon oras ni Anisto sa pagtotoka. Hindi ko alam kung kailan sila babalik. Walang makakapagsabi.Narating ko naman ngayon ang silid pagamutan at ginawa ko na ang mga karaniwang ginagawa ko araw-araw. Mabilis lang iyon at hindi ko na namalayan na dalawang oras na pala ang nakalipas.May mga humingi naman sa akin ng mga gamot o kaya naman ay tonic para bumalik ang kanilang mga lakas. Sa itinagal nang panggagamot ko dito sa Palasyo, wala pa akong nagagamot na nilagnat lang. nagkakaroon lang ng lagnat ang mga panauhin dito kung may malalang komplikasyon katulad ng impeksyon.Iba sa tao, dahil masobraan ka lang sa stress ay lalagnatin ka na. Kunting ambon lang sisipunin ka na. There is really a huge gap with the immunity of mortals and immortals.Napasandal na lang ako sa upuan ng biglang pumasok naman si Anisto na tila nagmamadali. Napakunot noo ako dahil doon."Nakaalis na sila kamahalan?" Mabilis na tanong niya sa akin na ikipinagtaka ko."Oo, mga ilang oras na din nakalipas." Sagot ko kay Anisto at nagulat ako na napamura si Anisto dahil sa nalaman."May sasabihin ako sa iyo." Saad niya sa akin at tuluyan na siyang pumasok.Kinabahan naman ako sa posibleng sasabihin niya na pakiramdam ko ay sobrang importante.©️charmaineglorymaeAlessia's POVNAKATAYO ngayon si Anisto sa aking harapan at may inilapag itong isang bote ng gamot na gawa sa kristal. Naging pamilyar sa akin ang gamot na iyon at naalala ko na. Nakita ko ito na isa sa mga gamit na iniinom ni Elijah.Ang alam ko ang gamot na ito ay iniinom niya upang hindi nagwala ang kanyang kapangyarihan. Nagkaroon na noon ng insidente na kumawala ang kapangyarihan ni Elijah at muntikan nang nabura ang buong Valeria, o mas tamang sabihin na ang buong Wysteria. Pero matagal na panahon na daw iyon at parang naging isang alamat na lang.May mga panahon na hindi nakokontrol ni Elijah ang kanyang kapangyarihan at nakakaramdam siya ng sintomas kaya umiinom kaagad siya ng gamot upang kumalma siya at pati na rin ang kanyang kapangyarihan.Makapangyarihan siya, pero isang paghihirap din iyon ang kontrolin niya ang kanyang kapangyarihan, bago pa siya ang kontrolin nito."Ubos na ang gamot niya, Ales. Natatakot ako na ang misyon na ito ay magiging mitya upang magising ulit an
Alessia's POVHINDI ko na magawang magsalita pa. Nanahimik ako at nag-iisip ako kung tama ba itong ginagawa ko. Tama ba na masyado kong pinaniwala ang sarili ko na maaabutan namin sila Elijah. Alam ko sa simula't sapol ay malaki na ang tsansa na hindi namin sila maaabutan sa labas ng Eleftheria. Pero umasa pa rin ako, umasa na maaabutan sila.Pero sa sitwasyon na ito, mas malaki ang tsansa na nasa loob na sila at hindi namin sila maaabutan sa labas. Nagtatalo ang isipan ko. Kinakain ako ng takot, pero tinutulak din ako ng isipan ko na kailangan kong maibigay kay Elijah ang gamot. Hindi ko alam kung makakaya ko ba ito, namin ni Dustan pero pipilitin ko.Kahit kinakain ako ng takot, kung kinakailangan ay papasukin ko ang Eleftheria, maihatid lamang ang gamot kay Elijah.Patuloy lang ako sa pagmasid sa dinadaanan namin. Sa bawat metrong tinatakbo ng kabayo, mas bumibigat ang pakiramdam ko. Napapatingin na din si Sushi sa akin at nakikita ko sa kanyang mga mata na nag-aalala siya sa akin.
Alessia's POVHINDI ko alam kung ilang minuto nang tumatakbo si Sushi. Pero ramdam ko na balisa siya at mas binilisan niya ang kanyang takbo na tila may hinahabol siya at iniiwasan.Gusto ko man siyang tanungin kung meron ba siyang inaalala pero hindi ko ginawa. Nanatiling tahimik ako at nakikiramdam. Sa mga nagdaan mga minuto, unti-unti nang lumuluwag ang pakiramdam ko at nabawasan na ang takot ko.Siguro, kung wala si Sushi sa tabi ko, kanina pa ako inatake ng mga nilalang dito. Somehow, the forest beast recognize him as one of them that's why no one is attacking us.Medyo mas dumidilim na ang paligid at nakaramdam na rin ako ng pagod. Mas ramdam ko na rin ang pananakit ng aking likod pero natitiis ko pa naman iyon. Kailangan maabutan namin sila bago magdilim, dahil hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, kung maabutan ako dito nang mag-isa, kasama lang si Sushi.Nagulat na lamang ako nang biglang tumalon na si Sushi sa mga sanga ng kahoy kaya mas lalong kumapit ako sa kanya dah
Alessia's POVNAKASANDAL ako sa isang malaking kahoy habang abala naman ang mga sentinels sa pagsisiga at pag-iihaw ng hayop na kanilang nahuli. Naging madali sa kanila ang paghuli ng hayop dahil hindi ito dinadayo ng mga immortal kaya hindi sanay ang mga hayop na mabubuhay dito. Hindi ito tumatakbo tuwing nakakakita ng mga kagaya namin. They are even curious and moving closer to see us.Si Elijah naman ay abala sa paggawa ng tulugan. Gumagawa siya ng higaan gamit ang mga dahon na nakuha niya sa mga puno. Nakatingin lang ako sa kanila. Si Sushi naman ay bumalik na sa pagiging tuta niya."Ales." Nakangising bati sa akin ni Stefano na tapos na sa kanyang ginagawa. Gumawa din siya ng higaan para maging tulugan niya.Hindi ko na inabala na gumawa ng higaan, dahil kaya ko naman matulog kahit saan basta inaantok na ako."Mabuti at hindi ka nilamon ng mga nilalang kanina." Biro ko pa sa kanya kahit alam ko naman na kayang kaya nila ang mga iyon."Mas mabuti na hindi ikaw ang kinain." Balik b
Alessia's POVNATAPOS din ako sa pagbabawas at naging maingat ako dahil baka maapakan ko ang krimen na ginawa ko. Umalis ako doon sa pinagbawasan ko kahit wala naman akong nakikita."T-tapos na ako." Saad ko naman kahit hindi ko alam kung saan nakatayo si Elijah ngayon."I know." Biglang saad naman ni Elijah na nasa gilid ko na pala. Nagulat ako doon pero hindi naman ako nainis o naasar."U-umalis na tayo." Saad ko naman sa kanya kaya hinila na niya ako pabalik sa grupo.Ngayon ay maaliwalas na ang pakiramdam ko at hindi na kagaya kanina na masakit ang aking tiyan. Maybe, this will be my life in the next few days. Dapat hindi na rin ako mahihiya dahil parang wala lang naman ito sa kanila.Unlike with humans, pagnalaman nila na natatae ka, pagtatawanan ka pa. Kaya nakakahiya sabihin iyon. To them, it's natural and they don't find it funny kaya hindi na nakakahiya.Ngayon ko lang napagtanto, na nakakahiya lang ang isang bagay kung pagtatawanan ka ng mga nasa paligid mo. Doing a thing is
Alessia's POVNAGSIMULA nang umusad ang kabayo na sinasakyan namin ni Elijah pagkatapos ng usapin na iyon. Ngumunguya naman ako ngayon ng prutas na tinatawag nilang Soursop. Guyabano ito sa pagkakaalam ko pero tinatawang nilang Soursop dito. Hindi naman siya maasim na parang sampalok, it's sweet and juicy to be exact, though sometimes their is a bit distinctive sourness of the fruit but it taste delicious.Kumakain lang ako nun habang nakatingin ako sa unahan. Si Elijah naman ay maingat na denedepensahan niya ako sa kung ano man. Hindi kami nag-uusap dahil abala ako sa pagkain. Pero abala ang aking mga mata sa pagtingin sa paligid. Mas maaliwalas ang panahon ngayon, mukhang nawala yung makulimlim na ulap kaya nagiging normal na kagubatan tingnan ang Eleftheria. May kabilisan ang takbo ng kabayo, pero dahil hawak hawak ako ni Elijah, maayos pa rin akong nakakakain. Hindi ako natatakot na mahulog dahil malaki ang tiwala ko sa kanya na hindi niya ako hahayaan na mahulog.Naubos ko naman
Alessia's POVNAPAPASIMANGOT ako tuwing naaalala ko na inirapan ako ni Sushi at hindi pinapansin. Hindi ko akalain na marunong pala itong magtampo. Hindi ko na talaga siya naalala dahil sa dami ng mga nangyari. Inaalala ko na ang buhay ko kanina.Kaya hinayaan ko na kang muna si Sushi. Kung hindi na siya nagtatampo, alam ko na lalapit din yan sa akin.Napatingin ako sa itaas at nakikita ko ang tila walang hangganang bulkan ng Eleftheria. Wala na ang mga winged baboons, at nandito kami ngayon sa isang matarik na daan. Wala itong trail, at halatang hindi ito daanan na parte. Pero wala naman dumadaan dito kung iisipin ko."We will hike from here." Saad naman ni Elijah sa lahat at naramdaman ko naman ang bibig ni Elijah sa aking tenga. "Sweetheart, they are all watching you clinging to me." Bulong niya sa akin. Tsaka ko naman naalala kung ano ang posisyon namin dalawa na hindi pa nagbabago simula nang nagkahabulan kami ng mga baboons.I am still straddling him, until now. Nakaramdam ako n
Alessia's POVMAGTATANONG sana ako kung ano ang ikinagalit niya pero hindi ko na iyon nagawa pa dahil narinig ko na ang halakhak ni Stefano na pababa mula sa butas."Woooaaaahhhh!" Nakita ko na sila pababa. Hawak hawak niya si Sushi na naging tuta ngayon na hindi pa rin ako pinapansin.Agad silang lumapag at nakita ko na dala nila ang lahat ng mga unisus kasama ang kay Elijah.Agad silang nagsibabaan sa kanilang mga kabayo at ako naman ay tahimik lang at kinakabahan. Lumapit sila sa amin at hindi nakaligtas sa aking mga mata na tumingin ang mga bagong dating sa akin. Nakita ko ang gulat na lumarawan sa kanilang mga mata pero agad din naman iyon nawala at parang wala lang nangyari."We will walk from here." Saad naman ni Elijah na nagpasya nang magsalita. "And I would like to say a reminder, whatever you saw and discover from here, will remain a secret." Saad niya at agad ko naman nakuha ang kanyang ibig sabihin. He wanted to hide the fact that they already know that I am a girl."Masu