Mainit ang buga ng hangin sa school garden kung nasaan man ako. Sa pribadong espasyo ko na lang ng hardin na ito nararamdaman ang kaginhawaan sa sarili ko. Pakiramdam ko ay umaaliwalas lahat ng problemang gumugulo sa isip ko sa tuwing dito ko maiisipang magpalipas ng oras.
Bakante na ang oras ko magmula ngayon. Naghihintay na lang ako ng tamang oras upang makauwi at makapagpahinga na rin sa bahay. Katatapos lang ng exam namin kanina at natitiyak kong mapapagod na naman ako bukas dahil sa nakaambang selebrasyon para sa kaarawan ko.
Hindi ko maisipang magtampo sa mga kaibigan ko, lalong-lalo na kay Bryan. Bukas na ang pinakahihintay kong araw sa tanan ng buhay ko pero para bang hindi man lang nila naalala ang paulit-ulit kong paalala sa kanila.
Daglian kong sinikop ang mga imbitasyong hawak ko nang maramdaman ko ang malamig na pag-ihip ng hangin sa gawi ko. Hindi ko rin naman maiwasang mapapikit sa sarili upang maiwasan ang alikabok na umihip sa mukha ko dul
Hindi gano'n kalawak sa dati naming bahay ang bakuran ng bago naming bahay ngayon, kaya naman natitiyak ko rin na magiging kaunti lang ang bisitang dadalo sa kaarawan ko.Isang katok mula sa pintuan ang nagpabalik sa 'kin sa reyalidad. Isang mariing pagtitig sa repleksyon ng sarili ko sa salamin ang ginawa ko bago ngumiti at prenteng tumayo mula sa pagkakaupo sa harap nito.Pinanood ko ang kulot na buhok kong dumadampi sa pisngi ko sa tuwing gumagalaw ako. Hindi ko alam pero tila ba natutuwa ako sa ayos kong ito.Dahil nga sa masama ang pakiramdam ni Mama kanina ay si Manang na lang ang inutusan niyang ayusan ako para sa selebrasyon ko ngayon. Magmula sa pagtulong sa 'kin sa pagsuot ng gown ay si Manang ang inutusan niya.Bahagya rin akong nalungkot sa sarili ko sa tuwing maaalala ko ang pagtangging ginawa niya sa pag-alok ko sa kanya kanina. Tila ba kung magsalita siya ay para bang nauubusan siya ng pasensya sa pamimilit ko kanina.“Si
Bakit gano'n?Kung sino pa ang kailangan natin sa buhay, sila pa ang namamatay. Kung sino pa ang kinamumuhian nating makasama, sila pa ang natitira. Minsan ka na nga lang makaramdam ng alaga sa isang tao, mawawala pa.Hindi ko alam kung ano nga ba ang naging kasalanan ko sa Diyos. May nagawa ba akong mali at ganitong klase ng pagpaparusa ang ginagawa at ipinaparamdam niya sa 'kin?Naging mabuting anak naman ako sa kanya. Sinusunod ko lahat ng utos niya. Lahat ng nakalakip sa sampung inutos niya ay ginawa ko. Buong loob ko itong sinunod, pero bakit ganito?May karapatan ba akong magalit sa kanya dahil kinuha niya si Mama nang hindi ko man lang nakakasama ng matagal? Ano ba kasing mali ko at bakit niya ako pinarusahan ng ganito?Alam niyang si Mama lang ang takbuhan ko sa lahat ng bagay, pero bakit niya kinuha?Naging masama ba akong anak sa kanya?Bakit ako?Dahan-dahang pumatak ang luha sa mga mata ko habang pinagmamasdan ko an
Pinagmasdan ko siyang pumikit nang mariin sa harapan ko. Maging ang gulat ni Daddy sa likuran niya ay hindi nakatakas sa mga mata ko.“Ikakasal na kami ng Daddy mo,” aniya na ikinakunot ng noo ko.Gulat at nanggagalaiti akong lumingon kay Daddy na ngayon ay para bang nakahinga na nang maluwag mula sa sinabi ng babae niya.“Ano?” natatawa kong tanong na tila ba hindi makapaniwala sa sinabi niya.“Tama ang narinig mo, Hershey,” ngisi niyang sarkastiko na ikinapunit ng puso ko.Dagliang namuo ang luha sa gilid ng mga mata ko habang pinagmamasdan ko siyang nakangiti na tila ba demonyo sa harapan ko. Para bang tuwang-tuwa siya na nasasaktan ako ngayon sa harapan niya. Para bang nasisiyahan siya ngayong nakikita niya ang sakit na rumehistro sa mukha ko ngayon nang sandaling marinig ko ang sinabi niya.“Ikakasal na kami ng Daddy mo,” dagdag niya kasabay ng pagpapakita sa 'kin ng singsing na naka
Gaya ng inaasahan ng mga taong nasa paligid ko at gaya na rin nang nakagawian ng mga taong dumanas ng hinanakit ko ngayon, nagpatuloy ako sa buhay.Bryan requested it, gano'n din si Samuel. Kahit na palagi akong binibiro ni Yohan na sumuko na lang at sumunod kay Mama ay umaasa rin siya na magpapatuloy lang ako sa buhay ko. Kasama na rin sa mga taong nabanggit ko sa taas si Biguel.Sa katunayan nga ay si Biguel at si Bryan lang ang palaging sumusubaybay sa lahat ng kilos ko. Si Samuel ang laging nagpapalakas ng loob ko at nagsisilbing inspirasyon ko, habang si Yohan naman ang nagpapasaya sa 'kin sa tuwing makakaramdam ako ng lungkot sa sarili ko.Alam mo ba 'yung pakiramdam na makakaramdam ka ng habag sa sarili mo? Pakiramdam mo ay nakakaawa ka sa mga mata ng iba. Naaawa ako para sa sarili ko dahil pakiramdam ko ay ako na lang ang mag-isang lumalaban sa buhay.Wala na akong katuwang katulad ng dati.Wala na akong kasama katulad ng dati.
Tahimik lang akong nagta-type ng reports sa laptop nang bigla ko na lang maramdaman ang presensya ng isang taong dumungaw sa ginagawa ko mula sa likuran ng kinauupuan ko.Hindi ko alam kung para saan nga ba ang weekends kung maraming pinapadalang works sa bahay niyo. Family day? Baka araw ng paggagalugad sa mga pending activities ang weekends.“Reports?” tanong ni Tita Hyacinth na inirapan ko at hindi ko na sinagot. “Is it about law? I can help you, Hershey.”“Leave me alone. Hindi kita kailangan,” bugaw ko sa kanya na alam kong ikinatigil niya.“i want to help you, Anak—”Nang dahil sa iritasyon ay matalim ko na siyang binalingan ng tingin na ikinangiti niya.Kung makakilos siya ngayon sa harapan ko ay para bang wala siyang kasalanan sa 'kin. Hindi porque kasal na sila sa papel ni Daddy ay may karapatan na siyang makialam sa buhay ko. Ni wala nga siyang karapatang tumapak sa proper
Nakaugalian ko na ang tumambay sa garden, lalo na at ako lang naman ang mag-isang lumalaban sa buhay. Marami naman akong nagiging kaibigan sa klase, pero masasabi kong sila Yohan, Samuel, Bryan at si Biguel lang ang tinuturing kong totoo. Sila lang ang mga taong handang makinig sa 'kin sa tuwing may kailangan at may problema ako. Sila lang din ang kaisa-isang tanong nakaintindi sa ugali ko kaya naman hindi ko mapigilang magpasalamat sa Diyos dahil sila ang grupo ng lalaking ibinigay niya sa 'kin.Pasado alas otso ng umaga nang maisipan kong tumambay sa school garden upang doon tapusin ang mga requirements na kailangan kong ipasa mamayang ala una ng tanghali.Tahimik lang akong nakaupo sa upuan na gawa sa bato nang hindi ko inaasahang dumilim ang paningin ko habang nagsusulat sa libro. Dahan-dahan akong nag-angat ng tingin sa taong nakatayo na ngayon sa harapam ko at tila ba hinaharangan ang liwanag na nagmumula sa sinag ng araw na ginagamit ko upang makita ang sinusula
Kulang pa ang isang kabanata kung mabibigyan man ako ng pagkakataong isalaysay ang lahat ng nangyari sa buhay ko.Mabilis na lumipas ang panahon. Simula nang mangyari ang gulong iyon ay nagkaroon kami ng pagkakataong magkaayos at linawin ang lahat sa pagitan naming tatlo nila Bryan. Nung una ay hindi niya pa kadaling napatawad si Bryan kaya naman inabot pa si Bryan ng ilang linggo para lang muling makipag-ayos sa kanya. Pagkatapos ng ilang linggong iyon ay binigyan niya rin ng pagkakataon si Bryan na manligaw sa kanya na lihim naming ipinagpasalamat.Ilang linggo na rin ang nakalipas simula nang matapos ang school year na ito. Finally, graduated na rin ako sa pagiging senior high student at may chance na rin ako kahit papaano na tahakin ang landas na gugustuhin ko.Hindi naging madali para sa 'kin ang dalawag taong pangungulila kila Yohan, Samuel, Bryan, Giselle at kay Sofia na ngayon ay college students na. Hindi ko rin naman maiwasang lihim na mainggit sa kani
Nakatingala kong pinagmasdan ang mga dahon na unti-unting bumabagsak sa lupa. Ngayon ang ika-walo ng Agosto, at ngayon din mismo ang kaarawan ko.Maraming dumalo, at gaya nga ng inaasahan ay puro na naman matatanda at kasamahan sa trabaho nila Daddy ang bisita sa garden. Hindi na rin naman ako nag-abalang imbitahan ang mga kaibigan ko sa simpleng pagdiriwang na ito dahil ayokong makita nila ang kasamaan na dumadaloy sa dugo ko.Oo, may plano ako para sa kanya at ayoko namang ipakita sa mga kaibigan ko ang plano kong iyon. Ayokong makita nila ang tunay kong ugali dahil natatakot akong mahusgahan ng mga taong nasa paligid ko. Natatakot akong maiwanan, natatakot akong masaktan nang walang makakapitan.Simple lang ang selebrasyong hiningi ko kay Daddy na inaprubahan niya rin naman 'di kalaunan. Si Tita Hyacinth ay naging mapilit kahit na papaano. Wala rin naman siyang nagawa kapag ipinilit ko sa sarili kong ayoko sa mga plano niya.“Ta-te?” ani ng