It's My Day, Happy Birthday!

It's My Day, Happy Birthday!

By:  cuttie.psyche  Completed
Language: English_tagalog
goodnovel16goodnovel
10
3 ratings
57Chapters
3.2Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
Leave your review on App

Celebrating your birthday means you acknowledge your existence as a human here on earth. But what if your special day in life turns into nightmare that haunts you forever? What would you do? Kimberly Jade Quesada loves to celebrate her birthday every year eversince she was a child. Lahat halos ng gusto niyang regalo ay nakukuha niya magmula sa mga damit, gadgets at kahit na ang presensya ng kanyang mga magulang na abala sa trabaho ay nagagawa siyang paglaanan ng oras sa kanyang kaarawan. Ito ang petsa na palagi niyang inaabangan kada taon kung saan nakukuha niya ang lahat at nararamdaman niya ang pagmamahal ng mga taong nakapalibot sa kanya. Pero paano kung ang mismong petsa na minamahal-mahal niya ay unti-unting maglaho at mapalitan ng pagkamuhi at pagkasuklam? Anong gagawin niya? "No matter how many times we argue, I still think that you are the best and will always be the greatest mom here on earth," saad ko kasabay ng pagdausdos ng luha sa gilid ng mga mata ko. "Open your eyes for me, Hyacinth. Mama, hayaan mo naman akong makabawi sayo," pakiusap ko pa habang nakayapos sa malamig at nababahiran ng dugo niyang katawan. She loves to celebrate birthdays not until binawi ng langit ang dalawang regalong ibinigay sa kanya.

View More
It's My Day, Happy Birthday! Novels Online Free PDF Download

Latest chapter

Interesting books of the same period

Comments

user avatar
Ychin Remaxia
nice one so beautiful story
2021-11-11 13:15:38
1
user avatar
Dyren Sigaton
⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐⭐
2021-07-12 09:11:48
1
user avatar
omo
i like the plot but i cant open the lock chapters ..
2021-07-11 21:40:28
1
57 Chapters

Chapter 1

NAKATIRIK ang araw sa labas ngunit hindi ito ang naging dahilan upang pigilan ang mga batang kasing-edad ko na naglalaro sa labas kasama ng mga kapwa nila bata.Hindi ko alam pero naiinggit ako sa ginagawa nila. Sa bawat paghahabulan nila ay para bang kating-kati ang mga paa ko na sumali at makiisa sa paglalaro nilang lahat. Bakas sa mukha nila ang saya habang abala sa paghahabulan at tawanan— bagay na ni minsan ay hindi ko man lang naranasan sa tanan ng buhay ko.Sa edad kong anim na taong gulang ay hindi ko man lang nagawang maranasan ang bagay na pinapangarap din ng mga bata sa ganitong edad na gaya ko— ang makipaglaro at magkaroon ng simpleng araw katulad ng isang normal na bata.Wala na sigurong mas sasaya pa sa paglalaro. Wala kang ibang gagawin kung hindi ang maglaro maghapon at uuwi lang upang kumain at matulog. Wala kang ibang gagawin kung hindi ang sisihin ang mga kalaro mo kung bakit kayo natalo sa pustahan. Wala kayong ibang po-problemahin kung hindi an
Read more

Chapter 2

PINALAKI ako ng mga magulang ko nang may takot sa Diyos at iyon ang pinanghahawakan ko hanggang sa ngayon at tiyak kong dadalhin ko rin hanggang sa dulo ng buhay ko.Wala na sigurong mas sasaya pa kundi ang paglapit at pagsamba sa kanya, hindi ba? Wala nang mas sasaya pa kung maniniwala ka sa kapangyarihan niya. Wala kang ibang gagawin kung hindi ang maniwala at kumilos upang matupad ang bagay na lihim mong ginu-gusto at pinapangarap. Nasa kanya ang desisyon at nasa iyo naman ang gawa. Magagawa niya namang ibigay sayo ang lahat kung maniniwala ka sa kapangyarihan niya. Alam niya rin ang mga bagay na ikabubuti mo at hindi mo rin naman kailangang magalit sa kanya kung sakaling hindi niya maibigay sayo ang lahat dahil sa umpisa pa lang, kung nararapat para sa iyo ang isang bagay ay ibibigay niya ito sayo ng walang pag-aalinlangan.Maraming mga bata ang napa-pariwara ang buhay ngayon at ang kalimitang dahilan nito ay ang hindi man lang paglapit sa kanya. Isa na sa mga rason
Read more

Chapter 3

NAGDAGSAAN ang mga taong isa-isa at magkakasamang pumapasok sa loob ng simbahan upang maghanap ng mauupuan. Wala na nga halos kaming makitang bakanteng upuan na mauupuan dahil gaya nga ng sinabi ko kanina ay maraming dumalo sa pagpapasalamat para sa kapistahan.Isa ang bayan namin sa may pinakamalaking populasyon sa buong lalawigan kaya naman ang makitang ganito karami ang dumagsang tao upang makiisa sa pagpapasalamat ay talaga namang nakakagulat at nakakataba ng puso.Dito mo makikita kung sino nga ba ang tunay na nagpapasalamat. Idinadaan nila sa kilos ang pasasalamat hindi katulad sa ibang tao na puro pasalamat na nga lang sa salita ngunit mararamdaman mo sa mga tono nila na napipilitan lang sila sa mga salitang ibnubuka ng bibig nila.Tama bang makaramdam ng pagpipilit sa pasasalamat sa Diyos? Hindi angkop ang kilos na ito kung ganito lang din naman ang naiisip at nararamdaman mo sa tuwing makakausap mo siya sa pamamagitan ng isip.Lahat halos ng mga tao
Read more

Chapter 4

"JONAS," matamis niyang ngiti kasabay ng pagbaling niya ng tango kay Mama.Sa paraan ng pagtingin niya ay para bang may mga salita siyang ibinibigkas sa isip nito at mukha namang nakukuha ni Mama dahil panay siya sa pagtango. Tila ba isang pasahan ng pribadong mensahe sa utak at ayaw na iparinig sa akin.Tila ba pinaghalong adorasyon at pagkasabik ang nakita ko sa mga mata nito nang bumaling siya ng tingin sa 'kin at masuri akong pinagmasdan magmula ulo hanggang paa. Mukha naman siyang natutuwa sa presensya ko rito sa harap nilang tatlo kaya naman hindi ko maiwasang mangamba.Sa itsura kasi ng mga galaw nila Mama ay para bang pumapayag silang tatlo at abala sa diskusyon kung paano akong ibibigay sa panibagong tao na nasa harapan ko ngayon. Dahil sa pagkailang at pagkagulat ay para bang ginusto ko na lang na tumakbo palayo kaya naman hindi ko naiwasang mapaatras sa pagkakatayo. Napansin niya ang mumunti kong kilos kaya naman nang bumaling siya sa akin ay dito na ako
Read more

Chapter 5

NANGAKO siya na babawi siya sa mga pagkukulang niya kahit na kalahati sa pagkatao ko ang nagsasabing wala naman siyang pagkukulang sa akin. Kung kailan ko ipinapaliwanag sa kanya na hindi ko kailangan lahat ng pagbawi na sinasabi niya ay siya namang ikinakatigas ng ulo niya. Ang ibig ko lang namang sabihin ay sa halip na humanap siya ng ibang mapagkaka-abalahan ay sa akin natutuon ang atensyon niya.Nararamdaman ko iyon dahil hindi lang naman ako ang tao sa bahay. Hindi lang naman ako ang nakakaramdam ng bagay na iyon dahil alam kong maski si Mama ay nararamdaman na ang pagbawi na paulit-ulit na ipinapangako sa akin ni Tita Hyacinth.Yes, Tita Hyacinth. Magmula nang sinabi niyang babawi siya at magmula nang napapadalas ang pagtungo niya sa bahay upang kamustahin ako ay nasanay na ako sa presensya niya at pagtawag sa pangalan niya. Naging close kami, oo at nararamdaman ko iyon. Lahat ng bagay na mayroon siya ay mayroon din ako. Magmula sa mga sapatos at damit
Read more

Chapter 6

Normal lang ba na kapatid ang turing mo sa asawa mo? Normal lang ba na kapatid ang ituring mo sa lalaking nagharap sa 'yo sa simbahan kasama niya? Tama bang ituring na kapatid ang taong kasama mo sa lahat ng mga pangakong binitiwan mo sa harap mismo ng Diyos na kung saan ay naging saksi sa sumpaan niyong dalawa? Normal lang ba na kapatid ang turing mo sa lalaking kasama mo sa iisang bahay at may anak na kayong dalawa?  Kapatid ang turing niya kay Daddy, pero mag-asawa silang dalawa. Ang gulo, hindi ba? Dahil nga sa medyo bata pa sa mga ganitong klase ng usapan ay sa halip na pagtuunan pa iyon ng pansin ay malaya na lamang akong napapikit at dinama ang mga mahihinang tapik ni Mama sa hita ko. Sa isang madilim na mundo, si Mama lang ang nagiging kakampi ko sa lahat ng bagay. Siya lang rin ang kaisa-isang taong sumusuporta at walang sawang nakikinig sa akin sa tuwing makaka-encounter ako ng mga problema. 'Yung tipong kahit na wala naman siya
Read more

Chapter 7

SI Mama ang naghatid sa akin sa klase gamit ang kotse niya. Kahit na anong pilit ko kay Daddy na kahit pumasok man lang pansamantala sa loob ng klase ay hindi niya magawa. Depensa niya ay nakatambak daw ang paper works niya at medyo late na rin siya para sa unang araw niya ng trabaho para sa buwang ito.Subukin mang magboluntaryo ni Tita Hyacinth upang kahit na papaano ay mapagaan man lang ang loob ko, pero sa halip na natuwa ako sa gusto niyang mangyari ay nauwi lang ito sa pagkairita ko.Isang instant rejection ang ginawa ko sa kanya kaya naman nakatanggap pa ako ng lectures kay Daddy sa kung paano ko raw ba matututunang rumespeto sa nakakatanda.Hindi ko alam na nakakabastos na pala ang rejection ngayon. Totoo ba?Ang rejection ay para rin naman sa kabutihan mo, 'di ba?Para saan nga ba ang rejections?Oo, alam ko na hindi nakakatuwa ang rejections sa buhay pero rejection rin naman ang nagiging daan upang matuto tayo sa mga m
Read more

Chapter 8

May bago ba?Hindi na rin naman ito ang unang pagkakataon na sinigawan ako ni Tita Hyacinth nang dahil sa pangungulit ko tungkol kay Mama. Yes, we are in good terms pero tama ba ang sigawan at ipahiya ako sa harap ng maraming tao? Mas lalo lamang umalburoto ang inis ko sa kanya nang dahil sa ginawa niyang paninigaw at pamamahiya sa 'kin sa harap ng maraming tao.Ni wala nga siyang karapatang taasan ako ng boses kasi nung una pa lang, wala na talaga siyang karapatan sa akin. Si Daddy lang naman ang pilit na isinisiksik sa akin ang babaeng hindi ko naman gaanong kilala o mas tama bang sabihin na ang babaeng magiging dahilan kung bakit masisira ang pamilyang pinapangarap ko ngayon.Masaya ang pamilya ko. Masaya ang pagsasama ni Mama at ni Daddy. Masaya ako sa tuwing nagkakatuwaan kaming tatlo at mas lalong sumasaya ako sa tuwing makikita ko silang dalawa na nagkakatuwaan. Masaya ako hindi dahil sa scripted lang ang mga tawa at hagikgik na ipinaparinig
Read more

Chapter 9

NAGING maingay sa biyahe si Tita Hyacinth. Kung gaano kadalang ang pagsasalita ko ay siya namang ikinasigla niya sa pagkukwento.Marami siyang ikinukwento sa aming dalawa ni Daddy, pero dahil nga sa nangyaring sagutan namin kanina sa parking lot ay hindi ako naging updated sa kung ano man ang ikinatatalak niya.Panay siya sa pagkwento sa mga bagay na hindi ako interesado. Panay siya sa pagtawa sa mga biro na alam niyang hindi ko man lang naiintindihan. Minsan nga ay naiisip ko kung sinasadya niya nga ba talaga ang pagkwento at pagsasalita sa mga bagay na alam niyang hindi ko maiintindihan o sadyang wala lang talaga siyang alam na hindi ako interesado sa mga ikinukwento niya?Bahala siya. Silang dalawa na lang ni Daddy ang magkwentuhan sa mga bagay na wala akong kaalam-alam. Tutal ay magkasing-edad naman silang dalawa, mas mabuti pa nga  kung sila na lang ang magkaintindihan dahil mukhang magka-ugali pa silang dalawa.Goal niya rin naman yata ang mapa
Read more

Chapter 10

Naging mabilis ang pagtakbo ng panahon sa mga nagdaang araw sa buhay ko.Pagkatapos ng pribadong pag-uusap sa isang kwarto ng mga magulang ko at ni Tita Hyacinth ay naging maayos naman ang lahat lalo na nang matapos sila sa kung ano mang pinagkasunduan nila. Hindi ko rin naman nagawang makinig sa usapan nila dahil si Mama na rin mismo ang nag-utos na lumayo ako pansamantala sa kung nasaan man sila at humingi ng permiso sa akin na hayaan silang mag-usap nang silang tatlo lang.Hindi naman masyadong halata na ayaw nila akong isali sa kung anumang usapan nila kaya naman sa halip na mamilit ay hinayaan ko na lang din sila.Importante rin naman ang privacy ng isang tao at naiintindihan ko naman na wala pa akong karapatang sumabat sa usapan ng matatanda lalo na kung sa usapan ng ibang taong hindi ko naman gaanong kakilala.Pagkatapos ng usapan nilang iyon ay hindi na muling nagpakita si Tita Hyacinth sa bahay. Hindi ko rin naman nagawang kumustahin ang kalagaya
Read more
DMCA.com Protection Status