HINDI pa sumisikat ang araw ay dilat na ang mga mata ko. Ito na! Lunes na agad. Ang saya-saya ko lang.
Mabilis akong bumangon mula sa aking kinahihigaan at dali-daling nagpuntang banyo na nandito lang din naman sa loob ng kwarto. Naghilamos muna ako bago nagsepilyo.
Balak ko na rin na maligo ng maaga. Wala lang, gusto ko lang na umaga palang ay malinis at mabango na ako.
"Excited kana ba baby? Kasi ako? Sobrang excited na haha. Makikita ulit natin ngayon ang daddy mo. Makakasama pero baka sandali lang. Kailangan niya pa rin kasing alagaan at bantayan muna ang tita Angel mo. Pero huwag kang mag-alala. Susulitin natin ang mga segundo, minuto at oras na kasama natin ang daddy mo. Okay?" pagkausap ko sa maliit na umbok ng tiyan ko sa harap ng salamin.
Nakangiti naman ako dahil pakiramdam ko ay wala nang ibang emosyon ang nararamdaman ng puso ko ngayon kung hindi lang puro kasiyahan at kasabikan.
Mabilis kong hinablot ang
MALAPIT na mag-alauna ay wala pa ring Jolo'ng dumadating dito sa penthouse ni Lawrence. Kanina pa siya natapos sa virtual meeting niya at hangga't ngayon ay wala pa rin siyang narereceive na tawag o text mula sa boss niya.Hindi ko alam kung naging busy ba talaga bigla si Jolo at hindi na niya magawang magparamdam pa. Na kahit sa secretary niya ay nakalimutan niya ring mag-abiso."Hey, Shella. Are you okay?" agad akong napalingon sa pintuan ng kusina nang marinig ang boses ni Lawrence.Inalis ko sa pangangalumbaba ang kamay ko at ibinaba ito. Marahas rin akong nagpakawala ng isang malalim na buntong-hininga.Hindi ko alam kung anong sasabihin ko kay Lawrence. Iyong bang totoo o magkukunyari nalang ako na ayos lang ako kahit na sa loob-loob ko ay gusto ko nang suntukin sa pagmumukha si Jolo sa oras na makita ko ito."Ayos lang ako-""I know you are not. Ikaw naman Shella, hindi mo kailangang maglihim sa akin. So
AGAD akong napabalikwas ng bangon nang makitang madilim na sa labas. Hindi ko namalayan ang oras. Gaano na ba ako katagal natutulog?Masakit man ang ulo gawa nang biglaang pagbangon ay hindi ko na iyon inisip pa. Baka kasi nandyan na sa labas si Jolo at nahihiya lang na gisingin o ipagising ako. Agad tuloy akong nakaramdam ng pananabik.Hindi man lang naman kasi ako ginising ni Lawrence. Nasayang tuloy ang ilang oras na sana ay nakapag-usap pa kami o hindi kaya'y nakapagbonding man lang kahit papaano ni Jolo.Pupungas-pungas akong tumayo at agad nagpunta sa pintuan ng kwarto. Mabilis ko ring pinihit ang doorknob at agad na lumabas dito.Inikot ko ang aking mga mata sa kabuuan ng penthouse ni Lawrence. Hinahanap ng mga mata ko si Jolo.Pero ganoon na lamang ang pagkakabagsak ng mga balikat ko nang tanging si Lawrence lang ang mamataan kong nanonood ng telebisyon sa sala. Siya lang mag-isa. Nasaan si Jolo?"
LUMIPAS na nga ang ilang araw ay walang Jolo ang dumating sa penthouse ni Lawrence. At sa tuwing mapapansin niyang napapatulala ako ay agad na gumagawa ng paraan si Lawrence para makuha ang atensyon ko."Hey Shella, are you okay?" napabaling ang mga mata ko nang marinig ang boses ng binata.Kasalukuyan kasing nakaupo ako sa harap ng telebisyon ngunit ang pokus ay wala sa pinapanood. Parang hinahayaan ko lang na marinig ng kanan kong tenga ang sinasabi ng palabas at hahayaan ulit itong lumabas sa kaliwa nang hindi man lang iniintindi ito."Shella?" isang beses niya pa ulit na tawag sa pangalan ko. Tipid lamang akong ngumiti at umusog ng kaunti sa kinauupuan. Na para bang sinasabi ko na tabihan ako ni Lawrence sa pagkakaupo.Tila naintindihan naman niya ang gusto kong ipahiwatig dahil agad na itong naupo sa tabi ko. "Okay ka lang ba?" siya ulit ang nagtanong.Dahan-dahan akong tumango na para bang iyon na ang pin
"LAWRENCE, aalis kana?"Halos nagkukumahog ako sa paglalakad nang makitang nakabihis na at handa nang lumarga si Lawrence. Nakasukbit na rin ang kanyang bag at may hawak pang ilang mga folder."Oo eh, biglaan kasi. May dumating daw na investor. Kailangan kong harapin since hanggang ngayon hindi pa ulit nakakabalik ng opisina si sir Jolo," agap nitong saad habang hindi magkandaugaga sa pagsusuot ng kanyang sapatos.Ako nalang tuloy ang nagmagandang loob na yumuko at isuot iyon sa paa ng binata. Agad naman itong ngumiti ng tipid at nagpasalamat."Pasensya kana Shella ha. Hindi kita masasabayan kumain," pagpapaumanhin nito kaya naman tinapunan ko ito ng isang tingin na hindi makapaniwala.Ayos lang naman sa akin. Siguro magiging tahimik lang ang mangyayaring pagkain ko mamaya pero maigi na iyon 'no kaysa naman piliin ako ni Lawrence kaysa sa trabaho niya. Magiging abala pa ako."Hindi oy ayos lang. Sige na, bilisan
"HELLO, Lawrence? Yes, please guide the investor accordingly. Hindi pa rin pala ako makakaabot dyan sa opisina. Angel really would not let me to leave by her side. Ikaw na muna ang bahala dyan. I know you can do this job perfectly."Hinintay ko lamang na sumagot si Lawrence sa mga sinabi ko bago ko tuluyang binaba ang tawag. Napapailing akong lumingon habang ibinabalik sa loob ng bulsa ko ang aking cellphone."Oh see? Pwedeng-pwede mo naman palang iutos nalang kay Lawrence ang mga trabaho mo eh. Hindi ka na nawala sa paningin ko, hindi mo pa ako magagawang lokohin o iwan-""Can you please just fuck it off, Angel? Lagi nalang na iyan ang bukambibig mo. Hindi ka ba nagsasawa?" walang kapaga-pag asa kong saad sa kanya at bagsak ang mga balikat na umupo sa isang malapit na upuan.Nasstress na ako dito. I don't know kung dahil ba iyon sa kasama ko kasi si Angel o dahil sa ideyang naiisip ko na para na akong nasasakal. I can't do the things I really wanted to d
SHELLA POVTAPOS na ako magluto para sa pananghalian pero ngayon naman na nakikita ko nang nakahain ang mga pagkain na niluto ko ay parang ayoko namang kainin ang mga ito. Na tila ba gusto ko lang silang titigan.Hindi ako nakakaramdam ng gutom dahil kanina ay puro tikim na ang ginagawa ko habang nagluluto. May timpla kasing hinahanap ang dila ko. At ilang beses akong nagdagdag ng tubig, asin o hindi naman ay asukal."Ano na Shella? Kakain ka ba o ano?" pagkausap ko sa aking sarili habang napapabuntong hininga pa nang malalim.Hinawakan ko at hinimas pa ang aking tiyan ngunit wala talaga akong nararamdamang gutom. Siguro kasi wala akong gana kumain dahil mag-isa lang ako sa penthouse ngayon ni Lawrence. Ganoon nga kaya?Ano kayang magandang gawin? Masyado naman akong magiging abala sa binata kung pababalikin ko pa siya dito dahil lang sa wala akong gana kumain mag-isa."Ah alam ko na! Ako nalang ang pupunta doon sa opisina
SHELLA POV"SINO iyong kausap mo? Si Jolo ba?" agap kong tanong nang makitang binababa na ni Lawrence ang kanyang telepono. Agad naman itong tumango habang may pilyong ngiti sa labi."Excited kana bang makita si sir Jolo?" tila nang aasar nitong tanong sa akin. Pinangunutan ko lang ito ng noo kasabay ng mabilis na iling."Hindi 'no!" mabilis na tanggi ko. "...pagtapos niya akong hindi siputin ilang beses na sa penthouse mo. Lahat ng excitement na nararamdaman ko ay nawala na. Inanod na yata kasama ng sama ng loob ko sa kanya," usal ko sabay marahas na sandok sa pagkain sa harapan namin.Napapangiti lang naman si Lawrence habang nakikisandok na rin sa niluto kong pagkain. Ilang subo na rin ang nagagawa ko ay wala namang Jolo'ng dumadating dito sa palapag na ito.Lumipas na rin ang ilang minuto at halos patapos na kaming kumain ni Lawrence ay hindi pa rin dumadating ang binata. Ano na naman kaya ang magiging dahilan ng u
"KAMUSTA naman si Angel ngayon?" tanong ko nang matapos magpaliwanag si Jolo kung bakit ilang beses siyang hindi nakakapunta sa penthouse ni Lawrence.Narinig ko ang isang marahas at malalim na buntong hininga ng binata kung kaya naman ay agad nabaling dito ang buong atensyon ko."Angel was being over controlling. Na para bang gusto niya ay sa kanya nalang umikot ang mundo ko. I can't do that! I have my company to take care of at hindi lang siya. Pati nga ikaw Shella ay napapabayaan ko na at aminado akong ang gago ko sa parteng iyon," wika nito at halata ang frustration sa kanyang boses.Napatikhim na lamang ako dahil hindi ko rin naman alam ang dapat kong sabihin. Gusto kong makatulong pero paano?"Gusto mo ba umuwi nalang muna ako ng Baguio-""No!" mabilis na tutol ni Jolo sa mga sasabihin ko. "...mas lalo kong hindi mapagtitiisan itong problemang kinakaharap ko kung mawawala ka din sa paningin ko, Shella. &nbs