HINDI ko na alam kung anong mga gamit ang isinilid ko sa maliit na bag na nahablot ko kanina. Nagmamadali akong nagbihis habang tuloy-tuloy pa rin ang pagdaloy ng masaganang luha sa mga mata ko.
Hindi ako mapakali. Pakiramdam ko ay nahihirapan ako huminga sa bawat pagdaan ng oras. Nanghihina ako at parang gusto ko nalang hayaan ang katawan kong matumba at umiyak nang umiyak."Shella apo, tatagan mo ang loob mo. Huwag mong kalimutan na nandito lang kaming pamilya mo-""Hindi, 'nay Leoning. Hindi patay si Jolo. Hindi patay ang asawa ko. Magkikita pa kami... magkakasama pa kami..." saad ko habang umiiling-iling.Mabilis akong niyakap ni nanay Leoning kasabay ng paghaplos niya sa likod ko. Ngunit imbes na gumaan ang loob ko ay lalo lang akong pumalahaw ng iyak.Hindi ko na kayang magkunyari pa. Nasasaktan ako nang sobra-sobra at hindi ko na alam kung paano ko pa patitigilin ang sarili sa matinding pag-iyak.Agad kong tinuyo angJOLO POVKUNOT na kunot ang noo kong hinabol ng tingin si Shella na ngayon ay palayo na nang palayo sa akin.Hindi ko alam at hindi ko maintindihan kung ano iyong mga pinagsasasabi niya kanina. Bantayan ko daw sila ni Miracle kahit hindi ko na sila makakasama like what the fuck right? I am fucking alive and breathing fine.Inubos ko na muna ang kape na binili ko bago ko napagdesisyunang sumunod kay Shella. Hindi naman siguro iyon aalis at pupunta kung saan. I know that she was just roaming around the area.I was about to pull the doorknob of the door when it suddenly opened. Si Rusty na nakahawak sa kanyang pisngi ang iniluwa noon."What the hell Domingo? Ano na namang kabaliwan ang ginawa mo?" naniningkit ang mga matang tanong ko sa kaibigan.Rusty just smiled awkwardly that makes my doubt even worst. Siguro ay may kinalaman ito
NAUNA nang pumasok sila lola Tatiana at Shella sa loob ng kwarto ni auntie Lydia. Hanggang ngayon ay nagdadalawang-isip pa rin ako kung susunod ba ako rito o babalik nalang sa kwarto kung saan naiwan sila Rusty. I am longing to my daughter, parang mas gusto ko nang umuwi nalang ngayon kaysa makipag-usap sa taong ayoko nang makita pa at pag-aksayahan ng oras. I was about to walk away from the door of auntie Lydia's room when it suddenly opened, halos mapako ako sa kinatatayuan ko nang makitang ang iniluwa noon ay ang asawa kong naniningkit ang mga matang nakatitig sa akin. "At saan mo balak pumunta Mr. John Louis Raymundo? Hindi ba't sinabi mo kay nanay Tasing na sasamahan mo siyang makipag-usap sa tiyahin mo? Aba'y ilang minuto na kaming nandito sa loob ay wala ka pa rin. Tapos ngayon mahuhuli pa kitang aalis-""I'm not going anywhere, pupuntahan ko lang sana sila Rusty-""At bakit?!" nanlaki ang mga mata ko nang biglang tumaas ang boses ni Shella at mas lalo lang naningkit ang mga
"GO honey, give the flowers now to your lola Lydia and don't forget to kiss her," nakangiti kong utos sa anak namin ni Shella na si Miracle. Agad nga itong tumalima at masayang naglakad kasabay pa na kaunting pagtalon-talon papunta kay auntie Lydia. "Mukha kang masaya ah, may nangyari bang maganda?" napalingon ako sa tabi ko nang marinig ang tanong ni Shella. Mabilis akong tumango at niyakap ito nang sobrang higpit ngunit may kasama pa ring pag-iingat. "You don't have to ask me that, love. Makasama lang kita palagi, sapat na'ng dahilan iyon para maging masaya. And also aside from that... dumating na pala ang mga wedding invitations na ipamimigay natin sa mga guest, aren't you excited about that? Hindi ba't personal choice mo ang piniling template doon?" tanong ko rito habang sinusulyapan ang kanyang mga mata. Agad na sumilay ang isang matamis na ngiti sa labi ko nang makita kong ngumuso si Shella. She's been doing that for almost a week now! Hindi ko alam kung dahil ba sa sinabiha
“ANO na naman bang hindi mo maintindihan sa sinabi ko? I said I want the whole new report about sa sales natin last month! About sa sinasabi n’yong palpak na bagong launch! Akin na! Give it to me-”“Sir hindi pa raw po tapos ng Audit team. Ibibigay ko nalang po sa inyo agad as soon as possible pag natapos na po nila. Late nyo lang po kasi nasabi na gusto nyo po pala makita-”“Is it my fault? Kasalanan ko bang hingiin ‘yong report? It should be done anytime lalo na’t last month pa ‘yon ano ka ba naman Lawrence!” nanggigil na sigaw ni Jolo sabay hagis ng mga papel sa harapan niya.“Call the Audit team! Lahat sila papalayasin ko pag hindi naibigay sa akin ang report within thirty minutes!”Nagkukumahog namang sumunod ang sekretarya niyang si Lawrence. He is John Louis Raymundo, at mas gusto niyang tawagin siya sa kanyang nickname na Jolo dahil para sa kaniya, masyadong pambabae ang panga
“YES hello? Lawrence I already told you earlier, don’t call me because I will call you. Oo, mamaya. Right after makarating ako sa location, tatawagan pa kita. Daig mo pa si Angel kung mag-alala.” Hindi na niya hinintay makasagot ang sekretarya sa kabilang linya dahil agad na niyang ibinaba ang tawag. Nakakatatlong tawag na ito magmula nang umalis siya sa opisina para mag-isang bumyahe papuntang Baguio kung nasaan si Mr.Fujiko upang personal silang makapag-usap tungkol sa negosyo.Nasa kalagitnaan na siya ng zigzag road nang unti-unting bumabagsak ang mga patak ng ulan.“’Nak ng putcha naman oh!” bulyaw niya sabay hampas sa manibelang hawak-hawak. Hindi niya malaman kung tutuloy pa ba siya sa pupuntahan o tumigil na mismo sa lugar kung nasaan siya.“Fuck you! Ulan ka lang! I am John Louis Raymundo, I am the owner of my company! Hinding- hindi ako mapapa-atras ng dahil lang sa lintik na ulan na iyan!&rd
“ANONG sabi mo ulit hijo? Alin ang hinahanap mo?”Hindi na alam ng binata kung ilang beses na niyang pinaliwanag sa matanda ang hinahanap. Napipikon na siya at sa tingin niya ay anumang oras ay mabubulyawan na niya ito. Napapakamot man sa ulo ay muli niyang inilarawan ito.“Iyon hong cellphone ko. Yung pangtawag po. Yung maliit na square na manipis tapos magaan.”“Ah iyon ba hijo? Wala naman ako napansing ganoon. At saka hindi na rin namin hinalughog ang sasakyan mo dahil ayaw naman naming mapagbintangan kung sakaling maw mawala roon.”Hanggang ngayon ay nakaratay pa rin siya sa papag ngunit maigi-igi na ngayon dahil nakakaupo na siya at nakakatayo nag walang alalay na kinakailangan. Iyon lamang ay hindi niya iyon kayan gawin nag matagal. Halos limang minuto lamang ang itinatagal niya sa pagtatayo bago muling mananakit ang katawan.Inilibot niya ang paningin sa loob. Magdadalawang linggo na siyang kinukupko
MATAPOS ang naging pag-uusap ni Jolo at ni Tatay Ruben ay hindi muna siya pinayagan ni Nanay Leoning magtrabaho sa bukid kung kaya’t hanggang ngayon ay nakatunganga pa rin siya at hindi maisip kung ano ang maaaring gawin ganoong ang lahat ng nakakausap niya ay nasa bukid at nagtatrabaho. “Tao po? ‘Tay Ruben? ‘Nay Leoning?” Bago sa pandinig ng binata ang boses na narinig kung kaya’t hindi na muna niya ito nilabas upang sabihin na wala pa roon ang dalawang matanda. Inakala niyang umalis na iyon nang lumipas ang limang minuto ay hindi na ito muling nagsalita ngunit hindi pala. “Shella ‘buti naman at ikaw ang naabutan ko.” Hindi na napigilan ng binata ang sarili at unti-unti nang sinilip sa maliit na bintana ang mga tao sa labas ng silid na kinaroroonan niya. Doon ay nakita niya ang dalaga habang hindi tinitingnan ang lalaking nasa harapan. Nagtaas naman ang dalawa niyang kilay nang mapansin ang biglaan nitong paglapit sa dalaga. “W-wala pa
HINDI lumipas ang buong maghapon ay dumating nga si Lawrence, ang secretary ni Jolo. Agad siyang tumayo mula sa pagkakaupo nang makitang nakatayo ito sa may pinto at naglalakad na papasok."S-sir J-Jolo... kayo po ba talaga 'yan?" halos masuka ang binata sa nakikitang ekspresyon ng mukha ng kanyang sekretarya dahil kulang nalang ay humagulgol ito at tumakbo sa kanya."Stop giving me that look, Lawrence! Bakla ka ba?" pagsusuplado niya dito at mabilis na itong nilapitan. Siya na ang lumapit dahil tila napako 'ata sa kinatatayuan si Lawrence dahil nakakatitig lang ito kay Jolo habang pinipigilan ang mga luhang nagbabadyang lumabas mula sa kanyang mata.Kayang-kaya nyang asarin at iparanas ang kagarapalan ng ugali niya ngayon. Wala naman dito sa loob ng kubo ang mag-anak nila Tatay Ruben. Bumalik na ang mga ito sa palayan dahil maaga pa naman. Siya lang ulit ang natira sa kubo kaya naman malakas ang loob niyang magsuplado uli