Share

CHAPTER ONE: KARMINE RUIZ

CHAPTER ONE: KARMINE RUIZ

Karmine's Point of View

Napatigil ako ng humarang sa harap ko si John. Isa sa Senior Engineering Student na napapabalitang may gusto raw sa akin, "Puwede ba kitang mayayang mag-early lunch ngayon? My treat." He smiled at me, showing me his set of pearl white teeth.

Gwapo si John, matalino at mayaman. At higit sa lahat gusto niya ako, gustong-gusto. Ang pagkagusto niya sa akin ay umabot na sa puntong ibibigay niya ang lahat ng gusto ko at lahat ng mga hihilingin ko sa buhay. Kung tutuusin ay puwede ko siyang gamiting tulay para umangat at hindi na ako maghirap pa pero hindi ko ginawa, hindi ko magagawa at hinding-hindi ko magagawang gawin dahil wala akong gusto sa kaniya. At dahil ayaw ko ng dagdagan ang malaking gap na namamagitan sa amin ng kapatid niya. Hindi ko siya kayang gamitin, hindi lang dahil sa kapatid niya kung hindi dahil hindi ako ang tipo ng babaeng gagamit ng isang lalaki o ng isang tao para lamang umangat sa buhay.

"I'm sorry, John pero may trabaho pa kasi ako mamaya. Excuse me," pasintabi ko sa kaniya bago lumihis ng daan. Nagmamadali ako’ng umalis pero mabilis niya ako’ng naharangan. Naiiritang napabuntong-hininga ako at hinarap siya.

"Wait, puwede bang ihatid na lang kita sa trabaho mo? At puwede ko namang hintayin na lang na matapos ang shift mo para maihatid kita sa inyo. Please?" pagbabakasakali pa niya gamit ang nangungusap na tingin at malambing na boses.

Napatingin ako sa inosente at itim niyang mga mata, puno iyon ng pagsusumamo na pumayag ako sa offer niya, na huwag ko na siyang tanggihan pa at pagbigyan na lang siya sa gusto niya pero hindi maaari dahil ayaw kong paasahin siya at mas lalong saktan.

"May gusto ka ba sa akin?" kunot ang noong tanong ko sa kaniya kahit na alam ko naman na talaga ang sagot.

Kalat na sa buong University ang nararamdaman niya para sa akin. Alam na ng lahat ng estudyante, staff at maging ng faculty. At naiirita ako sa pagsulpot-sulpot niya sa kung saan-saan.

Bahagyang namula ang pisngi at tainga niya sa tanong ko. So pure and so innocent. Ang kagaya niyang inosente at mabait ay hindi nababagay sa isang kagaya kong matagal ng sira at nababalot ng dilim. 

"Masama bang gustuhin kita, Karmine? Kasi wala namang batas na nagsasabing bawal kang gustuhin at... mahalin." Bahagyang humina ang boses niya sa huling sinabi.

"Kung may gusto ka man sa akin, John ay I'm sorry pero hindi ko masusuklian ang feelings mo. Kaya kung puwede, please lang, habang kaya mo pang umahon ay gawin mo kasi hindi kita sasaluhin. At wala akong balak na saluhin ka." Napayuko siya sa rahas at talim ng sinabi ko.

"Pero mahal kita, Karmine. Isang pagkakataon lang naman ang hinihingi ko. Isang pagkakataong mapatunayan ang sarili ko sa 'yo. Pagkakataon para mapatunayan sa’yong mahal kita. Totoong mahal kita, Karmine, so please just give me a chance—just one chance to prove myself to you, to prove that I am worthy." Umiling lang ako sa sinabi niya at tumalikod na. 

Mas mabuting masaktan ko siya ngayon kaysa ang paasahin ko siya sa wala. Hindi ko siya gusto. Wala akong ibang nararamdaman sa kaniya at hindi ko puwedeng pilitin ang sarili kong gustuhin at mahalin siya. Umuwi muna ako sa boarding house para makapagpalit ng damit. Dalawang palapag ang boarding house na inuupahan ko para sa silid naming dalawa ni Karine. Sa ibaba ay mga lalaki ang umuukupa roon at sa itaas naman ay mga kababaihan. Palabas na ako nang makitang parang tangang nagtatawanan ang tatlong lalaki sa salas. Wala naman talaga ako’ng balak na pansinin sila pero nagbago iyon ng marinig ko ang pangalan ng kapatid ko.

"Hindi ako makapaniwalang ganito ka-sexy si Rine," manghang saad ni Jojo.

Ang usap-usapan dito ay may pagka-manyak siya at mga kaibigan niya kaya nga hindi ko masyadong pinapalabas ang kapatid ko kahit pa rito sa loob ng boarding house kung hindi naman niya ako kasama.

It's better safe than sorry and prevention is better than cure, ika nga nila.

"Ako rin naman, e. Paano ba naman kasi balot na balot siya palagi. At halos hindi na siya lumabas sa kwarto nila," segunda naman ni Kokoy sa kaniya.

Aksidenteng napatingin sa direksiyon ko si Dino at kaagad siyang namutla habang nakatitig sa akin. Pinandilatan ko siya ng mata para magsilbing babala at huwag siyang mag-ingay. Hindi naman ito napansin ng dalawang kasama niya.

Walang ingay na naglakad ako sa likod nila. At dahil sabado ngayon ay halos nasa sala ang lahat ng mga boarders ni Aling Tasing. Kaniya-kaniyang kuwentuhan silang lahat. Kaniya-kaniyang pinagkakaabalahan. Nagsalubong ang mga kilay ko ng makita ang pinag-uusapan ng tatlong ugok na ito. Litrato iyon ng kapatid ko na natutulog at nakalilis ang kumot kaya kitang-kita ang mapuputi niyang hita na ang tanging suot ay itim na maikling cotton short na mas nagpatingkad sa kaputian ng kutis niya.

"Sino ang pinag-uusapan niyo? Ang kapatid ko ba?" malamig kong tanong. Napatalon sina Jojo at Kokoy pagkarinig ng boses ko. Aligagang itinago nila ang cellphone sa ilalim ng throw pillow at nagpatay-malisya.

"Naku, Karmine hindi, a. Bakit naman namin pag-uusapan ang kapatid mo, ‘di ba mga, tol?" baling ni Kokoy sa dalawa. 

"Binabastos ninyo ba ang kapatid ko, Dino?" 

Malakas siyang napalunok at namutla. Pinagpawisan din ang noo niya kahit sa amin naman nakatutok ang stand fan, "Si J-Jojo ang p-pumasok sa k-kwarto niyo at k-kinunan ng l-litrato si K-Karine habang n-natutulog ang k-kapatid mo. T-Tapos si K-Kokoy ang k-kumuha ng p-picture niya." Halos mabuhol ang dila niya sa sobrang pagkataranta at takot.

"Dino!" dabay na sinigawan siya ng dalawa.

Inilahad ko ang kamay ko. Nanginginig na inabot ni Dino ang cellphone ni Jojo sa akin matapos niya iting kunin sa ilalim ng throw pillow. Tiningnan ko ang gallery niya at nagpapasalamat ako’ng isang litrato lang ang nakita ko. Binura ko iyon kasabay ng pagbagsak ko sa aparato sa sahig. Inapak-apakan ko rin ito ng maka-ilang beses. Malakas na napasinghap silang lahat sa ginawa ko. Wala ni isang nakapagsalita sa ginawa ko. Subukan lang talaga nilang magsalita ng masama laban sa akin at sa kapatid ko ay talagang makakatikim din sila sa akin.

"Para lang sa kaalaman ninyong mga siraulo kayo ay hindi ko inalagaan at minahal ang kapatid ko para lamang bastusin niyo at pagpantasyahan. Sa susunod na malaman kong pinagpapantasyahan at binabastos niyo ang kapatid ko ay hindi na lang cellphone niyo ang dudurugin ko kundi maging ang makakapal niyo ng pagmumukha. Nagkakaintindihan naman siguro tayong apat dito, hindi ba?" Kalmado lang ang panlabas kong anyo pero galit na galit na talaga ako.

Gusto kong pumunta ng kusina at kumuha ng matalim na kutsilyo dahil gusto ko silang tatlong pagsasaksakin. Ang mga bwisit na ito ay talagang ginagalit ako! "Sagot!" sigaw ko. Ngayon ang unang pagkakataong narinig nila akong nagtaas ng boses kaya hindi na nakapagtatakang ganito ang naging reaksiyon nila. 

Napatalon ang tatlo bago sumagot, "O-Oo na. I-I'm sorry. H-Hindi na n-namin ito uulitin." 

"Good. Pumunta na kayo ng kwarto niyo at magpalit ng pantalon. Basa na kasi." Parehong napatingin sila sa basang pantalon nila. "Sino pa ang may ibang kopya noon?" tanong ko bago pa sila makapasok sa kwarto nila.

"W-Wala na. I-Iyon lang ang k-kopyang mayroon kami." Pumasok na sila sa silid nila at siya naman ang pagpasok ni Mang Edgar dito sa salas.

Nagtatakang tiningnan niya ako.

"O, ano’ng nangyari sa mga iyon? Ba't parang takot na takot sa'yo ang tatlong iyon?" tanong ni Mang Edgar, asawa ni Aling Tasing at isa sa tanod ng barangay na ito. "At kaninong cellphone iyan?" Tinuro niya ang kawawang aparato na durog na durog.

Nagkibit-balikat ako at sinabing, "Pinasok nila ang kwarto namin at kinuhanan ng litrato ang kapatid ko habang natutulog kaya naman ito ang nangyari." Napatango siya sa sinabi ko at hindi na nagsalita pa. Higit sa lahat ng boarders na narito, silang dalawa ng asawa niya ang nakakaalam kung gaano ko kamahal at iniingatan ang aking kapatid. "Mauna na po ako, Mang Edgar. Pakihatid na lang po ang pagkain ng kapatid ko mamayang tanghali sa kwarto namin. Siya nga po pala ay nagluto ako ng sinigang na hipon para sa ating apat ni Aling Tasing paki-init na lang po iyon. Babalik po ako mamayang alas cuatro ng hapon. Alis na po ako." Napatango na lang siya sa sinabi ko.

Dumiretso na ako sa café na pinagtatrabahuhan ko tuwing Biyernes at Sabado. Part-time job lang naman kasi ito. Convenient naman ito sa akin kasi every Friday and Saturday ay 7:30 AM to 10:00 AM lang ang klase ko. 11:00 AM to 6:00 PM lang ang pasok ko rito. Pagkatapos ng shift ko dito ay may tatlong oras pa ako para magpahinga. Pitong oras lang ang trabaho ko rito sa cafè. Bakante ang buong araw ng linggo ko para sa Sunday Bonding namin ng baby girl ko.

"Karmy, ikaw na ang kumuha ng order ng table number 6. Ikaw na lang kasi ang libre," utos ni Jude sa akin.

"Okay..." Nagkibit-balikat lang ako bago dumiretso sa table number 6. "May I get your order, Ma’am, Sir?" Hindi ko inaasahang makita si Adele rito. Ngumiti siya sa akin bago bumaling sa boyfriend niya at parang pusang hindi mapaihi na nagpa-cute dito.

Kadiri.

"Oh, hello there, cousin. Arjo, babe this is my cousin, Karmine. Karmine, couz, this is Arjo, my boyfriend." Tinanggap ko ang kamay ni Arjo na nakalahad. He kissed my hand. Ako naman ngayon ang gustong mapangiti sa ginawa niya. Don't get me wrong, ha dahil hindi ko siya gusto. Ang gusto ko lang ay asarin si Adele. Try ko lang kung hanggang saan ang pisi ng pasensiya niya.

"What's your order?" He smiled at me.

"Black coffee with cream and sugar at isang yema cake lang sa akin, ikaw, babe anong gusto mong kainin?" 

"Strawberry shortcake and strawberry banana smoothie. That's all, babe I'll just order another if like ko pa." Umismid pa siya sa akin.

Natawa ako ng bahagya sa naging reaksiyon niya.

Ganito niya talaga kagusto ang lalaking ito? Edi shing! Edi, siya na. Kaniya na! Saksak pa niya sa baga niya. Asa siyang aagawin ko itong butiking ito.

"One black coffee with cream and sugar, one strawbery banana smoothie, one strawberry shortcake and one yema cake. Is that all, Ma'am and Sir?" pag-uulit ko at nang tumango sila ay ubinigay ko sa barista ang order nila.

Ako na iyong kumuha ng cakes sa salaming estante at naglagay sa tray kasama ng mga drinks.

"Here's your order, ma'am, sir. Tawagin niyo na lang po ako kung may kailangan pa po kayo. Enjoy!"

* * *

Matapos ng shift ko ay naghanda na ako para umalis. Bago umalis ay ibinigay ni Jude sa akin ang bayad ko. Araw-araw ko kasing nakukuha ang sweldo ko dahil part time ko lang naman ito. Hindi gaya sa kanilang regular at kada kinsenas nila nakukuha ang mga sahod nila, "Thank you." 

"Ba't hindi ka na lang mag-apply bilang regular worker rito? Kaya naman ng café mag-adjust sa oras mo sa eskwela at mas malaki pa nga ang kikitain mo kung ganoon."

Pang-ilang beses ko na ba itong narinig kay Jude? Hindi ko na mabilang.

"Hindi na, Jude. Sapat na sa akin itong kinikita ko sa loob ng dalawang araw. At isa pa may trabaho pa ako sa club. Sige, mauna na ako sa iyo." Malungkot na tinanguan niya lang ako.

Bago ako umuwi ay pumunta muna akong National Book Store para ibili si Karine ng bagong sketch pad, mechanical pen, water colors at colored pencils. She's into arts kasi. Pumasok ako sa kwarto namin. Nakadapa siya sa higaan niya at may kung ano’ng kinukutingting.

"May pasalubong ako sa'yo."

Nakangiti kong inilagay sa mesa ang mga pasalubong ko sa kaniya. Napabalikwas siya ng bangon at agad na tinungo ang mesa at isa-isang inilabas ang mga nasa plastic bag.

Nagniningning sa tuwa at galak ang mga mata niya pagkakita sa simpleng pasalubong ko. Impit na napatili pa siya at niyakap ako ng mahigpit. I hugged her back. Pinupog ko ng halik ang mukha niya na ikinahagikgik niya. Siya na iyong kumalas sa yakap namin at inusisa ang laman ng plastic bag.

"Thank you, po. Puno na kasi ang sketch pad ko." Nakangiting ginulo ko ang buhok niya.

"Talaga? Dapat sinabi mo para nabilhan agad kita. Sa susunod na may kailangan ka sabihin mo agad sa akin, ha."

"Ate, naman, e ayaw ko ngang manghingi na lang basta. Pera mo kaya iyan." Napailing na lang ako sa sinabi niya. 

"Kung ano ang akin ay iyo na rin. Ay, teka nga, nagmeryenda ka na ba, Mahal Ko?" 

"Opo. Siya nga pala, Ate sabi ni Aling Tasing may roommate na raw tayo. Sa Monday siya rito pupunta." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Ano? Pero may usapan kami ni Aling Tasing, a. Ang usapan ay tayo lang ang puwedeng umukupa ng kwartong ito. Sandali nga at kakausapin ko siya…" Hinawakan niya ang braso ko at umiling. Napapabuntong-hiningang naupo ako sa puting monoblock chair at tinaasan siya ng kilay.

"Ate, naman. Sila Aling Tasing kaya ang may-ari ng boarding house na ito kaya puwede nilang gawin ang gusto nila. At isa pa, tingnan mo, o.” Tinuro niya ang bakanteng double deck sa gilid. "Ang kwartong ito ay puwede pang upahan ng dalawang tao kaya pumayag na ako. Alam kong may usapan kayo pero kaibigan niya raw kasi ang nakiusap kaya hindi niya na ito na-hindi-an pa. Kinausap rin ako ng kaibigan niya, mabait naman raw ang anak niya kaya pumayag ka na, po please?" I rolled my eyes. Alam talaga nilang hindi ko kayang hindi-an ang kapatid ko.

"Sabi mo e. Tapos mo na ba lahat ng assignments mo? Gusto mo bang tulungan kita?"

Umiling lang siya, "Tapos ko na po lahat. Magpahinga ka po kaya muna? Gigisingin na lang kita kapag luto na ang hapunan natin." 

Umakyat na ako sa itaas na bahagi ng double deck at nahiga para kahit dalawang oras mahigit lang ay makapagpahinga muna ako bago pumasok sa club. Nagising ako ng maramdaman ang marahang pagtapik ni Karine sa pisngi ko.

She smiled sweetly at me. Isang ngiti lang ng batang ito ay para bang magic na nawala ang pagod ko.

"Handa na po ang pagkain." 

Bumaba na kaming dalawa sa hapagkainan. Nag-iwas ng tingin ang tatlong ugok pagkakita sa amin. Buti naman. Baka madukot ko na ang mga mata nila kung sakaling nakatingin sila sa kapatid ko. Tahimik lang kaming kumain. Ramdam ko ang tensyon sa hangin. Iyong mga madadaldal na boarders ay nakakapagtakang tahimik pero mas gusto ko ang ganitong katahimikan dahil nar-relax ako.

Matapos ang awkward na hapunan ay kinausap ko ang mag-asawa.

"Pumapayag na ako."

"Salamat at pasensiya ka na kung hindi ko matutupad ang pangako ko sa'yo, Karmine."

"Basta ba ay hindi niya ipapahamak ang kapatid ko. Iyon lang ang hinihingi ko, Aling Tasing, Mang Edgar." Sabay na tumango ang mag-asawa sa akin habang ngiting-ngiti. Tsk.

Sana lang talaga ay hindi ko pagsisihan na pumayag ako’ng may ibang makausap o makasama ang kapatid ko dito sa kwarto.

Hindi ko ikinukulong ang kapatid ko sa apat na sulok ng kwartong ito. Pinoprotektahan ko lang siya sa lahat ng mga mapagsamantala at mapang-abusong mga tao. Kagaya na lang doon sa mga bastos na lalaking iyon. Hindi mo naman inaano pero nakikipasok ng kwarto ng may kwarto. Para ano? Para mambastos ng isang babae? Ng isang bata? Mga tarantadong hudas! Ang sarap nilang saksakin sa kamay at sa mga mata sa totoo lang nang magsitanda naman sila.

At least nabigyan ko sila ng leksiyon na huwag na huwag mambabastos ng mga babae at lalong-lalo na ng mga bata dahil talagang may kalalagyan sila akin.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status