Share

CHAPTER 153

Author: dyowanabi
last update Last Updated: 2025-03-28 23:35:52

Natapos lang ang dalawang beses na pagtawag ni Hunter, pero hindi niya ito sinagot. Nabaling ang atensyon nila ni Elijah nang pumasok sina Almira at Liam, nagtatawanan ang dalawa.

"Ang gaganda naman ng mga unit niyo dito!" wika ni Almira habang nililibot ang tingin sa loob ng unit ni Elijah. "Magkasinglaki lang ito ng unit ni Kuya Caleb sa Makati. Tatlong bedrooms din iyon."

"Kailan kaya ako magkakaroon ng ganito?" malungkot na wika ni Almira.

"Don't worry, Ate. Hindi ka nag-iisa. Wala rin akong condo dito sa Manila, nakikitira lang ako sa condo ni Kuya Caleb." wika niya upang pagaanin ang loob ng pinsan. Mukhang inatake na naman ito ng insecurities.

"It's okay, Almira. In case you need to stay here in Manila, you can use my place or Liam’s. Hindi naman namin masyadong nauuwian ito dahil busy kami sa atin sa probinsya."

"Sinabi niyo ‘yan ha! Plano ko pa namang dito sa Manila kumuha ng board exam pagkatapos kong mag-aral."

"Oo ba! Gusto mo, samahan pa kita eh!" pagpresinta ni Liam.

Tin
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
thanks Author sa update
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 620

    “Anyway, tara na at kakain na tayo,” aya ng lolo nila saka tumayo. “Bukas, saan n’yo gustong pumunta? Gusto n’yo bang mag-shopping at gumala?”“Yes, Lolo!” mabilis na sabi ni Charlotte at Asherette. Hindi na niya sinaway ang mga kapatid. Masaya ang lolo niya kapag nabibigay nito ang gusto nila. Pagbibigyan niya ang kanyang mga kapatid. Matagal din naman silang napagkaitan sa buhay. At sa dami ng kayamanan ng lolo niya ay maging sa ka apo-apohan nila ay hindi nila iyon mauubos.Pagdating nila sa dining table ay nakahanda na ang kanilang pagkain. May katulong din sila roon na isa ring Pilipina. Matagal na itong naninilbihan sa lolo niya.“Good evening, Madam Elise... Master Li. Nakahanda na po ang pagkain,” sambit ng katulong nila.“Salamat, Mina.”Kanya-kanya na silang upo sa kanilang pwesto. Maya-maya ay dumating na rin si Atty. Chan at tumabi ng upo sa kanya. Doon din nakatira ang abogado. Parang adopted na rin ito ng lolo niya.“Gary... sa susunod na mga araw ay turuan mo si Paulett

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 619

    PAULETTE’S POV:Kasalukuyan siyang nasa kanyang kwarto sa mansion ng kanilang Lolo Li. Eksaherada sa laki ang bahay nila sa China. Ang kwarto niya ay parang dalawang bahay na nila sa Manila ang laki. Natupad ang pangarap niyang maging mayaman pero bakit parang may kulang pa rin? Bakit parang hindi pa rin siya masaya?Ilang araw na sila doon sa China at ilang araw na rin siyang walang contact sa kanyang mga kaibigan, lalong-lalo na kay Elijah.Kamusta na kaya siya? Natanggap na kaya niya ang letter na iniwan ko para sa kanya? Galit kaya siya sa akin?... Ang daming tanong sa kanyang isip pero hindi niya alam ang mga kasagutan.Maya-maya ay may kumatok sa kanyang pinto.“Anak....”Napangiti siya nang ang mama niya ang pumasok. Lumapit ito at umupo sa kanyang tabi sa kama.“Kamusta ka na, anak? Napapansin kong malungkot ka simula nang dumating tayo dito sa China. Hindi mo ba gusto ang buhay natin ngayon?”“H-hindi sa gano’n, Ma... namimiss ko lang ang mga kaibigan ko... at si Elijah,” mal

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 618

    Nagising siya kinabukasan sa ingay ng kanyang cellphone. Walang tigil ito sa pag-ring. Napahawak siya sa kanyang ulo sa sobrang sakit. Nalasing pala siya kagabi at doon na siya nakatulog sa sahig sa sala. “H-hello?” walang ganang sagot niya habang nakapikit pa rin ang mga mata. Hindi man lang niya inalam kung sino ang tumatawag sa kanya. “Elijah... where are you?”“Who is this?” “Nova, Who else!” Nilayo nya ang telepono sa kanyang tenga ng sinigawan siya nito. Napangiwi siya nang marinig ang pangalan ng babae. “What do you want?” “Ngayon ang flight mo pabalik dito sa Cebu! Saan ka na ba?” Agad na nagmulat ang mga mata niya. “Shit!” Bigla siyang napabangon sa sahig. Late na siya sa kanyang flight! “Damn! Nakalimutan ko!” “Ano ka ba! Saan ka ba at hindi mo naalala?” singhal nito sa kanya Hindi siya sumagot. “Are you drunk?” Hindi rin niya sinagot ang tanong nito. “Nasa condo pa ako... di na ako makakahabol sa flight ko.” tipid na sagot nya “Ibo-book na lang kita ng another

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 617

    Muli niyang kinuha ang sulat na iniwan ni Paulette at paulit-ulit niya iyong binasa.Bakit pa ito nagsabi ng “I love you” kung iiwan lang din siya? Napatingin siya sa envelope. Ngayon niya lang napansin ang cheque. Hindi niya iyon inintindi kanina dahil ang atensyon niya ay ang pagkawala ni Paulette.Kinuha niya ang cheque at tinitigan iyon. Ang sabi ni Paulette sa sulat ay galing daw iyon sa kanyang ama.Binayaran ba ng daddy niya si Paulette para layuan siya? Tumigas ang kanyang mukha. Nagalit siya sa panghihimasok ng daddy niya. Tinawagan niya ito.“Hello, anak... kamusta na kayo d’yan ni Nova sa Cebu?” bungad ng daddy niya.“I’m here in Manila, Dad,” walang emosyon niyang sabi.“Bakit ka and’yan sa Manila? Di ba may trabaho kayo sa Cebu?”“I was supposed to attend Paulette’s graduation. Ano itong nalaman ko na binigyan mo siya ng check para layuan ako, Dad?” kompronta niya sa ama.“What? Hindi ka pa din ba niya nilayuan? Is one million not enough? Napaka-mukhang pera talaga ng bab

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 616

    “Hindi! Hindi ito totoo! May usapan kami ni Paulette na magkikita sa graduation niya at may sasabihin siya sa aking importante. Hindi ito ang inaasahan kong madadatnan ko dito... Hindi ito totoo!” galit na sabi nya“S-sorry, Mayor, pero totoo ang lahat ng sinasabi namin. Noong isang araw pa siya umalis at simula noon ay hindi na namin siya nakausap. Naka-off na din ang cellphone niya.” paliwanang ni TereNatahimik siya. Kaya pala hindi na niya ma-contact si Paulette. Ilang araw na pala itong nawawala.“Hindi! Hahanapin ko siya! Hindi ako papayag na umalis siya at iwan ako!” matigas na sabi niya saka nagmamadaling naghanap ng taxi. Pupuntahan niya si Paulette sa bahay ng mga ito.Nang makahanap cya ng taxi ay agad syang sumakay sa front seat, sinabi nya kung saan sya magpapahatid. Hindi nya mapigilang maluha. Pinapahid niya ang kanyang mga mata. Nanlalabo ang kanyang paningin at hindi na makita ang daan. O-okay ka lang boss? tanong ng driver. "Oo kuya pasencya na..." sabi nya. Nahihi

  • LET ME BE THE ONE (TITIBO-TIBO) SPG   CHAPTER 615

    Kinabukasan, alas-tres pa lang ng umaga, gising na siya. Alas sais ang flight niya at ayaw niyang ma-late. Medyo malayo pa naman ang airport sa tinutuluyan niyang hotel. Mabuti na yung maaga siya sa airport. Nag-offer din si Nova na ihatid siya sa airport pero tumanggi siya. Isang maliit na bag lang ang dala niya. Hindi na siya nagdala pa ng mga damit dahil madami naman siyang damit sa condo niya sa Manila. Bago umalis ay chineck niya ang kanyang bag. Binuksan niya ang maliit na box na kulay pula. Gold necklace iyon na may pendant na heart. Graduation gift niya para kay Paulette. Matagal na niya iyong binili at sa wakas ay maibibigay na niya mamaya. Napangiti siya habang tinititigan iyon. Pagdating sa airport, ramdam niya ang halo ng excitement at kaba. Hindi niya alam kung bakit siya kinakabahan. Kahapon pa niya iyon nararamdaman simula nang hindi niya ma-contact si Paulette. Hanggang ngayong aalis na siya ay hindi pa din sila nakakapag-usap ng nobya. Di bale, mamaya ay magk

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status