Share

CHAPTER 1157

Penulis: dyowanabi
last update Tanggal publikasi: 2025-11-21 21:23:59

Sa buong biyahe ay tahimik na si Aria. Hindi na siya nito kinukulit. Parang malalim ang iniisip na hindi niya maintindihan.

Nakita niyang pumikit ito ng mata. Hindi niya alam kung style lang nito iyon para hindi niya kausapin o talagang inaantok. Sabagay, bentaha na din sa kanya iyon dahil ang totoo ay naiilang pa din siya sa presensya ni Aria.

Sekretong pinagmamasdan niya ang dalaga habang nakapikit. Mukhang nakatulog na nga ito. God knows how much he missed this girl. Almost a year din silang
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (2)
goodnovel comment avatar
Phan siy Tana
naku clarkson naghahanap ka na nman ng problema dyan,
goodnovel comment avatar
chuchu
Pag bigyan mu ang kamalditahan ni aria haha hanggang mag sisi din ang magulang nyan sapag tulak2x Nila kay aria doon sa ben na yun
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1199

    Habang nasa harap siya ng lababo, nakatayo lang din si Tyler sa tabi niya, parang ayaw siyang hiwalayan.“Pwede bang doon ka na lang? Hindi ako makagalaw nang maayos kung nakaharang ka sa daanan ko…”“Hahaha… dito lang ako. Gusto kong makita na normal ka na ulit. Hindi pa rin ako makapaniwala na sa ilang araw mo sa ospital, nakahiga ka lang na unconscious… pero ngayon, eto ka na, nagluluto para sa akin.”Umiwas siya ng tingin. Pakiramdam niya kasi ay mahal na mahal siya ni Tyler. Pero bakit ang hirap niya itong maalala?“Nasaan nga pala ang cellphone ko?” nagtatakang tanong niya. Baka doon may maalala siya.“Hindi ko rin alam, love. I’m trying to call your phone pero naka-off. Posibleng nandito lang sa bahay o di kaya ay nawala. But don’t worry, bibilhan na lang kita bukas.”Nanghinayang siya.“Pangalawang bili ko na ng cellphone sa’yo,” natatawang sabi ni Tyler.“Bakit? Binilhan mo ba ako dati?”“Yes. Ako ang bumili nung naiwala mo. Paano kasi basag-basag na ang cellphone mo, pero hi

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1198

    Habang nasa biyahe pauwi sa bahay ni Tyler, mariin niyang tinititigan ang mga daan. Pilit niyang inaalala ang kung anong dapat ay pamilyar na sa kanya, pero wala pa ring pumapasok sa isip niya.Maya-maya ay umakyat ang kotse sa mataas na bahagi ng lugar. Para itong nasa tuktok ng bundok. Presko ang hangin at napakaganda ng tanawin. Malalaki ang mga bahay, halatang pagmamay-ari ng mga mayayaman.Hindi rin basta-basta makakapasok doon, may dadaanan pang malaking gate ng subdivision. Siguradong mga residente lamang ang pinapayagang makapasok.Kung doon ka nakatira… siguradong ligtas ka. …Ligtas nga ba?“Here we are, love,” wika ni Tyler nang tuluyang huminto ang kotse sa harap ng isang malaking bungalow.Napatitig siya rito. “This is your house?” mahina niyang tanong.“Our house, love,” agad nitong pagtatama. “This is our house.”Napakunot ang noo niya. “Bakit ‘our’? Kasal na ba tayo?”Ngumiti si Tyler, saka marahang pinisil ang kanyang ilong. “Soon. Pero kung gusto mo na, pwede naman.”

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1197

    Natigil ang kanilang pag-uusap nang bumukas ang pinto at pumasok ang doktor.“How’s my patient?” nakangiting bati nito habang papalapit sa kama niya.“I’m okay, doc,” mahina ngunit magalang niyang sagot.“I have good news, Miss Jolisa,” dagdag ng doktor. “Pwede ka na lumabas anytime soon.”Napakunot ang noo niya. “Huh… paano ’yan, doc? Wala pa akong maalala.”“It’s okay,” kalmado nitong sagot. “Malakas na ang katawan mo. Pwede ka nang magpagaling sa bahay. Hindi naman agad babalik ang memory mo, at hindi rin natin masasabi kung kailan... pwedeng bukas, o sa isang buwan. Ang importante, stable ka na. Your memory will come back on its own.”“G-ganun ba…” mahina niyang tugon, hindi pa rin lubos na kampante.“Basta regular check-up lang palagi dito sa ospital. Saka mas makakabuti kung nasa pamilyar kang lugar,” dagdag pa ng doktor. “Ang dati mong buhay bago nawala ang memorya mo ay maaaring makatulong para maalala mo ang lahat.”“Salamat, doc,” sabi ni Jolisa.Ngunit si Tyler ang agad na

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1196

    Nagdaan pa ang mga araw, at unti-unti nang gumagaling ang sugat ni Jolisa sa kanyang ulo. Araw-araw ay may kaunting pagbabago, mas nakakatayo na siya nang matagal, mas nakakakain nang maayos, at mas nagkakaroon ng lakas ang kanyang katawan.Ngunit sa kabila ng pagbuti ng kanyang katawan, nananatiling blangko ang kanyang isipan. Wala pa ring bakas ng kanyang nakaraan, walang alaala ng kung sino siya bago ang aksidente.“Here, love… eat some fruitS. Makakatulong ’to sa ’yo para lalo kang lumakas.”Napatingin siya sa lalaking maingat na nagbabalat ng orange para sa kanya. Si Tyler... ang lalaking nagpakilalang nobyo niya. Totoo nga kaya iyon? Sa tuwing tinitingnan niya ito, hindi niya maiwasang mag-isip.Kung totoo man ang sinasabi nito, masasabi niyang napakaswerte niya. Gwapo ang lalaki, matipuno, malinis tingnan, at halatang may kaya sa buhay. Higit pa roon, kitang-kita kung paano ito tumingin sa kanya, parang napakahalaga niya sa lalaki.Sa pag-iisip na iyon, bigla siyang namula.“He

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1195

    Pero napag-isip-isip din niya na total hindi naman siya naaalala ni Jolisa, baka ipagpaliban niya muna ang planong pagdispatsa sa dalaga. Palamigin niya muna ang sitwasyon para hindi maghinala si Tyler sa kanya. Lalo na’t ang nurse ay mukhang nagdududa na sa kanya. Kapag may mangyaring masama kay Jolisa ay baka ituro siya nito.Napatingin siya kay Tyler na gumagawa na ng mahinang hilik. Agad itong nakatulog. Ngayon, ang dalawa na ang mahimbing na natutulog. Pero siya, ito, gising na gising.Lumapit siya sa bintana at doon tumingin sa labas. Sa dami ng nangyari sa araw na ’yon ay tila hindi na niya alam kung ano ang uunahin.Pagtingin niya sa kama ay nagulat siya nang nakatingin na si Jolisa sa kanya. Parang may kung anong kaba siyang naramdaman. Pero hindi siya nagpahalata.“J-Jolisa… nagising ka pala. Kanina ka pa ba gising? Hindi ka man lang nagsabi. Nagulat ako sa’yo,” sunod-sunod na sabi niya, pero walang ekspresyon ang mukha nito at nakatingin lang sa kanya.Lumapit siya sa babae

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1194

    Nanlaki ang mga mata ni Tyler sa sinabi ni Jolisa.“A-anong ibig mong sabihin?” nanginginig ang boses nito habang mas hinigpitan ang hawak sa kamay ng dalaga. “Love… ako ‘to. Si Tyler.”Ngunit nanatiling blangko ang mukha ni Jolisa. Dahan-dahan nitong binawi ang kamay mula sa pagkakahawak ni Tyler, tila hindi komportable.“P-pasensya na… pero hindi ko kayo kilala.”Parang kutsilyong tumarak sa puso ni Tyler. Hindi niya ito inaasahan. Hindi niya napaghandaan.“Hindi… hindi pwede ‘to…” bulong nito sa sarili. “Doc! Anong nangyayari sa kanya?!”Lumapit ang doktor, maingat na sinilip ang reaksyon ni Jolisa. “Possible po na nagkaroon siya ng temporary amnesia dahil sa trauma at malakas na pagtama ng ulo niya. Kailangan pa po natin siyang obserbahan.”“Temporary lang, doc, hindi ba? Babalik din ang alaala niya?” tanong ni Tyler, puno ng pag-asa.“May posibilidad, sir. Pero hindi po natin masasabi kung kailan. Ang importante ngayon ay nagising na siya, Mr. Blacksmith. Yun ang ipagpapasalamat

  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1219

    “L-lovely, ano ang nangyari sa’yo?” tanong ni Ben saka pinuntahan ang dalaga. “Who is she, Ben?” sabi naman ni Joe na hindi pa rin bumibitaw sa kasinungalingan. “Huwag ka nang tumanggi, Mr. Fernandez. Alam kong kilala mo ako dahil ikaw mismo ang nagsabi sa akin na pinakidnap mo ako dahil ayaw mong

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-03
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1172

    Nagising siya mula sa malalim niyang tulog na may kiliti siyang nararamdaman mula sa pagitan ng kanyang mga hita.Nanaginip ba siya?… napatingin siya sa labas ng bintana at madilim na sa labas. Tanging liwanag na lang ng poste ang nakikita niya.Gabi na ba? Ganoon ba kahaba ang tulog niya?Napaungo

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-03
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1217

    CLARKSON'S POV:Pakiramdam niya ay ilang araw din ang paghihintay niya habang ginagamot si Aria sa emergency. Bakit tila napakabagal ng oras ngayon?Mariin siyang napapikit, kahit andito na si Aria ay hindi pa rin siya mapakali. Sobrang hina nito kanina, hindi niya alam kung ano ang ginawa ng mga k

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-03
  • LUST IS SWEETER THE SECOND TIME AROUND   CHAPTER 1205

    Arias POVIt’s been 3 days pero hindi pa rin nagpapakita si Ben sa kanya. Himala, dati ay halos araw-araw itong nasa hotel. siya na lang ang nagsasawa sa pagmumukha ng lalaki, ngayon kung kailan kailangan niya itong kausapin ay hindi niya mahagilap.Ang isa pa niyang ikinatataka ay pag-AWOL si Love

    last updateTerakhir Diperbarui : 2026-04-03
Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status