LOGIN"Kabit!" Tatlong taong naghintay si Armea para sa pinapangarap na kasal nila ng kaniyang nobyo, pero sa halip na singsing, isang malutong na sampal at pampublikong kahihiyan ang natanggap niya sa harap ng maraming tao. Pinagbintangan siyang isang 'desperadang gold-digger' at 'shameless homewrecker', habang duwag siyang inabandona ng lalaking mahal niya para protektahan ang yaman ng tunay nitong asawa. Durog, nandidiri, at puno ng hiya, ibinigay ni Armea ang sarili sa isang estranghero sa bar para makalimot sa pamamagitan ng isang naglalagablab at mapusok na gabi. Ngunit kinabukasan, isang malaking bangungot ang sasalubong sa kaniya—ang lalaking nakasiping niya ay walang iba kundi si Reiner Romanov, ang kinatatakutang multi-billionaire CEO ng kumpanyang pinagtatrabahuhan niya. Upang iligtas siya sa paninira ng media at tulungan siyang makapaghiganti, inalok siya ni Reiner ng isang Contractual Marriage. Ibibigay nito ang kapangyarihan at proteksyong kailangan niya ng walang hininging kapalit. Pero paano kung ang lalaking itinuturing niyang tagapagligtas ay matagal na pa lang nagpapantasya sa kaniya mula sa malayo? At paano kung ang kinatatakutang CEO na ito ang mismong nag-orchestrate ng pagkasira niya, para lang ma-corner siya sa isang kontrata?
View MoreArmea’s Point of View
Malamig ang hanging sumalubong sa akin pagbaba ko ng sasakyan. Inayos ko ang suot kong pulang silk dress na binili ko pa nang sadyang para sa gabing ito.
This is our night. Our third anniversary.
Tatlong taon na kami ni Richard. Tatlong taon ng pag-ibig, pag-unawa, at mga pangakong alam kong malapit na niyang tuparin. Kaninang umaga pa lang, halos hindi ko na mapigilan ang ngiti ko nang sabihin niyang may surprise celebration siya para sa akin sa isa sa mga pinaka-exclusive at luxury restaurant sa BGC.
Naglakad ako papasok sa grand entrance ng restaurant. Kakaiba ang kaba sa dibdib ko. Puno ng excitement. Baka ito na 'yon? Baka magpo-propose na siya?
“Good evening, Ma’am. Do you have a reservation?” nakangiting bati ng isang pormal na receptionist.
“Yes. Under Richard Alcantara,” kinikilig kong sagot.
Tumango ito at agad akong iginiya papunta sa isang private dining area. Habang naglalakad, hindi ko maiwasang mapansin ang paligid.
Masyadong pormal.
Ang mga taong nakaupo sa labas ng private room ay nakasuot ng mga business suits at elegant gowns. Tila ba may isang malaking press conference o corporate event.
May ilang nagbulungan nang dumaan ako, at ang iba ay pasimpleng nag-angat ng tingin sa akin.
Napakunot ang noo ko. Bakit parang may kakaibang spotlight ako ngayon?
Pero mabilis ko ring iwinaksi ang isiping iyon. Baka nagkataon lang na may event sa kabilang hall.
Pagpasok ko sa private area, sumalubong sa akin ang isang napakagandang set-up.
Candlelight. Red roses.
Classical music playing softly in the background. Umupo ako sa tapat ng kabisera, inilapag ang purse ko, at maingat na inilabas ang isang maliit na velvet box.
Ito ang regalo ko kay Richard. Isang mamahaling platinum watch na ilang buwan kong pinag-ipunan. Gusto kong iparamdam sa kaniya na special siya. Na handa kong ibigay ang lahat.
Kinuha ko ang cellphone ko at muling binasa ang message niya kaninang hapon.
‘Happy 3rd Anniversary, my love. Be ready tonight. I have a surprise that will change our lives forever. I love you so much, Armea.’
Napangiti ako nang pagkatamis-tamis. Binasa ko iyon nang paulit-ulit. Ramdam na ramdam ko ang pagmamahal niya sa bawat salita. Tumunog ang phone ko. Isang bagong message mula sa kaniya.
‘Malapit na ako, baby. Just wait for me.’
Nag-reply agad ako, ‘I’m here na. Take your time, I love you.’
Huminga ako nang malalim, inaayos ang buhok ko gamit ang reflection sa screen ng phone ko. Pinilit kong kalmahin ang nagwawalang paru-paro sa tiyan ko.
Pero lumipas ang limang minuto, walang Richard na pumasok.
Sa halip, bumukas ang p***o ng private dining area at pumasok ang isang babae.
Matangkad. Puno ng alahas. Nakasuot ng isang hapit na white designer dress na halatang galing sa isang sikat na fashion house sa Paris. Ang buhok niya ay perpektong naka-lugay, at ang bawat hakbang niya sa loob ng kwarto ay puno ng awtoridad.
Tumingin siya sa paligid bago dumapo ang matatalim niyang mga mata sa akin.
Nagtaka ako. Baka naligaw lang siya? O baka isa siya sa mga bisita sa kabilang hall?
Pero dire-diretso siyang naglakad palapit sa mesa ko. At walang pasabi-sabi, hinila niya ang upuan sa mismong harapan ko—ang upuang nakareserba para kay Richard—at eleganteng umupo doon.
Nagkrus siya ng binti at tinitigan ako mula ulo hanggang paa.
“Excuse me?” alanganin kong tanong, pinipilit na maging magalang. “I think you got the wrong table, Miss. May hinihintay po ako. This is a private reservation.”
Isang malamig at mapang-asar na ngiti ang sumilay sa mga labi niya.
Hindi siya agad sumagot. Tinitigan niya lang ako na tila ba isa akong mababang uri ng insekto na nakapasok sa teritoryo niya. Ang mga mata niya ay nag-aapoy pero ang mukha niya ay nananatiling kalmado.
“No, I’m certain,” malamig at kalmado niyang sagot, ang boses ay mayaman at puno ng kumpiyansa. “Ikaw si Armea, tama ba?”
Nanlaki ang mga mata ko. “P-Paano mo nalaman ang pangalan ko? Sino ka ba?”
Nag-lean forward siya, pinag-krus ang mga braso sa ibabaw ng mesa. Ang matapang na amoy ng mamahaling Chanel perfume niya ay biglang nanuot sa ilong ko, nakakahilo.
“I’m Stephanie,” pagpapakilala niya. Tumaas ang isang kilay niya nang mapansin ang kawalan ng pagkilala sa mukha ko. “Stephanie Cortez. Richard’s legal wife. Ngayon... tatanungin kita, ikaw ba ang kabit ng asawa?”
Parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko.
Tumigil ang pagtibok ng puso ko sa paghihintay na bawiin niya ang sinabi niya. Stephanie Alcantara? Legal wife?
Napalunok ako. Pinilit kong kumalma. Baka nagbibiro lang siya? Baka isa ito sa mga prank ni Richard bago siya mag-propose? Oo, baka hidden camera show ito!
Isang mapaklang tawa ang pinakawalan ko kahit nanginginig na ang mga kamay ko. “Excuse me? Miss, kung joke man 'to, hindi siya nakakatawa. Richard doesn't have a wife. Tatlong taon na kami. I know him. And I am his girlfriend.”
Kinuha ko agad ang cellphone ko sa ibabaw ng mesa. Nanginginig ang mga daliri kong nag-dial sa number ni Richard.
Ringing... Ringing... Cannot be reached.
“Call him all you want,” nakangising saad ni Stephanie, nakasandal na ngayon sa upuan habang pinapanood ang pagka-desperada ko. “He’s outside. Nag-aayos lang ng sarili dahil ayaw niyang humarap sa gulo nang mukhang haggard.”
“Hindi totoo 'yan!” medyo tumaas na ang boses ko. “Baliw ka ba?! Ano bang kailangan mo sa akin?!”
Sa halip na mainis, dahan-dahang binuksan ni Stephanie ang kaniyang mamahaling Hermes bag. May kinapa siya roon at inilabas ang isang makapal at glossy na litrato. Ibinagsak niya iyon sa ibabaw ng mesa, saktong-sakto sa tapat ko.
“Look at it,” utos niya.
Dahan-dahan kong ibinaba ang tingin ko. At sa sandaling iyon, parang may malamig na tubig na ibinuhos sa buong katawan ko.
Litrato iyon ng isang kasal. Isang bonggang kasal sa loob ng isang kilalang simbahan. At sa gitna ng litrato... nakatayo si Richard.
Nakasuot ng puting tuxedo, nakangiti nang napakatamis. At ang babaeng nakahawak sa braso niya, nakasuot ng kumikinang na wedding gown, ay ang babaeng mismong nasa harap ko ngayon.
“Photoshop...” nanginginig kong bulong. “P-Pwede 'tong i-edit! Hindi 'to totoo!”
“Really, Armea? Ganiyan ka ba kadesperadang maging asawa niya na pati katotohanan ay itatanggi mo?”
Sunod niyang inilabas ang isang nakatuping dokumento. Isang kopya ng PSA Marriage Certificate. Ibinuka niya iyon at inilapit sa mukha ko.
“Basahin mo. Ang pangalan ko. Ang pangalan niya. At ang petsa kung kailan kami kinasal.”
Sinundan ng nanginginig kong mga mata ang nakasulat sa papel. Richard Alcantara. Stephanie Alcantara. Date of Marriage...
Tatlong taon na ang nakalilipas.
Tatlong taon.
Saktong tatlong taon rin ang relasyon namin ni Richard.
Hindi ko alam kung gaano katagal akong nakaupo sa gilid ng kama bago ako tuluyang tumayo.Hindi ko puwedeng hayaang lamunin ako ng takot.Hindi ko alam kung nasaan ako, pero kung may kahit maliit na posibilidad na makalabas ako, kailangan kong hanapin iyon.Una kong sinuri ang pinto. Muli kong hinila ang doorknob, saka sinubukang idiin ang balikat ko sa kahoy. Hindi man lang gumalaw.“Fantastic.” Napailing ako. “Five-star kidnapping experience.”Wala akong phone. Wala akong bag.Wala kahit relo na puwede kong tignan ng oras. Ang suot ko lang ay ang damit na pinang-alis ko sa penthouse, medyo gusot na at may bahid ng alikabok mula sa van.Napatingin ako sa aking kamay.Nandoon pa ang wedding ring ko.Hindi ko alam kung bakit iyon ang unang bagay na napansin ko. Siguro dahil ang lahat ng iba pa ay kinuha sa akin, pero ang singsing ay andito parin.O baka dahil sa gitna ng napakaraming kaguluhan, iyon lang ang maliit na paalala kay Reiner. Ano na kayang ginagawa niya ngayon? Hinahanap n
Armea’s Point of ViewAng unang bumungad sa akin ay isang kisameng kulay abo, may maliit na bitak sa gitna at isang bombilyang nakasabit sa mahabang kawad. Ilang segundo akong nakatitig doon, pilit inuunawa kung bakit parang umiikot pa rin ang paligid ko.Nasaan ako?Mabilis akong bumangon.Maling desisyon.Biglang kumirot ang ulo ko at halos bumaliktad ang sikmura ko. Napahawak ako sa gilid ng kama, hinihintay na tumigil ang pagkahilo. Nang sa wakas ay nakapag-focus ang paningin ko, saka ko lamang napansing hindi ito isang ordinaryong kwarto sa isang bahay.Makitid. Mainit. May amoy na lumang kahoy at detergent. Isang maliit na aparador ang nakasandal sa dingding, at sa tabi nito ay isang electric fan na parang mas malakas pa ang ingay kaysa hangin na ibinubuga nito.Walang bintanang malaki. Tanging isang makitid na jalousie sa itaas ng dingding, masyadong mataas para maabot ko nang hindi umaakyat sa kung ano.At ang pinto?Naka-lock.“Shit.”Bumaba ako sa kama at agad na sinubukang
“Reiner is dangerous.”Napakuyom ako ng kamao. “Stop using my husband as an excuse!”Nakita kong kumislot ang panga niya sa salitang iyon.My husband.Dahil hindi gumana ang plano niya na sirain sakin ang asawa ko ito ang gagawin niya, mas lalo siyang nagpakadesperado na bawiin ako.“Hindi mo alam kung ano ang kaya niyang gawin,” madiin niyang sabi. “Hindi mo alam kung gaano kalalim ang mga koneksiyon niya. He can destroy a person without even touching him. Tingnan mo ako, Armea. Halos wala nang natira sa akin.”Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa.“Then maybe you should have thought about that before you decided to ruin me.”Napailing siya, tila hindi matanggap ang sagot ko. “I know I made mistakes.”“Mistakes?” Napatawa ako, pero walang kahit anong saya sa tunog nito. “May asawa ka nang tatlong taon habang nililigawan mo ako. Pinaniwala mo akong ako lang. Pinabayaan mong akalain kong ako ang may kasalanan. At ngayon, dinukot mo ako. Richard, hindi na ito simpleng pagkakamali!”“
“May isang taong nagbayad ng malaki para lang makuha ka.”Parang may kung anong malamig na dumaan sa batok ko. Hindi ko alam kung alin ang mas nakakatakot—ang mga lalaking humila sa akin mula sa ospital, o ang taong nagbayad sa kanila na para bang isa lang akong bagay na puwedeng bilhin.“Sino?” nanginginig kong tanong. “Sino ang nagbayad sa inyo?”Hindi agad sumagot ang lalaking nasa harapan ko. Sa halip, bahagya siyang tumabi upang bigyang-daan ang aninong nasa likuran niya.May narinig akong yabag.Isang pamilyar na amoy ng mamahaling pabango ang unti-unting humalo sa amoy ng alikabok at gasolina.Hindi. Hindi puwede.“Armea.”Nawala ang lahat ng tunog sa paligid ko.Ang boses na iyon. Ang boses na minsang nagpapatahan sa akin kapag umiiyak ako. Ang boses na paulit-ulit nagsabing ako lang ang mahal niya. Ang boses na narinig ko sa isang video, sa isang tawag, at sa mga panaginip na pilit kong kinakalimutan.Dahan-dahang lumapit ang lalaki sa ilalim ng mahinang ilaw.Richard.“YOU?!






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews