*************** JAMES' POV: Kasalukuyan siyang nag-iisa sa kwarto niya. Ang mommy niya ay umuwi sandali para kumuha ng ilang gamit na kailangan niya. Si John naman ay bumili lang sandali ng pagkain para sa kanila. Tinatamad na siyang kumain ng pagkain sa ospital. Magdadawang linggo na siya doon simula nang magising siya. Hindi pa siya pinapayagang lumabas dahil kailangan pa niyang magpagaling ng lubusan. Si Amber ay dinala sa mental health facility dahil nalaman na mayroon siyang sakit sa pag-iisip. Ayaw sana niyang pumayag dahil mas gusto niyang ikulong ito, pero hindi pumayag ang pamilya nito. Wala din naman siyang magagawa dahil iyon ang findings kay Amber. Hindi niya pwedeng ipilit ang gusto niya. Pero sinabi naman ng mga taga-facility na hindi na makakalabas si Amber doon, kaya para na din siyang nakakulong. Ilang beses nang bumalik ang mga magulang nito sa kanya para humingi ng tawad at patawarin na lang si Amber, pero hindi siya pumayag. Kailangan nitong managot sa pagpa
Pauwi na siya ng bahay nang sa wakas ay napalabas na siya ng ospital. Si John ang nagda-drive at siya naman ang nasa passenger's seat."Siguradong magugulat si Mommy at Daddy na nakauwi ka na, Kuya. Hindi nila alam na ngayon ang labas mo ng ospital," wika ni John habang nagda-drive.Tumango lang siya. Hindi na nakapunta ang Mommy at Daddy niya sa ospital tulad ng dati dahil naging malungkutin na ang dalawa sa nangyari sa kanya.Naging mahina ang Mommy niya. Halos hindi na ito kumakain. Dinibdib nito ang nangyari kay Beverly. Sising-sisi ang Mommy niya. He knows his mom loves Beverly so much.Tumingin lang siya sa labas ng bintana. Kung kailan nakalabas na siya ay biglang hindi niya na alam ang gagawin. Kung noong nasa ospital siya ay ang dami niyang plano... ngayon ay parang bigla siyang natakot. Hindi pala madali ang plano nyang gagawin niyang makipaglapit kay Bebe ulit.Wala din siyang makukuhang suporta sa mga kaibigan niyang sina Clark at Ken, at siguro’y galit din sa kanya si Jon
Kinabukasan ay lumipad agad sila ni John papuntang Manila. Hindi na siya nag-aksaya ng oras, dumaan lang sila sa condo niya para iwan ang mga bagahe nila, saka kumuha ng kotse at bumiyahe na ulit papuntang Pampanga kung saan ang rancho ng mga Miller. Alam niyang nandoon si Bebe dahil doon din namalagi si Jonie.Siya ang nagda-drive at si John naman ang nasa passenger's seat."Pwede bang mag-drive-thru muna tayo, Kuya? Gutom na gutom na ako. Parang wala ka atang planong pakainin ako!" reklamo nito habang humihikab.Madaling araw ang flight nila galing Edinburgh, tapos may stop-over pa sa Dubai hanggang sa makarating sila ng Manila. Kung siya lang ay hindi naman siya nakaramdam ng gutom. Mas natuon kasi ang isip niya sa kung paano ang muling pagkikita nila ni Bebe... kinakabahan kasi siya.Sana lang ay payagan siya ni Jonie na makausap si Bebe. Sina Ken at Clark ay kanina pa niya tinatawagan pero hindi siya sinasagot ng mga kaibigan. Hindi pa alam ng mga ito na dumating na siya sa Manil
"Ang laki ng rancho nila, Kuya," wika ni John habang nililibot ang paningin sa paligid. "Dito ba natutong mangabayo si Beverly?""Yes... Ako ang nagturo sa kanya kung paano mangabayo," pagbibida niya."Kaya pala natatalo niya ako sa karera. Magaling na pala talaga siyang mangabayo," napangiti na din sya sa komento ni John.Pag-park niya ng kotse ay nakita niyang nakaabang na sina Jonie, Tita Beth, at Tito Gregore sa labas ng bahay. Wala roon ang dalawa niyang kaibigan, sina Ken at Clark. Hindi niya alam kung nasaan ang mga ito dahil hindi pa rin sumasagot sa mga text at tawag niya.Bumaba sila ni John sa kotse. Agad niyang nginitian ni Jonie, ngunit blangko lang ang mukha nito habang nakatingin sa kanya.Damn! sigaw ng isip niya. Ang hirap naman nito."Hi, Jonie, Tita Beth, Tito Gregore," bati niya sa tatlo. Humalik siya sa pisngi ni Tita Beth at Jonie, ngunit hindi pa rin siya pinapansin ng mga ito."What are you doing here, James? Hindi mo ba alam na hindi ka na welcome dito?" maldi
********** BEBE's POV: Tumutulo ang luha niya habang nakatingin sa bintana ng kanyang kwarto. Narinig niyang may malalakas na boses na parang nagbabangayan sa labas kaya napatingin siya. Nagulat siya nang makitang si James ang naroon at ang kapatid nitong si John. Hindi niya alam pero biglang sumaya ang puso niya nang makita ulit ang binata.Ano ang ginagawa ni James at John dito? Pumunta ba sila para sa akin? tanong niya sa sarili.Gusto niyang bumaba at salubungin ang mga ito pero pinigilan niya ang sarili. Mukhang galit ang pinsan at ang tiyahin niya habang nakikipag-usap kina James kaya tinuon niya nang maigi ang atensyon sa pinag-uusapan ng mga ito.“Jonie, please, please believe me. Mahal ko ang pinsan mo. Hindi ko na siya sasaktan... promise!”Narinig niyang wika ni James sa harap ng pinsang si Jonie at kay Tita Beth at Tito Gregore. Ang sarap pakinggan pero alam niyang hindi mangyayari iyon dahil may asawa na ito.Oo... unti-unti na niyang naalala ang mga nangyari sa kanya s
JAMES'POV: Ilang buwan din ang tinagal nila sa Pilipinas, pero hindi talaga sila nagkita ni Bebe. Baka nga wala na ito sa Pilipinas dahil lahat na lang ng posibleng lugar na maaaring puntahan nito ay napuntahan na niya, pero hindi niya talaga nakita.Nagmamatigas si Jonie... hindi talaga sinabi kung nasaan si Bebe. Maging ang mga kaibigan niyang sina Ken at Clark ay walang naitulong sa kanya. Ayaw siyang kampihan, wala siyang makuhang sagot sa mga ito.Kumuha din siya ng private investigator para ipahanap si Bebe pero wala talaga. Pakiramdam niya ay hinaharang ito ni Jonie para wala siyang makuhang lead sa kinaroroonan ni Bebe. Kaya napagdesisyunan nilang bumalik na lang sila sa Scotland ni John dahil lumalala na ang kalagayan ng mommy nila.Kaya eto siya... mahigit isang taon nang pariwara ang buhay niya. Wala na siyang kwenta. Maging ang mga negosyo nila ay inasa na niya kay John. Ayaw na niyang mabuhay.“Kuya! Tama na nga yang pag-iinom mo. Lagi ka na lang lasing, hindi na makakab
“Wow, Kuya, ang pogi mo ah!” wika ni John pagdating niya galing barber shop.Napangiti siya dahil nanibago ang mga ito sa kanya. Bagong gupit at ahit kasi siya. Nasa hapag kainan ang mga magulang nila kasama si John. Mas malakas na rin nang kaunti ang ina niya at ipinagpapasalamat niya iyon.“James, anak. I’m glad na nagpagupit at nag-ahit ka na din sa wakas. You’re back to your old self.” sabi ng ama niya.“Napaisip-isip ko, Dad na baka lalo akong hindi pansinin ni Bebe sakaling magkita kami doon.” puno ng pag-asang sagot niya.Nang malaman niyang tinawagan siya ni Clark para maging ninong sa anak nina Ken at Jonie ay nabuhayan siya ng loob. Mabuti na lang at hindi naman masyadong malalim ang sugat niya sa pulso noong naglaslas siya. Hindi niya rin alam kung bakit niya iyon nagawa.... marahil ay sa sobrang kalasingan at desperasyon. Pero ngayon ay may kaunting pag-asa siyang nakikita... at doon siya kakapit.“Kailan ang alis mo, Kuya? Pwede ba akong sumama?” tanong ni John.“Wag na
Kinabukasan ay maaga siyang bumiyahe papunta ng Pampanga. Samu’t saring emosyon ang pumapasok sa utak niya.Paano kung hindi siya ulit papasukin ng mga Miller? Paano kung andoon si Bebe? Ano ang magiging reaksyon nito kapag makita siya? Paano kung wala naman doon si Bebe kaya siguradong malulungkot siya...Ang daming pumapasok sa utak niya... litong-lito na siya.Pagdating niya sa gate ng rancho ay tumigil muna siya.“Sir James, andito pala ulit kayo...”“Mang Karding...” bati niya. Tumigil siya doon at naghintay kahit pa nakabukas naman ang gate. Nahihiya kasi siya sa guard dahil ang huling punta niya doon ay hindi siya pinapasok.“Pasok na po kayo, Sir,” sabi nito.“H-Hindi mo ba muna sila tatawagan sa loob?” nagtatakang tanong niya.“Hindi na po, Sir. Bilin na ni Sir Ken na padating ka.”“Ahm, ganun ba... Sino-sino po ang nasa loob na, Kuya?” nahihiyang tanong niya sa sekyu.“Andoon na po si Sir Clark kasama si Ma’am Fe na dumating. Ang mga staff ni Sir Ken na sina Alex at Calvin,
Nagmamadali siyang umakyat ng pangalawang palapag para pumunta sa kwarto ni Lilly. Nakapantulog na siya para diretso tulog na lang sila mamaya.Kumatok siya ng mahina saka pumasok. Hindi na niya ito hinintay na sumagot. Alam niyang kanina pa ito naghihintay. Pero nagulat siya pagpasok niya at andoon din si Gray sa kwarto, nakahiga ito sa kama ni Lilly at naglalaro ng bola. Mukhang bagong ligo na din ito dahil naka-sando na puti at shorts na lang ito.Si Lilly naman ay nakaupo sa sahig kasama ang mga paper bag na pinamili nila."Ate, what took you so long? Kanina pa kita hinihintay.""Huh... ah eh, naligo pa kasi ako...""Bakit pala andito ka din, Kuya Gray?" nagtatakang tanong niya sa lalaki. Hindi naman ito pumupunta doon dati."Makikitambay lang ako dito. Masama ba?" wika nito saka siya nginitian ng pagkatamis at kinindatan. Hindi iyon nakita ni Lilly dahil abala ito sa pagbukas ng mga paper bag.Muntik na siyang tumalon sa kilig. Buti na lang ay napigilan niya at naalalang nasa kwa
"Napaka-swerte mo naman talaga, Rosabel. Ang kapal ng mukha mo ha… porket magiliw sa'yo ang mga Enriquez ay ganyan ka na kung umasta dito?"Nagulat siya sa komento ni Mila sa kanya.“Ano ang pinagsasabi mo, Mila?”“Nakatikim ka lang ng atensyon ng mga Enriquez ay akala mo kung sino ka na? Tandaan mo, anak ka lang ng katulong dito… ilagay mo sa lugar ang sarili mo.”Tinaasan niya ito ng kilay. Hindi niya maintindihan ang pinupuntok ng butsi nito.“Mila, hindi ko alam ang pinagsasabi mo.”“Akala mo ba hindi ko nahahalata na nagpapacute ka kay Sir Gray? Ang akala mo ba ay papatulan ka niya? Baka paglaruan pwede!”Lalong nag-init ang tenga niya sa sinabi nito. Sasagutin sana niya si Mila nang dumating ang nanay niya.“Magdala ka nga ng malamig na tubig sa lamesa, anak…” utos ng nanay niya.“O-opo, 'Nay…” wika niya saka muling tumingin kay Mila. Muli cya nitong tinaasan ng kilay.Napailing na lang siya sa lakas ng inggit nito sa katawan. Matagal na si Mila doon nagtatrabaho, at sa kada bis
Nakarating lang sila ng bahay nang magulo ang isip niya. Palaisipan sa kanya ang sinabi ni Gray... Bakit siya nito titikman? Ano ang ibig sabihin nun?Oo nga’t virgin siya pero hindi naman siya inosente sa mga gano'ng bagay.“We're here... anunsyo nito.”Nauna itong bumaba saka inalalayan si Lilly na makababa. Sumunod siya, hinawakan siya nito sa braso para alalayan. Sandali siyang napaigtad, parang napaso siya sa mga hawak ni Gray. Oo nga’t dati pa niya naramdaman 'yon pero ngayon ay mas lalong pinaigting ang kanyang damdamin sa lalaki. Nagkaroon siya ng malisya bigla kay Gray, lalo pa nang makababa na siya at hindi pa nito binitawan agad ang kamay niya. Ang lapit ng katawan nila sa isa’t isa na napakalapit na ng ilong niya sa katawan nito at naamoy niya ang mamahaling pabango ng binata.“Hey guys!” masayang salubong ni Ma'am Jonie sa kanila. Nakasunod dito ang asawang si Sir Ken. Agad siyang binitawan ni Gray at umikot sa compartment para kunin ang mga pinamili.“Hey mom! We're here
Halos dalawang oras din silang tumagal doon sa parlor. Nagpagupit sila ng buhok ni Lilly. Ang boring na mahaba at unat na unat niyang buhok ay pinagupitan at nilagyan ng kulay na ash blond. Si Lilly ang nag-decide ng lahat para sa kanya. Bagay daw 'yun sa morena skin niya.Napapangiti na lang siya minsan sa pagka pala-desisyon ni Lilly sa buhay niya, pero aaminin niyang nagugustuhan nya rin dahil kung siya lang ay wala naman siyang alam sa pagpapaganda.Palihim niyang tinitingnan si Gray mula sa salamin na nakaupo sa waiting area. Ni hindi man lang niya ito nakikitaan ng pagkabagot. Mukhang may nilalaro ito sa cellphone at mukhang aliw na aliw."Ate, ang ganda mo!" Eksaheradong sigaw ni Lilly nang makitang tapos na siyang ayusan.Napayuko siya dahil tumingin din si Gray sa kanya at tila namalikmata."Ano ka ba, Lilly, ang ingay mo, nakakahiya dito sa parlor.""I'm just telling the truth! Di ba, Ate?" tanong ni Lilly sa bakla na nag-ayos sa kanya."Yes ma'am, Lilly, ang ganda niya. Ang
ROSIE'S POV:Bigla siyang natakot nang pagsulpot si Bianca sa restaurant na kinakainan nila. Wala naman siyang ginagawang masama, pero bakit parang guilty siya? Masama ang tingin nito sa kanya na halos kainin siya ng buhay at gusto siyang saktan anumang oras."Pinagtutulungan niyo ba akong magkapatid?" napalakas ang boses ni Bianca kaya natuon ang atensyon ng mga customer sa kanila."You're making a scene, Bianca. Ang mabuti pa ay umalis ka na. Sinasira mo ang pagkain namin dito." pagtaboy ni Gray"You!" sigaw nito sabay turo sa kanya. "Hindi mo alam ang pinapasok mo. Hindi ako pwedeng ipagpalit ni Gray ng ganon-ganon lang!"Nakita niya ang sobrang selos sa mga mata nito. Bakit nga ba sinabi ni Lilly na siya ang bagong nobya ni Gray?!"Wala tayong relasyon, Bianca, kaya pwede akong mag-girlfriend kung sino ang gusto ko." wika ni Gray."You can't do this to me, Gray! Magsisisi ka!" nanlisik ang mata nito saka nagmartsa palabas ng restaurant. Natahimik silang lahat."Lilly, bakit mo nam
"I'm done!" nakangiting wika ni Lilly habang papalapit sa kanila na dala-dala ang mga pinamili."Ang dami naman niyan, Lilly!" reklamo niya."Para sa amin ni Ate Rosabel 'to, kuya! Alam ko kasi ayaw niyang magpabili, kaya binilhan ko na siya.""Ano ka ba, Lilly... Ayaw ko niyan, magagalit sa akin si Nanay!" si Rosie naman ang nagsalita."Hindi 'yun magagalit. Sabihin ko binigay ko sa'yo. Ikaw nga may pasalubong sa akin galing Baguio eh. Dapat meron din akong exchange na bigay sa'yo.""500 pesos lang yung bag na 'yun! Grabe naman ang kapalit ng bigay ko. 50k ata ang price ng balik mo?!" reklamo ni Rosie."Wag ka nang magreklamo, Ate. Nakakainis ka naman eh! Ikaw na nga ang binibigyan eh... hmp!"Nagkatinginan sila ni Rosie at nagngitian. Wala talaga silang panalo kapag si Lilly ang nagdedesisyon. 'Yun ang isa sa ayaw niya sa kapatid, matigas ang ulo nito... lahat ng gusto nito ay ginagawa.Pero ngayong dalawa na sila ni Rosie ang umiintindi kay Lilly kaya ini-enjoy na lang niya ang kat
Nagising siya kinaumagahan na masaya. Ang sarap ng tulog niya. Agad siyang naghilamos at nag-toothbrush. Lumabas agad siya ng kwarto para makita ang dahilan kung bakit siya masaya.Paglabas niya ng kwarto ay narinig niyang maingay sa kwarto ni Lilly. Hindi iyon nakasara kaya sumilip siya. Nandoon si Lilly kasama si Rosie. Masaya ang mga itong nagkukwentuhan. Binigay na ni Rosie ang pasalubong nito sa kapatid niya at tuwang-tuwa ito."Good morning, girls!" bati niya nang tuluyang buksan ang pinto. Nagulat pa ang dalawa sa pagsulpot niya."Kuya, andito ka pala. Ano ang pasalubong mo sa akin from Baguio?"Napakamot siya ng ulo."Pasensya na, Lillyt. Wala akong pasalubong.""Ano ka ba naman, Kuya, bakit wala? Si Ate Rosabel nga merong pasalubong sa akin eh!""Ah eh... 'yan na nga ang pasalubong namin sa’yo. Kami ang bumili niyan na dalawa."Agad na sabat ni Rosie sa pagta-tantrums na naman ni Lilly."Bakit, mag-jowa ba kayo na iisa lang ang pasalubong niyo sa akin?"Napatingin siya kay Ro
GRAY'S POV:Nakangiti siyang pumasok sa kanyang kwarto. Hindi niya alam kung bakit... dahil siguro sa saya na dala ni Rosie sa kanya.Pabagsak siyang humiga sa kama. Malayo ang dri-nive niya pero hindi siya napagod dahil masaya kasama si Rosie. Aaminin niyang kanina ay masama ang loob niya. Pero naramdaman niyang pilit pinapagaan ni Rosie ang loob niya.Nabaling ang atensyon niya sa pinto nang may kumatok. Ang daddy niya ang pumasok."Hi, Dad... May kailangan ka?"Tumayo lang ito sa harap niya na parang binabasa ang kanyang mga mata."Do you like Rosabel, anak?" diretsahang tanong nito."A-ano ka ba, Dad... parang kapatid ko na siya!" agad na sagot niya. Nahihiya siyang aminin sa daddy niya na may special siyang pagtingin kay Rosabel."Hindi ako tutol kung gusto mo siya, iho. Ang sa akin lang ay magtapos ka muna ng pag-aaral, at ganoon din si Rosie. Patapusin mo siya ng pag-aaral. 'Yun lang hinihingi ng nanay niya.""D-Dad, what are you talking about? Akala mo ba sa akin tirador ng ba
ROSIE'S POV:Wala na naman silang pansinan sa biyahe, hapon na sila umalis sa resort at mukhang gagabihin sila pagdating sa Manila..Lihim siyang napahinga ng maluwag nang nagdesisyon si Gray na uuwi na sila. Hanggang ngayon kasi ay iniisip pa din niya kung paano sila mamayang gabi. Iisa lang ang kama at dalawa lang sila doon. Hindi imposibleng may mangyari sa kanila at ayaw niyang mangyari yun.Oo, may gusto siya kay Gray, pero hindi pa siya handa. Madami pa siyang plano sa buhay."Huuuuy... bakit tahimik ka jan, kuya?" Siya na ang naunang pumansin dito, ayaw niyang magkasamaan sila ng loob hanggang sa pagdating nila sa Manila."Pansinin mo naman ako..." wika niya. "Galit ka ba sakin? Sorry na... gusto ko na kasing umuwi eh.""It's okay... hindi ako galit." tipid nitong sagot"Hindi daw pero hindi naman namamansin!? Pilit niyang pinapagaan ang kanilang conversation. Ayaw niyang maging awkward sila sa isa't isa."Paandarin mo lang ang audio... gusto ko ng sounds!" utos niya. Sinunod n