Thank you everyone for your lovable comments. I love you all po!
( Thalia's POV ) [ "Tulong! Tulong!" "Lola Cita, Tiyang Miling, tulungan niyo po ako... Manang Sonya..." Panay ang sigaw at pagtawag ko sa mga taong tanging malalapit sa akin habang nagpupumilit na makawala sa isang bakal na rehas. Nag iisa ako sa isang napakadilim na lugar at walang sinuman ang mahihingan ng tulong. Halos wala na akong boses sa kakasigaw. Unti unti na 'kong nawawalan ng pag asa ngunit gusto ko pa ring lumaban. Gusto kong makaalis sa lugar na ito, ayaw ko rito. Gusto ko ng makabalik sa Lola Cita ko. Hanggang sa may liwanag akong nakita, may isang pamilyar na babae ang nakatayo. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat at pagkataranta at mas nilakasan pa ang namamaos na boses para makahingi ng tulong sa ginang. "Ma'am Ara! Ma'am Ara, tulungan niyo po ako!" Inilusot ko pa ang kamay ko ngunit nadismaya lang ako nang mariin lang akong tiningnan nito. Dahan dahan itong humakbang papalapit sa akin at nakahalukipkip itong tumigil sa harapan ko. "Kumusta ka Thalia?
Walang imik ang halimaw sa tinuran ni doktora kaya ako na rin ang unang nag iwas ng tingin sa kanila. Ang sabi ni Manang Sonya ay ang halimaw na ito tumulong sa 'kin, na siya ang nagpapunta kay doktora rito. Pero para sa 'kin hindi naman ito tulong dahil tiyak personal ang dahilan niya. Dahilan na pabor lang sa kanya at alam kong higit kailanman ay hindi mabuti ang dulot sa 'kin. "I'll just check her vitals babe." Ani pa doktora bago ito marahang naglakad papalapit sa kinahihigaan kong kama. Nang tuluyang makalapit ang babae ay binati pa ako nito bago sinimulan ang pagchecheck sa iba't ibang bahagi ng aking katawan. "Hi! I'm Dra. Michelle Buencamino." Magiliw na bati nito sa 'kin kaya tipid akong napangiti. May inilagay na nga ito sa kamay ko habang ako'y nanatiling tahimik. Pero ewan ko ba, dahil kahit na kay doktora ang mga tingin ko ay ramdam na ramdam ko ang tagos hanggang kaluluwa at nakakaasiwang klase ng titig ng halimaw na pakiramdam ko ay sa akin talaga nakatutok. "An
Kagagaling ko pa nga lang mula sa sakit pero pakiramdam ko buong katawan ko na naman ang nanghina, tipong para akong tinakasan ng lakas nang marinig ang sobrang seryosong banta ng halimaw na yon. Kung noong mga nakaraang araw ay nagagawa pa niyang magtimpi dahil sa mga binigay niyang kondisyon, ngayon ay wala na siyang dahilan na magpigil pa dahil sa pag aakala niyang nagsinungaling na naman ako. Pero bakit at papaanong nangyari iyon? Hindi kaya talagang nagpanggap lang si Ma'am Ara? Na maging ang pangalan nun ay pagpapanggap lang din? At kung ganoon man, bakit niya naman iyon ginawa? Ano ba talagang totoo at anong motibo niya? Maaari kayang tama si Manang Sonya? Na baka nakaplano na ito at ako ang kuwawang biktima na nadiin. Naguguluhan na ako ng sobra. Mas lalo na akong nagduda sa katauhan ng babaeng tinitingala at hinahangaan ko. Pero ngayon, hindi ko alam kung saan at paano ako magsisimula sa pag iimbestiga sa tunay na katauhan ni Ma'am Ara. Lalo na ngayon na bukod sa nakabila
Gusto ko ng mawala. Wala akong ibang naiisip ngayon habang tinatanak namin ang kahabaan ng kalsada pabalik ng mansyon. Buong buhay ko ay ngayon lang ako sobrang nawalan ng lakas at pag asa. Durog na durog ako sa nangyari. Parang namanhid ang buong katawan ko sa tuwing naiisip na wala na ang lola Cita ko at marahil maging si Tiya Miling. Sobra sobra ang pagdarasal at pagpoporsige ko noon na maoperahan siya at gumaling sa sakit niya pero mawawala lang pala siya sa isang nakakapanghilakbot na trahedya na ang may gawa ay walang iba kundi ang halimaw na ito na nasa tabi ko lang. Gusto kong sisihin ang sarili sa kung bakit pa ako nangarap ng magandang buhay para sa amin. Dahil kung nakontento lang ako ay hindi ko dadanasin lahat ng ito at mas lalong hindi madadamay si Lola Cita ko. At sana rin hindi ako agad nagtiwala kay Ma'am Ara, sa babaeng maaaring nagbalat kayo at peke ang pagkatao. Sana hindi ako nagpabulag agad sa tulong na inalok niya. Sana nag isip na muna ako. Sana....... Ka
Sa mga nangyari ay para na rin akong binawian ng buhay. Maaaring gising ang diwa ko pero yung puso at buong pagkatao ko ay parang wala ng buhay at hindi makahinga. O sadyang, ayaw ko na talagang mabuhay pa dahil sa samo't saring sakit, paghihirap at pambababoy na nararanasan ko sa halimaw na ito! Pagkatapos ng pambababoy niya ay di ko namalayang nakaidlip na pala ako sa labis na kapaguran at pagdadalamhati. Naalimpungatan lang ako nang marinig ko ang malakas na pagkalabog ng pintuan. "Baba!" Sigaw nito kasabay ng paghila sa braso ko kaya mas lalo akong nagising. Kahit pa man sa sakit na nararamdaman ng buong katawan at pagkababae ko ay pinilit kong kumilos. Dahan dahan ang pagbaba ko kaso dahil sa malakas na paghablot ng halimaw na 'to ay napilitan akong kumilos ng mabilisan at sinarili na lang ang pagdaing. "Thalia, Señorito! Jusko!" Tinig ito ni Manang Sonya at di na napigilan pa ng halimaw ang agarang pagdalo sa 'kin ng matanda dahil sa pag aalala. "A--- anong nangyari T
( Maximus POV ) "I tried to call you many times Mr. Villaroman pero mukhang napakabusy mo for not answering my calls. That's why I came here personally, si Ms. Krista Buenafe nalang ang isinama ko since her mom Greta was out of town." Seryoso at mariing salaysay ni Attorney Garcia, ang pinagkakatiwalaang abogado ng pamilya Villaroman. "Told yah! Hindi ako susulpot dito kung walang mahalagang dahilan Max." Lakas loob na sabat naman ni Krista sa usapan kaya mas lalo akong napatiim bagang. "Maupo na muna tayo at nang makapag usap tayo ng maayos. Mr. Villaroman, Ms. Buenafe." Mahinahong sambit ni attorney. Napahilot na lamang ako sa sintido ko para pakalmahin ang nararamdamang inis habang si Krista nama'y abot tainga ang ngisi na halatang tuwang tuwa sa nangyayari. Well, sino ba naman ang hindi? Gayung nakasaad sa last will and testament ni lolo na binibigyan niya ng karapatan ang mag ina na mamalagi o tumira rito sa mansyon, sa ayaw ko man o sa gusto. Ang mag inang hindi naman n
"Boss, tumulong na sa paghahanap ang mga kakilala kong magagaling na imbestigador pero wala talagang Ara Sanchez na ganito ang hitsura. May mga kahawig man pero nakatira sa malalayong probinsiya ng kabisayaan pa kaya malabong isa sa mga iyon ang tinutukoy na babae." Paliwanag ng isa sa mga pinagkakatiwalaan kong imbestigador. Kasalukuyan akong nasa high end resto ngayon, lumuwas pa ng Manila para makausap ito, para malaman kung may update na ba tungkol sa pinapagawa ko. And my fist clenched after what I've heard. This is bullshit! "Then find them! Puntahan ninyo kahit saang lupalop pa yan ng Pilipinas! Kahit gaano pa sila karami, imbestigahan niyo isa isa! I am not paying you good para lang pumalpak." Irritable at mariing utos ko kaya napatango ito ng maraming beses. "Opo boss, opo. Masusunod po." Anito bago nagpaalam at nilisan ang lugar ng mabilisan dahil sa irritasyon ko. Napahilot ako sa sintido ko nang mapag isa. Ngayo'y mas dumoble ang kuryosidad ko sa babaeng Ara Sanch
Bahagya akong naalimpungatan nang maramdaman ang isang kamay na naglalakbay sa buong katawan ko. Napakasenswal ng paghaplos nito na kahit hindi pa man lang ako tuluyang nagigising ay ramdam na ramdam na ito ng katawan ko. Lalo na ng marahan nitong pinisil ang aking pagkalalaki. "Goodmorning babe." Nang marinig ko ang isang pamilyar na boses na puno ng kalandian at pang aakit ay tuluyan ng nagising ang diwa ko. Agad akong napabalikwas ng bangon at gayun na lamang ang panlaki ng mga mata ko nang masilayan ang nakangising mukha ni Krista. Nakahiga ito sa kama ko at katabi ko pa habang nakatakip ng kumot ang hubo't hubad na katawan nito. "Fuck! What's happening in here? What the fuck are you doing here?" I cursed dahil sa magkahalong gulat at pagtataka. At nang bumaba ang aking mga mata ay saka ko pa lamang napansin na wala rin pala akong ni isang saplot sa katawan. "What's wrong babe? Why you look so surprise?" Ani Krista na hindi na nagulat at parang tuwang tuwa pa sa nangyaya