“Huwag kang lalabas ng kwarto. Isara mo ang pinto.” Mahigpit na bilin ni Ethan kay Hanna. Lumabas siya agad ng kwarto upang tignan ang labas. Tinawagan niya si Kevin. Nagsikilos ang mga ito at pinaligiran ang mansyon. Nakita nilang nakabulagta at walang malay ang dalawang security guards sa likod.Tumalon si Luis mula sa mataas na bakod. Natumba ito at agad na tumayo bago pa siya maabutan ng mga tauhan ni Ethan. Biglang may humintong sasakyan. Si Lucas.“Anong ginawa mo sa mansyon ng mga Rodriguez?”“Babayaran kita sa pagliligtas mo sa akin ngayon,” sa halip na sagot ni Luis.“Magnanakaw ka ba o mamamatay tao? Nagkakamali ka ng pinasok na bahay. Pero kung nakatakas ka sa mga bantay, magaling ka.”“Ibaba mo ako diyan sa kanto.” Huminto si Lucas sa pagmamaneho.“Well, kung may masama kang balak sa mga Rodriguez lalo kay Ethan. Then, magkakasundo tayo.”Natigil si Luis sa pagbaba ng kotse. “Gusto kong makuha si Hanna.”“Oh boy, kung gusto mo si Hanna. Patayin mo muna si Ethan. Magtulunga
May nadinig na tunog ng cellphone si Hanna. Muntik siyang atakehin sa puso. Akala niya ay sa kanya. Buti na lamang at cellphone pala ni Don Emilio ang tumunog. Umalis ito sa veranda.“Hello, nakahanda na ba ang lahat ng plano? Siguraduhin mong malinis ang lahat at walang kapalpakang magaganap. Matagal ko ng gustong mapasaakin ang yaman ng mga Montemayor. Simula pa lamang noong sanggol si Ethan. Buhay pa din hanggang ngayon. Dapat siyang unahin bago si Rosa.”Mahabang katahimikan.“Patahimikin mo na ng tuluyan ang tumayong nanay ni Ethan sa mental hospital. Baka maisipan pa nung kumanta sa mga pulis.” Muling nagsalita si Don Emilio.Nanghilakbot siya sa nadinig. May kinalaman si Don Emilio sa pagkawalay ni Ethan sa pamilya noong bagong silang pa lamang ito!Hindi sila safe sa mansyon dahil may kasama silang masamang tao! Dapat itong malaman ni Ethan. Kailangan nila ng matibay na ebidensya upang makulong ang matanda.Gabi na ng dumating si Ethan. Mukhang pagod ito at wala sa mood. Sinal
Niyakap ng mahigpit si Hanna ni Ethan. “Huwag kang matakot. Kasama mo ako. Hindi ka niya masasaktan. Dadaan muna siya sa ibabaw ng bangkay ko.” Hinaplos nito ang kanyang mukha.“Teka, paano kung lumapit siya at may dalang baril?”“Wala naman akong nakikitang ibang tao maliban sa atin at sa mga staff.” Nilinga nito ang paningin.“Matutuwa siya kapag nakita tayong natatakot. Kalma ka lang.” Hinalikan siya ng asawa sa labi. “Inggitin na lang natin ang hayup na ‘yun. Hindi ka niya makukuha sa akin.”Ipinulupot niya ang kamay sa beywang ni Ethan. Takot siya ngunit tama ito. Bibigyan niya lamang ng kasiyahan ang stalker kung magpapakita siya ng takot. Tinawagan nito si Kevin at ilang minuto lang ay madami ng security guards ang naglalakad lakad sa paligid. Hindi na nila sinabi sa mga taong kasama nila dahil baka masira pa ang kanilang bonding moments. Naglibot sina Kevin ngunit wala namang nakitang ibang tao. Wala naman daw dapat ipag-alala.Masayang nagkakainan at nagkakantahan ang buong p
Hindi napuruhan ni Hanna si Luis kaya naman tila ito manunuwag sa labis na galit sa kanya. Nakita niyang pumutok ang ulo nito at tumulo ang dugo na hindi man lang nito ininda.Lumapit ito sa kanya at nilamutak ang kanyang mukha at sinakal siya. “Gaga ka talaga! Inuuto mo lang pala ako! Matitikman mo ang bangis ko.”Nanghilakbot siya ng makitang nag-alis ito ng sinturon at ibinaba nito ang zipper ng pantalon. Hindi siya papayag na mapagsamatalahan!“Papaligayahin kita ng higit pa sa kayang gawin ng asawa mo!”Nagwala siyang pilit mula sa pagkakahawak nito sa kanyang leeg. Nakawala siya ngunit agad nahablot nito ang kanyang buhok at sinuntok siya sa sikmura. Muntik na siyang mawalan ng malay.Nang biglang bumukas ang pinto. Dumating si Ethan at Kevin na may kasamang mga pulis!Akmang tatakbo siya palapit kay Ethan ngunit nahawakan siya ni Luis. Kinaladkad siya nito papunta sa terrace ng condo. Inilabas nito ang baril.“Umalis kayo! Ipuputok ko ang baril sa ulo ni Hanna!” Napilitang luma
“Pasensya ka na, kung ayaw mong pag-usapan ang tungkol sa nakaraan ay okay lang naman sa akin. Huwag ka ng malungkot,” sabi ni Hanna kay Ethan habang nakaunan siya sa balikat nito.“Lumaki akong takot magmahal dahil sa kinilala kong nanay. Bilang isang bata wala akong gustong gawin kundi ang mapasaya siya pero palagi siyang galit sa akin. Pilit inuunawa ng mura kong isip kung bakit palagi niya akong sinisigawan at pinapalo.”Napayakap siya ng mahigpit sa kanyang asawa. Nakadama siya ng awa para dito.“Hanggang isang araw ay umuwi kami ng tatay ko at nadatnan siyang may katalik na ibang lalaki sa mismong kwarto nila. Nagpakamatay si Tatay Anton dahil sa nasaksihan. Binaril niya ang kanyang sarili. Mga bagay na nakita kong lahat at hanggang ngayon ay napapanaginipan ko pa.”Hinagod niya ang pisngi ng asawa. Kaya pa madalas itong nagsasalita habang natutulog. “Bakit ka napunta sa kanila?”“May nagpaampon daw sa akin. Ibinenta ako sa halagang limang libo. Wala silang anak kaya tinanggap n
Tumakas mula sa kumpanya sila Hanna at Athena. Bumaba sila ng kotse ng kanyang sekretarya sa hindi kalayuan upang tignan ang tirahan ni Anton Ramos. May picture din na ipinadala ang imbestigador na kilala ni James. Nagbihis sila ng kagaya ng mga Marites na nakatambay sa kanto upang makapagmatyag sila ng hindi nakakaagaw ng pansin.Sarado na ang isip ni Ethan pagdating sa kinalakihang pamilya. Ngunit hindi siya mapakali, pakiramdam niya ay may malaking gulo kapag hindi siya agad kumilos. Masama ang kanyang kutob.Naglakad lakad sila sa kalsada hanggang makarating sa tapat ng bahay ni Anton. Nasa harap ito ng bahay at nagkakape. Tinignan niya ang cellphone na may larawan nito. Ito nga ang kinilalang ama ni Ethan.Napansin niya ang pamilyar na sasakyan sa hindi kalayuan, ang kotseng sinasakyan niya na minamaneho ni Kevin! Bakit andito si Kevin? Nagkubli sila ni Athena sa mayabong na halaman. Lumabas mula sa loob ng bahay si Kevin, may dala itong isang tasa ng kape. Hinila niya si Athena
Nayanig ang buong pagkatao ni Hanna sa biglaan at karumaldumal na krimeng nasaksihan. Bago bumulagta is Kevin ay humarap ito sa kanya sa bintana ng kotse. Tila ito humihingi ng tulong. Kinuha niya ang cellphone upang kuhanan ng video ang pangyayari ngunit nahulog ang cellphone niya sa lapag sa labis na gulat ng bumaba ang isang lalaki na angkas sa likod ng motor at pumasok sa loob ng sasakyan. Nakamaskara ito ng itim na tela sa mukha. Tinutukan siya nito ng baril sa mukha. Nanigas ang kanyang katawan sa labis na takot. Baka isunod siya nito.“Huwag mo akong sasaktan, parang awa mo na,” umiiyak na sabi niya.“Lumipat ka dito sa tabi ko, bilis!” anito ng umupo sa driver’s seat.Pamilyar ang boses ng lalaki. Si Lucas!Tumalima siya sa utos nito. “Lucas, ikaw ba ‘yan? Lucas, maghunos dili ka.”“Tumahimik ka at huwag na huwag kang kikilos ng hindi ko magugustuhan!”“Anong kailangan mo sa akin? Gagawin ko lahat.”“Sa’yo, wala. Sa asawa mong ubod ng yaman at yabang ay meron. Hihingin namin a
Isinugod ni Hanna sa ospital si Ethan. Madami siyang karanasan na muntik na siyang mamatay pero hindi pa siya natatakot ng ganito sa buong buhay niya. Hindi niya alam kung paano mabuhay ng wala si Ethan. Panay ang dasal niya na iligtas sa kapahamakan ang asawa. Patuloy ang agos ng luha sa kanyang mga mata. Napasandal siya at napaupo sa lapag. Nagsisikip ang dibdib niya. Hindi na niya ininda ang sugat sa kanyang tiyan. Ganoon pala ang tunay na pag-ibig mas importante ang kaligtasan ng taong minamahal. Kung maaari lang ay mas pipiliin niya na siya na lamang ang nasa kritikal na kondisyon ngayon kapalit ni Ethan.Ilang oras na siya sa ganoong ayos ng dumating si Lola Rosa. Agad siya nitong niyakap at itinayo. Umupo sila sa upuang bakal.“Lola, sana po ay makaligtas si Ethan,” humagahulgol niyang sabi.“Huwag kang mag-alala. Lalaban si Ethan para sa atin.” Hinagod ng matanda ang kanyang likod. Maya maya pa ay umiiyak na din ito.Lumabas ang duktor matapos maalis ang bala sa katawan ni Eth