Share

You Have To Take Responsibility

 

 

“Ang gara naman. Galing sa sasakyan ang pangalan n’yong magkapatid.”

Manghang-mangha ang kausap niyang binatilyo. Nakatitig ito sa kanya at nakangiti.

“Mahilig kasi si Tatay sa sasakyan,”nahihiya niyang pahayag habang abala siya sa pagkalikot ng motorsiklo ng tatay niya.

“Halata nga. Sobra ang pag-aalaga niya sa mga sasakyan namin.”

“Marunong ka magmaneho ng kotse?”

“Hindi. Motor lang.”

“Wag mong sabihing ito?” Itinuro ng binatiyo ang motorsiklong nakaparada katabi ng kotse.

Tango ang isinagot niya.

“Hindi ko alam magpatakbo ng motor. Kotse pa lang alam kong imaneho.”

“Wow. Ang galing mo naman. Ilang taon ka na?” Nakuha nito ang curiosity ng dalagita.

“14.”

“14 ka pa lang pero marunong ka na magdrive.”

“Ikaw nga, magrunong magmotor. Ako, hindi ko natutuhan ‘yan eh. Sige nga, ipakita mo sa’kin kung kaya mong paandarin.”

“Sige ba. Gusto mo karera pa tayong dalawa eh.”

Pinaandar ng dalagita ang motorsiklo, sa binatilyo naman ang kotse.

Naunang tumatakbo nang dahan-dahan ang itim na kotse samantalang nakasunod dito ang motorsiklo.

Maya-maya ay inunahan na ng motor ang kotse. Sa bilis ng pagpapatakbo niya ay hindi na niya namalayan na wala na palang sumusunod sa kanya.

Pinaikot niya ang motor pabalik sa pinanggalingan pero isang malakas na pagbangga ang kanyang narinig.

Napabalikwas siya mula sa pagkakahiga. Panaginip lang pala ang lahat pero parang totoo.

Nasa’n ako?

Luminga siya sa paligid. Nasa ospital nga pala siya. Tiningnan niya ang hospital clock – 2:00 p.m. Masakit pa din ang ulo niya. Hindi niya alam kung dahil ba sa may sugat siya sa ulo o dahil parang blangkong papel ang ulo niya.

Narinig ng dalaga na may dalawang taong nag-uusap sa labas ng kuwarto ng ospital- ang dalawang taong nakilala niya kanina. Sa ngayon ay may kasama na itong isang lalaki.

Pumasok ang tatlo sa kinaroroonan niya.

“Hi! I’m PO2 Napoleon Alvarez from Sta. Ana, Pampanga Police Station. Sinabi na sa akin ni Dr. Alcantara at ni Mr. Sandejas ang detalye. Ako ang hahawak ng kaso mo starting today, Miss?”

“Ay, oo nga pala, Sir Alvarez. Nakalimutan niya pati pangalan niya. Sadako lang kasi ang ipinangalan ng pinsan kong ‘to.” Bumaling si CJ sa kanya. “Ano bang gusto mo na itawag namin sa’yo?” tanong ni CJ.

“Hindi ko alam. Wala akong maisip pero…” mahina niyang tugon dito.

Lumapit si Blue. “Ano? May naalala ka na?”

“May napaniginipan kasi ako. Sa sasakyan daw galing ang pangalan naming magkapatid.”

“Magkapatid? Ibig sabihin may kapatid ka. Ano pang naalala mo?” tanong ni CJ.

Pilit inalala ng pasyente ang kanyang panaginip pero sumakit lang lalo ang ulo niya. Hawak niya ang noo at ipinikit ang mga mata. “Wala na.”

“Kung sa sasakyan galing, baka naman Honda?” patuloy ni CJ.

Umiling siya.

“Magsasabi ako ng pangalan ng sasakyan, sumagot ka kung may impact sa’yo ha,” pagpapatuloy pa din ng babae sa harapan niya. “Toyota? Ferrari? Chevrolet? Mercedez? Mitsubishi? Hyundai? Ano pa ba?”

Umiling ulit siya.

Bumaling sa mga kalalakihan si CJ. “Mga boys, tumulong naman kayo sa ’kin.”

“Mustang?” sagot ni Blue.

“Musta ka naman Blue kung ‘yan ang ipinangalan sa kanya. Kababaeng tao,” sita ni CJ.

“Magtatanong ka sa’min tapos galit ka pa,” sagot ni Blue.

“Innova?” sabad ng pulis.

Umiling ulit siya.

“Lamborghini?” si Blue ulit.

“Hay. Tama na nga itong hulaan game na ‘to,” pagsuko ni CJ.

“Sadako na lang kasi itawag natin. Kahit sa ospital tinanggap nila na Sadako muna ang ipinangalan ko sa kanya,” suhestiyon ni Blue pero pinanlisikan ito ng mata ni CJ.

“Ok lang sa’kin ang Sadako. Tunog Japanese,” malumanay niyang sagot.

“Seryoso ka?” pagtataka ni CJ.

Tumango siya.

“May amnesia nga talaga siya,” sarkastikong sagot ni CJ na tumingin sa dalawang lalaki. “Kasi kung may naalala siya baka ma-offend siya.”

“Grabe, ngayon lang ako nakakita ng taong may amnesia sa personal. Akala ko sa mga teleserye lang siya nangyayari,” sagot ni Blue.

“Ok. Sadako na muna itatawag namin sa’yo. Let’s go back to our business. Sabi ni Dr. Alcantara ay puwede ka nang ilabas dito bukas. Since, wala kang naaalala, siyempre hindi mo alam kung sino ka, di ba? Hindi mo rin alam kung anong trabaho mo, saan ka nakatira at sinong mga kapamilya. Ngayon, hindi rin namin alam kung nasa delikado ba ang buhay mo dahil sa mga nakitang pasa sa katawan mo. Kaya nandito si Sir Alvarez para imbestigahan at hanapin ang identity mo,” paliwanag ni CJ.

“At the same time, poprotektahan ka namin ng kasamahan ko sa pulisya. Ang problema ay wala kang matitirhan dahil hindi applicable sa’yo ang witness protection program. Hindi ka naman witness at wala namang krimen. Kung meron man ay ‘yon ang kasama sa inaalam at aalamin pa lang namin,” dugtong ni PO2 Alvarez.

Tumangu-tango si Blue habang nakikinig sa mahabang pagpapaliwanag ng dalawa.

“So in short, titira muna kayo sa bahay ni Blue,” matigas na conviction ni CJ.

Napatigil si Blue. “Huwaat???” Tumawa ito na may pagkasarkastiko. “Kailan ka pa nagdesisyon ng ganyan? Ba’t ‘di ko alam na bahay ko yata ‘yong pinag-uusapan natin dito?” nangigigil nitong sagot na may kasamang pandidilat kay CJ.

“Sa’n pa ba? Sa’yo lang naman ang pinakamalapit dito.”

“Ba’t ‘di mo dalhin sa Manila ‘yan?”

“Wag ka nang kumontra, Blue. Besides, sino ba ‘yong kamuntik nang makapatay sa kanya?”

“Pero siya ang pumunta in the first place kung saan ‘yong kotse ko.”

“Ikaw ba talaga ‘yan, Blue? You’re not being reasonable right now. I am saying that you have to take responsibility for what happened. Hindi sa pagbabayad ng hospital bills natatapos ang responsibilidad natin sa kanya. Ikaw ang half of the reasons, she is here right now. ”

“Fine,” napilitang pagsang-ayon ni Blue.

Responsibilidad? Biglang sumakit ang ulo niya.

“Anak, alagaan mo ang kapatid mo. Responsibilidad ng mga tao ang kanilang mahal sa buhay. At dahil panganay ka, responsibilidad mo ang nakababatang kapatid mo. ‘Wag na ‘wag mo siyang pababayaan kapag wala na ako.”

Biglang nag-flash sa utak niya ang boses na ‘yon ng isang matandang lalaki. Nakaramdam siya ng matinding kalungkutan. Isang hindi maipaliwanag na kalungkutan na punung-puno ng pangungulila. Kalungkutan na lumalamon sa puso’t isip niya ngayon subalit hindi niya alam ang pinanggagalingan at hindi niya rin alam kung magkakaroon din ba ng katapusan.

Dahil do’n nagsimulang umagos nang kusa ang luha sa kanyang mga mata.

Natigilan naman ang mga tao sa paligid niya. Nakita niya ang titig nila sa kanya na puno ng pagtataka.

Lumapit sa kanya si CJ at niyakap siya. “Ok ka lang? Pasensiya ka na, ganito lang talaga kaming magpinsan magbangayan.”

May bigla lang akong naalalang malungkot. Gusto niyang sabihin ‘yon pero di niya nasabi dahil abala ang isip niya at sumasakit ang ulo niya.

“I’m sorry, Miss Sadako. I really am,” parang nahihiyang pahayag ni Blue. “Don’t worry. Y-you can live in my house until your memory comes back.”

Matapos ayusin ang mga pipirmahan at ang hospital bills ay nailabas rin sa ospital si Sadako.

Ito ang ikatlong umagang nasa ospital siya. Wala siyang ginawa kundi humiga at matulog kaya pagkalabas na pagkalabas niya sa ospital ay nag-unat unat siya ng katawan.

“Sadako, aalis na tayo! Nandito na ang sasakyan,” tawag ni CJ nang lumabas. Dala-dala pa nito ang mga resibo at ilang reseta ng gamot.

Pagdating ng sasakyan ni Blue ay kumaway si CJ sa kanila.

“Sakay na kayo, Ma’m CJ, Ma’m Sadako.” Pinagbuksan sila ng pinto ni PO2 Alvarez..

Ramdam niya ang welcoming spirit ng mga kasama. Siya ang huling sumakay ng kotse.

Sa ngayon, ako muna si Sadako. Nakakatakot man ang pangalan na ‘to sa pelikula, masasanay din ako.

Ngumiti siya nang umandar ang sasakyan palayo sa ospital.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status