Kung nagustuhan po ninyo ang ating kwento, palambing po ako ng rating at review sa mismong aklat. Malaking tulong po ito sa ating kwento. Maraming salamat po sa suporta. Godbless po!
Pagkatapos ng mensahe ni Jenny, muling tumahimik ang lahat nang kuhanin ni Kyle ang mikropono, hawak ang kamay ni Mira.“Una sa lahat, gusto kong magpasalamat sa inyong lahat na dumalo at nakisaya sa amin ngayon. Napakaswerte namin ni Mira, dahil narito ang pamilya namin at mga kaibigan. Isang hindi malilimutang pangyayari sa buhay namin ang araw na ito. Napakasaya ko dahil kasama ko na ang babaeng pinangarap kong makapiling habang buhay.”Tumitig ito kay Mira, puno ng pag-ibig ang mga mata. Malakas ang palakpakan ng mga bisita.Inabot nito ang mic sa kanya.“Gusto ko ring magpasalamat sa lahat. Sa mga magulang ko na nagmahal at gumabay sa akin, kay Lolo Mario, kay Don Renato, at sa lahat ng nandito. Sa totoo lang, hindi ko inakalang makakarating ako sa puntong ito, na may isang Kyle na handang mahalin ako sa kabila ng mga pagsubok na pinagdaanan namin. Salamat sa inyong pagsama sa masayang araw na ito.”Nagpalakpakan ulit ang mga tao. Kita sa LED screen ang mga mata niyang kumikislap
Emosyonal nang magsalita si Mira. Lumapit siya ng kaunti kay Kyle, halos manginig ang boses niya.“Kyle, ipinapangako ko, hindi lang kita mamahalin sa mga araw na masaya, kundi higit sa lahat, sa mga araw na mahirap at masakit. Hindi kita iiwan sa gitna ng unos, sapagkat ikaw ang dahilan kung bakit ko kakayanin ang lahat.”“Mahal na mahal kita, Kyle. Ikaw ang una kong iniisip sa umaga, at ikaw ang huling pinagdadasal ko bago matulog. At ngayon, sa harap ng Diyos at ng lahat ng mahal natin… ipinapangako ko, habang buhay kitang mamahalin.”Niyakap ni Nanay Mel si Maya habang tahimik na umiiyak, parehong puno ng tuwa para kay Mira.Sina Lolo Mario at Don Renato ay nakangiti, kapwa nakaramdam ng katahimikan at pagkakabuo ng pamilya.“Sa harap ng Diyos, ng inyong mga pamilya, at mga saksi, idinedeklara ko kayong opisyal na mag-asawa. Pwede mo nang halikan ang iyong asawa,” anang pari.Nagyakap at naghalikan sina Mira at Kyle, mahaba, puno ng pagmamahal at pangakong walang hanggan.Isang ma
Isang gabi bago ang kasal, dinala nila Lucas at Sebastian si Kyle sa isang pribadong restobar kasama ang iba pang malapit na kaibigan. May simpleng dekorasyon, banner na nagsasabing “Groom to Be!”“Grabe kayo, hindi naman ako mawawala. Kasal lang ‘to, hindi na ako lilipad sa Mars,” naiiling na sabi ni Kyle.“Hoy, iba ‘to! Kailangan may konting ritual bago ka tuluyang mailagay sa hawla. Don’t worry, wholesome lahat. Walang kalokohan.”Tahimik lang si Sebastian sa gilid, may hawak na baso ng alak. Si Lucas agad ang bumabangka sa biruan.“Seb! Dapat ikaw ang mag-toast para kay Kyle.”Napakamot sa batok si Sebastian, halatang naiilang.“Cheers to your happiness that broke my heart! But seriously, I want you and Mira to be happy!” ani Sebastian at itinaas ang kopita.“Salamat, Seb. Cheers to our brotherhood!”Nag-toast at uminom ng wine ang sampung mga kalalakihang pawang mga matagumpay na negosyante sa bansa.Biglang dumating ang banda at kumanta ng paboritong awit ni Kyle. Sabay sabit ni
Nasa isang eleganteng bridal shop si Mira, nakasuot ng puting gown na simple pero napakaganda at elegante, may mga bulaklak at kristal na burda sa laylayan. Nandoon sina Nanay Mel, Maya, at si Lolo Mario na halatang abot-tenga ang ngiti habang tinitingnan ang apo sa salamin.“Naku, anak… parang kahapon lang, bata ka pa na mahilig tumakbo sa palayan at madalas madapa. Ngayon, bride ka na. Ang ganda-ganda mo.”“Ate, para kang prinsesa! Para kang lumabas sa fairytale. Napakaganda mo.”Si Mira ay bahagyang tumingin sa salamin, kontento siya sa simpleng ganda ng gown.“Gusto ko nga sana mas simple pa dito.”Biglang nagsalita si Lolo Mario.“Simple? Aba, apo, hindi puwede! Ikaw ang magiging pinakamagandang ikakasal sa buong bayan! Ilagay natin ng diamonds sa laylayan, tapos emerald sa veil! Dapat kumikinang ang damit mo mula altar hanggang reception!”Nagtawanan sina Maya at Nanay Mel, pero siya ay napailing, bahagyang nahihiya.“Lolo, baka magmukha na akong Christmas tree n’yan.”“Tama si
Napilitang lumapit si Sebastian, halatang alanganin, pero sa tindi ng sigaw at tuwa ni Katie, wala na siyang nagawa. Dahan-dahan siyang lumapit, mabigat ang hakbang, ngunit pinipilit maging maayos ang reaksyon ng mukha.Pagdating niya sa harap nina Mira at Kyle, pinakawalan niya ang isang pilit ngunit magalang na ngiti.“Congratulations… Kyle, Mira.” sabay tingin kay Katie“At ikaw, Katie… ang galing mong sumayaw ah.”Tumakbo ang bata at niyakap si Sebastian sa bewang, masaya itong makita ang tiyuhin.“Happy ako kasi nakita po kita, Uncle Seb! Ang saya-saya po namin.”Nagkatinginan sina Mira at Kyle. Lumuhod si Sebastian para yakapin ang bata pabalik.“Oo, Katie. Masaya ako para sa inyo.”Sandali siyang tumingin kay Mira, may bakas ng lungkot, pero malinaw din ang pagsuko at pagtanggap. Tapos ay inabot niya ang kamay kay Kyle.“Congratulations. Alagaan mo sila.”Tinanggap ni Kyle ang kamay ng kapatid. Ang simpleng pagkakamayan na iyon, bagama’t puno ng bigat, ay tanda ng unti-unting p
Nakaupo si Kyle sa sofa, hawak ang telepono at kausap si Lucas.“Bro, sana nandito ka bukas. Malaki ang parte mo sa lahat ng nangyari sa buhay ko. Pero naiintindihan ko kung hindi ka makakauwi. Alam kong busy ka.”“Pasensya na, Kyle. Hindi ako makakabalik agad. Nasa France ako para i-finalize ang branch ng perfume business. Pero tandaan mo, kahit wala ako dyan, buong puso ang suporta ko. Gawin mo ‘yan para sa pamilyang bubuuin mo,” anang kaibigan sa kabilang linya, may halong lungkot at tuwa ang tinig nito.“Salamat, Lucas. I’ll make sure na magiging espesyal ang proposal. Para sa babaeng pinakamamahal ko.”“I’m happy for you, bro.”“Ikaw kailan ka maghahanap ng babaeng papakasalan? Baka akala mo bumabata ka.”“Hindi hinahanap ang pag-ibig, kusang dumarating. Tsaka ang dami kong reserba. Huwag mo akong alalahanin,” himig biro nito.“Bro, iba kapag mahal mo talaga ang kasama mo tapos bubuo kayo ng pamilya. Priceless ‘yung saya.”“Sige bro, tama ‘yan, inggitin mo pa ako,” anitong natata