MasukYou are my favorite reader. Thank you very much po sa suporta! Godbless po!
Kinabahan si Maya.Pagbukas niya ng Messenger, may tatlong larawan.Pag-scroll niya, halos mabitawan niya ang cellphone.Si Lucas at si Camille.Magkatabi sa kama. Nakahawak ang babae sa dibdib ni Lucas, parehong walang suot pang-itaas.Para siyang binuhusan ng malamig na tubig.Tila umikot ang paligid at ang dibdib niya ay sumikip.“Hindi…” bulong niya, nanginginig. “Hindi totoo ‘to.”Pero paulit-ulit na bumabalik sa isip niya ang mga salitang binitawan ni Camille sa selda.“Bibigyan kita ng isang linggo. Kapag hindi ka pumirma, baka sa susunod na makita ka ni Lucas, nasa kabaong ka na.”Ngayon, parang literal na namatay ang puso niya.Napakapit siya sa posting malapit, pilit pinipigilan ang luha.Nagvibrate muli ang cellphone niya, another message from Divine.“Sabi nila, nagbalikan na raw talaga. Si Camille na ulit ang girlfriend ng CEO.”Napahigpit ang hawak niya sa cellphone.Ang larawan ni Lucas at Camille sa screen ay parang kutsilyong tumatarak sa dibdib niya.Tumayo siya, mar
Ngumiti si Camille ng abutin ni Lucas ang basong may lamang alak at mabilis na tinungga ang alak. Ngunit habang lumulunok, napansin niyang kakaiba ang lasa ng wine, mas mapait sa dila.Tumingin siya kay Camille, kumukurap. “Anong nilagay mo dito?”Ngumiti si Camille, marahan. “Just a little reminder that love can be intoxicating…”Nanginig ang kamay ni Lucas, bumigat ang ulo. “Camille… anong hinalo mo?”Lumapit ito, hinaplos ang pisngi niya. “Relax. Just something to help you forget her for a while.”Nabitawan niya ang baso, bumagsak ito at nabasag sa marmol na sahig.Ngumiti si Camille, habang hinahaplos ang dibdib niya. “Ssshhh… you’ll thank me tomorrow.”Biglang tumunog ang doorbell. Si Lance. Nakitang bagsak si Lucas sa sofa.“Babe, anong ginawa mo? Don’t tell me, you killed Lucas?” anitong namutla.“Are you stupid? Kasal sila ni Maya, edi wala akong napala sa lahat ng pinaghirapan ko?”“Anong ginawa mo sa kanya? Natatakot na ako sa mga plano mo.”“Pinatulog ko lang. Tara, buhatin
Humakbang pabalik si Maya sa loob ng mainit na selda.“Hindi ako pipirma,” matigas niyang sabi. “Kaya kong ilabas ang sarili ko dito.”Tumalikod siya, ngunit bago pa siya makalayo, biglang hinila ni Camille ang buhok niya.“Aba’t ginagalit mo ba talaga akong babae ka?!”Napahiyaw si Maya. “Bitawan mo ‘ko!”Nagkabuhol ang buhok nila, nagkagulo, nagsabunutan silang dalawa. Hinawakan ng dalawang pulis ang magkabilang braso ni Camille at Maya para paghiwalayin.“Ma’am, tama na!” sigaw ng isa.Hingal na hingal si Maya, habang si Camille ay ngumiti ng malamig. “Ayaw mong pumirma? Fine. Pero tandaan mo ‘to, Maya, may paraan akong mawala ang mga taong sagabal sa’kin.”Nanginginig ang labi ni Maya. “Ipinagmamayabang mong may pera ka, Camille, pero tandaan mo, may Diyos na nakakakita ng mga kawalanghiyaan mo!”Ngumisi si Camille. “Oo. Pero ang Diyos, matagal kumilos. Ako, mabilis.”Bago ito tuluyang lumabas ng selda, huminto sa may pinto. “Bibigyan kita ng isang linggo para mag-isip. Kapag hind
Binuksan ni Maya ang folder na inabot ni Daryl, nanginginig ang mga kamay habang binubuklat ang mga dokumento. Ang bawat pahina ay tila pumutol ng hininga niya.Marriage Certificate.Parang sumabog ang isip at puso niya. Tila tumigil ang pag-ikot ng mundo.Hindi ba’t mag-aapply pa lang sila ng marriage license noon? Paano nangyari ‘to?“Sir Daryl,” mahina niyang sabi, halos pabulong, “this is fake. Wala akong pinirmahang ganito.”Tahimik lang si Daryl sa loob ng ilang segundo bago siya nito tinitigan nang diretso.“I’m sorry,” mahinahon nitong sagot. “Naalala mo noong isang gabi, binalikan kita sa opisina? Yung pinapirmahan kong papel na sabi ko ay nakalimutan mo lang pirmahan? That’s it.”Hindi siya nakapagsalita.“The CEO wanted to marry you, Maya. Sana alam mo kung ano ang ibig sabihin noon.”Halos hindi siya makahinga. Oo, alam niya kung ano ang ibig sabihin noon.Hindi nito gustong pakasalan si Camille. At siya, si Maya, na tanga ang naging best escape plan. All along, nasa isang
Napatayo si Maya at nakayukong tumakbo palabas. Paglabas niya ng opisina, halos manghina siya sa dami ng matang nakatingin. Tahimik ang buong floor, tanging mga bulungan lang ang maririnig.Nasa gitna siya ng corridor nang biglang may sumunod na dalawang security guard.“Ma’am,” sabi ng isa, malamig ang tono. “Sumama po kayo sa amin.”Napaatras siya. “Bakit? Ano’ng problema?” gumapang ang takot sa buong katawan niya.“Sa HR lang po, ma’am. May ipapapirma lang. Huwag na po kayong tumutol para walang gulo.”Dala ng kaba, sumama siya. Habang naglalakad, ramdam niya ang mga matang nakasunod, mga empleyadong dati’y nakangiti sa kanya, ngayo’y nag-uusap sa likod.Pagdating sa HR office, may nakahandang dokumento sa mesa.“Ms. Marasigan,” sabi ni Iris. “Temporary suspension habang iniimbestigahan ang kaso ng leakage. Please sign.”Nanginginig ang kamay niya habang tinitingnan ang papel. “Ma’am Iris, wala po akong kasalanan…”Pero bago pa niya matapos ang pangungusap, bumukas ang pinto.Tatlon
Hindi agad nakapagsalita si Lucas. Nagkunwaring hindi naniniwala kay Maya."Tell me, you're just kidding. Wala pang nakakakita sa CEO. Umamim ka nga, gusto mo ba ang CEO at may plano kang makipaglapit sa kanya?" ani Lucas na nagpadismaya kay Maya.So, totoong it's just all a game. Tiyak na ang kasal na binanggit nito ay hindi din totoo. Hindi din niya dapat seryosohin ang larong ito. It will end soon, in his own terms.“Kahit type ko ang CEO, hindi niya ako papansinin,” aniyang yumuko upang itago ang namuong luha.Naramdaman niya ang mahigpit na yakap ni Lucas. Nasasaktan siya. Heto na nga ba ang kinakatakutan niya. Falling for the wrong person.Mabilis niyang pinahid ang luhang naglandas sa kanyang pisngi.Tumayo siya at inayos ang sarili at mabilis na umakyat sa kanilang room. Tahimik na nakasunod si Lucas.“Maya, galit ka ba dahil sa nangyari?”Umiling lang siya. “It’s just a mistake. Wala naman tayong relasyon. Kalimutan natin ang nangyari. Parehas tayong nadala lang ng pagkakatao







