Share

Chapter 3:

Thrizel’s POV

Nagising ako dahil sa tunog ng aking alarm clock. Tumayo ako para buksan ang bintana, tumama agad ang sinag ng araw sa aking mukha kaya humikab ako at nag-unat. Napatigil lang ako nang nakita ko si kuyang nasa harapan ng aming bahay at may kausap, si Ate Anissa.

Napasinghap ako at pumunta na sa banyo. Naligo muna ako bago bumaba. Hays. Ngayong araw na ito ay hindi na naman ako papansinin ni kuya dahil kahapon. Gano’n naman lagi ang nangyayari. Kapag sinabi niya, gagawin niya talaga. Matigas pa sa bato si Thrale.

"Gising ka na pala, anak." Bungad ni mom sa akin nang makarating ako sa kusina. Tinutulungan niyang maghain si Manang Perry.

"Hija, kumain ka na at nang makapasok."

Napabuntong-hininga ako at napasandal sa pinto ng kusina na nakasarado. Naghalukipkip at pinanood na lang sila. Tinatamad ako ngayong araw. Ilang minuto rin akong nasa gano’ng posisyon hanggang sa mapadaing ako.

"A-Aray!" May biglang nagbukas ng pinto. Inis kong binuksan iyon. "Ano ba iyan?! Magdadahan-dahan naman kay—okay."

Binitawan ko ang door knob ng pinto at hinayaan sila pumasok, it's kuya and Ate Anissa. Hindi ko na rin tiningnan, umiba na lang ako ng baling.

"Good morning po, tita at Manang Perry." Magalang na mano ni Ate Anissa, ganiyan talaga siya, mabait. Wala namang problema sa ugali ni Ate Anissa, isa na rin siguro ang dahilan kung bakit mahal na mahal siya ng aking kuya. Ideal girlfriend na yata siya.

"Oh, sabay ba kayo ng aking anak?"

"Opo."

"Sige, kumain na kayo."

Umupo sila sa pinakadulo ng lamesa. Ako ay nakatayo pa rin habang nakasandal sa pader, lumingon ako kay kuya. Masaya siyang nakikipag-usap sa nililigawan niya. Napailing ako at lalabas na dapat nang marinig ko muli ang boses ni mom.

"Anak, kumain ka muna."

Hindi na ako humarap. "Hindi na po, mauuna na po ak—”

"Sumabay ka na sa amin, Thrizel. Maaga pa naman, e." Pagyayaya ni ate Anissa kaya pati atensyon ni kuya ay napunta sa akin. Blanko ang mukha nitong nakatingin sa mukha ko. Tinitigan ko siya sa mga mata ng ilang segundo, ako na rin ang sumuko dahil hindi ko kaya. Ang mga titig niya kasi ay parang inuutusan na naman ako. Gusto niya akong kumain.

"Hindi na, mau—"

"Ayaw mo ba akong makasabay?"

Napakamot ako sa aking kanang kilay. Napabuntong-hininga at walang nagawa kun’di ang umupo. Sila mom at manang ay umupo na para sabay-sabay kaming kumain. Si mom ang naglagay ng aking pagkain sa plato, kinuha ko ang mga kubyertos. Tumingin ako sa bintana at nag-isip.

Ayaw niya talaga akong pansinin. Hays. Pabebe. Hindi naman bagay sa kaniya. Mukha siyang ipis. Hmp. Pero ilang araw na naman kaya ang ganito? Sarap niya, sarap niya ibalibag.

"Thrizel, tulala ka. Bakit walang bawas ang pagkain mo?"

Nawala ako sa pag-iisip nang tawagin ako ni mom. Walang gana man kumain pero pinilit pa rin. Kaunti lang ang bawas niyon. Nagsepilyo na ako, umakyat sa kwarto para kunin ang aking bag at cellphone.

"Alis na ho ako!"

Hindi ko na hinintay ang sagot nila, dali-dali na akong lumabas. Binuksan ko ang aming gate. Ang sariwang hangin agad ang bumungad sa akin.

"Buti naman, makaka—"

Hindi ko na tinuloy ang sasabihin dahil kita ko si kuyang naglalakad papunta sa kotse niya. Hindi na ako nag-ingay at naglakad na.

"Pst!" Mabilis akong humarap sa tumawag. Akala ko si kuya pero hindi. Bwisit ito!

"What?" Masungit na tanong ko. Ang aga-aga, mangungulit na naman ba siya?

"Ayaw mo ba talaga? Gagawin ka lang naman naming referee sa aming away. Kailangan kasi ay babae, e."

"Ayoko nga! Ako pa ang masuntok niyo!"

Inakbayan niya ako. Nagfeeling close, ah? Angas din naman ng lalaking ‘to. "Ano bang gagawin mo kapag nasuntok ka namin?"

"Aba, malamang ay gagantihan ko kayo."

"‘Yon naman pala e, tara na?"

"Lumayas ka sa harap ko! Hindi ako tambay, maayos na babae ako!"

Umasim agad ang kaniyang mukha sa aking sinabi. "Mukha ba akong tambay?"

"Oo, mukha pa lang."

"Hoy, marami lang akong tattoo."

"Papasok pa ako."

"Mayaman ako, babayaran naman kita." Mabilis akong umiling. "Okay, lalapit at lalapit ka rin sa akin, binibini."

Hindi ko na siya pinansin. Nagpatuloy ako na lang ako sa paglalakad, ayoko sumabay kay kuya dahil pag-aaral na naman o hindi rin ako papansinin. May maghahatid naman sa akin papuntang paaralan pero ayoko. Malamang ay mamayang uwian ay bantay ako niyon.

Nakarating ako sa destinasyon. Naglalakad ako sa pasilyo papuntang aking silid-aralan. Impit na nagtilian ang mga babae nang dumaan ang heartrob sa paaralan na ito. It's Dominic.

"Ang pogi niya talaga!" Rinig kong tili ng babae sa aking gilid. Ang Dominic naman na ito ay papasalubong sa akin.

"Wahhhh! Si Dominic!" Hindi ko sila masisisi kung ganiyan sila kinikilig dahil gwapo naman siya. Hindi ko kinakaila. Sa sobrang tunog ng kaniyang pangalan, kilalang-kilala ko na.

Nang magkasalubong kami. Nangunot pa ang aking noo nang titigan ako nito sa mismong mga mata. Binangga pa nito ang aking balikat. Huminto ako kaya napahinto siya. Tinitigan niya muli ako sa mga mata, pinabayaan ko iyon. Hinanap ko ang alcohol sa aking bag. Nang makita ito, binuhusan ko ang manggas ng aking blouse na kung saan nadikit ang kaniyang balikat.

"Kadiri." Ngiwing sabi ko.

Gulat ang lahat sa kanilang nasaksihan. Naalala ko na ito, siya ang kuya ng babaeng nakaaway ko noong nakaraang araw, kaya siguro ako nito binagga. Ano naman kung gwapo siya?

"What the hell are you doing?" Bakas ang inis sa mukha niya. Hindi ko mawari kung naiinis ba talaga o nagpapanggap. O baka naman nagpapasikat lang siya.

Ngumisi ako ng nakakaasar. Umirap ako at muli siyang tiningnan. "Alcohol helps destroy bacteria and other microbes." Kaswal na kaswal ang aking sagot na parang walang ginawang ikakainis ng kaharap ko.

Muli akong umirap at tumalikod na. Alam niyang lalaki siya, babanggain niya pa ako. Paano kung malakas iyon? Edi tumalsik ako. Wala akong pakialam kung magkaroon man ako ng haters dahil sa kaniya. As if I care?

"Good morning," nakangiting bati sa akin ni Amira.

Ngumiti ako sa kaniya. "Pasensya na pala kahapon, iyong nangyari sa baha—"

"No, it's okay," sagot niya agad. "Ang kwarto mo kasing napunta ay kay Kuya Elkhurt."

"Uhm, salamat naman. Sige, kakain muna ako sa cafe, hindi pa ako nag-almulsal, e."

"Okay. Ikaw na lang. I'm not done yet with our assignment."

Tumango na lang ako, pumasok sa loob at inilipag ang bag sa upuan. Dali-dali akong lumabas, nagmadali rin akong maglakad. Pagkapasok ko sa cafe, gutom agad ang nanguna sa akin. Pum’westo ako sa pinakasulok nang matapos umorder. Kumain na lang ako ng tahimik.

Ang mata ko lang ang malikot dahil kung saan-saan ako tumitingin. Sumama ang aking mukha nang pumasok ang babaeng nakaaway ko, hindi ko kasi alam ang kaniyang pangalan. Ang mas lalo kong isinasama ay patungo siya sa aking direksyon. Kinalampag niya ang mesa ko ngunit hindi ako natinag.

"Pinahiya mo pa talaga ang kuya ko!" Galit na galit siya sa akin. Gusto niya na akong saktan pero pinipigilan lang siya ng kaniyang mga kaibigan. Samatalang ako ay tuloy sa pagkain at nagpapanggap na wala siya sa aking harapan. Nananatiling sa pinto lang ang aking paningin.

"Ano na?! Thrizel Wrent?"

Umirap ako, wala akong ginawa. Ganoon pa rin ang pakikitungo ko sa kaniya. Gusto ba ng eskandalo ng babaeng ‘to?

"Thrize—"

I stood up and looked at her. Nakita ko kasi si kuya na pumasok. Tinaasan ko siya ng kilay, malakas kong binagsak ang kubyertos na nakaagaw ng atensyon ng lahat.

"Are you insane? Are you slut? Flirt? Or whatever? Did you see? I'm eating and you're bothering me. Kung eskandalo ang gusto mo, lubayan mo ako."

"Walang hiya k—"

"Sandali." Sabi ko nang mahawakan ko ang kaniyang kamay na pasabunot sa akin. "Huwag masyadong magmadali."

Gigil na gigil siyang ibinaba ang kaniyang kamay. Hinanap ko si kuya pero naudlot iyon nang sugurin ako ng babaeng ito. Nahablot niya ang aking buhok at aaminin kong masakit ang kaniyang pagkakasabunot. Ramdam ko ring nakalmot niya ang aking mukha, rinig ko ring nagkakagulo na. Dahil sa inis at galit ko, buong puwersa kong tinulak ang babaeng ito. Alam kong tumalsik siya, inayos ko ang aking buhok at nakita ko ang babaeng nakahiga sa sahig na napapalibutan ng mga upuan. Tinayo naman siya ng mga kaibigan niya.

"You mother fuck—"

"Stop." Harang ni kuya sa babae. Wala na itong nagawa.

Pumunta sa direksyon ko si kuya, yumuko na ako dahil alam kong sermon na naman. Kaya ko pinatulan para mapansin niya ako. Nakita ko ang dalawang pares ng sapatos na tumapat sa akin. Hinawakan niya ang aking baba at tinaas ang mukha. Seryoso lang siyang nakatingin sa mukha ko. Nagulat ako nang gamitin niya ang kaniyang hinlalaking daliri para ipapahid sa aking pisngi. May dugo iyon, iyon yata ang kalmot na natamo ko.

"Sorry," usal niya at yinakap ako.

Bigla nalang akong nakaramadam ng kaba at pakakailang. Ang bilis ng tibok ng puso ko at masaya ako sa kaniyang ginawa.

Itutuloy...

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status