Share

Chapter 4:

Thrizel’s POV

"K-Kuya." Nauutal na tawag ko habang nakayakap siya sa akin.

Ibang-iba talaga ang aking nararamdam kanina. Matagal na akong yinayakap ni kuya pero bakit kanina ko lang naramdaman iyon. Sobra tuloy ang pagkakailang ko. Hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang tibok ng puso ko. Heart, tumigil ka, please.

Sa wakas ay kumalas na siya sa pagkakayakap. Umayos siya ng tayo at inayos din ang aking buhok. "Ayos ka lang? May kalmot ka sa mukha. Wait lang, ah? Magtatanong lang ako kung may first ai—"

"Kuya." Pigil ko sa kaniya dahil halata ko sa kilos niyang natataranta siya. "Ayos lang ako."

Nakahinga siya nang makuwag. "I know," sagot niya. "Diyan ka muna. May first aid kit naman yata ang cafe rito, hihiramin ko na lang."

Napabuntong-hininga ako. "Sige."

Umupo ako sa silya. Hays. Sayang ang pagkain ko. Nagpapasalamat nga ako dahil dito ako sinugod ng babaeng iyon, bihira lang kasi magpuntahan ang mga guro dito. Kapag may nakakita sa amin, malamang sa malamang, detention slip ang abot ko. Humina na rin ang tibok ng aking puso, kaya siguro ito mabilis dala ng hingal sa pakikipag-away. E, paano ang pagkakailang ko? God, Thrizel, kumbinsihin mo ang sarili mo.

"Thrizel." Papalapit na si kuya sa kinaroroonan ko. May dala siyang bulak, bond aid at—what? Alcohol?

"Kuya, bond aid na lang, may klase pa k—"

Tumayo siya sa aking harapan. "Takot ka lang talaga sa alcoho—"

"Alam mo naman pala, e!" Sigaw ko habang nakabusangot ang mukha.

Natawa siya at tumingin sa aking mukha. "Akin na at nang magamot."

Wala na akong nagawa kun’di ang ilapit ang mukha ko sa kaniya. Habang titig na titig siya sa pisngi ko dahil ginagamot niya ang aking sugat, ako naman ay titig na titig sa mukha niya. Maputi si kuya, matangos ang ilong at medyo singkitan ang mata. Ang pagkakaayos pa ng buhok nito ay patagilid kaya mas lalo siyang gumwapo. Natatakpan niya ang kabilang gilid ng noo niya dahil sa buhok niyang nakalaylay.

Maraming babaeng nagkakagulo dati sa kaniya. Nawala ang iba nang malaman nilang nililigawan niya si Ate Anissa. Isa rin sa aking dahilan ang mamili ng kaibigan dahil ang iba ay kinakaibigan ako para mapansin sila ni kuya. Si Amira kasi ay kaibigan ko na iyon since we’re grade 2.

"Pst, kanina ka pa tulala. May dumi ba sa mukha ko?" Nawala ako sa pag-iisip nang magsalita siya. Pinilig ko ang ulo ko at nakangiting humarap sa kaniya. "Tumayo ka na riyan. Bumalik ka na sa room mo."

Tumango ako at aalis na dapat nang bigla niyang hawakan ang aking pulsuhan. Parang nagkakarerahan na naman ang aking puso sa bilis ng tibok nito. Ano bang nangyayari sa akin?

"Sabay tayo uuwi."

"O-Oo."

"Huwag—"

"Oo, kuya. Mauna na ak—"

"Kang tataka—"

"Oo!" Saka ako lumabas ng cafe. Alam kong takang-taka na si kuya sa inaakto ko. Hindi ko kasi mapatigil ang puso ko sa pagbilis ng tibok. Kinakabahan din ako kaya mas pinili ko pang lumabas na.

"Hoy, tulala ka riyan." Biglang harang sa akin ni Amira sa pasilyo.

Napapikit ako at humarap sa kaniya. "Huwag na."

"Anong huwag na? Lutang? Hoy, ang layo ng sagot mo sa sinabi ko!" Ano ba kasi talagang nangyayari sa akin?!  "Saka bakit ka may sugat sa mukha? Si Demzell na naman ang may gawa niyan 'no?"

"Demzell?" Kunot noo kong tanong.

"Duh, kaaway mo hindi mo kilala. Iyong kapatid ni Dominic."

Tumango ako at naglakad na kaming dalawa papuntang silid. Habang naglalakad kami ay sabay kaming napatingin ni Amira sa sahig, may identification doon. Kinuha ko iyon at binasa ang pangalan.

"Dalawa?" Patanong ni Amira. Dalawa kasing identification ang nakuha ko sa sahig.

Tumango ako at binasa ang pangalan. "Elizabeth G. Dellara." Basa ko sa pangalan. "E, kay ma'am Dellara ito."

"‘Yong isa." Nguso niya sa isang identification.

Binasa ko rin ang pangalan. "Redelyn C. Guaniria."

"Hindi ko kilala iyan, baka sa estudiyante iyan ni Ma'am Dellara." Tumingin siya sa daraanan. "Tara? Isauli natin kay ma'am."

Maglalakad na sana kami pero napahinto ako. Napansin ko kasi ang presensiya ni kuya na naglalakad sa pasilyo patungo kung nasaan kami. Hinatak ko na si Amira dahil kapag maabutan kami ni kuya, matataranta na naman ako.

"Kuya mo iyon, bakit iniiwasan mo? Halata sa kilos mo." Puna ng kaibigan ko. Alam niya na talaga ang bawat kilos ko.

"K-Kasi naman, tuwing lalapit siya ang bilis ng tibok ng puso ko at naiilang ako." Hindi ako nahirapan na sabihin iyon. Hindi naman siya iba sa akin, naguguluhan lang talaga ako.

Napatigil siya sa paglalakad. "Huh?" Kunot-noo niya akong tiningnan. "H'wag mong sabihin na may gusto ka sa kuya m—"

"Hoy, manahimik ka nga pero nasa isip ko rin 'yon."

"Hala ka! Ano bang paraan ang ginamit niya para makaramdam ka niyan?"

"Matapos ako makipag-away, yinakap­ niya ako."

"Hmm?" Humawak siya sa kaniyang baba, halatang nag-iisip. "Kung may gus—tangek! Kaya siguro mabilis ang pagtibok ng puso mo dala ng hingal. Sabi mo, matapos makipag-away."

"Iyon nga rin ang naisip ko kanina. Kaso paano ang pagkakailang?"

"Kakatapos niyo lang mag-away ng kuya mo, 'di ba?" Tumango ako. "Naiilang ka dahil kababati niyo pa lang."

"Ang talino mo talaga. Tara na. Puntahan na natin si ma’am."  Maglalakad na sana muli nang magsandali siya. Kunot-noo ko siyang hinarap.  "Ano na naman?"

"Wahhh! Thrizel, late na tayo! Takbo na!"

Kumiripas kami ng takbo papunta sa pangatlong palapag. Naroon kasi ang silid ni  Ma'am Dellara. Ang daldal kasi ni Amira. May pahinto-hinto pa kasing nalalaman, edi mas lalo kami mahuhuli sa klase.

"MA'AM!" Sigaw ko pagkatapat sa pintuan habang nakataas ang kanang kamay at nandoroon ang identification na hawak ko.

Halos mapangiwi ako nang mapagtanto kong lahat ng estudiyanteng nasa silid na ito ay nakatingin sa akin. Walang nagsasalita, nasa akin lang talaga ang atensyon nila pati ang guro.

"Ma'am Della—hehe."  Napakamot si Amira sa ulo na kararating lang. Napahiya pa ako roon.

"You two, what do you need?" Istrikto ang boses nito. Nabulahaw yata namin ang matahimik niyang klase.

"Identification niyo po, kakikita lang namin kanina." Si Amira ang nagsalita. Tinalon niya ang ID na nasa aking kamay at pumasok sa loob para ibigay. Hindi niya iniingatan.

Nakalimutan ko, hindi ko pa pala nabababa ang aking kamay na nakataas kaya umayos ako ng tayo.

"Thanks," aniya.

"Kilala niyo po ba si Redelyn C. Guaniria?" Ako na ang nagsalita para kahit papaano mawala ang hiya.

"Nope, she's not my student. Now, go back to your class! You’re late!"

"Pasensiya na, ma'am," sabay kaming yumukod ni Amira.

Sungit! Buti nga sinauli namin ang important things niya.

Umalis kami ni Amira sa silid-aralan na iyon. Parehong bagsak ang aming balikat, napahiya kami sa buong klase niya.

"Tara na? Balik na tayo sa room."

"Wait lang, Thrizel. Naiihi ako, comfort room muna tayo."

"Sige," sang-ayon ko. Huli na rin naman kami sa klase, bakit hindi pa sagarin?

Pumunta na kami sa banyo. Ang unang pumasok ay si Amira. Parang nag-aalinlangan pa akong pumasok dahil sa naging kilos niya, tila may kakaiba. Dahil pakiramdam ko lang naman iyon, pumasok ako.

Nagtaka pa dahil nakatayo lang ang kaibigan ko sa main door. Hinawakan ko siya sa balikat, bahagya pa siyang nagulat. Lumingon siya sa akin pero binalik muli ang tingin kung saan ang kaniyang tinitingnan. Nangunot­ ang aking noo kaya pati ako nakiusisa.

Hindi ko alam kung magagalit ako o kung ano. Basta naestatwa ako sa aking kinatatayuan. May nararamdaman din akong parang sumisikip ang dibdib. Hindi ko maibuka ang aking mga labi. Basta ang mga mata ko lang ay nakatuon sa kanila.

"Kuya." At sa wakas. "Ate Anissa."

Kuya and ate Anissa are making out. Naghahalikan sila habang nakaupo si Ate Anissa sa sink. Ang mga kamay ni kuya ay naglalakbay, banyo ito ng mga babae. Bakit nandito si kuya? Bawat kanilang galaw ay pinapanood ko at ito pa ang aking pinagtatak. Bakit nagbabadya ang mga luha ko sa mga mata? Hindi, Thrizel. Huwag kang maiiyak sa harap nila. Sa isip mo lang iyan kung anong iniisip mo sa nararamdaman mo.

"Thrizel," usal nila sa aking pangalan.

Mabilis silang nagsiayos. Lalapitan­ sana ako ni kuya kaso ang mga paa ko ay may sariling buhay. Kusa na lang itong naglakad at kusa nalang ding pumatak ang aking mga luha. Ano bang nangyayari sa akin? Ayokong isipin ang aking iniisip!

Itutuloy...

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status