"S-ir Justine, naku, pasensya ka na. Nagmamadali din kasi ako. M-may... i---i have errands to...." Tila mautal utal si Yvann sa kausap. Ofcourse, kailangan nyang tumanggi. Hindi pwede! mabubuko sya at malilintikan. Yun nga lang hindi sya nakaisip ng magandang dahilan na pwedeng idahilan sa mga oras ns ito. "Cancel it! Ako na ang nakikiusap. tatanawin ko ito na isang malaking utang na loob." Mahigpit na napakapit si Yvann sa manibela. Sa itsura kasi ni Justine ay talagang hindi ito papayag na mahindian. Wala tuloy nagawa si Yvann kung hindi ang bumaba na sa kotse at sumama dito. Mabagal at mabigat ang mga naging hakbang nya. Si Justine naman ay nagmamadali na makarating sa unit na kinaroroonan daw ng kanyang anak. Sa unit ng lalaking kinalolokohan nito. Galit na galit si Justine dahil hindi na nya alam kung paanong supil ang gagawin sa anak. Sinabi na nya ritong kriminal ang lalaking iyon ngunit heto nagawa pa rin ng pasaway nyang anak na tumakas at pumunta rito. Pagdating ni Justi
Ilang araw na hindi kinibo ni Justine ang anak. Sobrang stress na ang dinulot nito sa kanya. Ipinagkatiwala na lamang nya sa mga tao nya ang paghahanap sa lalaking kinalolokohan ng anak at dahilan ng pagrerebelde nito. "Dad, can we talk?" habang umiinom si Justine ay biglang nagsalita ang kanyang anak mula sa likuran. Hindi sya nag-abalang lumingon at sagutin ito sa tanong at sa halip ay iinom ang baso na puno ng alak. Alam ni Lucy Pearl na galit sa kanya ang ama at narealize nya na mali ang ginagawa nya kaya naman inamo nya ang amang si Justine at humingi ng tawad. "Dad, i'm sorry. aaminin ko nagkamali ako. Patawarin nyo po ako sa nagawa ko. Hindi na po mauulit, pangako! Dad, kausapin nyo naman po ako." pagsisumamo ni Lucy Pearl sa ama. "tss, hindi ko na alam kung paanong kausap ang gagawin ko sa 'yo, anak. We gave all the best for you and yet, this is how you payback. Hindi ko alam kung bakit tumigas ang ulo mo ng ganyan. Ibang iba ka sa ate mo. Ang ate mo, at that Age, ang dami n
Some people put so much expectation in you and once you failed to meet those expectations they starting to doubt you and your potential not knowing that you want only to live based on your own terms and not based on they want you to be.I hope you will realized that this is your life, you're in charge of your soul, your own happiness and you're not obligated to do certain things because of other people's expectations. Stop letting the opinions of other people dictate the pace of your life. Your self worth will not decreased based on someones inability to see it. If you want to be respected by other people respect yourself by means of proving that you can survive without themLUCY PEARL POINT OF VIEW Maaga ulit akong gumising at naligo at nagbihis. Yes, maghahanap ulit ako ng kompanya na pwede kong pasukan. Nabigo ako kahapon pero hindi ibig sabihin noon na mabibigo ulit ako ngayon. Hindi ako titigil hanggang hindi ko na-prove sa sarili ko ang kakayahan ko. Same as yesterday, nag-ef
LUCY PEARL POINT OF VIEWNakauwi na ako at nakakain ng hapunan at ngayon ay narito na ako ngayon sa aking kwarto at katatapos lang maglinis ng katawan. Walang tao dito sa mansyon maliban sa akin at sa mga tauhan namin. Dati, nalulungkot ako tuwing wala sila pero this time, natuwa ako. Wala sila kaya hindi ko na kailangang umiwas sa mga tanong nila tungkol sa aking trabaho. Hindi naman sa ano pero sa estado ng pamumuhay na meron kami, tiyak na pagtatawanan nila ako. "Pasok!" malakas kong sabi nang may marinig na kumakatok. I know its manang Joy. Inutusan ko kasi syang labahan ang uniporme na gagamitin ko sa trabaho. "Thank you, manang Joy!" kinuha ko sa kanya ang tatlong pares ng uniporme na nilaban nya at inilapat muna ito sa kama ko. Napansin ko na hindi pa rin umaalis si Manang Joy. nakatingin lang sya sa akin o sa damit na inilatag ko sa kama. "Bakit po? May problema po ba?" Tanong ko tuloy. "W-wala naman. S-sigurado po ba kayong iyan ang uniporme nyo sa sinasabi nyong trabaho?
Buong puso kong tinanggap ang utos ng assistant manager dito na syang head ko. kinuha ko ang pera na inabot nya sa akin at dali-dali na lumabas. Starbucks is just 15 minutes away from this office kaya dinala ko na ang aking sasakyan. Pagdating ko sa Starbucks ay nagmamadali na akong umorder. Isa-isa kong binanggit sa cashier ang mga nasa listahan na pinapaorder ng boss ko at pagkatapos ay humanap na ako ng upuan para saglit na magpahinga. hiningal kasi ako sa ginawa kong mabilis na paglalakad."Hindi ba si Lucy Pearl 'yan?""'lucy pearl? yung kapatid ni Andelica? Hindi, ata! Tignan mo nga yung suot... Ang Chaka!""Pero kamukhang kamukha! Sabagay, hindi naman yon magsusuot ng ganyang damit. Damit pang utusan. Saka hindi umiinom ng kape sa ganito ang mga anak ng bilyonaryo." Dinig kong usapan ng nga babae sa likod ko. To be honestly, hindi talaga. Never pa akong nakapasok pa sa Starbucks. Ngayon pa lang. Kahit papaano, hindi naman ako nasaktan sa aking mga narinig. Atleast itong mga
LUCY PEARL POINT OF VIEWMga nasa dalawang oras akong katok nang katok at nagmamakaawa para pagbuksan nila ako ng pinto. Wala. inabutan na ako ng ulan at lahat pero nagawa pa rin nila akong tiisin lalo na si daddy. Ano pa nga ba ang gagawin ko kung hindi ang lumayas gaya ng gusto nila. Masamang masama ang loob ko na sumakay ng sasakyan. Dito ako humagulgol habang nakadukdok sa manibela. Wala talaga akong makuhang pagmamahal mula sa pamilya ko kaya kahit alam kong mahirap, naging buo na ang desisyon ko na lumayas. Paikot ikot ako sa daan at walang mapuntahan. katulad ng salamin ng aking sasakyan, basang basa rin ako sa luha at ulan. IM A LOOSER! KAHIT ANONG GAWIN KO, TULUNAN PA RIN AKO. SA NANGYARI, TIYAK NA HINDI NA NILA AKO GUGUSTUHING PABALIKIN. Nasugatan ko ang magandang mukha ng ate at kamuntik naman na atakihin sa puso si mommy. They all blamed me kaya heto ako ngayon, magpapalipas na lang siguro ng gabi sa isang hotel. May pasok ako bukas at hindi na ako pwedeng umayaw. Pa
ATTY PEREZ POINT OF VIEW"Anong kriminal? Anong sinasabi mo diyan? Nakalimutan mo na ba kaagad ako?" Nagawa ko tuloy syang kausapin ng diretso .Madaling araw na at papa uwi na sana ako galing sa inuman with My Fellow bachelors. Napasarap ang kuwentuhan at inuman kaya heto, uuwi akong medyo hilo na ang paningin. Na-miss kasi namin ang isa't isa kaya naman pinagbigyan ko sila hanggang huli. Ang mga loko, kumuha pa ng mga babae kaya nagpaalam na ako. Mabagal lamang ang takbo ko dahil sa lakas ng naging tama ng alak sa sistema ko. Kaya ko pa namang umuwi. Iyon nga lang, basa ang daan dahil sa sobrang lakas ng ulan kaya doble ingat ako sa pagmamaneho. Sa kalagitnaan ng pagmamaneho ko, may napansin ako sa bandang kaliwa ko. Natawag nya ang atensyon ko dahil para syang basang sisiw na na-stranded. Honestly, hindi pumasok sa isipan ko na mag-alok ng tulong sa kanya. Bukod kasi sa nakainom at talagang mapungay na ang mga mata ko, andoon rin sa isipan ko na baka modus lang ito. kunwari mangh
Lalo pang lumakas ang buhos ng ulan ngunit hindi iyon naging hadlang para hindi sila magkalinawan. Habang nasa daan, iniisip pa rin ni Lucy Pearl ang mga narinig kanina mula sa mga Pulis. Naniwala na sya na Atty. talaga at hindi kriminal ang estranghero na tinatawag nilang Atty. Perez pero mas tumatak sa isipan nya ang Biro ng mga Pulis. Nang mga mamukhaan kasi ng mga ito ang lalaking pinaparatangan nya na nanghaharass at tinawanan lang sya ng mga ito at sinabing hindi marunong mangharass si Atty. Perez sa halip ay ito ang hinaharass ng mga babae. At isa na si Lucy pearl sa mga babae na 'yon. na kung hindi dahil sa pamimilit nya ay wala sanang mangyayari dahil paulit-ulit sya nitong tinanggihan. Ngayong malinaw na sa kanya ang lahat, naging magulong muli ang kanyang isipan lalo na ang kanyang nararamdaman. Sa bawat paghawak kasi na ginagawa sa kanya ni Atty. Perez ay pakiramdam nya ay parang libo libong boltahe ng kuryente ang dumadaloy sa kanyang katawan. Kagaya ngayon, huminto na