Lalo pang lumakas ang buhos ng ulan ngunit hindi iyon naging hadlang para hindi sila magkalinawan. Habang nasa daan, iniisip pa rin ni Lucy Pearl ang mga narinig kanina mula sa mga Pulis. Naniwala na sya na Atty. talaga at hindi kriminal ang estranghero na tinatawag nilang Atty. Perez pero mas tumatak sa isipan nya ang Biro ng mga Pulis. Nang mga mamukhaan kasi ng mga ito ang lalaking pinaparatangan nya na nanghaharass at tinawanan lang sya ng mga ito at sinabing hindi marunong mangharass si Atty. Perez sa halip ay ito ang hinaharass ng mga babae. At isa na si Lucy pearl sa mga babae na 'yon. na kung hindi dahil sa pamimilit nya ay wala sanang mangyayari dahil paulit-ulit sya nitong tinanggihan. Ngayong malinaw na sa kanya ang lahat, naging magulong muli ang kanyang isipan lalo na ang kanyang nararamdaman. Sa bawat paghawak kasi na ginagawa sa kanya ni Atty. Perez ay pakiramdam nya ay parang libo libong boltahe ng kuryente ang dumadaloy sa kanyang katawan. Kagaya ngayon, huminto na
LUCY PEARL POINT OF VIEW Nagising ako ng parang patang pata ang buong katawan ko. Ang mga hita ko ay hindi ko naramdaman at ang pang ibaba ko ay may hapdi ng kaunti. Sobrang sinulit namin ang maulang gabi kaya naman maging si Atty. Perez este Yvann ay tulog na tulog pa rin hanggang ngayon. Nakadantay ang braso nya sa akin at nakadukdok ang mukha sa aking leeg. Ang isang kamay naman nya ay nakahawak sa dibdib ko. His damn morning looks. He is like a greek god. Hindi ko talaga maiwasan na purihin sya dahil talaga namang makalaglag panty ang kanyang kaguwapuhan. Ang kanyang mahabang itim na itim na pilik mata, matangos na ilong, at malambot na mapulang labi. Lahat sa kanya ay gusto ko at masaya ako tuwing kasama ko sya. "Gising ka na pala..." he's half awake. nahuli nya akong nakatitig sa kanya. He smiled and pinched my cheeks. "Ang sarap gumising nang ganitong kagandang mukha ang bubungad sa akin." OMG! hindi talaga sya pumapalya na pakiligin ako. Ano ba 'to? fucking shet naman! Nor
"Dzai, sino yon? Ang pogi, ah! Jowa mo?" Tanong ng boss ni Lucy Pearl sa kanilang Department. Nakita kasi nito na bumaba si Lucy Pearl mula sa magara nitong kotse at may pa-goodbye kiss pa itong si Atty. Ito tuloy si Sir Bob nya ay kinilig ng wala sa oras. "Hindi po. Hindi po kami." Sagot nya sa boss nya habang nakatingin sa kotseng papaalis na. bumusina pa ito sa kanila bago tuluyang umalis. "Hindi? Asus? eh, ano? Nanliligaw?" Tanong muli ng sir niya. "Hindi din po." Sagot naman muli ni Lucy Pearl. Nagsasabi naman sya ng totoo. Hindi ito nanliligaw kaya hindi sila magkarelasyon. "Ano? Eh, kung ganoon, ano mo sya? Bakit ganun ang treatment nya sa 'yo?" Hindi talaga mapigilan ng sir Bob nya na hindi magtanong. Nakita nya kasi kung paano sila magtinginan at hindi sya naniniwala sa sinasagot ni Lucy Pearl sa kanya. "Ammm..." matagal bago nakasagot si Lucy Pearl at nag-iisip. "Siguro, special someone po. ganoon." "Aruuu! Ang arte! Special special someone ka pang nalalaman eh kitang
ATTY. YVANN PEREZ POINT OF VIEW "Mom, hindi ako uuwi. I have urgent case to solve. tomorrow, diyan ako mag-breakfast. I love you...." text ko kay mommy. Nandito ako ngayon sa labas ng company nila Lucy Pearl. Its 30 minutes down the hour of 6. mga 30 minutes na rin akong nag-aantay at hindi pa rin sya lumalabas. I already texted her. Sinabi kong Nandito na ako kaya for sure ay Papalabas na rin 'yon. While waiting, my phone rung. The name appeared on my Screen is Justine. Maka tatlong beses itong nag-ring ngunit hindi ako nag-abalang sumagot. Hindi ako interesado sa proyektong ipinagagawa nya sa akin dahil busy ako sa proyektong ginagawa ko kasama ang anak nya. Si Lucy Pearl. maya maya pa ay nakatanggap ako ng text mula rin sa kanya at nagsasabing.... "Kumusta na? Ano nang balita sa pinagagawa ko sa 'yo?" Napangiti na lang ako na parang aso sa hangin. Ang lalaking ito, mas nauna pang asikasuhin ang paghihiganti sa dati nyang secretary na naging kabit nya na syang tinakbuhan sya ng
Papasok na sana si Yvann sa opisina. Dala nya ang Lambo nyang sasakyan at mabilis itong pinatatakbo. Habang nasa daan, naisipan nyang dumaan muna sa Coffee shop para bumili ng easy snacks. Hindi kasi sya nakapag almusal ng maayos dahil sa dami ng tanong ng kanyang mommy. Ipinarada nya ang kanyang sasakyan at pagkatapos ay bumaba mula sa maangas nyang sasakyan.Habang naglalakad, isang pamilyar na mukha ang kanyang nadaanan. Napahinto sya rito at hindi napigilan na kausapin ang isang babae na syang papasakay naman sa kotse. "Ikaw ba si Lucille? Totoo pala ang sabi ng iba--- mas maganda ka pala sa personal." pang bungad na bati ni Yvann sa babae na tinatayang may edad lang ng siguro ay mga limang taon sa kanya.hindi tuloy natuloy ang pagsakay ng babae sa kotse at napalingon sa kanya. "Huh? wait a minute first? Sino ka ba? bakit mo 'ko kilala?" mataray agad ang sagot nito sa inakalang kung sino lang na lalaki.hindi naman talaga kilala ng babae si Yvann pero si Yvann ay kilala sya. "Oh
LUCY PEARL POINT OF VIEWYung tipong umiiyak na nga ako dahil kay Yvann mas lalo pang nadagdagan ang pasakit sa dibdib ko dahil sa chat ng ate. Malabong hindi ito totoo. Never ginawang joke ni Ate ang tungkol sa sakit ni mommy kaya sigurado ako na nagsasabi sya ng totoo. Ang tanong ko lang, bakit nasa ospital si mommy? Hindi kaya inatake sya? Naku! huwag naman sana.Mabilis kong pinahiran ang isang katerbang luha sa mga mata ko at nag-ayos ng sarili. Nagmamadali akong nag-check out sa hotel at pumara ng taxi. "LORD, HUWAG NAMAN PO SANANG MALALA ANG NANGYARI KAY MOMMY. HINDI KO PO MAPAPATAWAD ANG SARILI KO KAOAG NAGKATAON. AKO NA LANG PO ANG PARUSAHAN NYO KASI PASAWAY AKO." Sa mga oras na ito ay isinantabi ko na lang muna ang tampo ko. hirap kong ihakbang ang mga paa ko dahil hindi ko alam kung may mukha pa ba akong ihaharap sa kanila. Inuna ko ang sarili ko with out thinking na nasasaktan ang pamilya ko especially itong si mommy. "Mommy..." totoo ngang narito si mommy. she's lying
Attorney Yvann Perez point of view.Napaisip talaga ako ng husto sa mga sinabi ni Mom. Naisip ko na mali ang set up namin. Ang dami nang nangyari sa amin pero hindi namin napapag-usapan ang real score sa aming dalawa.I really like her and I know she likes me too. We want more from each other but we never talk about our label. I mean, im not a stupid guy. Hindi ko gusto ang ganitong set up namin. Ako yung lalaki at ako ang dapat magtama nito. "Liligawan ko sya!" Iyan ang naiisip ko ngayon. the problem is how? Yes, let's say na nasa tamang edad na kami at nagkakagustuhan naman, ang iniisip ko is paano ko sya liligawan? kung si Lucy Pearl lang ay hindi ako natatakot na hindi nya ako sasagutin. Ang iniisip ko ay ang mga magulang nya at kung anong pamilya mayroon sya. Ayoko lang na sila pa yung maging hadlang sa amin ni Lucy Pearl. Hindi kasi pwedeng malaman ng pamilya nya lalo na ng ama nya na ako at yung lalaking kinababaliwan ng anak nila ay iisa. Hindi ko na rin aantayin na malaman
LUCY PEARL POINT OF VIEW Kanina pa ako gising pero wala akong ganang tumayo. Okay na kami ng pamilya ko pero parang ang lungkot lungkot ko pa rin. Hindi ko maikaila sa sarili ko na nasaktan talaga ako ng sobra sa mga nakita at nalaman ko. Hanggang panaginip ko ay dala dala ko pa rin ang mukha ng attorney na yon. Biglang tumulo ang luha ko. Nakatagilid ako habang nakahiga. tamang emote lang. Namimiss ko sya pero hindi nya ako namimiss. Nakakainis!Maya maya pa ay may narinig akong ingay mula sa pintuan ng aking kwarto. Hindi ako lumingon fsa pag-aakalang isa sa mga kasama ko dito sa mansyon ang pumasok. palibhasa'y nakatalikod kaya hindi ko ito nakita. Pasimple ko na lamang na pinunasan ang luha sa pisngi ko. "Ummpp!" nagulat ako dahil bigla ko na lang naramdaman na may umakap sa akin ng sobrang higpit. Napakunot ang noo ko dahil walang tao dito sa bahay ang naiisip ko na yayakap sa akin ng ganito. Pipihitin ko pa lang sana ang aking katawan ngunit bigla akong natigilan matapos nyan