Dalawang buwan na ang nakalipas simula nang magpaalam si Nicollai na uuwi dahil pinatawag ng lolo nito. At hanggang ngayon hindi pa rin ito nakakabalik ng Cebu.No calls, no text, nothing. Sa loob ng dalawang buwan na paghihintay, kahit minsan wala s'yang natanggap na tawag mula sa kasintahan.She kept herself busy, dahil graduation na nila next week.Inaasahan n'yang dadalo ito dahil nangako ito bago umalis na aattend sa graduation n'ya ngunit mukhang malabo nang mangyari pang magpakita pa ito sa kan'ya.Matamlay s'yang nagbihis para mag duty sa hospital. Hindi n'ya na inaasahan pa na may Nicollai na sisipot sa araw ng kan'yang pagtatapos.Kung ano man ang rason nito, rerespetohin n'ya iyon.Nakailang tawag na din s'ya sa lalaki, ngunit nakapatay ang cellphone nito o baka nagpalit na ng bagong number para hindi n'ya na ito ma kontak pa."Besh ano na? Maganda ba? Hoy! Nakikinig ka ba?" sigaw ni Glory sa kan'ya.Nasa mall sila para bumili ng damit na gagamitin sa kanilang graduation
Matuling lumipas ang mga araw, naging isang ganap na doctor na s'ya. Kumuha agad sila ni Glory ng board exam pagkatapos ng kanilang graduation.Masayang-masaya silang dalawa sa isa na namang tagumpay na nakamit.Sa ngayon nagtatrabaho na sila sa hospital na pinagtatrabuhan nila dati bilang mga resident doctor."Grabe ang saya pala maging doctor no? Akalain mo yon thirty six hours akong dilat besh dahil sa lintik na straight duty na yan," mahabang reklamo ng kaibigan.Mahina s'yang natawa dahil sa pagrereklamo nito."Tiisin mo, ginusto mo naman yan eh," pang iinis n'ya dito. Inirapan lamang s'ya nito habang ngumunguya ng mani na kinuha pa nito kanina sa pagkain ng mga pasyente."Hindi ka na nahiya no? Pati pagkain ng pasyente binawasan mo," sikmat n'ya sa kaibigan."Masarap kasi, saan kaya binili ng hospital tong ganitong luto," sagot nito."Baka ang hospital chef lang din ang nagluto n'yan," sabi n'ya."Siguro nga, matanong nga mamaya. Kakaibiganin ko agad ang chef, tapos magpaluto a
Pumunta sila ng mall pagkagaling sa hospital. Doon na sila nagbihis at nagpa salon, tuwang- tuwa ang apat na mga isip bata.Gusto n'ya nang magpahinga pero alam n'yang malabong mangyari yan, lalo pa nakabuntot sa kan'ya ang apat na nilalang na sobrang ingay at gulo. Nakisabay na din si Sharina ka bardagolan ng tatlong doctor.Napangiti s'ya ng maalala ang mga kaibigan na nasa kabilang sulok ng mundo.Kamusta na kaya sila?Matagal na panahon na din na hindi n'ya nakakasama ang mga ito.Simula nang talikuran n'ya ang dating buhay, nawalan na s'ya ng komunikasyon sa mga kaibigan.She's hoping that one day makakasama n'ya ulit ang mga ito. Pagkatapos nilang magpa salon, kumain muna sila sa isang restaurant. Lahat ng mga tao mapa lalaki man o babae ay napapatingin sa kanilang lima.Para silang mga Miss Universe na naglalakad sa gitna ng catwalk.Walang tulak kabigin naman kasi ang ganda nila. Mapagkamalan pa silang mga Binibining Pilipinas contestant kay'sa mga doctor ng hospital.Mat
"Mauna na kayong umuwi Cebu, susunod na lang ako," anunsyo n'ya sa mga kaibigan. Nagkatinginan naman ang mga ito sa sinabi n'ya."May nangyari ba besh?" seryosong tanong ni Glory sa kan'ya."Nope! May kikitain lang akong tao, bago umuwi ng Cebu," sagot n'ya dito."Hindi ako naniniwala sayo Michelle, kilala kita," nakataas kilay na sagot ni Glory sa kan'ya.She knows she can't bluff her bestfriend. Kung may tao man na nakakilala sa kan'ya ng lubusan, ito ay si Glory.Dalawang dekada na silang magkasama, kaya memorise na nito kung nagsasabi s'ya ng totoo o hindi at ganon din s'ya dito.Marami s'yang sekretong itinatago dito, pero pagdating sa nararamdaman o bumabagabag sa kan'ya, hindi n'ya ito mauuto."Wala nga, may kikitain lang talaga ako. It's important and I need to see and talk to that person before I head back to Cebu," paliwanag n'ya sa dalaga. Tinaasan lamang s'ya nito ng kilay at tiningnan na para bang sinasabi na " I don't believe you.""Ok! Rerespetohin ko ang paglilihim m
Uuwi si Nicollai sa Manila dahil sa tawag na natanggap mula sa abuelo. He is bloody worried na baka natuklasan na ng kan'yang lolo ang relasyon n'ya ky Michelle.May usap-usapan na may gusto itong ipakasal sa kan'ya, na anak ng ka sosyo nito sa mga maling gawain, pero hindi n'ya pa naman narinig mula sa abuelo ang tungkol dito.Pero dati na s'yang binantaan ng lolo na ito ang pipili ng babae para sa kan'ya, at hindi iyong kung sino-sino lang na napupulot sa tabi-tabi."Mine, wait for me ok? I will come back as soon as we finish the talk," paalam n'ya sa kasintahan. Hindi n'ya alam pero parang ayaw n'yang umalis, parang ayaw n'ya itong iwan. Ngunit hindi din n'ya pwedeng isawalang-bahala ang kan'yang lolo, dahil alam n'ya kung sino ang pagdidiskitahan ng galit nito, kapag hindi n'ya nasunod ang utos ng matanda."Go!Nandito lang naman ako. Bumalik ka ano mang oras na gusto mo," taboy nito sa kan'ya.Kinabig n'ya ito at pinaupo sa kan'yang kandungan.Niyapos n'ya ito ng mahigpit at is
"Hoy bata anong ginagawa mo d'yan?" tanong n'ya sa isang batang babae na nagtatago sa likod ng puno. Nasa park sila ngayon ng kan'yang kapatid.Ipinasyal sila ng kanilang ina, minsan lang sila nakakalabas dahil sa higpit ng kanilang lolo sa kanila. Para silang mga preso kung tratuhin nito, at kung suwayin nila ito, masasaktan ang kanilang mama."Huwag kang maingay baka makita ako," pabulong na sagot nito sa kan'ya."Teka bakit ka ba kasi nagtatago dito?" usisa n'ya sa bata."Naglalaro nga kami ng kaibigan ko, umalis ka nga, ang ingay-ingay mo," maktol na reklamo nito sa kan'ya. Natawa naman s'ya sa pagbubusangot ng mukha nito.Inilabas nito ang ulo para silipin ang nasa labas kung may tao ba o wala."Ang haba ng leeg mo," puna n'ya sa bata.Nilingon naman s'ya nito at pinandilatan.Bahagya s'yang natawa sa kamalditahan ng hitsura ng batang babae.Sa tantya n'ya nasa anim na taon pa lamang ito."Pakialam mo," malditang sagot nito."Wala lang, sinabi ko lang ang haba ng leeg mo, para
Isang malakas na pagsabog ang maririnig sa buong paligid. Nagliparan ang mga bala at granada sa kung saan-saan.Marami na ang patay mula sa mga kalaban."Damn it!" mariing mura ni Nicollai ng pinaulanan s'ya ng bala ng kalaban. Gumapang s'ya sa lupa patungo sa isang pader kung saan s'ya pwedeng magtago.Inasinta n'ya ang kan'yang baril at kumuha ng tyempo.Nang makakuha ng magandang pagkakataon, mabilis s'yang tumayo at isa-isang pinaulanan ng bala ang mga kalaban.Walang tapon ang bawat pitik n'ya ng gatilyo.Isa-isa itong natumba at nawalan ng buhay. Mabilis s'yang tumakbo sa kabilang side kung saan pwede s'yang magtago.Mag isa n'yang sinuong ang grupo ni Mulgar, isang tanyag na mandurugas at drug dealer sa lugar na iyon. Nabigyan s'ya ng misyon ng ahensya na tugisin ang mga tulisan, na s'yang dahilan sa mga krimen na kaliwa't-kanan na nangyayari sa paligid.Wala s'yang duty sa airforce kung kaya ito ang pinagkakaabalahan n'ya ngayon.Handa na s'yang lumabas mula sa pinagtatagu
Pagkatapos makausap ang tatay-tatayan, bumalik na si Michelle sa Pilipinas para simulan ang misyong ibinigay sa kan'ya.Nagpahatid s'ya ulit sa kaibigan, hindi n'ya na nakita ang iba pang mga kasama ng bumisita sa headquarters nila. Ayon sa tatay nila, may kan'ya-kan'yang misyon ang mga ito sa malalayong lugar.Kilala ang ahensya nila bilang isa sa pinaka magaling, at halos lahat ng mga agents ay mga nabubukod tangi sa galing sa hand to hand combat man o sa barilan.They are well trained ng mga mahuhusay na agent mula pa noon. At pili lamang ang nakakapasa sa kanila hanggang sa dulo ng training, kaya masasabi n'yang lahat sila na naka graduate sa naturang pagsasanay ay pawang mga bihasa at lahat magagaling na assasin.Pagdating n'ya sa Manila, nagsimula agad s'ya sa kan'yang misyon. Balak n'ya pa sanang umuwi ng Cebu para formal na magpasa ng resignation letter sa hospital at para makapag paalam na din sa mga kaibigan na naiwan n'ya doon.Paniguradong abot hanggang langit na naman a