Mag-log inNANGUNOTNOO si Amanda na pagdating nito sa kanilang bahay ay maraming tao ang nasa labas. Ang ay mga kapitbahay nila na nakikiusyoso sa mga nangyayari sa loob. Nagmamadali itong pumasok at nagulat na bumungad ang nagkalat nilang mga gamit! May mga lalake din na iisa ang kasuotan na pawang mga nakaitim. Namilog ang mga mata nito na pagpasok sa bahay ay nabungaran ang mga magulang na nasa gitna ng kanilang sala! Nakaluhod sa harapan ng isang lalakeng may edad at hawak na tungkod! “Mommy! Daddy! Ano po ang nangyayari dito?!” gimbal na bulalas nito na patakbong nilapitan ang mga magulang!“Amanda, bakit ka umuwi?” pagalit ng ina nito na inalalayan niya.“Mommy, ano po ang nangyayari dito? At sino itong mga trespassers na ‘to?” galit nitong tanong sa ina na sinamaan ng tingin ang matandang nakangisi habang may tabacco sa bibig. “Ito na ‘yong anak niyo na ibebenta niyo ng limampung milyon sa akin?” ani ng matanda na bakas ang pagkadismaya sa mukha. Halos lumuwa ang mga mata ni Amanda sa
PAGDATING nila sa airport ay sinalubong sila ng dalawang staff mula sa pinag-booked-an nilang luxurious resort at tumuloy na sa resort. Sumakay sila sa speedboat patungong resort dahil nasa isang oras pa ang lalakbayin nila. “Ang ganda dito,” usal ni Thalia na nasa cabin habang pinagmamasdan ang malawak na karagatan.Asul na asul ang kulay ng dagat at tamang-tama lang ang init ng sikat ng araw. Napangiti ito nang yumapos si Radson sa kanyang baywang mula sa likuran. Nakasuot silang mag-asawa ng sunglasses at napakaganda nilang pagmasdan na ang sweet nila sa isa't-isa.“Mas maganda ka pa rin, love.” Malambing sagot ni Radson ditong napairit na mahinang nasiko ito sa tyan na napahagikhik.Hinugot nito ang cellphone sa bulsa at iniabot sa isang transfer staff na umaalalay sa kanila habang naglalakbay. “Hi, can you take us a picture?” wika ni Radson dito. “Sure, sir.” Sagot ng staff na yumuko pa sa mag-asawa. Nahihiya namang ngumiti si Thalia. Pumwesto kasi si Radson sa likuran niya.
MAAGA pa lang ay nakaabang na si Amanda sa parking lot ng Pharmaceutical ni Radson. Hindi niya kasi mapuntahan ito sa bahay dahil naka-banned ito sa guard gate ng subdivision kaya sa kumpanya na lamang ito tumuloy. Napapapilantik ito ng mga daliri. Nakasuot ng maiksing strapless red dress na naka-make-up at bagong ligo. Napapataas kilay pa ito sa mga empleyado ni Radson na dumarating at napapasulyap sa kanya. Ang ilan kasi ay namumukhaan ito na dini-date exclusively ni Radson noong binata pa ang boss nila. At alam din ng mga empleyado ni Radson na nakababatang kapatid ito ni Thalia. Kaya madalas ay pinagkukumpara nila ang dalawa at malayong malayo ang mga ito sa ugali at pagmumukha. Nababagot ito at nangangawit ang mga binti. Panay ang sulyap sa relo niya dahil pasado alasotso na pero wala pa rin si Radson. Imposible kasing hindi ito pumasok sa trabaho. Dahil alam niyang workaholic si Radson kaya kahit weekend ay nagtatrabaho ito. “Bakit ba ang tagal niya? Maaga naman siyang pumapa
MALIWANAG na nang magising si Amanda na napatili dahil sinabuyan lang naman siya ng malamig na tubig ng kasama niyang nakakulong sa selda!“Oh my God!” tili nito na napabalikwas sa higaan nitong semento na may nalatagan lang ng karton. Natawa naman ang dalawang babaeng kasama niyang nakakulong. Sinamaan niya ng tingin ang mga ito na sinugod!“Who do you think you are, huh?!” singhal nito na sinabunutan ang isang babae!“At lumalaban ka pa ha?” sikmat ng isa na sinabunutan itong napatili at daing!Pinagtulungan siyang sabunutan ng dalawang babae na ikinabitaw nito sa babaeng sinabunutan niya at pilit inaalis ang kamay ng mga ito. Hinila siya ng dalawang babae sa sulok. Marahas na isinandal sa pader at sinikmuraan itong napadaing na napuruhan ang tyan niya! Nanghina si Amanda na napaluhod. Sinabunutan siya patingala ng isang babae na magkasunod na sinampal saka dinuraan sa mukha na ikinapikit nitong naikuyom ang kamao!“Ano'ng nangyayari d'yan?” paninita ng isang pulis na marinig ang k
NANGUNOTNOO si Thalia na nag-ring ang cellphone nitong nasa handbag niya. Kinuna niya iyon at napaismid na mabasang ang ama nila ang caller kaya hindi niya sinagot at in-silent niya ang ringtone para hindi makaistorbo ang ama niya sa date nilang mag-asawa. “Who's calling you, love?” tanong ni Radson dito at magkaharap silang kumakain sa isang fine dining restaurant. “It's not important, hubby.” Sagot nito na napatitig kay Radson. Their eyes met. Nagtatanong naman ang mga mata ni Radson dito habang marahang nginunguya ang pagkain. “Ano na naman ba ang ginawa ng Amanda na ‘yon, Rad? Ako kasi ang ginugulo ng daddy e. Puntahan ko raw sa prisinto at ilabas siya doon. Inuutusan nga ako na linisan ang pangalan niya para makalabas na e.” Wika ni Thalia dito. Napasinghap ito na inabot ang tubig at napainom. “Hwag mo na lang pansinin, love. Gagawa-gawa ng gulo ang anak nila pero kapag naipit, ikaw ang guguluhin na tumulong sa kanila? Kaya lumaking may sungay ang anak nila e.” Ani Radson di
PUMUNTA si Amanda sa bahay ni Radson at matyagang naghintay doon. Alam niyang minsanan lang umuwi si Radson sa mansion nila. Kaya dito na lamang niya hihintayin. “Dito pa rin kaya nakatira ang Thalia na ‘yon?” usal nito na sumisilip silip sa bintana ng taxi. “Ms, bumaba ka na kaya? Baka mamaya ay mapagkamalhan pa tayong may masamang pinaplano d'yan sa bahay na ‘yan. Ayokong madamay sa anumang pinaplano mo,” ani ng driver dito na ikinalingon niya sa driver. “Ano'ng pinagsasabi mo, manong? Excuse me, huh? Boyfriend ko ‘yong nakatira sa bahay na iyan at gusto ko sana siyang surpresahin pero mukhang wala pa siya,” dipensa nito sa sarili sa driver. “Isa pa, babayaran naman kita a. Hindi ka pa nga lugi dahil nakahinto ka, nakakatipid ka sa gasolina,” ingos nito. “Bobo, diesel ang gamit ko,” naiiling saad ng driver ditong inirapan niya at hindi na lamang nakipagtalo. Nayayamot ito dahil hindi niya makita kung nasa loob si Thalia. Wala naman kasi itong condo. Hindi rin ito umuuwi sa baha
NANGUNOTNOO si Thalia na naguguluhan na nakamata sa kaibigan nitong sinuri pa ang leeg at panga niya. “Sino'ng naglagay ng kissmark sa'yo, Thalie? May hindi ka ba sinasabi sa akin?” muling tanong nito na bakas ang kaseryosohan sa mukha. “Ah, iyong mga pulang marka ba d'yan?” pangungumpirmang tano
NAPAPAPILANTIK ng mga daliri sa mesa si Thalia habang hinihintay si Radson. Kabado ito dahil baka galit pa si Radson sa nangyari sa kanila kagabi. Gusto lang niyang humingi ng dispensa dito at kausapin ito nang masinsinan. Napatuwid ito ng upo na makita si Radson na palabas ng Pharmaceutical nito.
KAHIT kinakastiguhan ni Radson ang sarili ay hindi niya magawang pakawalan pa ang mga labi ng asawa nito. Naramdaman naman ni Thalia na tila may nakalapat na mainit at malambot na bagay sa kanyang mga labi. Pero dahil sobrang antok na antok na ito ay hindi na niya iyon pinagtuunan ng pansin. “Uhmm
MAINGAT na pinunasan ni Thalia si Radson. Mula sa mukha nito, pababa sa leeg at balikat. Napalunok pa siya na mapasulyap sa malapad na dibdib ni Radson. Sa buong pagsasama nila, ngayon niya lang inasikaso si Radson nang ganito. Na hinubaran at pinunasan ito. Kaya kabado siya dahil baka mamaya ay ma

![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)





