Share

CHAPTER NINE

ANGELA’S POV:

“Madame, wala po kaming kinalaman sa pagkamatay niya. Our only intention is the Mayor’s son and the right hand of the Organization that we’re chasing, that is all.” Sagot ko sa nagtatanong na ginang mula sa kabilang linya.

 “Miss Ciamco, this will be very important to us since this is a matter regarding of our daughter’s death. How can you assure of the alliance with you would be successful?” seryoso nitong tanong na nakapagpabuntong hininga sa akin.

Bazin’s are very dangerous, I maybe a daughter of the powerful Mafia King but I can’t change the fact that their family’s organization are one of the biggest among the world holding millions of connections and personnels.

“We’ve done missions a hundred times, Madame. Nous attendons avec impatience le soutien total de vos subalterns ici dans le pays.” Magalang kong untag and spoke their language, French. (We look forward to the full support of your subordinates here in the country.)

Rinig ko ang tawa nito mula sa kabilang linya na nakapagpangisi sa akin. “Bonte gracieuse! Just send a signal to them, then.” Nagpasalamat ako sa kanya at agad naman niyang binaba ang tawag. (Goodness gracious!)

Binangga bigla ni Tiffany ang balikat ko habang naglalakad kami papuntang parking lot kaya napalingon ako sa kanya. “Balita, ‘te? Agree ba si mader Bazin?” tanong nito na pinabakla pa ang tono. Tumango ako na nakapagpa-yes sa apat.

Byernes ngayon at pauwi na kami, oo at ngayon na ang simula ng aming gagawing misyon since mamayang gabi din naman yung flight naming papuntang Cebu. Sa katotohanan ay masasabi kong kaya naming anim kasama si Dustin na tapusin itong misyon pero para naman mapadali ang pagsasagawa ng lahat at para mapanatag ang loob ng mga Bazin ay ibinahagi naming sa kanila ang aming plano.

Mamayang alas otso ng gabi na kami lalarga at naihanda na namin ang lahat ng aming kakailanganin sa gagawing misyon. Since yung private airplane namin ang gagamitin ay safe na kami, we made sure na ang lahat ng aming kagamitan ay hindi made-detect ng kanilang system. That would be through Kylie and Dustin’s help, of course.

Napahinto kami sa paglalakad nang makita ang grupo nina James na nakaabang sa harap ng nakapark naming van. “What are you doing there?” diretsahang tanong ko at lumapit kay James na ngayon ay nakangising nakasandal sa hood ng van.

“I’m very curious.” Maikling pagsisimula nito kaya tinaasan ko siya ng kilay at tinanong, “About what?”

Napatayo ito ng matuwid at inilagay ang kamay niya sa bulsa ng pantalon, dahan-dahang lumapit si James sa akin at tumitig sa mga mata ko ng mariin. “About the five of you, my lady.” Sagot nito at saka pinitik ang aking noo kaya napaatras ako ng kaonti. What the?

“There’s nothing interesting about us, James. So please… stop bugging us now. We’re not even close.” Umirap ako pagkasabi ko noon. Tama naman talaga kasi ako! We’re not close. Maybe not…

Nabaling ang atensyon ko sa kaibigan nitong napatawa bigla at inakbayan si James. “Pagpasensiyahan niyo na itong kaibigan naming, Miss. Sadyang may hinahanap lang ‘to and baka isa siya sa inyo at dapat niya lang kompirmahin.” Amin nito.

“Imposible namang isa sa amin.” Napatango yung umakbay kay James sa sinabi ni Nicole. “Mauna na kami, pasensiya na ulit sa inyo.” Agad din silang umalis at narinig ko pa ang tawanan ng mga ito dahil daw imposimble nga namang isa sa amin ang hinahanap nito.

Walang imik na pumasok kami kaagad sa van at ang nagdrive naman ay si Bea. “Ano nang gagawin natin ngayon? I think they’re interested in us.” Pagbabasag ni Bea ng katahimikan habang pinaharurot na ang sasakyan.

“Syempre wala! Bahala sila mag-isip ng kung ano dyan kasi alam naman talaga nating mapapaisip talaga yun sila na imposible. Diba?” napatango kaming lahat sa sinabi ng aming kaibigan.

MAKALIPAS ang ilang minuto at pasikot-sikot na aming nadaanan pauwi ay nakarating na rin kami. Ipinark muna ni Bea ang van sa kanilang garahe saka kami lumabas, dumiretso sila papasok sa kanilang bahay habang ako naman ay nagpaalam na uuwi ako saglit sa bahay namin at kukunin ang aking bagahe.

Nang makarating ay itinapat ko ang aking hintuturo sa fingerprint scanner ng pintuan naming at saka ito agad bumukas. Itong bahay na ito ay talagang nirequest ko kay Dad na ipagawa at ipinangalan naman ito sa akin.

Walang ni isa ang nakapasok sa kwarto ko dahil hanggang sala lang naman ang nakakapasok dito, pati si Dad and I am very grateful na hindi na ito nagpumilit pa na pasukin ang pangalawang palapag.

Nagbihis lamang ako at agad na akong bumaba dala-dala ang kagamitan pagkatapos. “Alexa, can you check the weather for tonight?” tanong ko sa virtual digital assistant na si Alexa.

“It’s currently cloudy and 29 degrees in Manila City. Expect thunderstorms and cloudy skies starting tonight, continuing until 6am. Temperatures will range from a high of 29 degrees at 6pm to a low of 27 around 2am.” Sagot nito. Pinatay ko lahat ng ilaw at siniguradong sinara at ni-lock ko ng maayos ang mga pintuan, especially sa kwarto ko.

Mag-aalas syete na kaya agad akong pumunta sa bahay ng aking mga kaibigan, nakasabayan ko pa papasok si Dustin na dala-dala ang dalawa niyang backpack. Bumati ito sa akin at tinanguan ko lamang ito.

“Handa na ba ang lahat?” tanong ko at nakita sila na may dala-dala na ring bagahe. “Yes!” malapad ang ngiting sinalubong ni Tiffany sa akin na animo’y mamamasyal kami sa kung saan saan dahil sa pagiging excited nito. Napapailing na lamang ako sa inasta ng kaibigan.

Naghintay kami ng ilang sandali sa labas ng bahay at nakita agad ang paparating na Toyota Super Grandia Elite na siyang pinasundo ni Dad sa amin papuntang airport. Hindi naman aabot ng ilang oras ang flight naming sa Cebu kaya laking pasasalamat naming na hindi pa umuulan.

Pumasok na kami at pumuwesto na, buti nga at hindi traffic ngayon dahil siguradong matatagalan talaga kami sa pagpunta sa airport. Nang makarating ay kita agad ang mga nagkukumpulang tao at yung iba nasa linya nila at yung iba naman ay nakaupo.

Dala-dala ang mga bagahe namin ay nagmamadali kaming pumunta sa Terminal 3 kung saan nakita naming naghihintay ang pinakapinagkakatiwalaan na Butler ni Dad na si Butler Choi. Tinulunan kami nito kasama ang mga kasamahan niya sa mga baggage namin.

Nakita rin namin ang pinagamit ni Dad na private plane at nakita rin ang nakaabang na crew at iginaya kami nito agad papasok sa eroplano nang makaakyat na sa airstair o boarding stairs. Nagsiupuan kami at may sinabi pa yung crew na agad din naming sinunod, katabi ko si Nicole na ngayon ay nakaidlip na at sa kabila naman ay si Kylie.

“Ky, pagdating natin ng Cebu dapat niyo agad i-hack ang system ng airport hm.” Bulong ko para ‘di marinig ng crew na ngayon ay kausap ni Tiffany sa kabilang seat sa kadahilanang nanghihingi ito ng makakain. Tumango si Kylie at kinausap din si Dustin patungkol sa sinabi ko.

Ilang minuto akong nagmumuni-muni at hindi namalayan na nakarating na rin pala kami. Napabalik lamang ako sa ulirat nang magsalita ang pilot, ginising ko na rin si Nicole na nakasandal sa balikat ko.

Hindi umabot ng isang oras ang byahe at paniguradong maje-jet lag itong si Tiffany kahit sa kaonting oras lang ng byahe. Tinanggal na naming ang kanya-kanyang seatbelts at saka tumayo na.

Nakaboard kami sa Mactan-Cebu International Airport, nang makababa kami ay nadatnan naming kaagad ang mga nakaabang na mga alagad ng Tito ni Tiffany at saka kinuha ang mga kagamitan namin.

“Tito!” sigaw ni Tiffany at masayang lumapit sa tito niya at niyakap ito. Napatawa naman ang tito niya sa kanyang ginawa at yumakap pabalik. “Iha! So glad na naisipan niyong bumisita dito kasama ang mga kaibigan mo!” nakangiti kaming tinignan ni Tito Leo.

“Nagtaligsik na ug sugod, mangadto na ta!” dagdag nito na hindi naming maintindihan kaya pareho kaming napalingon kay Tiffany na ngayon ay napapakamot sa kanyang ulo. “Umaambon na daw kaya kailangan na natin tumuloy. Hehe…”

Sumunod kami kay Tito Leo papasok sa Terminal 1 na Domestic Departure. Naramdaman ko naman ang paglingon ni Kylie sa akin kaya agad ko siyang tinanguan hudyat na simulant na agad ang ipapagawa. Nagkaroon ng security check sa mga bagahe namin kaya agad kinuha ni Kylie ang cellphone niya sa kanyang bulsa at pareho silang nagtulungan ni Dustin.

Bumilis ang tibok ng puso ko nang natapat na ang scanner sa mga bagahe namin at agad akong napapikit at napamulat nang marinig ang pag-“ting” kung saan ito’y clear at walang kung anong kakaibang bagay ang nasa loob. Agad akong napatingin kay Kylie at Dustin at pareho silang nginitian at pinasalamatan dahil sa ginawa nilang effort.

Iginaya na kami sa kotse ni tito Leo at saka agad pumasok, ang mga bagahe naman ay nasa compartment ng sasakyan. Nasa shotgun seat si tito Leo habang nasa likod naman kaming anim.

“Didiretso na tayo sa bahay ko sa Argao para doon na kayo makapagpahinga, maaga pa tayo bukas sa dadaluhan nating business meeting kasama ang Mayor ng Alcoy. You said that you’re all here in behalf of your parents, right?” ngayon ay nasa amin na ang atensyon nito at napaikot pa siya para lang kausapin kami tungkol sa dadaluhan naming bukas.

“Yes, tito. We are very interested about investing in one of Alcoy’s beautiful island. I think it was called as Sumilon Island? Yung may sandbar?” sagot ni Kylie. She knows all about the island and we all know about it, too. Napatango-tango si tito Leo sa binanggit ni Kylie at nginitian kami.

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status