Share

CHAPTER EIGHT

THIRD PERSON'S POV:

"Oh ba't nakabusangot 'yang mukha mo?" salubong ni Bea sa kaibigan na nakapagpalingon ng iba sa gawi ng kakapasok lamang na si Angela.

Angela shrugged her shoulders at lumapit sa kinaroroonan nila at umupo sa malapit na sofa.

"I bet it was your dad?" tanong ni Kylie na nakapagpatango sa kaibigan. "Nah, don't mind me. What's important ay ang pagsang-ayon ni dad sa request ko na pahiramin tayo sa private plane." 

Kinuha ni Angela ang laptop na nakapatong sa katapat niyang maliit na round table at saka nagtipa ng kung ano.

"Talaga? So it's settled then! Dustin, sasama ka talaga diba?" tanong ni Bea na mas lalong isiniksik ang sarili sa binata.

Kylie rolled her eyes at lumayo sa dalawa na animo'y may sariling mundo at lumapit na lamang kay Angela.

"Gel, let's start brainwashing?" wika ni Nicole na ngayon ay naka-squat at ipinatong ang kamay sa mesa.

Tumango naman si Angela at gumaya kay Nicole ng pagkakaupo, ganoon rin ang ginawa ni Tiffany at Kylie. Habang si Bea naman ay nasa upuan malapit kay Dustin na tutok na tutok sa laptop nito na nasa hita.

"So nandito na ang mga devices na gagamitin natin?" tanong ni Angela at naicheck ang maliit na box kung saan nakalagay ang gagamitin nila. "Have you planned about how we'd be getting in without getting caught?"

Nagkatinginan ang lahat at magkasunod na napailing. Napapatango-tango si Angela at ni-review ng maayos ang villa na kanilang pupuntahan at ang mga lugar na dadaanan nila.

“Diba’y nagha-hire ng mga waitress at singer ang villa na iyon? Puwedeng may pumasok na isa sa atin and well I think you have connections in Cebu, Tiffany?” tanong ni Angela na patuloy pa ring ginugugol ang sarili sa screen. “Yep, I think magkakilala si tito at yung Mayor na sinasabi but still have to confirm that though.” Sagot ni Tiffany.

“So sino na ang papasok sa villa bilang waitress o singer?” Kylie asked looking at everyone na baka mayroong mag-volunteer pero ilang sandali lamang ay walang ni isa ang nagsalita.

 “How about you, Bea? You’re perfect for a waitress and you don’t need to worry about anything since kaya mo naman ang sarili mo and you can also capture things that they are doing while nagse-serve ka. Syempre with the help of the contact lenses.” Mahabang litany ni Angela na nakapagpatango sa tatlo maliban kay Bea.

“Well if that’s the only way then… game!” pagsang-ayon din kalaunan ni Bea. Sinara na ni Angela ang laptop at tumayo. “Let’s end it here guys since it is also getting late at may pasok pa tayo bukas. So I guess… good luck on Friday? And Dustin, thank you so much for lending a hand.”

“Wala yun, miss!” kumindat pa ito kay Angela. Tumango si Angela at naglakad na papuntang pintuan pero bago pa nito magawang pihitin ang doorknob ay napahinto siya. “Gel, wait!”

Nilingon niya naman si Kylie na ngayon ay kaharap niya na. “Ano yun, Ky?” bumuntong hininga ito at binalewala ang tanong niya at ito na mismo ang nagbukas ng pintuan. “Puwede ba kitang makausap saglit?”

Tumango si Angela at lumabas, sumunod naman ang kaibigan sa kanya. Pumuwesto sila sa maliit na terrace na natatabunan ng mga halaman at saka nagkakatitigan ang dalawa. Napataas ng kanyang kilay si Angela sa nakikitang ekspresyon ng kaibigan.

“Gel, I know what you’re up to and alam kong nagdududa ka na.” panimula ni Kylie na nakapagpasalubong ng kilay ng kaibigan. “What are you talking about, Kylie?” naguguluhang tanong nito.

“Wag ka ng magmaang-maangan pa. Habang maaga pa ay sinasabi kong ihinto mo na ang kung anong balak mong gawin, delikado para sa’yo Gel.” Mahinahong pagkukumbinse nito kay Angela. “Wala kang karapatan na guluhin ang plano ko, Ky. Buhay ko ito and I chose to side with danger at simula pa lang ay alam mo na yan.”

“Kahit kailan talaga ang tigas ng ulo mo, Gel! Kailan ka kaya makikinig sa amin ano? Sa akin? Gel, ako lang ang nakakaalam wala ng iba pa so please… tell me what you are trying to do.” Wika nito at binulong ang mga huling katagang binitawan.

“Alam mo Kylie, just back off okay? I’m still trying to sort things out and I know what I’m doing. Alam ko rin kung kailan ako lalapit sa inyo ‘pag kailangan ko ng tulong but now’s not the time yet. Kaya ko pa… so you also have to trust me.” Sagot ni Angela at dahan-dahang nilapitan ang nag-aalalang si Kylie at niyakap ito.

“Thank you for everything. Let’s keep this a secret first, okay? Tutuloy na ako, good night, Ky.” Kumalas si Angela sa pagkakayakap at humikab. Pilit na ngumiti ang kaibigan at saka siya tinanguan.

Tumalikod na si Angela at naglakad na papunta sa katapat ng bahay ng mga kaibigan. It was already dark, cold and very silent outside, an indication that it is already late. Pumasok na ito sa sariling bahay at bago pa man ito pumasok ay tinignan niya sa kahuli-hulihan ang kaibigan na ngayo’y nakatingin din sa direksyon niya at pumasok na.

Dahil sa pagod ay diretsong natulog si Angela pagkatapos nitong maghalf bath. It was a very long night for them and all she knows is that everything is still the beginning.

KINABUKASAN, panibagong araw para sa kanila ni Angela. Huwebes na at pagkatapos ng araw na ito ay ang pinakahihintay nila. Ang pagsasagawa ng kanilang misyon. Sabay na pumunta sa paaralan ang lima at laking pasasalamat nila na nakaabot pa sila sa guro na papasok pa lamang ng kanilang room. Mag-aalas dose na pala noong sila’y natapos sa pagtitipon at siguradong natagalan pa sa pagtulog ang apat na kaibigan ni Angela dahil may ginawa pa raw ang mga ito kasama si Dustin.

Pagkaupo na pagkaupo ng lima ay siya namang pagkarating ng limang prinsipe ‘kuno’ sa paaralang pinapasukan nila. Hindi na inalintana pa ni Angela ang mga kalokohan at pumangalumbaba na lamang sa mesa sa kadahilanang inaantok pa ito. Binati nila ulit ang guro at nakaupo na rin ang limang lalake na nakapwesto lamang sa may likuran nilang apat.

Nakinig na rin sila sa ginawang diskusyon ng guro at ilang sandal lang ay sinusundot-sundot ni Bea ang likod ni Angela na nakapagpalingon nito. “Meeting daw ulit mamaya sa grupo natin.” Bulong nito na nakapagkunot-noo kay Angela.

“Sa second subject natin?” tumango naman si Bea. “Free time daw kasi sabi ni Liam.” Paglilinaw ni Bea na nakapagpatango rin ng kaibigan.

Ilang minuto ang lumipas ay naputol ang sasabihin ng guro nila sa biglaang pagtunog ng bell hudyat na recess time na. “Tara labas na tayo!” unang tumayo si Tiffany na nakapagpailing sa apat.

“Kapag talaga pagkain nagmamadali ka.” Wika ni Nicole na sumunod sa kaibigan na palabas ng room. “Syempre kasi dapat kumakain tayo ng snacks para naman hindi tayo mawalan ng energy ngayong araw. Bukas pa naman na yung misyon natin.” Mahina nitong binulong ang kahuling sinabi at patuloy sa paglalakad.

“Anong connect, TIf?” natatawang tanong ni Bea na ngayon ay nasa tabi na ni Tiffany at ikinawit ang braso nito sa braso ng kaibigan. “Ah basta gutom na ako!” sagot ni Tiffany sabay irap.

NANG makapasok na sa cafeteria ay sumalubong sa kanila ang maraming estudyante na nakapila. Dali-dali silang naghanap ng mauupuan at saka naman nagrepresenta si Tiffany na siya na lang daw ang bibili.

“Sama ako!” tumayo agad si Bea at sumunod sa kaibigan. Napahinto ito nang hinawakan ni Nicole ang kanang kamay niya. “Remember, lower your heads. Don’t be too confident even when you’re walking, you’re a nerd. We’re nerds.” Pagpapaalala ni Nicole na nginitian lamang ni Bea at lumarga na.

“Kamusta pala ang ginawa niyo kagabi pagkaalis ko, Nicole?” tanong ni Angela sa kaibigan. Binitawan saglit ni Nicole ang hawak nitong cellphone at tiningala siya.

 “Well Tiffany said that we could negotiate with the Mayor’s son sa business meeting na magaganap nitong Sabado ng umaga. There we could pretend as if we’d deal with him with those drugs and could freely get in and roam around the villa.” Paliwanag ni Nicole sa seryosong nakikinig na si Angela.

“And Kylie and Dustin wouldn’t join the business meeting, right? Since tayo-tayo lang din naman ang papasok sa villa but our van could park right the garage and not sa parking lot nila.” Angela added na nakapagpatango sa dalawa.

“You know what money could do, Gel. Talagang sasang-ayon iyong si Ramirez and about the police…” hindi na tinuloy ni Kylie ang sasabihin dahil gusto niyang malaman kung ano ang sabi ni Angela sa kanyang sinabi.

“Well we could use a burner phone to call them and itetext natin sa kanila yung address. We could just say na napadaan tayo at dahil sa mangyayaring komosyon, we’ll tell them na may kakaibang nangyayari sa villa.” Angela winked at Kylie na siyang ikinangisi ni Nicole.

“Clever as always.” Pagkokomplimenta ni Nicole sa kaibigan. Angela shrugged but then their attention suddenly went aloof due to a sudden commotion, napatayo ang mga ito kaagad sa nakita.

Si Tiffany na nakadapa sa malapit na table na ang mga biniling makakain nila ay naitapon at si Bea na tinutulungan si Tiffany na makabangon mula sa pagkakadapa.

“Gosh! Look what you’ve done to my uniform! Ang lalampa niyo kase!” rinding sigaw noong chinita na babae na nakasagupa nila kaha-kahapon lang.

Agad lumapit sina Angela sa kaibigan at tinulungang linisin ang damit nito at ang natapong juice sa balat nito gamit ang dalang wipes ni Nicole.

“Ano ba kasi ang nangyari?” pabulong na tanong ni Kylie kay Bea. Walang ni isa sa kanila ang sumagot at tinignan lang ang ngayo’y naghy-hysterical na babae.

“Kung hindi lang kasi tinusod ng kaibigan mo ang paa ng kaibigan ko edi hindi sana mangyayari iyan.” Mahinahong sagot ni Bea na ngayon ay seryosong tinitigan ang grupo ng chinita.

“It was just an accident, Nikki! I swear!” sincere nitong pagkasabi sa chinitang nagngangalang Nikki. Tumango-tango naman ito hudyat na naniniwala siya sa kaibigan. “And it was also just an accident, miss.” Dagdag ni Bea.

“Freaks! Lumayo na nga kayo dito, nagdadala lang talaga kayo ng malas and gulo. Geez!” maarteng pagkasabi nito at padabog na lumabas sa cafeteria. Nakita naman ni Bea ang pagngisi ng kaibigan noong Nikki na tumisod kay Tiffany.

“Nakakadalawa na yun sila ah! Kagigil!” nanggigigil na untag ni Bea. “That’s enough, Bea. It’s not right to stoop down their level, they are nothing compared to us.” Wika ni Angela.

Hindi na sila nakapagsnacks dahil tumunog na ang bell at kailangan na nilang bumalik sa room. Nakasimangot si Tiffany na tinungo ang room nila at patuloy sa pagpupunas sa sarili, mas lalo itong sumimangot sa mga sari-saring bulungan na narinig niya sa kanyang kaklase.

“Juice lang naman ang natapon sa’kin, ang aarte ng mga ito.” Bulong nito sa kanyang sarili na hindi nakawala sa pandinig ni Nicole. “May extra t-shirt ako sa locker, gamitin mo na lang. Juice nga lang pero malagkit pa rin.” Humagikhik ang kaibigan nang sabihin ito. Umirap na lamang si Tiffany at kinuha ang susi ng locker mula sa kamay ng kaibigan.

Pumunta na sila kaagad sa kani-kanilang grupo at nagsimula nang magplano habang si Tiffany naman ay lumabas ng room upang kunin ang extra t-shirt sa locker ni Nicole at upang makapagbihis na ng pang-itaas.

“Gel, pumunta na tayo roon oh!” tinuro ni Bea ang kinaroroonan ng puwesto ng kanilang kagrupo. Tumango si Angela at sumunod kay Bea na ngayon ay nasa circle nan a ginawa ng kagrupo at umupo sa sahig.

“Nandito na ba lahat?” tanong ni Lance sa kanila. Nag count-off sila at napatango-tango ito ng makumpirmang kompleto na nga sila. “Sa sabado daw magdadala bawat isa sa ipa-pair ng laptop para doon itala ang mga kakailanganing informations sa bawat topic ng irereport natin.”

“Kaninong bahay naman, Lance?” tanong ng kaibigan nilang babae na si Rachel. “Kina Lieya na lang kaya? Since siya lang din naman yata mag-isa doon. Nasa ibang bansa parents mo diba?”

“A-ah oo kaso hindi pa ako nakapag-grocery eh. Alam mo na, nagpapadeliver lang ako lagi ng makakain.” Utal na sagot ni Lieya sa kanila. “Walang problema yun! Bibili kami ng mga chichirya at pwedeng pangmeryenda bago pumunta sa bahay niyo. Diba, bro?” tanong ni Liam kay James at napatango lamang ito.

“So settled na, ha? May maisu-suggest pa ba kayo dyan?” umiling ang lahat maliban kina Angela at Bea dahil pareho nitong itinaas ang kanilang kanang kamay. “Anong isa-suggest niyo, nerds?” tanong ni Lance sa kanila.

“Wala kaming maisu-suggest pero magpapaalam lang kami na hindi kami makakapunta ngayong Sabado.” Diretsang ani ni Angela. “Pareho kaming may pupuntahan ngayong Sabado kasama ang mga pamilya namin.”

“Can’t you back out with what you’re going to do this Saturday? Alam niyo, kayo lang ang nakilala kong nerds na humihindi at inuuna ang ibang bagay kaysa sa report.” Masungit na untag ni James. “Not all nerds do what you expect, dude.” Nginisihan ito ni Angela. Napatitig naman ng ilang segundo si James sa kanya na kanyang ipinagtataka.

“What?” tanong nito at nagulat na lamang sila pareho ni Bea sa binanggit nito. “Your eyes look exactly like hers. Exactly… like Elise’.”

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status