Umikot ang mga mata ni Alice. Ano ang mararating mo kapag gumawa ka ng agahan?Sasagot sana si Alice, ngunit nakita niya kung paano nakatingin si Joshua kay Luna. Agad na may alarm na tumunog sa utak niya. Sadya siguro itong sinabi ni Luna!Ngumiti si Alice. โGanun ang iniisip ko dati. Kahit na maliit na gawain lang ito, pakiramdaman ko na may nakakamit akong malaking bagay kapag pinaglulutuan ko ang pamilya ko.โ Huminga siya ng malalim bago siya nagpatuloy, โSa kasamaang paladโฆ Natuklasan ko na hindi ko kayang protektahan ang mga taong mahal ko. Isa akong malaking kabiguan. Simula noon, kahit anong gawin ko, pakiramdam ko ay wala na akong nakakamit.โNang marinig ni Joshua ang mga salitang ito, agad niyang tiningnan si Alice. Tama siya. Alam ni Joshua na hindi niya maiisip ang pinagdaanan ni Alice nitong mga nakalipas na anim na taon.Kahit na nagbago na siya at hindi na siya ang babaeng kinahulugan ni Joshua, naramdaman ni Joshua na hindi niya na dapat pagdudahan si Alice, hindi
โBinisita ko pa ang puntod niya. Nung matuklasan ko na buhay pa siya, agad akong pumunta sa Banyan City para mag imbestiga. Noong nakalipas na ilang araw, tinawagan ako ng assistant ni Joshua at sinabi sa akin na maghost ng isang art show para kay Alice.โKinagat ni Luna ang labi niya. โKayaโฆ Ang rason kung bakit nanatili ka sa Banyan City ay gusto mong personal na pasalamatan si Alice?โPinagdudahan ito ni Luna dahil simula nung magkita sina Theo at Alice, hindi nagpakita si Theo na gusto niyang makipag usap sa babaeng โyun.โMay gusto lang muna akong siguraduhin nung una,โ Ang sabi ni Theo habang nilagay niya ang baso sa kanyang mga labi para uminom. โNung matuklasan ko na namatay si Luna Gibson noong nakalipas na anim na taon, nagdadalamhati ako, kayaโt inaral ko ang lahat ng tungkol sa kanya at tiningnan ko pa ang mga social media profile at blogs niya. Hindi ako naniniwala na ang babaeng kasama ni Joshua ay ang tunay na Luna Gibson. Kahit na sinasabi niya na siya si Alice ngayo
8:29 a.m. Pumasok si Luna sa design department at may isang minuto pa siya.Pagpasok niya, kumindat sa kanya si Shannon. โMay naghihintay po sa inyo sa opisina niyo. Matagal na po siyang naghihintay.โKumunot ang noo ni Luna sa pagka lito at binuksan niya ang pinto. Nakasandal si Joshua sa upuan ni Luna, ang tingin niya ay nakapokus sa mga draft at sketch na nakakalat sa mesa.Nang marinig ni Joshua na pumasok si Luna, tumingin siya at napangisi. โPumasok ka ng opisina na isang minuto lang ang sobra. Obsessed ka ba sa lalaking โyun?โHuminto si Luna at ngumiti siya ng magalang. Pumunta siya sa tabi ni Joshua at inagaw niya ang draft na hawak nito. โUna sa lahat, hindi ako late. Ikalawa, hindi ako sumuway sa mga panuntunan ng kumpanya. Bukod pa dito, personal na bagay na kung sino ang pinili kong kaibigan at samahan kumain ng agahan, hindi ba, Mr. Lynch?โHindi napigilan na sumimangot ni Joshua dahil sa malupit na pag uugali ni Luna. โAno ang sinabi ko sayo kagabi? Sinabi ko na hin
Ito ang tanong ni Joshua habang nakasimangot.โPwedeng may mga motibo siya o isa siyang santo,โ Ang sabi ni Jude habang nakasandal siya sa sofa sa opisina ni Joshua. โPero, mula sa nalalaman ko tungkol sa kanya, sa tingin ko hindi siya santo.โNakaupo sa upuan si Joshua habang nakatitig siya sa malayo. โBaka may mga motibo siyaโฆโKung ganun na nga, ano ang layunin niya?Umupo ng mas komportable si Jude sa sofa at tumingin siya kay Joshua. โAlam mo, hindi naman masama ang itsura ko, pero bakit laging ikaw ang hinahabol ng mga babae?โKinuha ni Joshua ang tasa niya at uminom siya ng kape. โAnong ibig mong sabihin?โโAng panganay na babae ng mga Walter, si Hailey, ay nawawala.โ Humikab si Jude at nag unat siya. Tumaas ang mga kilay niya kay Joshua bago siya nagpatuloy, โGusto tanungin sa akin ni Mr. Walter kung nakita mo daw si Hailey.โโHindi.โ Kumunot ang noo ni Joshua. โMatagal ko na siyang hindi nakikita.โ Naaalala ni Joshua na ang huling pagkikita nila ay noong kasal nila ni L
โPaano mo naman nalaman na late ako nagtatrabaho?โ Ang tanong ni Luna habang kumagat siya sa pagkain na dinala ni Theo.Tumawa si Theo. โPaano kung sabihin ko sayo na kanina pa kita hinihintay sa labas simula pa ng 5 p.m.?Halos mabulunan si Luna sa kinakain niya. โTalaga?โโSyempre hindi, loko.โ Sumandal si Theo sa upuan at nag unat siya. โNoong nasa lugar ako ng kaibigan mo kaninang umaga, tinanong ko rin ang number niya. Tumawag ako ngayon lang, at sinabi niya na wala ka pa sa bahay, kayaโt hula ko na nagtatrabaho ka pa rin.โGumaan ang loob ni Luna nang marinig niya ang paliwanag ni Theo. Kung hindi niya ito narinig, hindi niya alam kung paano siya kikilos kung naghintay si Theo ng higit sa tatlong oras.Inubos niya ng mabilis ang lahat ng natitirang pagkain. โTara na.โTumawa ulit si Theo at tinulungan niyang lininsin ang mga food container. โTara na. Hinihintay na tayo ng landlord.โTumango si Luna at sinundan niya si Theo palabas ng opisina. Pinapanood ni Joshua ang lahat
Naalala niya pa rin kung ano ang sinabi sa kanya ni Luna dati.โKapag nagkaroon tayo ng mga anak, tuturuan ko sila na maging totoo sa sarili nila. Dapat silang kumilos ng magalang sa publiko, pero kapag nasa bahay sila, pwede nilang gawin ang kahit anong gusto nila.โMukhang nakalimutan na ni Alice ang pangako niya. Mukhang nababago talaga ng anim na taon ang isang tao, sa sobrang nagbago ay hindi na makilala ni Joshua si Alice.Nagbuntong hininga si Joshua at dinala niya si Alice sa bahay.โDaddy!โโWelcome home po, Daddy! Alam po namin na mahaba ang trabaho niyo ngayong araw!โ Pagpasok nila ng bahay, sinalubong sila nila Neil at Nellie. Tumayo ang dalawang bata sa magkabilang dulo ng pinto at yumuko sila kay Joshua habang nakangiti.Agad na sumimangot si Joshua nang makita niya ito. Tumingin siya ng mas malapit sa dalawang bata na nakatayo sa harap niya. Pula at luhaan ang mukha ni Nellie, habang halata sa mukha ni Neil na naubusan na siya ng pasensya. Halata na pinilit ang dal
Nung magsimula nang umiyak si Alice, hindi mapigilan ni Joshua na maawa sa kanya. Nagbuntong hininga siya at niyakap niya ito. โHindi, โwag mong isipin โyan. Kasiโฆ busy lang talaga ako sa trabaho.โTumaas ang ulo niya para punasan ang mga luha sa ilalim ng mga mata ni Alice. โAyos lang ang lahat. Nandito na ako.โHabang nakayuko si Alice, may matagumpay na kinang na lumabas sa kanyang mga mata. Tumango siya at sinabi niya, โAyos lang. Kung busy ka, dapat kang magtrabaho. Ang kailangan ko lang malaman ay hindi ka galit sa amin ng mga bata, โyun lang.โHinimas ni Joshua ang likod ni Alice para gumaan ang loob nito. โPaano naman ako magagalit sayo?โBinitawan niya si Alice at yumuko siya para buhatin si Nellie. โTara, kumain na tayo.โโSige!โ Ang sagot ni Alice. Pinanood niya na pumunta si Joshua sa hapagkainan habang karga nito si Nellie bago siya lumingon at tumingin ng masama kay Neil. โNirecord mo ako? Hindi ka naman pala talaga isang tanga.โNgumisi si Neil. โNatuto po ako sa m
Umikot ang mga mata ni Neil at sumandal siya sa sofa na parang tinatamad. Nagbuntong hininga si Joshua. โKasalanan lahat ito ni Luna. Pinamihasa ka niya.โโWala pong kinalaman ito kay Mommy. Sige po, uupo na ako ng maayos.โ Hindi matiis ni Neil na marinig na pinupuna ang nanay niya, kayaโt umupo siya ng diretso. โSige po. Ano po ang gusto niyong pag usapan?โโSi Alice ang nanay mo.โ Tumingin ng seryoso si Joshua kay Neil. โSiyam na buwan niya kayong dinala sa sinapupunan niya at napunta pa siya sa isang aksidente habang buntis siya. Hindi naging madali para sa kanya ang buhay. Alam ko na matagal na panahon na kayong pinalaki ni Luna, pero hindi ibig sabihin nito na pwede kayong maging bastos kay Alice. Siya ang tunay na nanay niyo. Pareho kayong matalinong bata, kayaโt sigurado ako na maiintindihan niyo kung bakit wala siya para sa inyo. Pero ngayon bumalik na siya, dapat niyo siyang tratuhin ng may respeto na tulad ng nararapat sa kanya.โUmikot muli ang mga mata ni Neil. Syempre,
Kumunot ang noo ni Luna nang marinig niya ito.Kailangan niyang itago si Gwen kapag bumisita si John sa kanila. Kasabay nito, kailangan niya ng ibang tao para magpanggap na si โAndie Larsonโ.Habang iniisip ito, nagbuntong hininga si Luna at tumingin siya ng makahulugan kay Tara.Naintindihan ito ni Tara at tumango siya, pagkatapos ay naglakad siya pabalik ng elevator kasama si Luna.Nang sumara ang pinto, nagbuntong hininga si Tara at sinabi niya ng pagod na tono, โSalamat sa Diyos at nabigo si Robyn ng memorya niya. Kung hindi, sira na ang lahat ng plano natin.โTumango si Luna. Pagkatapos, tumingin siya kay Tara at tinanong niya, โOo nga pala, paano nagkakilala si John at ang tatay ni Gwen?โKahit na si Andy ay dinala ng mga tauhan ni Tyson sa Sharnwick City. Paano napunta sa parehong kwarto si John at sumalo pa siya ng bala para dito?Kinidnap rin ba si John ng mga taong ito? Kung ganun, bakit nila ito ginawa?Nang mabanggit ito, nagbuntong hininga si Tara at nagpaliwang si
Sumilip si Luna sa crack mula sa pinto.May suot na hospital gown si John, nakaupo ito sa kama at kumakain habang kausap si Robyn. โSinabi ba talaga โyun ni Miss Moore?โTumango si Robyn. โNakasalubong ko rin sa elevator โyung babae na bumili ng tanghalian na ito kanina. Hindi ka maniniwala, konektado din siya kay Miss Moore! Magpinsan sila sa kasal!โHuminto ang kamay ni John, halata na nabigla siya. Tumawa siya at tinanong niya, โTalaga? Nagkataon nga naman.โโTama ka! Maliit ang mundo natin!โ Tumango si Robyn. โHindi lang โyun, pero dahil magpinsan sila sa kasal, may koneksyon din siya sa lalaking niligtas mo kagabi. Sa tingin ko ay ang pangalan niya ayโฆโNapatalon ang puso ni Luna sa lalamunan niya nang marinig niya ito.Nagkaroon siya ng isang malaking pagkakamali. Hindi niya sana babanggitin ang pangalan ni Gwen kung alam niya lang na si John ang lalaking nagligtas sa tatay ni Gwen!Malapit na masira ang sikreto nila!Habang iniisip ito, hindi niya mapigilan na tumingin k
Tumaas ang mga kilay ni Luna kay Tara. โSinasabi mo ba na anim na buwan mo nang alam ang tungkol kay Anne at John?โTahimik ng ilang sandali si Tara bago siya tumango. โOo.โHuminga siya ng malalim at tumitig siya ng seryoso kay Luna. โDati, ang lahat lang ng alam ko tungkol sayo ay pinakasalan mo ang pinsan ko at biniyayaan kayo ng triplets. Nabalitaan ko rin na sa isang punto, naging malapit ka kay Christian, pero wala na akong ibang impormasyon maliban dito. Isang araw, sinabi ng tita ko sa akin na ikaw, ang asawa ng pinsan ko, ay walang iba kundi si Moon, ang paboritong jewelry designer ko.โโSimula nang matuklasan ko ito, napunta ang atensyon ko sayo at naghanap ako ng mga balita tungkol sayo. Dahil dito, alam ko ang tungkol sa murder at trial mo, kaya alam ko ang tungkol kela Anne at John.โLumaki ang mga mata ni Luna sa gulat.Hindi siya makapaniwala na si Tara ay palihim na isa sa mga fans niya, sa punto na binabantayan nito ang balita tungkol kay Luna kahit na nakatira si
Matagal na natulala si Luna.Sa huli, bumalik siya sa sarili at humawak siya ng sabik sa braso ni Robyn. โSinasabi mo ba na ang kapatid mo ang nagligtas sa lalaki na hinahanap ng lahat sa buong bayan?โHindi inaasahan ni Robyn ang reaksyon ni Luna. Napaatras siya sa takot at tumango siya. โOโฆ Oo.โBakit sabik si Luna na marinig ito?Kumunot ang noo niya at tinanong niya, โMiss, kilalaโฆ mo ba ang kapatid ko? O may koneksyon kayo sa matandang lalaki kagabi?โSasagot sana ng oo si Luna sa mga tanong na ito nang sumingit si Tara. โSyempre may koneksyon siya sa matandang lalaki. Asawa siya ng pinsan ko, kaya may koneksyon siya sa matandang lalaki na niligtas ng kapatid mo. Sabik lang siya na makilala ang lalaki na lumigtas sa buhay ng matandang lalaki.โPagkatapos, tumingin siya kay Luna. โHindi ba, Luna?โNapahinto ng ilang sandali si Luna, pagkatapos ay tumango siya. โOo, masaya lang ako na ligtas siya ngayon.โPagkatapos, lumingon siya para tumitig ulit kay Robyn. โKamusta na ang
โUmโฆโNgunit, bago pa sumagot si Tara, sumingit si Robyn. โHindi baโt sinabi ko sayo na ang kapatid ko ay nabaril? Ito ay dahil pinoprotektahan niya ang isang matandang lalaki kagabi.โโNakidnap silang pareho, at ang lalaki na โyun ay papatayin dapat ng kidnapper. Kung hindi humarang ang kapatid ko para iligtas ang lalaking โyun, patay na dapat siya ngayon.โโSi Miss Moore ay ang kamag anak ng lalaki at pumunta siya dito para pasalamatan kami.โPagkatapos, pinakita niya ang card kay Luna at sinabi niya, โGusto niya kaming bigyan ng gantimpala kapalit ng kabaitan ng kapatid ko. Desperado kami sa pera, pero ayaw itong tanggapin ng kapatid ko. Ayaw niyang isipin ng iba na may ibang rason ang kabaitan niya.โNapahinto si Luna nang marinig niya ito. Kumunot ang noo niya, tumingin siya kay Tara. โAng โkamag-anak; na ito ay ang tatay ni Gwen, hindi ba?โAlam ni Luna ang tungkol sa nangyari kagabi. Dahil niligtas ng mga tauhan ni Joshua si Andy kagabi at ang kapatid ni Robyn ay nabaril d
โHindi ko kailangan ng special treatment.โ Ngumiti si John kay Tara. โAng gusto ko lang ay ang isang oportunidad para sumama.โKumunot ang noo ni Tara dahil dito, ngunit wala siyang sinabi. Sa huli, tumalikod siya at umalis na siya ng kwarto.Sa kanyang ikinagulat, nakasalubong niya si Luna, na siyang kakalabas lang ng elevator.Nabigla din si Luna na makita si Tara.Siguradong si Tara, na siyang obsessed kay Joshua, ay nasa Moore Group dapat kasama si Joshua, nagpapalipas ng oras kasama ang paboritong โpinsanโ nito. Bakit pala nasa hospital si Tara?โHello, Luna.โ Ngumiti ng nahihiya si Tara nang makita niya si Luna.Kumunot ang noo ni Luna at tumingin siya ng malamig kay Tara. โAno ang ginagawa mo dito?โNandito ba si Tara para makita si Gwen? Hindi niya maintindihan; hindi kilala nila Tara at Gwen ang isaโt isa. Bakit bibisita si Tara kay Gwen?Huminto si Tara, ngunit bago pa siya makagawa ng dahilan, tumunog ang boses ni Robyn sa likod niya. โMiss Moore!โTumakbo si Robyn
Bumangon si John mula sa kama nang mabanggit ang matandang lalaki. Pagkatapos ay tumitig siya ng nakakunot ang noo kay Tara. โAyos lang ba siya? Nawalan ako ng malay pagkatapos akong mabaril kagabi, kaya hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Naaalala ko na dumating ang mga tauhan niyo sa orasโฆ Ayos lang ba siya ngayon?โKahit na ang ginawa ng matandang lalaki ang rason kung bakit nabaril si John, naiintindihan ni John ang pananaw ng lalaking ito. Pagkatapos makulong ng maraming araw, hindi nakakapagtaka na magiging balisa ito na makatakas.Hindi mapigilan ni John na isipin na kung ang lalaking ito ay nakakuha ng sakit mula sa pagkakakulong, lalo na at matanda at mahina na ito.Kumunot ang noo ni Tara nang mapansin niya na nag aalala si John. Mukhang hindi nagpapanggap si John sa pag aalala niya.Ayon kay Joshua, hindi alam ni John na ang lalaking niligtas niya ay ang tatay ni Gwen. Base sa reaksyon ni John, alam na ni Tara na tama si Joshua.Ngumiti si Tara at sumagot siya
Hindi kayaโt sinasabi ni John ang katotohanan?Habang iniisip ito, tumingin ulit si Tara kay Robyn.Medyo kinakabahan si Robyn habang sinusuri ng ganito. Nahihiya siyang tumawa at sinabi niya, โNice to meet you, Miss Moore. Ako ang kapatid ni John, si Robyn.โPagkatapos, tinaas niya ang kamay niya kay Tara.Kumunot ang noo ni Tara habang kinamayan niya si Robyn. โNabalitaan ko na may sakit ka?โTumigas ang kamay ni Robyn. Nakalimutan niya ang tungkol sa instructions ni John!Ngumiti siya, sinubukan niyang maging kalmado. โOpo. Nagkaroon ako ng kakaibang sakit at humihina ang katawan ko, at kailangan ko ng surgery para mabuhay.โPagkatapos, lumingon siya para tumingin ng masama kay John. โSinabi mo ba ito sa lahat? Hindi baโt sinabi ko sayo na โwag mo ipagkalat ang tungkol sa sakit ko?โTumawa si John. โMalalaman din naman ni Miss Moore ang tungkol dito dahil magkakasama kami sa trabaho.โMedyo naabala si Tara dahil dito. Pinadala siya ni Joshua para bantayan si John at malaman
โAyos lang. Hindi ko siya niligtas para sa pera.โ Ngumiti si John habang tinaas niya ang kamay niya para kunin ang kutsara at tinidor mula kay Robyn.Nagtataka rin siya tungkol sa binanggit ni Robyn, ngunit sa katotohanan, hindi siya nagsisi sa desisyon niya. Kahit na pumunta siya doon para sa pera, hindi ito ang motibasyon niya noong tumalon siya sa harap ng bala.Ginawa niya ito ng hindi nag iisip. Kahit na ibalik niya ang oras, ililigtas niya pa rin ang lalaking โyun ng hindi nagdadalawang isip.Nagbuntong hininga si Robyn at tumingin siya kay John. โPero Johnโฆ makakapunta ka pa ba sa public bid sa katayuan mo ngayon?โNamutla si John dahil dito. Makalipas ang ilang sandali, ngumiti siya kay Robyn at sinabi niya, โSyempre naman. Ang balikat ko lang ang nasaktan, hindi ang utak ko, kaya makakapag trabaho pa rin ako tulad ng dati at makapag handa ako para sa bid. โWag kang mag alala. Alagaan mo na lang sina Anne at Sammie, at ako na ang bahala sa lahat.โPagkatapos, tumingin siya