MasukAkala ni Isabel, isang ordinaryong business assignment lamang ang magdadala sa kaniya sa Manila. Tatlong linggo lang siyang mananatili roon—tatlong linggong trabaho, bagong karanasan, at pagkakataong patunayan ang sarili sa isang lugar na malayo sa kaniyang nakasanayang buhay sa Bukidnon. Ngunit hindi niya inaasahang makikilala niya si Adrian Laurent, ang matagumpay at makapangyarihang CEO ng Laurent Holdings. Sa likod ng kaniyang malamig na tindig at seryosong personalidad, unti-unting natuklasan ni Isabel ang isang lalaking marunong magmalasakit, rumespeto, at magpakita ng damdaming hindi niya inaasahan. Sa bawat araw na magkasama sila, mas nagiging mahirap para kay Isabel na ituring na simpleng trabaho lamang ang kanilang pagkikita. Ngunit may hangganan ang kanilang oras sa Manila. Sa araw ng kaniyang pag-alis, nangako si Adrian na hindi niya hihilinging manatili si Isabel—hihilingin lamang niyang bumalik ito. At sa kabila ng takot sa isang relasyong magsisimula sa magkabilang panig ng mundo, nangako rin si Isabel na bibigyan niya ng pagkakataon ang kanilang namamagitan. Pagbalik ni Isabel sa Bukidnon, sinubukan niyang ipagpatuloy ang kaniyang simpleng buhay. Ngunit hindi ganoon kadaling kalimutan ang lalaking nakilala niya sa Manila. Sa kabila ng distansiya, patuloy na lumalalim ang kanilang ugnayan. Subalit hindi lahat ng kuwento ng pag-ibig ay nagsisimula sa malayang pagpili. Unti-unting natutuklasan ni Isabel ang mga lihim sa buhay ni Adrian. May isang babaeng matagal nang inaasahang magiging asawa nito, may kasunduang ginawa ang kanilang mga pamilya, at may kondisyong iniwan ang yumaong ama ni Adrian na maaaring magbago sa kinabukasan ng Laurent Holdings. Ngayon, kailangang harapin ni Adrian ang isang mahirap na pagpili: ang kinabukasang matagal nang inihanda para sa kaniya, o ang babaeng kusang-loob niyang piniling mahalin. hanggang saan kayang lumaban ni Isabel para sa isang pag-ibig na nagsimula sa Manila, sinubok ng distansiya, at ngayo'y nanganganib dahil sa isang lihim na hindi niya inaasahan?
Lihat lebih banyakKabanata 1
Hindi ko naman talaga planong magkaroon ng kakaibang kuwento sa Manila. Ang gusto ko lang ay matapos nang maayos ang tatlong linggong assignment ko, makuha ang approval ng kumpanya, at makauwi nang walang problemang iuuwi sa Bukidnon. Simple lang, hindi ba? Trabaho lang, walang drama, at lalong walang lalaking gugulo sa tahimik kong buhay. Pero mukhang hindi iyon ang plano ng tadhana para sa akin. Dumating ako sa Manila na may dalang dalawang maleta, isang laptop, at napakaraming dokumentong kailangan kong ayusin. Excited ako noong una. Sino ba naman ang hindi matutuwa kapag nabigyan ng pagkakataong magtrabaho sa isa sa pinakamagagandang lungsod sa mundo? Pero nang gabing iyon, habang naglalakad ako sa gitna ng malamig na ulan, nagsimula akong magtanong kung bakit ba hindi na lang ako nanatili sa hotel hanggang kinabukasan. Hindi ko kabisado ang lugar. Ilang beses ko nang tiningnan ang mapa sa cellphone ko, pero pakiramdam ko, mas lalo lang akong naliligaw sa bawat kanto. Halos wala nang tao sa paligid, at ang mga ilaw mula sa mga gusali ay hindi sapat para mawala ang kaba ko. Tiningnan ko ang baterya ng cellphone ko. Labing-apat na porsiyento na lang. “Ayos! ,” bulong ko sa sarili ko. “Talagang ngayong gabi pa tayo mamamatay.” Hindi ko alam kung ang cellphone ko ang tinutukoy ko o ang natitira kong pasensiya. Binilisan ko ang paglalakad habang pilit na sinusundan ang direksiyong ipinapakita ng mapa. Basa na ang manggas ng damit ko, at hindi na rin nakakatulong ang manipis kong jacket laban sa malamig na hangin. Gusto ko nang makarating sa apartment na inilaan ng kumpanya para sa akin. Gusto ko nang maligo, magpalit ng damit, at kalimutan ang gabing ito. Kaya nang huminto ang isang itim na sasakyan sa tabi ko, natural lang na kinabahan ako.Hindi agad bumukas ang p***o. Nanatili lang itong nakahinto habang patuloy na pumapatak ang ulan sa bubong nito. Napatingin ako sa paligid, umaasang may ibang tao akong makikita, pero halos. Wala nang dumaraan sa kalsada. Maya-maya, bumukas ang p***o. Isang lalaki ang bumaba mula sa sasakyan. Matangkad siya, nakasuot ng maitim na coat, at halatang hindi siya basta-bastang taong sanay maglakad sa ulan nang walang dahilan. Maayos ang tindig niya, kalmado ang kilos, at kahit madilim ang paligid, malinaw kong nakita ang seryosong ekspresyon sa mukha niya. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla kong nakalimutang tingnan ang mapa ko. Lumapit siya nang sapat para iabot sa akin ang hawak niyang payong. "Kunin mo,” sabi niya saakin. Napatingin ako sa payong at saka sa kanya. “Eh paano ka?” “May sasakyan ako.” Diretso ang sagot niya, na para bang iyon na ang pinakasimpleng paliwanag sa mundo. Tiningnan ko ulit ang payong. Hindi ko siya kilala. Hindi ko rin alam kung bakit siya huminto para tulungan ang isang estrangherang basang-basa at halatang naliligaw. Pero sa kabilang banda, hindi naman niya ako pinipilit na sumakay sa kotse niya. Payong lang ang iniaalok niya. Kaya tinanggap ko iyon. “Salamat,” sabi ko sa kanya. Tumango lang siya. Walang mahabang paliwanag, walang pilit na ngiti, at walang tanong tungkol sa pangalan ko. Pagkatapos, bumalik siya sa sasakyan. Akala ko aalis na siya, pero nang magsimula akong maglakad habang sinusundan ang mapa, napansin kong dahan-dahang umaandar ang kotse sa likuran ko. Napalingon ako. Nandoon pa rin siya. Hindi naman siya masyadong malapit para matakot ako, pero sapat ang layo para malaman kong hindi rin niya ako basta iniwan sa madilim na kalsada. Sa ilang pagkakataon, napapatingin ako sa likuran ko upang matiyak na naroon pa rin ang sasakyan. Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa o mas kabahan. “Baka naman security detail ito, bulong ko sa sarili ko. “O baka talagang napakabait lang ng mga mayayaman dito.” Napailing ako sa sarili kong iniisip. Wala akong sapat na impormasyon para mag isip nang kung ano-ano. Ang alam ko lang, gusto kong makarating nang ligtas sa apartment. Pagkaraan nang ilang minuto, nakita ko rin ang gusaling hinahanap ko. Huminto ako sa tapat nito at muling lumingon sa kalsada. Nandoon pa ang itim na sasakyan. Hindi ko na makita nang malinaw ang mukha ng lalaki sa loob, pero saglit na nanatili ang kotse bago ito tuluyang umalis. Sinundan ko iyon ng tingin hanggang sa mawala sa paningin ko. Nakatayo pa rin ako sa ilalim ng payong nang mapagtanto kong hindi ko man lang naitanong ang pangalan niya. Hindi ko rin alam kung bakit ko iyon naisip. Isa lang siyang estrangherong tumulong sa akin. Malamang, bukas ay makakalimutan ko na ang nangyari. Iyon ang sinabi ko sa sarili ko bago ako pumasok sa apartment. Kinabukasan, maaga akong nagising upang maghanda para sa unang araw ng trabaho. Mas maayos na ang pakiramdam ko matapos ang mainit na shower at sapat na tulog. Habang nag-aalmusal, sinuri ko ang mga dokumentong kailangan kong dalhin sa opisina at muling binasa ang schedule ng mga meeting. Isa lang ang nasa isip ko: kailangan kong magpakitang-gilas. Hindi ako ipinadala nang kumpanya sa Manila para magbakasyon. May responsibilidad akong tapusin ang assignment sa loob ng tatlong linggo, at ayokong masayang ang tiwalang ibinigay sa akin. Pagdating ko sa opisina, sinalubong ako ng mga empleyadong abala sa kani-kanilang trabaho. Malinis ang buong lugar, moderno ang disenyo, at halos lahat ay tila alam na alam ang kanilang ginagawa. Medyo nakaka-intimidate, pero pilit kong itinuwid ang tindig ko. Kaya ko ito. Trabaho lang. Iyon ang paulit-ulit kong sinabi sa sarili ko habang papunta sa conference room. Nang magsimula ang meeting, ipinakilala sa amin ang pangunahing kliyente ng proyekto. Nakaupo ako sa gilid ng mahabang mesa, hawak ang notebook ko, nang bumukas ang p***o. At doon ko siya nakita. Ang lalaking nag-abot sa akin ng payong kagabi. Pumasok siya na tila walang anumang dahilan para magmadali. Nakasuot siya ng maayos na suit, at iba ang dating niya sa loob ng opisina. Kung kagabi ay isa lang siyang estrangherong tahimik na tumulong sa akin, ngayon ay malinaw na hindi siya isang ordinaryong tao. “Mr. Adrian Laurent,” pagpapakilala ng isa sa mga executive. “Owner of Laurent Holdings.” "Laurent Holdings?" Hindi ko kailangang magtanong kung gaano kalaki ang kumpanyang iyon. Narinig ko na ang pangalan nito habang naghahanda para sa assignment. Isa iyon sa mga kumpanyang may malawak na impluwensiya sa Manila, at si Adrian Laurent ang lalaking nasa likod nito. Isa rin siya sa pinakamayayamang negosyante sa rehiyon. At siya ang pangunahing kliyente namin. Napahigpit ang hawak ko sa panulat. Sandali lang. Siya ba talaga iyon? Umupo si Adrian sa pinakadulo ng mesa at nagsimulang makinig sa mga ulat. Hindi siya maingay, pero kapag nagsasalita siya, kusang tumatahimik ang mga tao. Hindi niya kailangang lakasan ang boses para makuha ang atensiyon ng lahat. Sapat na ang maikli niyang mga tanong at diretsong mga sagot para malaman ng bawat isa na seryoso siya sa trabaho. Habang nagpapatuloy ang meeting, pilit kong ibinalik ang atensiyon ko sa mga dokumento. Hindi puwedeng magpadala ako sa pagkagulat. Hindi rin puwedeng isipin niyang kilala ko siya dahil lamang sa nangyari kagabi. Pero minsan, nahuhuli ko siyang nakatingin sa direksiyon ko. Hindi ko alam kung nagkataon lang iyon o talagang napansin niya ako. Pagkatapos ng meeting, abala ang lahat sa paghahanda para sa susunod na bahagi ng proyekto. Pinili kong manatili sa aking mesa upang suriin ang mga datos at ayusin ang ilang bahagi ng report. Ayokong may makalusot na pagkakamali, lalo na ngayong alam kong personal na sinusubaybayan ni Adrian ang proyekto. Hindi ko namalayang lumipas na ang ilang oras. Nang iangat ko ang ulo ko mula sa laptop, napansin kong halos wala nang tao sa paligid. Sumakit na rin ang mga mata ko sa kakatingin sa screen, at saka ko lang napansing hindi pa pala ako kumakain nang maayos. May isang bote ng tubig at isang lalagyan ng pagkain sa tabi ng laptop ko. Napatingin ako sa mga iyon, saka sa paligid. “May nag-iwan ba nito?” tanong ko sa katrabahong dumaan sa mesa ko. “Pinautos ni Mr. Laurent sa katiwala niya na dalhin yan sayo,” sagot niya. Napahinto ako. Si Adrian? Tumingin ako sa dulo ng opisina, kung saan naroon ang Bintana ng office niya. Hindi ko makita kung ano ang ginagawa niya sa loob, pero bigla kong naalala ang payong kagabi. Dalawang beses na niya akong tinulungan sa loob lamang ng wala pang isang araw. Hindi ko alam kung dapat ba akong magpasalamat o magtaka kung bakit niya iyon ginagawa. Marahil, likas lang siyang mapagmasid. Marahil, ayaw lang niyang may empleyadong mahimatay dahil nakalimutang kumain. O marahil, may dahilan siyang hindi ko pa naiintindihan. Ayokong gumawa agad ng kuwento sa isip ko. Isa siyang matagumpay na negosyante, at ako naman ay isang empleyadong may tatlong linggong assignment na kailangang tapusin. Mas mabuting panatilihing malinaw ang hangganan ng trabaho at personal na buhay. Iyon ang plano ko. Pang-ilang araw ko pa lang sa Manila pero nagsisimula nang maging komplikado ang mga bagay-bagay. Hindi dahil sa trabaho, kundi dahil sa lalaking hindi ko dapat nakilala. Akala ko, doon na matatapos ang lahat. Ngunit nang makarating ako sa apartment, may natanggap akong email mula sa aming project manager. Tungkol iyon sa bagong iskedyul ng trabaho kinabukasan. Binuksan ko ang kalakip na dokumento at mabilis na binasa ang mga detalye. Sa huling bahagi nito, may isang pangungusap na agad nakakuha ng pansin ko. "Simula bukas, si Isabel ang direktang makikipag-ugnayan kay Mr. Adrian Laurent at sasama sa lahat ng mahahalagang pagpupulong sa loob ng susunod na tatlong linggo". Napahawak ako sa noo. Tatlong linggo? Araw-araw ko siyang makikita. Araw-araw ko siyang makakausap. At sa bawat araw na iyon, kailangan kong patunayang kaya kong maging propesyonal sa harap ng lalaking dalawang beses nang nagpakita ng kabaitan sa akin. Pero bago ko pa maisara ang email, may panibagong mensaheng pumasok mula sa hindi kilalang numero. "Isabel, siguraduhin mong bukas ay makakausap kita nang tayong dalawa lang". Napatingin ako sa pangalan ng nagpadala. Adrian Laurent. Pang ilang araw pa lang ako sa Manila, pero nagsisimula nang maging komplikado ang mga bagay-bagay. Hindi dahil sa trabaho. Kundi dahil sa lalaking hindi ko dapat nakilala. At ang mas nakakaabala? Pakiramdam ko, hindi pa iyon ang huling pagkakataong magkikita kami.Kabanata 8Hindi naging maganda ang gising ko kinabukasan. Kahit ilang beses kong piliting huwag isipin ang sinabi ni Adrian, paulit-ulit pa rin itong bumabalik sa isip ko. Minsan, habang nag-aalmusal ako, bigla kong maaalala ang pangalan ni Camille. Minsan naman, habang inaayos ko ang mga gamit ko, maiisip ko kung gaano na kaya sila katagal magkakilala.Hindi ko naman gustong ikumpara ang sarili ko sa kaniya. Wala akong dahilan para gawin iyon. Hindi ko siya kilala, at hindi ko alam kung anong klaseng tao siya. Pero hindi ko rin maitatangging may kaba akong nararamdaman. Iba kasi kapag ang isang babae ay hindi lamang basta naging bahagi ng nakaraan ng lalaking gusto mo. Mas mahirap kapag alam mong may mga taong umaasang siya ang magiging bahagi ng kinabukasan nito.Bandang hapon, habang nakaupo ako sa gilid ng kama, tumawag si Adrian. Ilang segundo akong nagdalawang-isip bago sagutin. Nang makita ko ang mukha niya sa screen, napansin kong pagod siya. Nakaayos pa rin ang buhok
Kabanata 7 Ilang minuto akong nakatitig sa cellphone ko matapos kung mabasa ang huling mensahe ni adrian. May isang taong bumalik sa buhay niya. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nakaramdam ng kaba. Marahil dahil hindi ko kilala ang taong tinutukoy niya, o dahil natatakot akong may bahagi pala ng buhay niya na hindi ko kailanman malalaman hangga't hindi niya mismo sinasabi sa akin. Hindi naman bago sa akin na may mga taong naging bahagi ng buhay niya bago pa kami magkakilala. Natural lamang iyon. May sarili siyang kuwento, mga kaibigan, at mga karanasang hindi ko kailangang malaman lahat. Pero iba ang pakiramdam ko ngayon. May kakaibang bigat sa paraan ng pagsasabi niya. Para bang may isang bagay siyang matagal nang iniiwasang pag-usapan at ngayon ay kailangan na niyang harapin. Muli kong binuksan ang aming usapan at binasa ang huling mensahe niya. May isang taong bumalik sa buhay ko, Isabel. At alam kong may karapatan kang malaman kung sino siya. Huminga ako nang malali
Kabanata 6 Hindi ko akalaing magiging ganoon kahirap ang umalis sa Manila. Tatlong linggo lang naman ako roon. Tatlong linggong dapat ay trabaho lang ang iniisip ko, pero sa hindi inaasahang pagkakataon, may isang taong naging dahilan kung bakit ayaw ko nang matapos ang pananatili ko. Si Adrian Laurent. Mula nang makilala ko siya, maraming bagay ang nagbago sa pananaw ko. Hindi ko inaasahang ang isang lalaking unang nakilala ko bilang isang seryoso at halos hindi ngumingiting CEO ay magiging bahagi ng mga araw na gugustuhin kong balikan. Pero dumating din ang araw na kailangan kong umuwi. Pagdating ko sa Bukidnon, sinalubong ako ng pamilyar na kapaligiran. Tahimik ang paligid kumpara sa abalang mga kalsada ng Manila. Bumalik ako sa dati kong gawain, sa simpleng pamumuhay na nakasanayan ko bago pa ako nagkaroon ng pagkakataong makilala si Adrian. Dapat ay masaya akong nakabalik. Pero sa tuwing hawak ko ang cellphone ko, hinahanap ko ang pangalan niya. Hindi naman kami nawalan ng kom
Kabanata 5 Dalawang araw na lamang ang natitira bago matapos ang assignment ko sa Manila. Mas mabilis pala ang oras kapag ayaw mong matapos ang isang bagay. Noong una akong dumating, binibilang ko ang bawat araw. Dalawampu't isang araw. Tatlong linggo. Isang maikling assignment na kailangan ko lamang tapusin bago makabalik sa dati kong buhay. Ngayon, ayaw ko nang bilangin ang natitirang oras. Sa bawat araw na lumilipas, mas lalo kong nararamdamang may maiiwan ako kapag umalis. At alam ko kung sino iyon. Si Adrian. Buong umaga akong abala sa huling presentasyon ng proyekto. Kailangan naming isumite ang lahat ng dokumento bago matapos ang linggo, kaya sinigurado kong maayos ang bawat detalye. Nakapagtataka kung gaano kabilis naging pamilyar sa akin ang opisina, ang mga mukha ng mga kasamahan ko, at maging ang tunog ng mga yapak ni Adrian sa pasilyo. Malaking bahagi ng tagumpay ng aming pangkat ay dahil sa paraan niya ng pamumuno. Hindi siya palaging nakatayo sa tabi namin, at hindi ni






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.