Share

Chapter 4

Pumasok na ko sa room pagkatapos kong maglunch. Maaga pa pala, wala pang prof. Nagpaalam na sakin si Kyla kanina, friends na nga pala kami.

Nagtataka akong tumingin sa upuang katabi ko. Absent si Ice, mas trip ko yung Ice kaysa sa Prince. Pero sa isip ko lang siyang tatawaging Ice, baka sapukin ako nun eh.

Napalingon ako sa anim na lalaking katabi ko. Tsk, may bully pala sa kanila at may hotheaded baka mapaaway ako nang wala sa oras.

Tumingin din sila sakin, napatawa ako kasi sabay sabay pa talaga silang lumingon sakin.

Sabay sabay silang tumayo at lumapit sakin. Hala! Eto na ba yon? Sasaktan na nila ako?! Oh my ghad! Ano nang gagawin ko?

Unang nagsalita si Lion.

"Hi miss, I'm Li---"

"Lion! Lion the playboy!" sabi ko at tinuro siya. Nagtawanan naman ang anim. Sunod kong tinuro si Tiger.

"Tiger the genius"

"Shark the bully."

"Gun the hotheaded."

"Bullet the business minded."

"Last, Dragon the gentleman. Oh diba! Kilala ko kayo. Hahaha! Ang galing ko talaga!" sabi ko with matching palakpak pa.

Namamanghang napangiti sila sakin.

"Aren't you afraid of us?" nagtatakang tanong ni Shark.

"You know, because of what you did to Ice?" segunda pa ni Tiger.

"Bakit ako matatakot sa inyo? Pag sinaktan niyo ko, ibig sabihin non bakla kayo! Pumatol kayo sa babae eh. Diba Shark?" sabi ko sa nang aasar na tono. Napatikhim naman si Shark at napakamot sa kilay. Hahaha! Ang gwapo niya.

Namamanghang napangiti sakin yung anim. Nagsimula namang sumilab ang mga bulung bulungan sa room.

"Oh my ghad!"

"The Danger Zone was seduced by that b*tch!"

"Yeah, she's really a b*tch!"

"Humanda satin yang pandak na yan!"

Napanguso ako nang marinig ko na naman ang salitang 'pandak'. Bwiset!

"Don't worry, we don't let them do horrible things to you." nakangiting sabi ni Dragon.

"Yeah. Makakatikim sila sakin." nakakunot ang noong sabi ni Gun.

"Babagsak ang business nila pag sinaktan ka nila." sabi pa ni Bullet.

Nagtatakang napatingin ako sa kanila. Bakit parang trip nilang ipagtanggol ako? Kilala ba nila ako? Anong trip 'to? Diba dapat magalit sila sakin dahil sa ginawa ko kay Ice este Prince?

"A-a eh, s-salamat, hehehe. Bakit ganyan kayo sakin? Bakit di niyo ko binu-bully dahil sa ginawa ko kay Ice e-este Prince pala!"

"You just called him Ice!" natatawang sabi ni Tiger.

"You're really something huh." namamanghang sabi ni Shark.

Ano bang kakaiba sakin? Bakit parang manghang mangha sakin 'tong mga 'to?

"By the way, alis na kami ha. Magkacutting kami. Nakakatamad eh." sabi ni Lion at lahat sila ay tinapik ako sa balikat bago umalis. Ang weird nila!

Naabutan sila nang prof naming sexy at dalaga.

"Bye miss!"nakangising sabi ni Lion at hinalikan siya nang mabilis sa labi. Nagsigawan naman ang mga classmates ko. Tsk tsk iba talaga 'to si Lion.

Nagblush naman ang prof at hinayaang lumayas ang mga impakto. Tss! Para-paraan eh!

***

"Bye Daks!" nang aasar na sabi Kyla. Napanguso naman ako. Daks, short for 'pandak'

Nagpaalam na kami sa isa't isa at lumarga na siya.

Nandito ako ngayon sa parking lot. Hinihintay ko yung driver na susundo sakin papuntang mansyon nila Tita Amy.

Mga five minutes pa kong naghintay nang biglang may tumigil na mukhang mamahaling kotse sa harap ko. Lumabas ang driver at lumapit sakin.

"Kayo po ba si Shenna Rein Reyes?" tanong ng driver. Ngumiti naman ako at tumango.

Pinagbuksan niya ko at agad naman akong pumasok sa kotse.

***

Totoo ba 'to?! I can't believe this!

Parang tanga akong nakanganga sa harap nang mansyon or should I say 'palasyo' nila! Grabe! Banyo lang siguro nila ay bahay na namin!

Ang ganda nang paligid. Madami ding nga halaman at bulaklak na nakapaligid. At talaga namang nakakalula sa laki ang mansyon na 'to!

"This way ma'am." sabi sakin ng maid. Wow! Pati maid, english speaking din.

Kung nalula ako kanina sa labas nang mansyon nila, mas nalula ako ngayon sa loob nang mansyon. My ghad!

Agaw pansin ang malaking chandelier. Nakakasilaw ang pamamahay na 'to!

Sinalubong ako nang yakap ni tita Amy. Niyakap ko din siya.

"Nagkita na ba kayo ng anak ko?" nakangiting tanong ni Tita Amy. Napakunot ang noo ko.

"Hindi ko po alam hitsura niya eh. Pwede po bang ipakita niyo na lang sakin yung picture niya."

"Nako, baby pictures niya lang ang meron. Hindi kasi mahilig yung magpakuha nang pictures." ngumiti na lang ako at tumango.

Inilibot ako ni Tita Amy sa mansyon. Feeling ko maliligaw ako dito. Yung kusina malaki, meron silang tatlong malalaking comfort room. May study room, library, play room at kung ano ano pang room.

Hanggang sa dinala niya na ko sa kwarto ko. Napanganga ako! Wow! Ang laki! All pink din ito, my favorite!

"A-ah, T-tita Amy, parang sobra sobra na naman po yata ito. Kung tutuusin po ay pwedeng pwede akong matulog sa maid's quarter. Hindi na po kailangang dito ako matulog sa marangyang kwartong 'to." nakatungong sabi ko. Parang sobra sobra na 'to. Okay na sakin ang simpleng kwarto. Nakakahiya na.

"Ano ba hija? It's okay." nakangiting sabi ni Tita Amy.

"P-paano po kapag hindi ko nagawa yung misyon ko. Edi masasayang lang po ang effort niyo sakin?" kinakabahan kasi ako. Baka pumalpak ako dito.

"It's okay, at least you tried your best. Stop stressing yourself with your mission, just enjoy the moments you have here. Isipin mo na lang na tulong ko ito sayo at hindi ito misyon." nakangiting sabi niya sakin. Ang bait niya talaga.

"Ah, Tita Amy, alam na po ba nang asawa niyo na dito ako nakikitira?" nahihiyang tanong ko.

"He said he's okay with it. Wala naman siyang choice eh. Ako ang laging nasusunod sa mansyon na 'to. Wag ka rin mahiya sa kanya. Madalas naman siyang nasa ibang bansa because of business. Once a month lang siyang umuwi sa mansyon." nakahinga naman ako nang maluwag.

***

Napatingin ako sa orasan sa kwarto. Di ako makatulog. Nine pm na! Hindi ako sanay matulog nang ganitong oras. Pinakalate kong tulog ay eight pm.

Nakapaghapunan na ko. Sumabay ako sa mga maids at talagang ka close ko na sila. Ang babait nga nila eh. Sa totoo lang mas masarap makisalamuha sa mga katulad nila. Totoo kasi silang tao, at walang arte sa buhay. Minsan kasi akala mo porket mayaman o may kaya ay nandyan lagi para tumulong sayo.

***

Matagal akong nagpaikot ikot sa kama hanggang sa napagpasyahan kong lumabas nang kwarto para uminom ng tubig. Tsk, namamahay siguro ako kaya di ako makatulog.

Binuksan ko ang ref at kumuha nang tubig. Madilim sa paligid, hindi ko na binuksan yung ilaw, iinom lang naman ako eh.

Nakaramdam ako ng kaba ng maramdaman kong may dumaan sa likod ko. Agad akong lumingon. Nakakita ako ng anino nang malaking tao na paakyat ng hagdan. Oh my ghad! May multo ba sa mansyon na 'to?!

Dahan dahan kong sinundan ang anino. Tumigil siya sa harap nang isang pinto at binuksan yon bago ay pumasok. Kwarto yon nang anak ni Tita Amy ah.

Sino yon?! Multo?! Magnanakaw?! O baka yung yung anak ni Tita Amy?!

***

Napatingin ako sa hitsura ko sa salamin. Mukha akong bangkay, napuyat ako sa kakaisip kung sino ba yung lalaking yun na pumasok sa kwarto nang anak ni Tita Amy.

Paglabas ko nang kwarto ay dumiretso ako sa dining area. Nandun na ang mga maids at nakain kasabay ni Tita Amy. Ang bait niya talaga. Yung ibang mayayaman hindi pumapayag na makikain sa mga maids, samantalang siya kahit yata matulog siya sa maid's quarter ay okay lang. Idol ko na talaga siya.

"Shenna, hija. Kumain ka na nang almusal." nakangiting sabi nito sakin.

"Ah eh. S-sige po." umupo ako sa tabi ni Aling Jacky, maid na halos kaedaran ni Tita Amy.

Masaya kaming nagkwentuhan habang kumakain, gusto ko sanang itanong kay Tita Amy yung tungkol dun sa nakita ko kagabi kaso hindi na rin ako nagsalita.

***

Nandito ako sa favorite spot ko. Sa may puno kung saan ko nakilala si Kyla. Ayoko siyang tawaging Kyle, parang lalaki lang.

Tumingin ako sa relo ko, maaga pa kaya tumambay muna ako dito. Ang tahimik kasi at mahangin pa.

Matagal tagal rin akong nakatambay dito nang may maramdaman akong kakaiba. Parang may tao.

Nagmamadali ako tumingin sa kabilang side nang puno. At ayun! May natutulog na impakto!

Dahan dahan akong lumapit dun at umupo sa tabi niya.

Nakahiga siya at nakaharang ang braso niya sa mata niya. Tss. Kahit nakatakip ang mata niya ay kilala ko na kung sino iyon. Nakakaramdam kasi ako nang cold aura. Natatawa na lang ako sa mga naiisip ko.

"Tss. Kung mabait ka lang, crush na sana kita ngayon. Buti pa si Dragon mabait, kaya crush ko yun eh." okay. Alam kong para akong tanga dito.

Tumingin ako sa relo ko.

Hala! Five minutes na lang bago mag time. Ang layo pa naman nang room namin.

Agad kong niyugyog sa braso para gisingin siya. Alam kong feeling close ako. Aminado ako dun. Yun yung dahilan kung bakita madami akong kaibigan sa dati kong school.

"Ice! Ice! Gumising kana. Magta-time na! Uy! Ice---"

Nagulat ako nang bigla akong umangat sa ere at nakasandal na ang likod ko sa puno. Juice ko! Ang bilis niya!

Ang isang braso niya ay nakapulupot sa bewang ko at ang isang kamay niya ay nakakapit sa puno, malapit sa mukha ko. Dahan dahan niyang nilapit ang mukha sa akin. Napansinghap ako at nanlaki ang mga nata ko. Amoy na amoy ko ang mabangong hininga niya.

"Did you just call me Ice? Huh?! Stupid girl." may diin ngunit malamig na sabi nito. Hala! Naalala ko, ayaw niya nga palang tinatawag siyang Ice.

"A-ano namang masama kung tawagin kitang Ice?! A-ayaw mo nun, mas astig nga yung Ice eh!" nauutal na sabi ko habang pilit na nag-iiwas ng tingin sa kanya. Yung mga mata at tingin niya kasi, parang hinihigop ang pagkatao ko. Nakakainis ang epekto sakin nang yelong 'to!

"It seems that you really don't know me, little girl." nag init ang ulo ko nang tawagin niya na naman akong little girl.

Akmang iuuntog ko yung ulo niya sa ulo ko kaso nahawakan niya yung balikat ko.

"Not so fast." nakakapanghina talaga nang tuhod ang boses niya. Ang hot kasi! Teka! Ano ba 'tong iniisip mo Shenna?!

"Ano bang kailangan mo sakin?! Pwede ba bitawan mo na ko! Late na tayo! Kasalanan mo yan! Nakakainis ka!"

"Tumahimik ka nga." nanlaki ang mata ko. Nagtalagalog siya! Shems! Mas nakakainlove siya pag nagtatagalog siya! Teka?! Nakakainlove?! Hindi! Hindi ko sinabi yun!

"What are you looking at?" malamig na tanong nito. Napanguso naman ako. Mas gusto ko pag nagtatagalog siya. Agad akong nag iwas nang tingin.

"Hindi kita tinitingnan noh! Feeling mo naman!" sabi ko at nag cross arms pa. "Iiwan na kita dito ah. Late na ko dahil sayo! Dapat hindi na lang kita ginising! Tsk!" sabi ko at naglakad palayo.

Pero nagulat ako nang may bumuhat sakin na parang sako. Amoy pa lang alam ko nang si Ice yun.

"Saan mo ko dadalhing yelo ka! Bitawan mo ko! Ahhh! Bitaw! Bitaw!" sabi ko at sinuntok suntok ang likod niya na sa tingin ko naman ay baliwala lang sa matigas nitong likod. Buti na lang mahaba ang uniform ko hindi katulad nang nga suot nang Classmates ko na kulang na lang makita na ang biyaya!

"Tss. Stop it will you?" sabi nito sa malamig na tono.

"Eh saan mo ba kasi ako dadalhin?!" biglang umandar ang imagination ko.

Imagination:

"Ice! San mo ko dadalhin?!"

Dinala ako nito sa kotse niya. At pagkatapos non ay dahan dahan niyang tinatanggal ang damit niya. Ohhhlalahh!

"Don't worry, mag eenjoy ka sa gagawin natin." sabi nito sa nang aakit na boses pagkatapos ay hinalikan ako.

End of imagination

"Ahhh! Pagsasamantalahan mo ko no?! Sabi na eh! Kunwari ka lang na pa cool yun pala manyakis ka! Manyak!" sabi ko at sinuntok suntok siya sa likod.

"Tss. Dream on." mayabang na sabi nito. Okay, ako na feelingera.

Nagulat ako nang maramdaman kong nasa loob na kami nang room. Napatingin samin ang mga classmates namin, napanganga naman ang Danger Zone. Kasi naman, buhat buhat pa din ako ni Ice.

Nagtatakang tumingin ang prof samin.

Dirediretsong pumunta sa pwesto namin si Ice na parang walang pakialam sa prof na nasa unahan.

Pabalya nito akong inupo sa upuan ko. Napanguso ako dahil ang sakit nang pagkakabagsak ko sa upuan. Walang hiya ka talaga Ice!

Umupo na si Ice sa tabi ko at umub-ob. Wala ba talaga siyang pakialam sa prof?!

"O-okay! L-let's start the discussion!"

Napatingin ako sa katabi ko at napangiti.

Akala ko ay sasaktan niya ko kanina nung tinawag ko siyang Ice, sabi kasi nila magagalit daw siya.

Di kaya may gusto na si Ice sakin?!

Nasampal ko ang sarili ko sa mga naiisip ko. Imposible yun!

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Belinda Escasinas Abe
ang ganda ng kwento sana wala ng lock plzzz
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status