Share

Chapter 5

Black and white.

Black and white lang ang nakikita kong kulay sa kwarto niya. Grabe! Ang boring siguro nang buhay ng anak ni Tita Amy.

Pero malaki ang kwarto niya. Maganda at malinins. Ang boring lang talaga nang kulay, mas maganda sana kung blue na lang.

Lumabas na ko nang kwarto. Hays! Nakakakilabot sa kwartong yun, para talagang kulang sa emosyon at damdamin ang silid na iyon. Minsan talaga kahit mayaman ka, hindi mo masasabing nasayo na ang lahat, minsan may hinahanap pa din ang puso mo na hindi kayang tumbasan nang pera o salapi. Napailing na lang ako sa mga iniisip ko.

Dumiretso ako sa living room at nakita ko si Tita Amy na nanonod nang tv kasama yung ibang maids.

"Nasilip mo na ba yung room nang anak ko?" tanong niya habang nakain ng popcorn.

"Opo. Nakakakilabot nga po eh."

"Talaga? Ako nga na mommy niya ay kinikilabutan din kapag pumapasok sa kwarto niya." natatawang sabi niya.

Nagpaalam na ko at pumasok na sa kwarto ko.

Tinawagan ko sina nanay, namimiss ko na sila eh. Sa sabado ko pa sila makikita, Martes pa lang ngayon.

"Hello! Shenna!" ni loud speaker ko yun para rinig ko silang lahat.

"Nay! Kamusta na kayo dyan?"

"Aba! Ayos na ayos lang kami anak!" narinig kong sigaw ni tatay.

"Ate! Miss na kita!" napangiti na lang ako dahil kay Ochoy. Minsan lang maglambing yan kaya happy si heart ko.

"Miss na miss na miss ko na din kayo! Sa sabado nandyan ako, wag kayong mag-alala."

"Nako siguraduhin mo lang anak. Miss na miss ka na namin." sabi ni nanay.

"Ate, nakita mo na ba yung anak ni Tita Amy?" tanong ni Ochoy.

"Hindi pa nga eh. Hindi pa siya nauwi dito sa mansyon nila. Saan kaya natutulog yun?" nagtatakang tanong ko.

"Basta anak. Mag ingat ka lagi dyan. Wag kang magpapagutom. Iwasan mo ding magkasakit at talagang susugod kami dyan nang nanay mo pag nagkasakit ka. Kami ang mag aalaga sayo." napangiti ako dahil sa sinabi ni tatay. Lalo ko tuloy silang namimiss.

"Ano ba kayo tay. Mas malakas pa yata sa kalabaw 'tong maliit kong katawan."

Narinig ko naman ang tawanan nila. Napatawa na din ako.

***

Dragon's POV***

"Saan ka matutulog Prince?" tanong ni Lion.

Nandito kami sa headquarters nang Danger Z. Sa likod lang 'to nang FU. Dito kami madalas natutulog dahil malaki naman ito at may pitong kwarto (tig-isa kami ng kwarto), may kusina, may playroom, may gym, may library. Para itong bahay. Pero ang madalas matulog dito ay si Prince.

"Sa mansyon." maikli pero malamig na tugon ni Prince.

"Himala. Dalawang buwan kana din yatang di natutulog don." puna ni Tiger.

"I slept there last night."

"Talaga! Di ko napansin." sabi ni Shark.

Nagulat ako nang tumingin sakin si Prince. Masama ang tingin nito sakin, napatingin din tuloy sakin ang Danger Z.

"B-bakit ganyan ka makatingin? Anong atraso ko sayo?"

Lumapit siya sakin. Ano ba yan? Ako na kaibigan niya ay kinikilabutan sa kalamigan niya.

"She has a crush on you." nakakunot noong sabi niya sakin.

"Sino?" tanong ni Gun.

"Shenna." maikling sabi niya. Alam niya pala ang pangalan nang cute na babaeng yun.

"Talaga?! May crush siya sakin? Crush ko din siya eh. Ligawan ko kaya." nakangiting sabi ko. Totoo yun. Crush ko si Shenna. Pero joke lang yung sinabi kong liligawan ko siya. Titingnan ko lang ang reaksyon niya.

Lalong dumilim ang mukha ni Prince.

"Don't you dare, Dragon. You know what I'm capable of when I'm mad." sabi nito sa malamig at nakakakilabot na boses bago walang salitang tumalikod at umalis.

Nagkatinginan kaming magkakaibigan at napangiti.

Tsk tsk tsk. Alam na.

***

Shenna's POV***

Naninibago pa din ako sa mansyon kaya eto. Di pa rin ako makatulog. Ten pm na!

Napagpasyahan kong pumunta nang kusina at uminom nang tubig.

Napansin kong bukas ang ilaw sa kusina.

Nagpanic agad ang sistema ko. Wala nang gising sa mansyon nang ganitong oras. Baka magnanakaw yun?!

Nakita kong may nakain sa kusina. Matipuno ang likod nang lalaki. At pamilyar sakin ang hairstyle niya, magulo. Bigla itong tumayo at kumuha nang tubig.

S-si Ice?! Anong ginagawa niya dito?! Agad akong nagtago.

Pagkatapos uminom nang tubig ay umalis na ito at pumasok sa kwarto nang anak ni Tita Amy.

Pagkapasok niya ay agad agad akong pumasok sa kwarto ko.

Nasapo ko ang dibdib ko. Ang lakas nang tibok nang puso ko. At parang gusto kong sabunutan ang sarili ko dahil sa katangahan ko.

Ice Prince Farthon. Farthon University, si Tita Amy ay isang Farthon. Bakit ngayon ko lang nagets?!

Si Ice ang anak ni Tita Amy!

***

Nandito ako sa favorite spot ko. Nirerelax ko ang sarili ko. Inagahan kong pumasok para hindi ako makita ni Ice.

Bangag na bangag ako. Hindi pa rin maalis sa isip ko na si Ice ang anak ni Tita Amy. Yung dapat kong pangitiin, yung misyon ko.

Pakiramdam ko ay ayaw kong malaman ni Ice na dun ako sa mansyon nila nakatira at misyon kong pangitiin siya. Baka magalit siya sakin at lumayo ang loob niya sakin. Ayoko ng ideyang yon.

"Huy! Para kang tanga! Bakit tulala ka dyan?" sabi ni Kyla habang nakain nang sandwich sa tabi ko.

"May iniisip lang." matamlay na sabi ko.

"Magkwento ka naman dyan. Diba best friend naman tayo?" nakangusong sabi niya.

"Ayoko nga! Baka ipagkalat mo pa eh."

"Ikaw lang ang kaibigan ko dito no! Kaya wala akong ibang pagsasabihan."

At yun nga, kinwento ko sa kanya yung tungkol kay Tita Amy, yung misyon ko. At yung tungkol kay Ice.

"Malamang magagalit yun pag nalaman niya yang tungkol sa misyon mo." seryosong sabi nito.

"Hays. Oo nga eh."

***

Naglalakad ako ngayon sa hallway. Papunta na kong room. Thirty minutes na naman bago mag time.

May limang babaeng naglalakad papunta sa direksyon ko. Ang sama nang tingin nila. Parang classmates ko sila ah.

Nakaramdam ako nang kaba. May balak ba sila sakin? Hindi ko sila kaya, ang liit liit ko tapos ang tatangkad nila.

Nilagpasan ko lang sila pero may humablot sa braso ko, at baon pa ang mahahabang kuko nito sa braso ko. Ang sakit!

Tinulak ako nito at napaupo ako sa sahig.

"You know what?! Ang landi mo!" sabi nung humablot sakin.

"Yeah! Ang kapal naman nang mukha mo para landiin ang Danger Z!" sabi nung isa sa mga alipores niya.

"H-hindi ko sila nilalandi!"

Naaagaw na namin ang atensyon nang ibang estudyante at mukhang wala sa kanila ang may balak ipagtanggol ako. Mukha ngang nag eenjoy pa sila na inaapi na ko.

"Nagmamaang-maangan ka pa!"

Hinablot nung isa ang buhok ko at inangat ako. Napapikit ako ng mariin sa sobrang sakit nang pagkahila niya sa buhok ko.

"Malandi!" sabi nung isa at sinampal ako. Sumagi pa ang kuko niya sa mukha ko. Napahawak ako sa pisngi ko dahil sa sakit.

Naramdaman kong may humawak sa magkabilang braso ko. At nagsimula na yung babaeng pagsasampalin ako.

"T-tama na!" nahihirapang sigaw ko.

Tinadyakan niya ko sa tiyan nang sobrang lakas at napahiga ako. Namilipit ako sa sakit.

Tinayo ulit ako nung dalawa. Napansin kong may nagvivideo na samin.

Sinapok ako nung babae, oo sinapok talaga at sa pisngi pa. Babae ba talaga tong mga 'to?!

"Ah!" napasigaw ako sa sakit.

Paulit ulit nila akong sinampal at napapadaing ako dahil minsan tumatama yung kuko nila sa mukha ko.

"Serves you right b*tch!" sigaw nung sumasampal sakin. Pinipilit kong umiwas at lumaban pero di ko talaga sila kaya.

Isang sobrang lakas na sampal ang nakapagpahiga sakin sa sahig. Nanghihina ako dahil sa sakit nang katawan. Parang hihimatayin yata ako.

Lalapit sana ulit sila sakin pero may pumigil sa kanila.

"What the fuck is this?!" nahalata kong nangilabot sila dahil sa boses na yun.

Kahit nahihirapan akong dumilat ay pinilit ko at nakita ko si Ice na nakakuyom ang kamao at madilim ang mukha. Nasa likod niya ang Danger Z na masama din ang mukha.

Napapikit na ko. Hindi ko na kaya. Ang sakit na talaga ng katawan ko.

Naramdaman kong may bumuhat sakin at amoy pa lang ay alam ko na kung sino yun.

***

"Kung nandon lang ako baka wala nang pagmumukha ang mga impaktang yon!" naalimpungatan ako sa malakas na boses ni Kyla.

"Shenna!" agad itong lumapit sakin. "Okay na ba ang pakiramdam mo?! May masakit ba sayo?! Anong gusto mong kainin?! Baka nagugutom ka!" napansin kong nandun din ang Danger Zone.

"O-okay na ko." sabi ko at dahan dahang umupo. "A-anong nangyari?"

Ang huli ko lang naalala ay yung binuhat ako ni Ice.

"Ay nako! Galit na galit na galit si Prince! Kung nakita mo lang siya kanina ay baka pati ikaw matakot din sa kanya!" si Ice?! Bakit naman siya magagalit?

"Mukhang concern na concern sayo ang prinsipe ah." natatawang sabi ni Lion.

"T-talaga?" di ko maiwansang di kiligin. Concern siya saken?!

"Oo nga! Talagang---" di na natuloy ni Lion ang sasabihin nang biglang pumasok si Ice.

Napaiwas ako nang tingin sa kanya. Feeling ko ay hinihigop na naman ako ng asul na mga mata niya.

"Are you alright?" tanong nito sa kalmadong boses.

"Ah eh o-oo! Ayos lang ako! Hehe." sabi ko at pilit na ngumiti.

Lumapit siya sakin at tinitigan ang mukha ko. Nag init bigla ang pisngi ko.

"Nurse Jane, where's the first aid kit?" tanong ni Ice. Agad namang binigay ng nurse ang first aid.

"All of you, get out." malamig na sabi niya sa Danger Z.

"Pati ako?" tanong ni Kyla.

Malamig na tiningnan siya ni Ice, agad namang napakamot sa batok si Kyla.

"Hehehe. S-sabi ko nga, lalabas na kami." lumabas na silang lahat pati ang nurse. Bale kaming dalawa na lang ang nasa loob ng clinic.

Hinaplos niya ang pisngi ko, napasinghap ako kasi medyo masakit, may kalmot siguro.

Sinimulan niya nang linisin ang mga sugat ko. Nagtataka ako sa mga kinikilos niya. Bakit siya ganyan? Bakit ang bait niya sakin?

"I-Ice, kaya ko na 'to." nauutal na sabi ko.

"Shut the fuck up." natahimik naman ako.

Pagkatapos linisin ang sugat ko ay hinagis niya na lang kung saan ang first aid kit. Nanlaki ang mata ko. Impakto talaga 'to!

"Bakit mo naman hinagis yun?! Adik ka talaga! Pulutin mo---"

"Pinag-alala mo ko."

Maikli lang ang sinabi niya pero napatahimik ako nun. Hindi ko alam ang dapat kong sabihin. Nanginginig ang mga tuhod ko.

Hinaplos niya ulit ang mukha ko. Titig na titig siya sa mukha ko. Bakit ka ganito Ice? Naiinlove ako sayo. Wag kang ganyan please!

"I-Ice."

"Get some rest." sabi nito at tumayo na pero hinawakan ko siya sa braso.

"What?" malamig na tanong nito.

"A-ah eh, s-salamat." nakatungong sabi ko.

Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko. Tumingala ako sa kanya. Bakit kasi ang tangkad mo eh?

Niyakap ko siya. Oo, tama kayo nang basa. Niyakap ko nga siya. Naramdaman kong nanigas siya.

"Bakit ka ba concern sakin? Bakit pinayagan mo kong tawagin kang Ice? Bakit ganito ang pagtrato mo sakin? Bakit ganito ka sakin?" nanghihina ako. Gusto kong marinig ang sagot niya.

Nagulat ako nang gumanti siya sakin nang yakap. Halos umangat na yung paa ko sa sahig. Sobrang higpit nang yakap niya sakin na parang madudurog yung maliit kong katawan sa malaking katawan niya.

"I-I don't know, I just want to."

***

Naglalakad ako ngayon kasama si Kyla. Papunta na kong room. Natulog lang ako saglit kanina sa clinic, okay na naman ako. Medyo masakit lang yung katawan ko pero kaya ko na naman.

Nagpumilit si Kyla na ihatid ako sa room. Baka daw kasi maulit na naman yung nangyari kanina.

Pagpasok ko sa room nagulat ako dahil walang tao. Nagkatinginan kami ni Kyla. Nasan na sila?

Napansin namin na may nagkakagulo dun sa labas. Agad kaming lumabas ni Kyla para makitsismis.

Nanlaki ang mata ko. Nandun ang Danger Zone, nasa gitna yung limang babaeng nanakit sakin kanina at pinagbababato sila nang papel, itlog kamatis at iba pa. Nakikibato din yung Danger Zone maliban kay Ice na malamig lang na nakatitig sa kanila.

Naawa ako sa kanila. Kahit na ginawan nila ako nang masama dapat hindi na lang sila gumanti dito.

"Buti nga sa kanila." narinig kong bulong ni Kyla. Hinampas ko naman siya sa braso.

Kailangan ko silang pigilan, nakakaawa naman sila. Kahit na may nagawa silang masama sakin, hindi ikatutuwa nang kalooban ko ang makaganti sa kanila. Kahit naman may naggawa sayong mali ang isang tao, hindi tamang gumanti. Diyos lang ang may karapatang gumawa no'n.

"TAMA NA!" napatigil ang lahat sa pagbato. Napalingon naman silang lahat sakin. Nagtatakang tumingin sakin ang Danger Z, pati si Ice.

Hinarang ko ang sarili ko sa limang babae.

"Maawa naman kayo sa kanila. K-kahit na ginawan nila ako nang masama hindi naman tama 'to."

Lumapit sakin si Ice at hinigit ako sa braso.

"Are you out of your freakin' mind?! They fucking deserve this because of what they did to you!"

"K-kahit na! Masamang gumanti sa kapwa natin, okay?! Kaya itigil niyo na 'to pwede?!"

Mariing napapikit si Ice. Hinila ako nito palayo doon hanggang sa makarating kami sa favorite spot ko.

Padabog na binitawan nito ang braso ko. Feeling ko nagkapasa ako sa braso dahil sa higpit nang hawak niya.

"Aray! Ang sakit ah!" sabi ko at napahawak sa braso ko. Napatingin siya sa braso ko at biglang lumambot ang ekspresyon niya. Hala! Nagkapasa nga!

"S-sorry." parang kiniliti ang puso ko dahil sa sinabi niya.

"O-okay lang." sabi ko at tumungo.

Nagulat ako nang bigla ako nitong yakapin. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

"I won't let them hurt you again." sabi nito na nagpalambot ng mga tuhod ko.

Comments (3)
goodnovel comment avatar
Ferdie Lee Jainar
Ang Mahal nman
goodnovel comment avatar
Demivion
paano po ba maka-earn ng coins dito sa good novel? Bago lang po kasii ako.
goodnovel comment avatar
Sunga
bk8 ang Mahal?
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status