Share

KABANATA 3

FIVE YEARS LATER

Para siyang pinutulan ng pakpak dahil sa nangyaring iyon sa buhay niya. Wala siyang choice noon kun'di tumigil sa pag-aaral at magpokus sa trabaho para may pera pagkapanganak niya.

Sinubukan naman niyang hanapin ang lalaki, pati nga si Alicia ay ginulo niya ngunit bigla na lang itong naglaho na parang bula. Pati ang kaibigan niyang si Nica ay bigla ring nawala at hindi alam kung saan napunta kaya natakot siyang maghaluglog pa ng impormasyon. Ang tanging nalaman niya ay leader ng Alpha Omega Fraternity ang lalaking nakakuha sa pagkabirhen niya.

Limang taon na ang lumipas ngunit hindi niya talaga makakalimutan ang nangyaring iyon lalo't dalawang supling ang pabaon sa kanya ng lalaki.

"Mama, wait ka namin mamaya. Promise mo bibili po tayo ng toys?" Kumurap-kurap pa sa kanya ang biluging mga mata ng anak niyang babaeng si Odessy.

Marahan siyang lumuhod at inayos ang pagkaka-pigtail ng buhok nito.

"Promise! Huwag kang lalayo kay Achi ah? Makinig kay teacher," habilin niya dito bago marahang hinila din palapit ang anak niyang lalaking si Achilles.

"Mama, iyong book. Isa na lang bilhin mo po, share na lang kami ni Ody," marahang paalala sa kanya ni Achilles.

Pilit siyang ngumiti sa mga ito. Parehong nasa daycare ang dalawa. Pinipilit niyang maibigay lahat ng pangangailangan nila pero sobrang hirap lalo't hindi siya tapos ng kolehiyo at hindi makahanap ng trabahong mataas ang pasahod.

"Hindi pwede, Achi. Kailangan tig-isa kayo. Doon kayo sasagot. Ako ng bahala. Bantayan mo ang kapatid mo. Baka makipag-away." Ginulo niya pa ang buhok ito at marahang kinurot ang hindi kalakihang pisngi.

"Pwede naman ako sa papel lang sasagot, Mama," pilit nito na inilingan niya.

Ayaw niya ng ganoon. Hindi niya ipagkakait ang magandang edukasyon sa mga anak niya. Hindi hangga't nabubuhay siya.

"Si Mama na bahala. Ubusin niyo baon niyo. Okii?"

Malawak na ngumiti si Ody sa kanya at humawak sa braso ng kapatid. Si Achi man ay pilit na ngumiti.

"Mama, ingat!" sabay pang sigaw ng dalawa bago maglakad papasok sa classroom.

Pinigilan niya ang naninikip na d*bdib matapos tumama sa liwanag ng araw ang mga mata ng mga ito at masilayan kung paanong naging kayumanggi ang mga itim na mga mata ng mga ito.

Ilang beses na niyang hinanap sa mga lalaki ang ganoong klase ng mata. Maitim kapag walang araw ngunit kulay kayumanggi kapag nasinagan. Hindi ganoon ang mga mata niya kaya sigurado siyang namana ng dalawa iyon sa mga ama ng mga ito.

Hindi rin siya naniniwalang sinadya siyang buntisin ng lalaking iyon dahil hanggang ngayon, walang nagpapakilala para akuin ang mga anak niya.

Bumuga siya ng hangin at agad na nagtungo sa opisina ng abogadong amo niya. Ngunit masamang balita ang bumungad sa kanya.

"I'm really sorry, Lei. Ipapasara na ang firm. Sa bahay na muna magtatrabaho ang asawa ko at ako na muna ang sekretarya niya. Pasensya ka na. Huling sahod mo na 'to." Nilapit pa ni Misis Alvarez ang sobre sa kanya.

Napalunok siya at napatitig doon. Dalawang taon na siyang sekretarya ni Mr. Alvarez at hindi naman lingid sa kaalamam niyang pabagsak na ang firm nito.

Nilunok na lang niya ang bikig sa lalamunan niya. Sigurado siyang mahihirapan na naman siyang maghanap ng trabaho. Nakagat niya ang ibabang labi. Umikot na rin sa isip niya ang mga bayarin niya. Simula sa renta sa bahay, sa kuryente, allowance ng kambal, at mga bayarin sa eskwela.

"W-ala po ba kayong kilala na... pwede kong lipatan, Misis Alvarez?"

Bumuntong hininga ang Ginang, "Tatawagan ko ang kakilala ko, Hija. Itatanong ko kung may alam siyang naghahanap ng sekretarya pero hindi ako nangangako. Tatawagan na lang kita."

Bagsak ang balikat na umalis siya doon. Halos hindi siya makalunok matapos bilangin ang iilang libong sahod niya para sa buwan na iyon. Tubig nga lang ang binili niya sa convenience store habang nagtitingin - tingin sa diyaryo. Kahit ano'ng trabaho papatusin na niya kaysa walang trabaho sa loob ng ilang buwan.

"Tanggal na naman?! Pang ilan na 'yan ngayong buwan. Ano bang gusto niya? Single? Walang single na babae ang papatol sa gusto ni Mr. Montanier —Fine, Eman. Ako na ang maghahanap ng bago niyang sekretarya. Kainis!"

Nagpantig ang tainga niya sa narinig at mabilis na napaangat ng tingin sa Ginang na aburidong binaba ang hawak na cellphone.

Mabilis siyang tumayo noong akma itong lalabas sa convenience store. Nagulat ito noong pigilan niya sa braso.

"Bakit, Hija?" Kumunot ang noo nito sa kanya.

Sa tantiya niya ay nasa edad forty-five na ito base na rin sa iilang litaw na puting buhok.

"N-aghahanap po kayo ng sekretarya?" kabadong tanong niya.

Literal na pinasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. Sa kaba niya ay nabitiwan niya ang braso nito.

"May asawa ka?"

Mabilis siyang umiling, "Wala po!"

Tumango ito at nilahad ang kamay kaya mabilis niyang nilagay doon ang resume niya. Mabilis nitong pinasadahan ang papel bago pinasok sa bag nito. 

"Tanggap ka na. Sumama ka sa'kin."

Walang pagdadalawang isip siyang sumama sa Ginang. Imbis na sa kumpanya ay sa malaki at modernong bahay siya dinala. Sa isang exclusive subdivision iyon. Babasagin ang dingding at kumikinang ang mga mamahaling mwebles ng bahay. Kulay abo at puti ang bahay kaya sigurado siyang lalaki ang magiging amo niya.

"Ako si Melia, Hija. Pinaka-sekretarya ni Sir Hector. Bukod sa'kin, may isa pa siyang sekretarya, si Eman. Pareho kaming sa kumpanya at kailangan pa ng isa pang sekretarya ni Sir Hector. On-call at kung pwede ay stay-in."

Natigilan siya sa sinabi nito, "Stay-in po?"

Hindi pwede sa kanya ang trabahong ganoon lalo na kung hindi pwedeng dalhin ang mga anak niya.

"Bawal ba, Hija? Kaya tinanong kita kung may asawa ka. Madalas na magtrabaho sa bahay si Hector. Workholic at umaabot ng madaling araw. Kailangan na may magremind sa kanya sa schedule at dapat niyang pirmahan. Hindi naman madalas na stay-in pero paglalaanan na kita ng kwarto dito. Wala ka naman din sigurong anak di ba? Gusto niya ay single, walang extra baggage at kaya ang trabaho. Sana naman ikaw na ang huli at magtatagal dito sa bahay niya," patuloy na paliwanag nito.

Nakagat niya ang ibabang labi. Kung ganoon hindi niya pwedeng sabihin na may kambal siyang anak.

"Maglipat ka na ng iilang gamit mo. Pwede kang bumalik bukas ng umaga para pag-usapan ang sahod mo. Nasa event pa si Sir Hector at madaling araw pa babalik. Lahat ng gamit dito pwede mong gamitin. Kung masipag ka, linisin mo na rin, may dagdag sahod naman. Isabay mo na rin ang kwarto niya."

"Hindi po ba nakakatakot si Sir Hector?"

Natigil ito sa tanong niya. Pagkaraan ay tinuro ang malaking portrait sa sala. Sinundan niya iyon ng tingin. Nagtaasaan ang mga balahibo niya sa klase ng tingin nito sa camera. Galit maging ang magkasalubong nitong makapal na kilay. Walang ngiti ang manipis na labi at mabalbas na panga. Halata ring matigas ang panga nito. At ang ilong, sobrang tangos! Maging ang buhok nitong nakasuklay palikod ay kumikinang sa larawan. Higit sa lahat, litaw ang matipunong d*bdib nitong may makapal na balahibo. Sa larawan ay seryoso itong nag-aayos sa relong pambisig.

"He's Hector Montanier and he's a perfectionist. So please, beware. Huwag kang gumawa ng bagay na ikakagalit niya kung ayaw mong mawalan agad ng trabaho, Hija," madiing paalala nito kaya napalunok siya.

Kaya niya ba? Kaya niya bang pagsilbihan ang lalaking sa larawan pa lang ay mukhang pap*tay na? Paano pa sa personal? Baka hindi na siya makahinga kapag nakaharap ito.

"Gusto ka niyang makausap." Gulat pa siya noong ilahad ni Miss Melia ang cellphone sa kanya.

Nanginginig ang kamay niyang tinanggap iyon at nilagay sa tainga niya. Dinig niya ang mahinang musika sa background ngunit mas dinig niya ang mabibigat nitong paghinga.

"Your name?" swabe at malamig ang boses nito kaya nahigit niya ang paghinga.

"L-orelei Carpio po, Sir."

Mahina ngunit marahas na paghinga ang narinig niya mula dito.

"Lorelei, hmm," namamaos na sambit nito sa pangalan niya at hindi niya alam kung bakit naghatid iyon ng kakaibang init sa kaibuturan niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status