Share

KABANATA 2

Lalo siyang nanlamig matapos matanto ang nangyayari. Hindi siya nakakilos. Ang naglalakabay nitong mainit na palad at ang malaking katawan nito sa itaas niya ay sapat na upang mangilid ang mga luha niya.

"H-uwag po," nanginig pa ang boses niya.

Marahas na bumuntong hininga ang lalaki, "You chose this. I tried my best to help you. The least thing I can do... is to be gentle," tila nahihirapang bulong nito.

Napalunok siya kahit pa unti-unti nitong naalis ang mga saplot niya. Niyakap siya ng lamig ng aircon ngunit natakpan sa init ng malaking katawan nitong nasa itaas niya. Ang kabog ng d*bdib niya ay walang kasing lakas sa pinaghalong kaba at kung ano man ang pinaparamdam nito sa kanya lalo noong dumausdos ito pababa... sa pagitan ng mga hita niya. Nanginig ang mga hita niya noong maramdaman ang mainit nitong paghinga't bibig nitong dumampi doon.

Pinagpawisan siya nang malagkit kasabay ng kaba. Tanging impit na ungol at d*ing ang naibulalas niya. Ramdam na ramdam niya ang bibig nito doon. Napapabalikwas ang bewang niya ngunit hindi ito masipa. Para siyang na-estatwa noong magtagal ito doon hanggang sa mahabang ungol ang kumawala sa mga labi niya.

Hinihingal pa siya sa paggapang nito muli sa itaas niya, pinaghiwalay ang mga hita niya, at pinwesto ang malaking katawan doon. Hindi siya nakaprotesta, naumid ang dila niya at hindi mahanap ang boses niya.

Sunod na lang niyang namalayan ay ang pagtulo ng luha niya sa hapdi matapos mag-isa ang katawan nila. Namilipit siya sa sakit sa bawat galaw nito. Tila napunit na nito lahat ng nasa loob niya at kahit bagalan pa nito ay hiyaw ang kumakawala sa bibig niya.

Pinirmi pa nito ang bewang niya. Nawalan na rin ng lakas ang mga kamay niya na kahit binitiwan nito ay hindi siya nakakilos para itulak ito. Namimigat ang paghinga niya at napapa-igik sa bawat madiing galaw nito sa loob niya. Ramdam na ramdam niya ang malaking katawan nitong gumagalaw sa kanyang itaas.

Ni hindi niya alam kung paanong natapos ang pangyayaring iyon. Ang alam niya lang ay nakuha ng isang estrangherong lalaki ang puri niya. 

Paggising niya ay nananakit ang katawan niya. Takot pa siyang alisin ang blindfold ngunit kusa iyong nalaglag. Namulatan niya ang tahimik na kwarto, walang bakas na may nakasama siya ngunit ang dugo sa kobre kama ay patunay na wala na sa kanya ang iniingatan niya.

Napasubsob siya sa kanyang tuhod at napahagulhol. Masyado siyang nagpadalos-dalos sa desisyon niya! Dapat ay inalam niya muna kung ano'ng klaseng sarap ang sinasabi ng mga ito!

Kahit hirap maglakad ay pinilit niya ang sariling magbihis at umalis sa lugar na iyon. Wala na rin naman ang mga bouncer. Kahit si Nica ay hindi niya mahagilap.

Sa sobrang pagod niya ay hindi na niya pinansin ang boyfriend ng Tita niya na nasa sala. Diretso siyang kwarto at binagsak ang katawan doon. Ang masama, nilagnat pa siya at napanaginipan ng ilang beses ang nangyari!

Tatlong araw din siyang hindi nakapasok. Para siyang lutang na naglalakad noong pumasok na sa eskwela. Natulala pa siya sa nakangiti niyang kaibigan.

"Bayad na ang tuition fee nating dalawa. Ang galing! May allowance pa, Lei!" Hagikhik nito bago pinakita ang cheque na may malaking halagang nakasulat.

Napalunok siya. Ito na iyon. Ito na ang kapalit ng pagsali nila sa Sorority. Dapat bang kalimutan na lang niya ang nangyari sa kanila ng lalaki?

"Ang balita ko ay mga Fraternity leader ang mga lalaking iyon, Lei. Hindi ko rin nakilala ang sa'kin," kwento pa ni Nica sa kanya.

"H-indi ka ba umiyak? O nasaktan? Ako kasi pakiramdam ko nahati ang katawan ko," mahinang sambit niya.

Namula ang mga pisngi nito, "Hindi ko una iyon kaya... sakto lang ang sakit."

Napaawang ang mga labi niya sa kaibigan. Hindi pa mag-sink in sa kanya iyon. Wala naman siyang karapatan na husgahan ito kaya tumango na lang siya.

"Wala bang meeting ang Sorority ngayon? Gusto kong magtanong kay Alicia. Baka pwede ko ng makita man lang iyong Phoenix na nakasama ko," imbis ay liko niya sa usapan.

"Hindi tayo natanggap doon, Lei."

"A-no? P-aanong hindi? Pero bayad na ang tuition fee base na rin sa benefits nila."

Umiling ito, "Bayad iyon sa'tin, Lei. Hindi tayo kasapi ng grupo nila. Hindi tayo tinanggap."

Para siyang nabingi sa narinig. Kumuyom ang kamao niya. Ang ibig sabihin ay inalay lang sila sa mga Fraternity leader na iyon.

Gusto niyang magdamdam at ibalik ang perang natanggap ngunit hindi niya magawa lalo na noong mas maghigpit sa pera ang Tita Agnes niya.

Naka-survive siya ng halos dalawang buwan sa allowance na bigay ng grupo. May natira pa ngunit hindi sasapat iyon kaya muli siyang kumakatok sa kwarto ng Tita niya.

"Tita, hihingi po sana ako ng allowance—" 

Nabitin sa ere ang kamay niya at napatingala kay Richard noong buksan nito ang kwarto. Sumandal pa ito at humalukipkip. Napaatras siya noong bigla siya nitong pasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa. Nagtagal pa ang mga titig nito sa mga d*bdib niya kaya nayakap niya ang sarili.

"B-akit ka nandito? N-asaan si Tita Agnes?"

Ngumisi ito at mas niluwangan ang pinto, "Dito na ako nakatira. May binili lang ang Tita mo. Kalahating oras pa iyon sa bayan. Baka gusto mong paligayahin muna kita."

Napasinghap siya sa takot at umatras

"Manyak!" galit niyang sigaw dito ngunit pilit nitong inabot ang siko niya at hinihila siya papasok sa kwarto.

"Mabilis lang, Lei. Hindi malalaman ng Tita mo. Tayong dalawa lang—"

"Bitiwan mo ko! Ayoko sa'yo!" Malakas niya itong sinampal. 

Nabitiwan siya nito at sinalo ang pisnging sinampal niya.

"Puny*ta ka, Lorelei! Bakit mo sinampal si Richard?!" biglang sigaw ng Tita niya mula sa likod kaya natulos siya sa kinatatayuan.

Mabilis pa nitong linapitan si Richard na umaktong dinad*ing ang pisngi.

Nanginig siya sa kaba lalo na sa nanlilisik na tingin ng Tita niya.

"T-ita, kasi—"

"Lumayas kang puny*ta ka! Palamunin ka na nga lang hindi ka pa marunong rumespeto!"

Namilog ang mga mata niya noong bigla na lang siya nitong hilahin sa buhok at kaladkarin sa labas ng bahay.

"T-ita, nagkakamali kayo! Sinubukan niya akong dalhin sa kwarto—"

"Wala akong pakialam! Napakal*ndi mo at pati boyfriend ko inaakit mo!" sigaw nito bago siya tinulak sa labas ng pinto. 

Muntik na siyang sumubsob sa lupa kun'di siya nakabalanse. Malakas pa nitong sinarado ang pinto ngunit bumalik para lang itapon sa pagmumukha niya ang iilang damit.

"Lumayas ka at huwag kang babalik dito! Hindi ko kailangan ng mal*nding pamangkin!" sobrang lakas na sigaw nito na nakapagpalabas sa mga kapitbahay nila.

Hiyang-hiya siya noong magbulungan ang mga iyon. Nayakap na lang niya ang mga damit at ang alkansyang baboy niyang tinapon nito sa kanyang paanan.

Nagbagsakan ang mga luha niya. Gusto niyang ipaglaban na bahay iyon ng Mama niya ngunit alam niyang hindi na makikinig ang tiyahin niya. Tinago na lang niya ang mukha sa mga damit na hawak at mabilis na nagtawag ng tricycle.

Nagpunta siya kila Nica at maging ito ay gigil na gigil sa tiyahin niya at kay Richard matapos niyang magkwento.

"Ipabarangay mo, Lei. Wala siyang karapatan sa bahay na iyon. Sa'yo iyon! Pati ang negosyo ng Mama mo, sa'yo iyon! Pinagkaitan ka niya, lahat ng pera ng Mama mo siya ang nagwaldas. Hmp! Kumukulo ang dugo ko sa Tita Agnes mo!"

Umakto pa itong manunugod ngunit pinigilan niya sa siko at umiling dito. 

"H-uwag na, Nica. Hindi ko na rin naman gugustuhing bumalik doon lalo na kung naroon si Richard."

"Pero paano ka? Saan ka titira? Paano ang pag-aaral mo? Patapos na tayo, Lei. Bayad na rin ang tuition fee mo."

Bumagsak ang tingin niya sa sahig at nanlabo ang mga mata. Hindi niya rin alam kung paano malalagpasan iyon pero pinilit niyang maghanap ng trabaho at apartment na maliit. Sakto lang sa kanya ngunit pagod na pagod nga lang siya bilang waitress ng eatery. Makailang beses tuloy siyang nakatulog sa klase at ang huli ay nahuli pa siya ng lalaking matandang professor niya.

"Miss Carpio, alam mong bawal matulog sa klase ko."

Napalunok siya at hindi mapigilan ang mga pumipikit na mga mata, "S-orry, Sir. Hindi na po mauulit."

Umismid ito at lumayo ngunit noong makita siya na muling pumikit ay galit na siya nitong pinalabas.

Nanghihina tuloy siyang napakapit sa pader ng hallway. Naghabol ng paghinga at pakiramdam niya ay umiikot ang paligid niya. Isang hakbang pa ay alam niyang sinakop na siya ng dilim.

Noong magising ay nasa tabi na niya si Nica na mukhang kinabahan. Mabilis pa itong umalalay noong pilitin niyang umupo.

"Ano'ng nangyari? Tsaka bakit ako nasa clinic, Nica?"

Natameme ito ngunit nangilid ang luha sa gilid ng mga mata. Binugso tuloy siya ng kaba at napatitig dito.

"B-akit, Nica?"

Suminghot ito, "B-untis ka, Lei."

Tila nawalan siya ng paghinga sa narinig mula dito. Napalunok siya at nag-init ang sulok ng mga mata.

"Hindi gumamit ng proteksyon ang nakasama mo sa initiation, Lei. Binuntis ka niya," sobrang hinang sambit nito.

Bumagsak ang luha niya at nanginginig ang kamay na dumapo sa impis niyang tiyan.

"Patakaran ng Fraternity nila na gumamit ng proteksyon, pero dahil buntis ka... sigurado akong hindi siya gumamit no'n," patuloy pa nitong paliwanag ngunit naba-blangko na ang isip niya lalo't hindi na niya alam ang sunod na gagawin sa buhay niya.

"P-aano ko siya mahahanap, Nica? Paano na ako? Hindi ko pa kaya." Tuloy - tuloy na naglandas ang mga luha niya habang inaalala ang pangalan ng lalaki.

"Phoenix. Tama, Phoenix ang pangalan niya, Nica. Hanapin na'tin. Itanong na'tin kay Alicia," pagsusumamo niya sa kaibigan ngunit umiling ito.

"Phoenix is just a code name, Lei. Sigurado akong hindi rin siya kilala ni Alicia lalo na kung isa siya sa mga leader," sagot nito na nagpabagsak sa mga balikat niya.

"Tingin ko, sinadya niyang buntisin ka," muling sambit nito na nagpakuyom sa kamao niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status