Hello Everyone! 👋📖🖋️
This is your humble Author, Sana po ay suportahan ninyo ang unang akda kong ito, Baguhan pa lamang po ako sa pagsusulat kaya pagpasensyahan na ninyo kung may mga error kayong makikita sa story but eventually, magiging maayos narin naman ito.
I'll do my best! 🥰
Asahan ninyong everyday updates ang gagawin ko upang masubaybayan ninyo ang kwento at hindi makalimutan ang daloy nito.
So, ayun nga, I'm listening some songs na gustong-gusto ko whenever I write a chapter. Ewan ko kung ako lang... But I find it so helpful lalo na if hindi ko makuha-kuha ang emosyon na gusto kong maramdaman. 🎶😎
Asahan niyong dadamihan ko ang chapter na I'll publish. ☺️
Goal kong matapos ang story as soon as possible. 📖🖤🖋️
Let's pray na magawa ko agad! 🙏 🙏🙏
Kindly Vote and Comment if you like the story. Malaking tulong po iyon para mas ganahan ang mga tulad kong baguhan sa pagsusulat na mag-update. 😁😚
PS: I would like to know more about you kung anong reaksyon ninyo sa story na gawa ko. To help myself narin na mas maging mabuti pa ang daloy ng aking kwento. Maraming Salamat!
From Author with Love... 💜💜💜
Selenophile 🌜
Ang lamig ng gabi na sinabayan pa ng malakas na ihip ng hangin. Ang madilim na kalangitan ay napapalibutan ng mga tala na tila ba nagniningning. Kasabay ng kanilang paghakbang ay ang pagbukas ng mga ilaw sa gilid ng daan. Magkahawak ang kamay nilang dalawa habang nilalakbay ang daan patungo sa kagubatan. Hindi niya maalis ang mga ngiti sa labi. Kinikilig siya. “May pagka-romantiko naman pala si Dakila!” Nakita niya ang isang bahay-kubo na hindi pa tapos. May nakalagay na isang lamesa rito na may dalawang silya sa bawat gilid. May bulaklak na nakalagay sa gitna ng mesa. Nilagyan lang ang bubong nito ng makapal na tela upang magsilbing takip ng bahay. May mga led lights na nakapalibot dito na mas nakadagdag sa romantic atmosphere sa paligid. It is really a beautiful sight. “Ikaw ang nag-p
AMARA’S POVAng kaninang lamig na naramdaman ko ay napalitan ng kakaibang init dahil sa mga yakap ni Dakila. Sinasabayan nito ang kanta. Ibinubulong niya ito sa aking tenga. Tila ba, may iba pa itong ibig ipahiwatig. Ayokong umasa ngunit ayaw ko ring pigilan ang kakaibang emosyon na umuusbong ngayon sa aking puso. Kahit ngayon lang. Makukuntento na ako sa ganito. Wala mang kaseguraduhan. Wala mang label. Ang importante, masaya ako ngayong gabing ito. Ayoko munang isipin ang bukas.And what I'm tryin' to say isn't really newIt's just the things that happen to meWhen I'm reminded of you...“Naalala mo pa ba kung paano tayo nagkatagpo?” tanong ni Dakila ng pabulong sa aking tenga.“Oo, ikaw ang naging tagapagligtas ko...” sagot ko.Iniikot
DAKILA’S POV Gusto kong matawa sa hitsura ngayon ni Amara. Mukhang binagsakan ito ng langit pagkatapos kong sabihin ang mga salitang iyon. Wala naman segurong masama sa sinabi ko. “You want us to be friends?!” malakas ang boses nitong tanong sa akin na tinanguan ko lang. Napatayo ito at nakakunot-noong tumingin sa akin. Nilapitan ko siya upang subukang pakalmahin. Biglang naging frustrated ang mukha nito dahil sa sinabi ko. Gusto ko tuloy magsisi pero ito lang ang naiisip ko na paraan upang maging maayos kami ngunit mukhang iba ang naging dating kay Amara ng sinabi ko. “Wala namang masama sa sinabi ko hindi ba?” hinawakan ko siya sa mga kamay at hinila pabalik upang maupo, “Gusto kong magsimula tayo sa unang hakbang. Ayokong madaliin ang lahat, Amara. Gusto kitang makilala ng lubusan. Gusto kong makilala mo rin kung sino ako bilang si Dakila. Hindi lang ang taong nakilala mo na nagligtas sa’yo
DAKILA’S POV Ako ang unang nagbaba ng tingin. Kailangan kong pigilan ang aking sarili. Gusto kong magsimula kami ulit ni Amara. Mula sa pagiging magkaibigan. Gusto kong makilala siya. Gusto ko ring makilala niya ako ng lubusan. Nang sa gayon ay unti-unti kong maipapaliwanag sa kanya ang tungkol sa aking panata. Alam kong may iba na akong nararamdaman ngunit kailangan ko itong pigilan. Hindi maaari. May sinumpaan ako. Hindi ko ito kayang baliin. “I am a CEO of a big company in Manila. May iba rin akong mga business aside from that” wika ni Amara na nakatingin sa kalangitan, “I am in a relationship with my longtime boyfriend” Naging masama ang templa ko sa huling sinabi ni Amara. Hindi ko mapigilang mairita. Tumikhim muna ako bago nagsalita. “Anong nangyari pagkatapos?” tanong ko. Tumagilid ng higa si Amara paharap sa akin saka ngumiti ng malungkot. “He cheate
Tanghali na ng magising si Amara. Ang bigat ng kanyang pakiramdam. Kanina pa siya ginigising ni Dakila pero puro tango lang ang naging tugon niya. Wala siya sa tamang wisyo ng iminulat niya ang mga mata. Parang gusto niyang manapak dahil sa bigat ng pakiramdam niya ngayon. Ang sakit din ng kanyang puson. Naglakad siya palabas sa kwarto dala ang kanyang mini pouch na may lamang mga necessary items na need niya. Nagpakulo na muna siya ng tubig. After that, kinuha niya ang kanyang menstrual cup.Si Faye ang nag-introduced nito sa kanila ni Cora and she finds it so convenient and environmentally friendly. The menstrual cup is collapsible and she likes the fact that it is so small that you can carry it anywhere. Given that it is the only collapsible menstrual cup. It has a compact-like container. This means you can discreetly toss it in the bottom of your purse, assured that it’s there whenever and whereve
Nabulunan ako sa aking pagkain dahil sa sinabi ni Dakila. Dali-dali namang iniabot nito ang tubig sa akin at hinagod ang aking likod.“Ayos ka lang ba, Amara?” nag-aalalang tanong ni Dakila sa akin.“H-Ha? Oo, Oo naman. Ayos lang ako. Uhm... Iyong kanina ba? A-Ano kasi... Personal cup ko iyon!” paliwanag ko na nauutal.Para tuloy akong pinagpapawisan. Bigla akong na hot seat! Paano ko naman kasi ipapaliwanag rito na iyong laman nun ay para sa period ko?! Tiningnan naman ako ni Dakila ng nagtataka pero hindi na rin ito nag-usisa pa na ipinagpasalamat ko. Nakahinga ako ng maluwag. Sa susunod, hindi ko na talaga iiwanan ang MC ko kahit saan! Mag-iingat na ako upang hindi na maulit ang kahihiyang ito.Tumayo na si Dakila upang ligpitin ang aking pinagkainan at lumabas ng kwarto. Pagbalik ni Dakila ay inilapat na nito ang tumbler na kanina ay inihanda nito. Min
Nagising ako dahil sa isang awitin na aking narinig. May kumakanta gamit ang gitara. Medyo husky ang boses ha? Alam kong hindi si Dakila iyon dahil alam ko na ang boses nun. Napailing nalang ako at tinampal ang aking noo."Baka naman nagkakamali ako? Baka si Dakila nga? May mga singer din naman na nag-iiba ang boses kapag umaawit na, diba?"Bumangon na ako saka niligpit ang aking higaan. Medyo, pagod parin ang pakiramdam ko. Malakas ang menstruation ko ngayon dahil first day. Usually kasi, lumalakas agad ang period ko basta unang araw at pangalawa. Kapag 3rd day na, medyo okay na ang pakiramdam ko nun. Hindi narin masyadong malakas ang period ko that day. Pagka-4th day, mawawala na. Kaya, tiis-tiis nalang muna ako sa period na ito.Binuksan ko ang pintuan at dumiritso muna sa banyo. Kailangan ko kasing e-dispose ang nakolektang dugo galing sa cervix ko at itapon. After that, huhugasan ko
"Hala! Sorry! Ikaw kasi eh! Puro kababuyan ang mga sinasabi mo!" wika ko saka dali-daling kumuha ng tissue na palaging nasa gitna ng lamesa ni Dakila nakalagay.Napapikit ito at halatang nagpipigil lang sa sarili.Pinunasan ko ang mukha nito habang pinipigilan ang sarili kong matawa at the same time, naaawa rin ako rito. Poor Makisig. Sorry talaga."At natatawa ka pa talaga ha?" naiinis na bulyaw nito sa akin."Ha? Hindi... Sinong natatawa? Ako ba? Naku! Hindi. Bakit naman ako matatawa? May Buko-Salad ka lang naman sa may bukana ng ilong mo" sagot ko na hindi makatingin dito."Ano ba! Sinusundot mo na ang ilong ko eh!" reklamo nito."Ay naku! Sorry talaga Beshy..." inilayo nito ang mukha sa akin saka ito tumayo at naghilam