Share

CHAPTER 14

last update Huling Na-update: 2021-10-15 18:21:35

Pumapatak ang malakas na ulan mula sa madilim na kalangitan. Ang hangin ay humahampas sa kakahoyan. Sarado na lahat ng bahay pero heto siya at nasa labas. Nagmamasid sa karagatan. Siya ang nagbabantay ngayon upang seguraduhin ang kaligtasan ng tribo. Inilibot niya ang paningin.

"Mukhang may bagyo nga..." bulong niya sa sarili at tumalikod na upang umalis.

Subalit, hindi pa man siya nakakahakbang palayo nang may narinig siyang pagsabog mula sa kalangitan. Napatingala siya. Kasabay ng kulog at kidlat ay ang pagkahulog ng isang bagay na parang isang bulalakaw. Bumagsak ito sa dagat. Dali-dali niyang inobserbahan kung ano ang bagay na iyon. Nang bigla niyang maalala ang sinabi ni Apo Milda sa kanya.

"Umiiyak ang kalangitan, galit na galit ang mga alon. Sa anyo ng isang bulalakaw, mangyayari ang nakatakda!" mariin nitong wika.

"Anong ibig niyong sabihin, Apo Milda?" nakakunot-noo niyang tanong at umayos ng upo sa silyang gawa sa kawayan.

"Makikilala mo ang babaeng itinakdang maging iyong asawa, Dakila. Sa kalagitnaan ng pag-aagaw buhay ay mapagkakamalan ka niyang si Sidapa. Iyan ang mga palatandaan na nakikita ko sa iyong hinaharap" sagot nito na nakangiti.

"Apo Milda, hindi naman iyan ang ipinunta ko rito" pag-iiba niya sa usapan.

Tumayo ang matanda at tinalikuran siya. Pumunta ito sa kusina at may kinuhang dalawang baso na may lamang kape.

"Eh, ano bang sadya mo rito, Dakila?" ibinigay nito sa kanya ang hawak na baso.

"Nais kong malaman kung may darating bang bagyo sa mga susunod na araw" aniya at tinanggap ang ibinigay nitong baso na may lamang kape at inilapag sa mesa.

"Iyan nga ang sagot" sumimsim ito ng mainit na kape, "Sa susunod na tatlong araw, may darating na bagyo, kasabay noon ang pagdating ng babaeng mamahalin mo"

"Hinulaan niyo na rin si Makisig na Kora ang pangalan ng magiging asawa niya Apo Milda, pero hindi naman nangyari" sagot niya rito at napakamot pa sa ulo.

"Dakila, hindi pa ako nagkakamali kahit ni minsan. Ramdam ko na mangyayari ang nakatakda. Sa kaso naman ni Makisig, totoo ang sinabi ko na Kora ang pangalan ng magiging asawa niya" paliwanag pa nito.

Tumango nalang siya sa sinabi ng matanda at nagpaalam na. Wala rin namang saysay kung ipipilit niya ang opinyon niya.

Kinabukasan, nagsimula na ang pag-ulan. Walang signal sa Isla kung kaya umaasa lang sila sa mga pangitain ni Apo Milda. Matagal na itong Babaylan sa Isla nila at palaging nagkakatotoo ang mga hula nito. Subalit, sa naging hula nito sa kaibigang si Makisig, nakakapagtakang nagkamali ito sa unang pagkakataon. Kaya hindi niya rin maiwasang magduda. Nabalik siya sa reyalidad nang may marinig na mahinang sigaw sa kalayuan. Nanggagaling ito sa karagatan.

"May tao ba d'yan?!" sigaw niya at inilawan ang parte kung saan niya narinig ito.

Malalaki ang alon, ang lakas pa ng ulan. Nahihirapan siyang hanapin ang pinagmulan ng sigaw. Pinakinggan niya pa ulit ang paligid ngunit tanging tunog ng kulog lamang ang naririnig niya.

"Baka, wala lang iyon"

Tatalikod na sana siya nang may marinig muling malakas na pagsigaw sa bandang kanan. Kaya lang niyang languyin ito kung gugustuhin niya. Nang masegurado na may humihingi nga ng tulong ay hinubad niya kaagad ang salakot na suot at inihanda ang sarili para sa pagsulong sa karagatan. Inilagay niya ang dala-dalang flashlight sa bibig at mahigpit na kinagat ito upang hindi niya mabitawan. Binalot niya ito ng plastic cover kanina bago nagpatrolya upang hindi mabasa ng ulan. Ilang hampas pa ng alon ang kanyang iniwasan bago nakita ang isang bulto ng katawan na animo'y papalubog na. Hinila niya kaagad ang mga kamay nito at niyakap. Dali-dali siyang lumangoy pabalik sa Isla bago paman sila maabutan ng malalaking alon na seguradong tatapos sa kanilang dalawa. Inihiga niya ito sa dalampasigan at saka inilawan.

"Isang babae! Isang babae ang iniligtas ko..."

Gulat na gulat siyang nakatingin dito. Walang malay ang babae at hindi siya segurado kung buhay pa ba ito. Pumuwesto siya sa gilid at inihanda ang sarili na magsagawa ng CPR (Cardiopulmonary resuscitation). Yumuko siya para pakiramdaman kung humihinga pa ba ito o hindi na. Tinanggal niya ang basang suit nitong suot at binuksan ang tatlong butones ng suot nitong blouse para hindi maging sagabal sa paghinga nito. Then he performs 30 chest compressions and two rescue breaths.

"Binibini, gumising ka..." tinapik-tapik niya ang pisngi nito at marahang niyugyog.

Dahan-dahan nitong iminulat ang mga mata at napaubo. Tumagilid ang ulo nito para isuka ang tubig-dagat na nainom.

"Binibini, gising ka na..." tawag niya rito at kinuha ang dala-dalang flashlight upang ilawan ito.

Humihingal itong napalingon sa kanya. Napatigil ang kanyang pagsasalita nang maaninag ang buong mukha ng babaeng kaharap. May mga luntian itong mga mata na nangungusap. Malalantik na mga pilik-mata, matangos na ilong at mamula-mula na mga pisngi. Napalunok siya ng madako ang paningin sa mapupula at medyo nakabuka nitong mga labi. Ang ganda ng babae!

Para bang isa itong anghel na bumaba sa lupa at natiyempohan lang na nailigtas niya. Bumaba ang mga mata nito sa may dibdib niya at saka tumitig doon.

"Ikaw ba si Kamatayan? Sinusundo mo na ba ako?" tanong nito habang pinapagapang ang kamay mula sa tiyan niya hanggang sa leeg niya na may pintados (tattoo).

Ramdam niya ang paninigas ng kanyang buong katawan. Pinipigilan niya ang init na nararamdaman dahil sa ginagawa ng babaeng kaharap.

"Kung ikaw si Kamatayan, wala akong perang pambayad sa'yo papuntang langit" ngumiti ito sa kanya at tumitig sa kanyang mga mata na nag-aalab sa init.

Hinaplos nito ang mukha niya. Ang makakapal na mga kilay at ang mga mata niyang napapikit dahil sa sobrang lambot ng kamay nito. Sunod nitong hinaplos ang kanyang labi at ang umiigting niyang mga panga.

"Kaya ito nalang ang ipambabayad ko," wika nito sa kanya.

Iminulat niya ang mga mata at nakakunot-noong tumitig sa babae. Hinila nito ang leeg niya at walang sabi-sabing siniil ng halik sa mga labi. Na hindi niya inaasahan.

Wala pa siyang karanasan sa paghalik kaya ginaya niya lang ang palaging nakikita sa napapanuod niyang mga movies. Ramdam niya ang paninigas nito. Kahit patuloy ang pagbuhos ng ulan ay hindi niya iyon inalintana. Hindi niya ramdam ang ginaw na dulot ng malakas na hangin dahil sa mainit na dulot ng lalakeng nasa harapan niya ngayon. Malambot, mainit at nakakabaliw ang labi nito.

"So, this is what first kiss feels like..."

Ipinulupot niya ang mga kamay sa batok nito at hinila pa ito papunta sa kanya. Maya-maya pa ay gumalaw na ang labi ng lalake at lumaban na rin ng pakikipaghalikan.

"Hmmm..." ungol niya.

Ang mga kamay nito ay nasa buhangin upang hindi siya madaganan. Nagsisimula nang mag-init ang buong katawan niya.

"It feels so good!"

Nang akma niyang itataas ang paa para sana idantay sa likuran ng lalake ay napasigaw siya ng sobrang lakas dahil sakit.

"Anong nangyayari sa'yo binibini?" tanong nito saka kumalas sa pagkakahawak sa kanya.

"Ang paa ko, ang sakit!" sagot niya rito na lukot ang mukha.

Parang may nakabaon na isang matulis na bagay sa mga paa niya. Parang hinihiwa nito ng dahan-dahan ang mga kalamnan niya. Dali-dali namang inilawan ng lalake ang paa niya upang tingnan ito.

"May nakabaong matutulis na bubog sa kanang paa mo" wika nito at dahan-dahan siyang kinarga na para bang bago silang kasal.

Gusto niya sanang kiligin pero mas nananaig ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

"Dadalhin muna kita sa bahay upang magamot ang mga sugat mo" wika nito na naglakad na ng mabilis.

"A-Amara... Amara ang pangalan ko" tiningnan niya ito sa mga mata.

"Dakila, ako si Dakila..." huminto muna ito at matipid na ngumiti sa kanya bago nagpatuloy sa paglalakad.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Mi Amor, Mi Tesoro   CHAPTER 44

    “Handa na ang pagkain...”Napalingon kami ni Mama Diwa sa tawag ni Dakila. Ang cute nitong tingnan sa suot nitong pink apron na galing sa akin. Ibinigay ko iyon sa kanya after kong makuha ang aking luggage bag. Noong una, ayaw niya pang tanggapin pero napilit ko rin kalaunan.“Kumain na muna tayo ng hapunan, Inang...” napakamot ito sa kanyang ulo at palipat-lipat ang tingin sa amin, “Nakadisturbo ba ako?”Mukhang napansin yata nito ang namamaga naming mga mata dahil sa naging iyakan namin kanina.“Tapos na kaming mag-usap, halika na Amara. Masarap iyong mga dala ko. Magugustuhan mo panigurado”Tumango ako kay Mama at saka magkasabay kaming naglakad patungo sa loob ng bahay. Nakasunod naman sa amin si Dakila na tahimik lang. Pagdating namin sa kusina ay nabungaran kaagad namin si Makisig na may malaking ngiti sa labi habang namimilog ang mga m

  • Mi Amor, Mi Tesoro   CHAPTER 43

    Tuluyan na ngang napahagulhol ng iyak si Mama. Niyakap ko siya ng mahigpit. Nasasaktan ako para sa kanya. Hindi madali ang pinagdaanan ni Mama. Alam ko dahil pinagdaanan ko narin iyon. Nangyari narin sa akin na nasaktan ako ng pisikal ni Noah.“Tahan na, Mama...” I rubbed her back to calm her.“No, I’m okay... I want you to know what happened also...” inilayo nito ang sarili sa akin at binigyan ako ng isang matipid na ngiti, “Nagtiis ako. Akala ko kasi, magiging maayos din kami. Kasi, hindi naman siya ganun nung nagkakilala kami. He’s a very sweet and caring man. He loves me so much. Sabi ko sa sarili ko, hindi iyon si Jude. Hindi niya kayang gawin sa akin ang mga bagay na iyon. Pinaniwala ko ang sarili ko na magiging maayos kami muli. Kaya mas pinili ko parin mag-stay kahit binubugbog na niya ako ng paulit-ulit. Hanggang sa nag away na naman kami. Sinuntok niya ako sa sikmura. Alam mo kung ano ang

  • Mi Amor, Mi Tesoro   CHAPTER 42

    Nakaupo kami ngayon sa sala. Magkatabi si Dakila at Makisig na nasa harapan namin habang kami naman ng Inang Diwa ni Dakila ang magkatabi. Ang Inang niya na dati ko palang nanny. Oo, tama kayo, ang hinahanap kong nanny ay nasa isang Isla lang pala na katabi ng Batanes. Ang nanny ko na itinuring ko ng pangalawang Nanay. Ang nanny na mahal na mahal ako at mahal na mahal ko. Nakayakap ako ngayon sa kanya. Naglalambing habang nakataas ang isang kilay kay Makisig. Ano ka ngayon ha?! May bago akong kakampi! “Ano bang nangyari sa inyong dalawa, Makisig?” tanong ni Inang Diwa sa malumanay na boses.Umayos ng upo si Makisig saka nagsimulang magpaliwanag.“Nagkukulitan lang naman kami, Dayang Diwa...” hindi makatingin nitong sagot.Bumaling naman si Inang Diwa sa akin. Hinaplos nito ang buhok ko at may ngiti sa mga labing nagsalita.“Amara... Ano bang nangyari

  • Mi Amor, Mi Tesoro   CHAPTER 41

    Naiyak nalang ako ng tahimik sa loob ng cubicle. Hindi pa ako tapos magsalita. Bakit naman ganun?Natawa nalang ako nang maalala ang mga nangyari. Pagkatapos noon ay iniwan ako ni Noah sa restaurant. Mabuti nalang at dumating sina Cora at Faye upang tulungan ako.Gusto nga nila na hiwalayan ko kaagad si Noah after what happened pero nagpaliwanag naman din kasi ito na nagkaroon daw ng emergency sa bahay nila kung kaya hindi na nakapag-paalam sa akin. Syempre, mahal ko kaya pinatawad ko.Sinabunutan pa nga ako ni Faye noon na humantong sa tampuhan namin. Tanga raw kasi ako na sa ngayon ay masasabi kong tama talaga siya. Mabuti nalang at naayos ni Cora ang misunderstanding namin na iyon. Ilang beses rin naming pinag-awayan si Noah.Naalala ko rin ang dati na nag-away kami at hinayaan niya lang akong umiyak. Iniwan niya pa ako sa gitna ng kalsada. Ni hindi manlang naisip nito na mapapahamak ako. Mabut

  • Mi Amor, Mi Tesoro   CHAPTER 40

    "Hala! Sorry! Ikaw kasi eh! Puro kababuyan ang mga sinasabi mo!" wika ko saka dali-daling kumuha ng tissue na palaging nasa gitna ng lamesa ni Dakila nakalagay.Napapikit ito at halatang nagpipigil lang sa sarili.Pinunasan ko ang mukha nito habang pinipigilan ang sarili kong matawa at the same time, naaawa rin ako rito. Poor Makisig. Sorry talaga."At natatawa ka pa talaga ha?" naiinis na bulyaw nito sa akin."Ha? Hindi... Sinong natatawa? Ako ba? Naku! Hindi. Bakit naman ako matatawa? May Buko-Salad ka lang naman sa may bukana ng ilong mo" sagot ko na hindi makatingin dito."Ano ba! Sinusundot mo na ang ilong ko eh!" reklamo nito."Ay naku! Sorry talaga Beshy..." inilayo nito ang mukha sa akin saka ito tumayo at naghilam

  • Mi Amor, Mi Tesoro   CHAPTER 39

    Nagising ako dahil sa isang awitin na aking narinig. May kumakanta gamit ang gitara. Medyo husky ang boses ha? Alam kong hindi si Dakila iyon dahil alam ko na ang boses nun. Napailing nalang ako at tinampal ang aking noo."Baka naman nagkakamali ako? Baka si Dakila nga? May mga singer din naman na nag-iiba ang boses kapag umaawit na, diba?"Bumangon na ako saka niligpit ang aking higaan. Medyo, pagod parin ang pakiramdam ko. Malakas ang menstruation ko ngayon dahil first day. Usually kasi, lumalakas agad ang period ko basta unang araw at pangalawa. Kapag 3rd day na, medyo okay na ang pakiramdam ko nun. Hindi narin masyadong malakas ang period ko that day. Pagka-4th day, mawawala na. Kaya, tiis-tiis nalang muna ako sa period na ito.Binuksan ko ang pintuan at dumiritso muna sa banyo. Kailangan ko kasing e-dispose ang nakolektang dugo galing sa cervix ko at itapon. After that, huhugasan ko

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status