Farrel Juancho is the first born child of the new generation of Marcelo Clan. The one and only heritor of the Hacienda de Marcelo. He got the looks, money and all but there is one thing he's been dreaming for. To find the woman who will love him endlessly and with loyalty despite of what he have. That's when Eana Beatrix Gonzales came in to the picture. A single mom and a very hardworking woman that will do everything just to provide the needs of her son as well as family. She dreamt of finding the man that will accept her past together with her son. The man who will love them truthfully and without judgements. Two different worlds will clash and for the first time, Eana Beatrix is now Owned by Farrel Juancho.
View MoreEana Beatrix
Mataas ang sikat nang araw ngunit heto ako, patuloy na naglalakad-lakad sa gilid ng kalsada nag-aalok ng mga produktong pampaganda. Isa ito sa mga pinagkakakitaan ko ngayon upang masuportahan ang aking pamilya.
Hindi naman sana talaga ganito ang buhay namin kung hindi lang kami iniwan nang magaling kong ama, pagkatapos malaman na buntis si inay sa akin, iwan ba naman kami. Hindi ko alam kung anong trip niya sa buhay at nagawa niyang asawahin si Mama pero iiwan niya rin pala sa huli.
Ibang mga kalalakihan talaga ngayon, walang planong patagalin ang pinapasok na relasyon, puro pagpapasarap tapos sa huli mananakit. Kaya ako, malaking paalala ko sa aking sarili na ‘wag papasok sa relasyong walang kasiguraduhan, lalo na’t ayoko ng maulit ang nangyari noon.
“Bea, hindi ka pa ba uuwi?”
Umangat ang tingin ko sa aking katabi. Isa sa mga kasamahan ko sa pagtitinda. Tumingin ako sa mumurahing relos na nakasabit sa aking palapulsuhan at nakitang mag-aalas-onse na pala ng tanghali. Nasabi ko pala kay Mama na uuwi ako.
“Mauuna na ako sa’yo Liz, babalik na lang ulit ako mamaya roon sa pinaghintayan natin kanina.”
“Oh sige, ingat ka.”
Tuluyan akong nagpaalam at nagsimulang maglakad papunta sa pila ng tricycle. Dahil sa tanghaling tapat, walang masyadong pasahero kaya madali akong nakasakay.
Mabilis lang ang byahe kaya wala pang kinse-minutos ay nakarating na ako sa kanto ng aming barangay. Nagbayad ako kay Manong at naglakad na papasok, tahak ko ang daan ng maisip kong wala nga pala kaming ulam kaya bumili muna ako sa karinderya nila Mang Tonyo.
Pagkauwi ko sa bahay ay inihulid ko sa aming sofa ang sako bag na naglalaman ng aking itinitinda at dumiretso sa kusina upang maghain. Nasisiguro kong nasa kwarto si Mama kasama ang dalawang bata dahil naririnig ko ang may kalakasang boses ni Miko.
Pumanhik ako sa kabilang kwarto at kumatok upang tawagin sila na kumain. “Ma, halina po, kain na tayo.”
Narinig ko ang yabag ng dalawang bata na tila ba’y nagpapaunahan sa pagbukas ng pinto. Natatawa ako sa kanilang kilos at saktong bumukas iyon ay nakangiti ako. Agad silang nagmano sa’kin at inaya ko nang pumunta sa hapag, si Mama naman ay agad din na sumunod.
Pinaghugas ko sila ng kamay at pagkaraan lang ay magkakaharap na kami sa mesa. Nagsimula ang pagdadasal sa pangunguna ni Artemis.
“God bless this food we are about to receive. Give bread to those who are hungry, and hunger for mercy and justice to us who have food. Amen.”
Sabay-sabay namin iniusal ang huling kataga ng dasal. Matapos ‘yun ay ingay ng kumakalansing na kubyertos at plato ang maririnig sa buong kusina. Masayang nagbibiruan ang dalawang bata at ako naman ay nagbukas nang usapin kay Mama.
“Ma, mag pa-check na po tayo sa doktor ngayong linggo,” pag-aaya ko sa kaniya. Nitong huling mga araw kasi ay madalas niyang sabihin na naninikip daw ang kaniyang dibdib at nahihirapan siyang huminga.
Ako man ay kinabahan sa aking narinig at ipinagbigay alam ko rin ito kay Kuya. Sumang-ayon ang huli sa pagpapatingin sa doktor ni Mama at nangakong magdaragdag ng kaukulang pera panggastos.
“Anak, hindi na kailangan. Maayos naman na ako. Talagang hindi ko lang kinaya noong nakaraan dahil siguro’y sa masyado kong pinagod ang sarili ko sa paglalaba.
“E, Ma. Kasi naman po ‘di ba sabi ko ‘di na ninyo kailangan magtrabaho pa. Kami na po ang bahala ni Kuya.”
“Pabigat na ba ako ‘nak?”
Nagulat ako sa kaniyang tanong. Alam ko na, isa ito sa mga sinasabi ni Mama sa tuwing pinagsasabihan namin siya ni Kuya. Napailing ako at ibinaba ang hawak kong kubyertos.
“Ma, wala po akong sinabing ganiyan. Ang amin lang po e maipacheck natin sa doktor ang lagay mo. Mas malaki po ang gastos kapag hindi natin naagapan ‘yan,” pagpapaliwanag ko.
Ilang segundo itong hindi umimik at ako’y nakatitig lang sa kaniya, naghihintay ng sagot.
“Oh siya sige. Payag na ako magpatingin. Pero kapag sinabi ng doktor na hindi pa malala ang lagay ko ay magtatrabaho pa rin ako ha. Alam naman ninyong ayoko ng walang ginagawa.”
Natuwa ako sa aking narinig at ngumiti sa kaniya ng malapad. “Opo ma, basta huwag pong pwersahin ang sarili at magpahinga ka rin po kung nakakaramdam ng pagod,” habilin ko pa.
Tumango ito at kapagkunway tumingin sa akin, “Anak, masaya ako kasi nakikita ko na ulit mga ngiti mo.”
Sinserong sambit niya at naging dahilan upang maumid ang aking dila. “Ma naman, nakakabigla naman po ang sinabi ninyo. At saka, wala naman pong dahilan para hindi ako ngumiti.”
“Wala nga ba, Eana?”
“Ma, kalimutan na po natin ang nangyari. Gusto ko na po mag-move on at mag-focus na lang po sa kung anong mayroon ako ngayon.”
“Mabuti kung ganoon. Basta ako ‘nak, gusto ko lang na maging masaya kayo ng Kuya mo at makahanap kayo ng taong magmamahal sa inyo ng lubos at hindi kayo iiwan,” wika ni Mama subalit hindi naman ito nakatingin sa akin.
Gayon pa man, nababanaag ko pa rin sa kaniyang mukha ang lungkot at panghihinayang. Hindi ko na kailangan magtanong kung sino ang dahilan no’n dahil alam ko naman na kung sino.
Napabuntong-hininga ako at iniba na lang ang usapan.
“Ma, babalik pa po ako ulit sa pagbebenta ha. Magbabayaran na po ng kuryente at tubig pati ‘yung utang natin kina Aling Corsing, naku! Baka hindi na tayo makaulit doon. Iba pa naman din ‘yun magalit, baka ipa-barangay tayo!” pananakot ko kay Mama.
“Ano ka ba naman Eana, hindi ganiyan si Aling Corsing. Mabait ‘yun, at saka marami ‘yung naibibigay sa akin na impormasyon.
Habang nagliligpit ay tuloy pa rin ang pag-uusap namin.
“Anong klaseng impormasyon, Ma? Ang sabihin mo, chismis Ma, chismis ‘yun. Iwasan mo po ang pakikinig doon. Mamaya e hindi pala totoo mga pinagsasasabi no’n madawit pa kayo sa gulo,” panunuway ko sa kaniyang sinabi.
“Hindi naman ‘nak, kwentuhan lang namin ‘yun.”
Depensa pa nito. Napaismid ako habang naghuhugas ng mga pinagkainan. Pasalamat na lang at nakatalikod ako dahil kundi baka makatikim ako ng sermon sa kaniya.
“Ma, baka nakakalimutan mo ang inihatid niyang chismis noong lumabas ang issue sa nangyari sa’kin? ‘Di ba nga po siya itong nagpakalat ng kung anu-anong masasama tungkol sa pamilya natin.”
Humarap ako, napaiwas naman siya ng tingin sa akin at hindi nakaimik
“Ma, alam ko naman po na gusto ninyo ng kaibigan. ‘Yun nga lang po e sana pumili po kayo ng totoo, ‘yung hindi kayo lilinlangin kahit nakatalikod kayo sa kanila. Maaasahan sa pagtulong at hindi kayo sasaktan sa huli.
“Pasensiya na anak. Sa pagkalibang ko sa pakikipag-usap sa labas e hindi ko napapansin kung sino ba sa kanila ang dapat paniwalaan.”
“Ayos lang Ma. Basta tandaan na po ninyo ang sinabi ko ngayon. Tapos na po ako rito, magpapalit lang ako ng damit tapos aalis na rin ako.”
Nagpunas ako ng kamay at pumanhik sa aking silid. Ilang minuto lang ang itinagal ko sa loob at lumabas na ulit ako na presentable.
Nadatnan ko ang dalawang bata sa sala at kasalukuyang nanunuod ng pambatang palabas. Nang makita ako ni Artemis ay tumayo ito at tahimik na lumapit sa akin.
“A-auntie, pwede pong mag-request ng pasalubong namin ni Miko mamaya?” nahihiyang turan nito.
Napangiti ako at ginulo ang buhok niya. “Oo naman, basta ‘wag makulit at bantayan ninyo itong bahay pati si Lola, okay? At saka ‘di ba tinuruan kita kung anong numero ang tatawagan kapag may hindi magandang nangyari rito habang wala kami ni Kuya Arthur?” umani ito ng dalawang beses na pagtango.
“Good. Sige na. Ingat kayo rito,” hinaplos ko ang pisngi nito at tumitig panandalian sa kaniya.
Hindi ko mapigilan maalala ang taong parte ng aking nakaraan sa tuwing tumitingin ako sa maabong mata ng batang nasa aking harapan, ang hulma ng kaniyang mukha. Tangos ng ilong at ang mga makakapal na kilay.
Kumirot ang aking dibdib at tuluyang humalik sa magkabilang pisngi nito, kapagkunway tumayo. Pinabalik ko ito sa kaniyang dating pwesto at nagpaalam kay Mama.
Lumabas ako sa aming tahanan bitbit ang isang alaala ng aking paghihirap. Kahit na dinanas ko ‘yun, nagpapasalamat pa rin ako dahil nakayanan kong labanan ang mapanghusgang lipunan at sa munting biyaya na naiwan.
Farrel Juancho Nakangiti kong pinagmamasdan ang babaeng nakahiga sa kanang bahagi ng kama. After what she had experienced before, I cannot believe she let the situation lead us here. It felt surreal. Puno ng galak at kasiyahan ang puso ko ngayon. Indeed, all the wait that I've done before, it's all worth it. Hinayaan ko na muna siyang magpahinga. Alam kong pagod na pagod siya sa ginawa namin. How couldn't she? I didn't stop until she said she's tired. I chuckled at my own thoughts. I can't resist her body, that's all I know. Ngayon na nakita ko na at natikman ko na, I am sure that our room will fill by her moans. Artemis will gonna have lots of siblings. Tumayo ako mula sa pagkakahiga at isinuot ang roba na nakasabit malapit sa cr. Idinial ko ang numero ng room service at nagpahatid ng meryenda. Matapos ko roon ay ang sariling cellphone ko naman ang aking kinuha. Lumabas ako sa terrace. Pagbukas ko ng aking cellphone ay
Eana Beatrix Warning: Mature content ahead. Not suitable for younger audiences. Read at your own risk. Isang taon ang matulin na lumipas, at sa buong taon na iyon ay maraming nangyari. Tuluyan nang ibinenta ni Papa ang dati namin na bahay. Muling umusbong ang pagmamahalan nina Mama. Ikinatuwa iyon ni Lorena Cortes na noo'y nasa Canada pa rin. Sina Lucy at Kuya Arthur naman ay kaswal pa rin ang set-up. Iyon nga lang ay mas madalas na si Kuya sa bahay, bagay na ikinagagalit nina Papa. Si Anton at Artemis, hindi namin inaasahan na mapapalagay agad ang loob ng bata sa una. May mga araw na hinihiram siya ni Anton at doon pinapatulog at kapag uuwi na siya sa amin ay may baon na siyang mga kuwento tungkol sa kung ano ang ginawa niya roon. Kami naman ni Juancho, ganoon pa rin. May pagkakataon pa rin na inaasar niya ako kaya minsan ay 'di siya nakakaligtas sa paghahampas at kurot ko sa kaniya. Nagkaroon na rin kami ng bond
Eana Beatrix "Care to explain what is the meaning of this, Beatrix?" galit ang may ari ng baritonong boses na iyon. Nanghilakbot ako sa nakikitang itsura ni Juancho. Mariin ang titig na ibinibigay niya kay Anton. Kung nakakapatay lamang ang mga iyon ay nakabulagta na siguro ang huli. Pinilit kong pakalmahin ang sarili ko kahit na sa loob loob ko ay natatakot ako. "Juancho, kumalma ka, please. Huwag na tayong gumawa ng eksena pa rito." Inilibot ko ang aking paningin at may mangila-ngilan na tao ang dumaraan at hinahabol kami ng tingin. "What do you expect me to feel, Bea? This guy brought you tears and sufferings! Anong gusto mong maging reaksiyon ko?" nagkikimpian ang mga ngipin nito habang nagsasalita. "Sorry, hindi kita nasabihan. Unexpected din kaming nagkita, kung gusto mo—" "Let go of her," madiin niyang pagputol sa dapat na sasabihin ko. Naramdaman ko ang pagluwag ng hawak ni Anton hanggang sa tuluy
Eana Beatrix "Bakla ka! Ilang buwan lang ako nawala, pagbalik ko may jowa ka na!" Tumawa ako sa sinabing iyon ni Gaspar. Araw ngayon ng Linggo kaya malaya akong nakasama nang inaya ako nitong lumabas. Ang maghapon na bonding dapat namin nila Mama ay naging pagsimba na lang, dahil na rin sa kagustuhan namin na makapagpahinga pa ito. "Hindi pa naman kami matagal," tanging nasabi ko. "Naku, kung hindi pa ako tumawag, hindi ko pa malalaman ito! Grabe, ang tagal kong nawala tapos ni minsan hindi mo sa akin nabanggit ito kahit na minsan lang tayong nagkakausap? I'm hurt! Parang hindi tayo magkaibigan niyan!" aniya na may drama pang pahid sa mga pisngi. Kadarating lang niya galing Samar dahil doon daw siya inilagak pansamantala ng kaniyang boss sa parlor na pinagtatrabahuhan niya rito. Isang coffee shop na hindi nalalayo sa aming lugar ang napagkasunduan naming pagkitaan. "Ang drama mo, Gaspar! Nakakalimutan ko nga kasi banggit
Farrel Juancho A smile remained on my lips even after the call was over. I'm a man yet I couldn't help myself to feel the shudder feeling that only Beatrix can give. Her calling me babe... sent shivers to my body and I cannot stop my friend down there to be arouse and well, think of something. Beatrix will surely hit me if ever she hear me say this! "Tito, nasaan na po si Mama?" It was Artemis again. His innocent eyes are fixated on mine and the worry on his face is visible. "She's in the hospital, kiddo. Mamaya narito na rin sila," malambing kong sabi sa kaniya. "Miss ko na po siya, bawal po ang bata roon? Puntahan natin, Tito." He pleaded. "I miss her, too. Pero bawal kasi ang bata sa hospital. We'll just need to wait for her call, tapos susunduin natin sila, okay?" Napipilitan itong tumango at muling itinuon ang mata sa tv. Ito ang unang beses na pambatang palabas ang nangingibabaw sa buong sala. To up his moo
Eana Beatrix Mabilis ang mga pangyayari, namalayan ko na lang na tinatahak na namin ang daan papuntang hospital. Nanginginig ang aking mga kamay habang pinagmamasdan si Mama na wala pa rin malay. Naiiyak ako pero pinipigilan ko dahil hindi ito ang tamang oras para roon. Kasunod nang sinasakyan namin ang kotse nila Papa sa likod. Mabilis ang pagmamaneho ng dalawang sasakyan na para bang nakikipagkarera. Nakarating kami sa hospital at agad kaming bumaba, si Papa mismo ang nagbuhat at natawag ang atensiyon ng mga nurses doon. Itinakbo sa emergency room si Mama, hindi kami pinapasok at inabisuhan na hintayin na lang namin hanggang sa matapos. Pagod akong naupo sa waiting area. Si Papa ay palakad-lakad at ganoon din si Kuya Arthur. Si Lucy naman ay bakas pa rin ang ilang sa presensiya ni kuya ngunit may pag-aalala rin sa kaniya. Dinaluhan ako ni Juancho at niyakap. “K-kasalanan ko ito…” “Shh. Babe, walang may
Comments