Share

Chapter 23

Chapter 23: Bars 

"Galand! G-Galand!"

Umiiyak akong tumatakbo habang hinahanap si Galand. Kasama ko si Sean at katatapos lang ng bagyo. Last night, while he's trying to save, nagkahiwalay kami. Tanging kami lamang ni Sean ang magkasama.

"G-Galand!"

This place is a total mess. Walang establishmento ang natira. Sa paligid ay mamatatanaw mo ang daan-daang bangkay na nakahiga sa putikan na halos hindi na makilala. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa labis na kaba. Paano kung isa na si Galand sa daan-daang bangkay na ito?! Muli akong napahagulhol sa naisip.

"Mikaela, kumalma ka lang. Mahahanap din natin si Zero." tinapik ni Sean ang balikat ko pero patuloy pa rin ako sa paghikbi.

I can't imagine myself living without Galand. Naging parte na s'ya ng buhay ko sa loob ng ilang buwan. Nanginginig akong nakarating sa tapat ng condo namin na nasira na. Marami na ang mga pulis na nandoon na pilit na isinasalansan ang mga bangkay.

Nangangatog kong pinagmasdan ang mga bangkay na nasa harapan ko. Lahat sila ay nakabalot na sa isang tela. Inisa-isa ko silang pinagmasdan hanggang sa madako ang tingin ko sa isang nakatalukbong na bangkay. May bagay na umiilaw sa loob noon kaya napailing ako.

Sana. Sana hindi si Galand iyon.

Dahan-dahan akong lumapit sa bangkay at nanginginig na ibinaba ang tela.

Tuluyan na akong napasigaw ng makita ang bangkay ni Galand. Suot pa rin nito ang kwintas n'yang hanggang ngayon ay umiilaw pa rin.

"G-Galand!"

Hindi ko napigilang yakapin si Galand kahit na puno ito ng putik at basang-basa. Naramdaman ko ang pagdalo sa akin ni Sean pero hindi ko iyon pinagtuunan ng pansin.

"G-Galand! Gumising ka! Galand!"

Nanginginig ang buong kalamnan ko habang umiiyak. This can't be. Kung alam ko lang, itinuloy ko na ang ibinabalak namin kahit na walang pahintulot ng kahit sino.

Napailing na lamang ako nang maalala kung bakit nagkaroon ako ng padalo-dalos na desisyon. Noong sumakit ang ulo ko, nakita ko ang senaryong iyon kaya hindi na ako nagdalawang isip na umalis ng condo at pumunta sa base ng army Ang lahat ng senaryong nagdudulot ng matinding sakit sa ulo ko ay nagkakatotoo at ayaw kong mangyari iyon.

Napabuntong-hininga ako saka gumuhit ng isang linya sa pader. Napatitig ako sa pitong linyang nakaguhit doon.

7 days.

Pitong araw na akong nakakulong sa piitan dahil sa pagsugod ko sa kampo ng sundalo at paggamit ng missile at tangke. Pasalamat na lamang ako at wala akong napatay noong araw na iyon.

Sa totoo lang ay sampung araw na ang lumipas magmula noong pinasok ko ang kampo. Tatlong araw akong nakatulog sa hospital at nang magising ay kaagad na inilagay sa piitan.

Nilibot ko ang aking tingin sa piitan at napailing. Napakaliit lang ng piitan na talaga namang hindi mo gugutuhin na mapuntahan. Napakadilim din dito at tanging sinag na araw lamang mula sa maliit na bintana ang nagsisilbing liwanag.

Napabuntong-hininga ako nang maalala ang mga inosenteng nakulong dahil sa akin. Naghahawak rin ako ng mga kasong ganoon, iyong kapag gustong ipakulong ng nagsampa ng kaso ay ginagawan ko ng paraan na makulong ito kahit na alam kong inosente.

Nasa'n na kaya sila? Pa'no nila hinaharap at kinakaya ang pang-araw araw na buhay sa piitan kahit na wala naman silang kasalanan? Nakaramdam ako ng pandidiri sa sarili ko. 

"Perez, sumunod ka sa'kin."

Napatayo ako kaagad nang tawagin ako ng pulis. Kaagad akong lumapit sa pintong binubuksan n'ya at maya-maya'y lumabas. Dinala n'ya ako sa opisina ng head. Nakatitig lamang ito sa akin hanggang sa ako'y makaupo.

"Alam mo naman sigurong hindi basta-basta ang ginawa mo, Perez."

Tumungo lamang ako habang pinapakinggan ang sinasabi n'ya. Kaharap ko ngayon si PNP Chief Kevin Hispano. Ang pinakanghead. Dinala nila ako sa pinakang-main police station sa bansa.

"Isa kang abogado kaya alam mong maari kang sampahan ng iba't ibang kaso."

Tumango ako.

"Attempted murder ang ginawa mong pambobomba gamit ang tangke, Perez. Bukod doon ay nagtrespass ka pa sa base ng ARMY. At higit sa lahat, ginamit mo ang missile ng basta-basta.

Nanatili akong tahimik habang nakikinig sa sinasabi n'ya kasi totoo naman at alam ko iyon. Pero noong mga panahong nasa kampo pa ako ng mga sundalo ay gumalaw ako na hindi iniisip ang maaring maging resulta nito.

"Maari kang makulong ng panghabang-buhay, Perez."

Lalo akong napatungo at napakagat-labi sa narinig. If this is the consequece of my reckless action, I should accept it.

"I'll accept it, Chief. I'll let the law dominate." sinserong saad ko sakan'ya.

Bahagya s'yang napatawa sa sinabi ko bago umiling.

"Maswerte ka, Perez. Makakalaya ka na."

Kaagad akong napatunghay at nanlalaki ang mga matang tumingin sakan'ya.

"Ano? Paano?" gulat na tanong ko rito.

Nagkibit-balikat ito sa akin. "This is an order from the President, Perez."

Lalo akong nagulat sa narinig. Paanong pumayag iyon e labag nga sa kalooban n'ya ang paggamit ko ng missile?

"Besides, hindi tumuloy ang bagyo dahil sa ginawa mo. It was already proven."

Masaya akong tumango sa sinabi n'ya.

"Nagawa mo lang na lumabag sa batas dahil gusto mong iligtas ang libo-libong mamamayan. That's why you're already absolved. You deserve that for risking your life."

"Maraming salamat po." masiglang saad ko. Hindi ako makapaniwala na ang taong naging hadlang sa ginawa ko ay s'ya ring tutulong sa akin sa huli.

"Pwede ka na lumabas. Nand'yan na ang sundo mo."

Tumango ako kaya mabilis n'ya akong hinatid palabas. Kaagad akong sinalubong ng yakap ni ate at Shzane habang si Galand at Sean naman ay nakangiti lang sa akin.

"I'm so proud of you, Mikaela."

Napakunot ang noo ko. May toyo pala 'to si ate e.

"Ano? Proud ka pang ex-convict ang kapatid mo?" pabirong saad ko kaya mabilis s'yang tumango.

Nagtaka ako ng hawakan n'ya ang braso ko at iniharap sa telebisyon dito sa police station.

"Ang sikat na abogadong si Attorney Mikaela Perez na nabalitaang nakulong sa hindi pa maipaliwanag na dahilan ay lalaya na ngayon sa tulong ng ating Presidente..."

"You saved those innocent people even without recognition. Dapat lang na ma-proud ako."

Naestatwa ako dahil sa balita. Nabalitaan na pala ng lahat ang pagkakakulong ko at ang paglaya ko ngayon. Paniguradong nagtataka sila dahil walang mailabas ang media na dahilan ng pagkakakulong ko. Other than that, paniguradong nagtataka ang mga tao dahil sa biglang pagtigil ng ulan noong bagyo.

Nabaling muli ang tingin ko sa harapan. Sa telebisyon ay ipinapakita ang kuha ng camera sa harap ng police station. Paniguradong puno ng reporters sa labas nito. Mukhang maging ang paglabas ko rito ay ipapakita nila sa madla.

"Oh." napatingin ako kay Galand na nakalahad ang panyo sa akin. Kaagad ko s'yang kinunotan ng noo.

"Anong gagawin ko d'yan?"

Inismidan n'ya lang ako at hindi na nagsalita pa.

Naramdaman ko ang paghawak ni Sean sa balikat ko kaya s'ya na lamang ang pinagtuunan ko ng pansin.

"Ready to face the nation you saved?"

Unti-unti akong napangiti ng malaki dahil sa sinabi n'ya. Ang sarap pakinggan na iniligtas ko ang sariling bansa kahit na iilan lamang ang nakakaalam ng ginawa ko. I don't care about recognitions and such. Kuntento na akong makitang maayos ang lagay ng lahat.

Sa paglabas ko ay sumalubong sa akin ang maraming flash ng camera at iba't ibang boses na nagtatanong. Nanatili akong nakatayo sa harapan habang pinagmamasdan ang mga mukha nila.

"Attorney Perez, ano ang dahilan ng pagkakakulong mo?"

"Bakit ka pinalaya ng Presidente?"

"Bakit ang bilis lang ng paglaya mo?"

"Ano ang naging kasalanan mo?"

"Totoo bang pinasok mo ang kampo ng mga sundalo?"

Tila naging mga bagay sila na nagsasalita sa harapan ko at nagtatanong. Tama ang desisyon na nagawa ko. If I didn't do it, I wouldn't be able to hear this kind of noise again. Nakakatakot na mabalot ang kapaligiran ng balita tungkol sa mga namatay at tunog ng iyakan.

Sa halip na sumagot ay ngumiti lang ako sa harapan nilang lahat.

I made it. I chose the biggest decision in my life correctly.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status