Share

Chapter 22

Chapter 22: Something right that looks wrong

Damn that President! He's so persistent! Dinadaan n'ya ako sa talino! Lahat ng bagay na lumalabas sa bibig n'ya ay makabuluhan at ang hirap ng lusutan!

Isang araw na ang nakalipas simula ng makausap ko ang Presidente at hindi na ako mapakali dito sa condo ko. Maging si Sean at Galand ay ganoon din.

If I am the old me, I'll rather choose to run away with ate and Shzane without hesitations. But this is different! I can't just run away and sleep peacefully while my co-citizens are dying.

Kunot-noo kong pinapadyak ang paa ko sa sahig. Mabuti na lamang at may generator ang condo ko. Pero kahit ganoon, hindi pa rin kami makasagap ng balita dahil walang signal ang lin’ya ng telibisyon. Wala na kaming balita sa nangyayari o kung ano ba sa lugar signal namin. Kahit tumanaw ka sa labas, ang bahang abot bewang lamang ang makikita mo. Other than that, the whole place is filled with darkness kahit pa umaga na.

Nasa gitna ako ng pag-iisip ng biglang lumabas ang isang imahe sa harapan ng mata ko. Lalong napakunot ang noo ko nang makita ang isang bagay na parang hangin at umiikot. Nabaling ang tingin ko sa isa pang gilid at nakita roon ang isang imahe. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ang Pilipinas. Papalapit ng papalapit ang bagyo sa lugar namin. Kinakabahan akong napatitig doon ng biglang lumabas ang numerong 3240 sa harapan ko at nagsimulang mabawasan.

Nataranta ako at kaagad na napatayo ngunit agad din na natumba matapos nakaramdam ng hilo. Napahawak ako ng mariin sa sentido ko at napasubsob sa sofa.

"Argh!"

Sobrang sakit, hindi ko alam kung anong gagawin ko. Napakuyom ang aking kamao at bahagyang pinukpok ang ulo. Mariin akong napapikit habang iniinda ang nararamdamang sakit. Impyerno.

Nanghihina akong napatayo ng mawala ang sakit nang biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Sean at Galand. Bahagyang lumamlam ang aking mga mata nang makita si Galand na parang binagsakan ng langit at lupa. 

"M-Mikaela, aapaw na raw ang dam. W-Wala na tayong pag-asa."

Mariin akong napailing. Hindi pwedeng mawala ng parang bula ang Pilipinas. Kahit na anong parte ng Pilipinas, hindi pwedeng masira. Tiim ang baga kong lumapit sa dalawa at mabilis na hinablot ang susi ni Sean saka tumakbo.

"Mikaela!"

Mabilis akong bumaba papunta sa groundfloor ng condo. Dire-diretso akong tumakbo palapit sa pinto. Akma pa akong haharangin ng guard kaya mabilis ko itong itinulak at tinakbuhan. Sinuong ko ang baha hanggang sa marating ko ang Main Parking Lot ng gusali. Kaagad ko namang nahanap ang sasakyan ni Sean kaya mabilis ko iyong sinakyan at pinaandar.

Pinindot ko ang nakita kong pinipindot ni Sean kanina kaya naging parang Speed Boat ang sasakyan. Mabilis ko iyong pinaharurot, not minding the danger around me. Napapahigpit ang hawak ko sa manebela kapag natatanaw ang mga punong inaanod na sa baha. Napailing na lamang ako at pinatatag ang loob.

Sinulyapan ko ang bilang na patuloy pa rin ang pagtakbo sa mata ko na ngayon ay nasa 2520 na lamang. Napalunok ako at mas binilisan na lamang ang pagpapatakbo.

This is it. I would rather die fighting than watching.

-----

Mabilis kong ipinarada ang aking sasakyan sa medyo may kalayuan sa base ng mga sundalo at kaagad na bumaba. Walang baha rito dahil may kataasan ang lugar. Kaya pala ang malakas ng loob ng sundalo na mawalan ng pakialam. 

Mabilis akong kumatok sa gate ng mga sundalo. Nilaksan ko ang aking katok upang marinig nila sa kabila ng ingay ng ulan. Wala na akong suot na capote ngayon kaya basang-basa na ang buong katawan ko ngunit hindi ko man lamang maramdaman ang lamig. 

Nakarinig ako ng yabag kaya mabilis akong gumilid. Napalunok ako nang marinig ang pagbukas ng gate. Inihanda ko ang aking kamao at sinuntok ang sundalong naglabas ng ulo mula sa gate. Napahawak ako sa aking dibdib nang mabilis itong bumagsak sa sahig. Kinuha ko ang dala nitong baril at napahinga ng malalim.

Mikaela, you need to do anything. Whatever it takes, just keep on fighting.

Buong lakas kong itinulak ang gate ng base ng mga sundalo. Mariin akong napapikit at humakbang papasok. Nakaramdam ako ng takot nang biglang tumunog ang alarm sa buong base. Hudyat na may pumasok na hindi nila kabaro.

Napailing na lang ako at mabilis na tumakbo papunta sa main door nila. Mabilis ko iyong binuksan at bumungad sa akin ang ilang sundalo. Nakatayo na ang mga ito at halatang papunta na sa gate upang tingnan kung sino ang pumasok.

"Sino ka?!" sigaw sa akin ng isa sa mga sundalo.

Sa bilang ko e anim silang nasa harapan ko at nasisiguro ko na mayroon pang marami sa ibang parte ng base.

"Si Perez yan ah. Attorney Perez." narinig kong bulong ng isa na bigla ring ngumisi sa akin.

"Anong ginagawa mo rito? Alam mo namang ipinagbabawal ang pagpasok ng hindi namin kabaro sa base."

Sa isang idlap ay nakatutok na ang lahat ng baril nila sa akin. Iba't iba ang klase at iba't iba ang haba na kapag ipunutok sa akin ay imposible na mabuhay pa ako.

Nakaramdam ako ng matinding kaba ngunit pinilit ko ang sarili ko na kumalma at tumngin sakanila ng seryoso, "I. Need. Your. Missile." ani ko. May diin ang bawat salita.

Nanatili akong nakatitig sa kanila nang bigla silang humagalpak ng tumawa.

"Ikaw pala 'yong baliw na naghahanap ng missile kay Jedo noong nakaraan?" saad ng isa sa kanila. Hindi na ako magtataka kung naikwento nang lalaking iyong ang nangyari.

"Hindi ako nakikipagbiruan. Let me enter and I'll work on your missile." seryosong saad ko.

"Pero Attorney. Kailangang may pahintulot sa nakatataas ang paggamit ng ganitong bagay. Hindi ka namin mapagbibigyan sa kahibangan mo." natatawang sagot ng isa sakanila kaya napaismid ako.

"Stop being stubborn and let unauthorized person help, cowards." madiing saad ko na lalong ikinalakas ng tawa nila.

Nandilim ang paningin ko sa nakita. Anong karapatan tumawa ng mga duwag na ito ngayong ganito na ang sitwasyon?! Anong karapatang maging sundalo ng mga taong ito kung ganito sila kaduwag?! Damn this hopeless soldiers!

"I said..." mahinang saad ko sa tumatawa-tawa pa rin na sundalo.

"I. NEED. YOUR. MISSILE. NOW! YOU DAMN COWARD SOLDIERS!"

Nanlalaki ang mata kong tinitigan ang baril ng isa sa mga kasama nila kaya bigla itong umangat at kaagad na natutok sa mga kasama.

"H-Hoy! H-Huwag mo sa amin itutok y-yan!" sigaw ng isa.

"H-Hindi ko alam ang nangyayari!" sagot ng lalaking nakatutok ang baril sakanila.

Ipinilig ko ang ulo ko at kaagad namang nagpaulan ng bala ang baril ng sundalo kaya mabilis na nagtatalon ang mga sundalong kasamahan n'ya at naghanap ng matataguan. Kaagad akong tumakbo palapit sa malaking tangke habang wala pa ang atensyon ng mga sundalo sa akin. Mabilis akong tumalon doon at sumakay. Ipinilig kong muli ang ulo ko at huminga ng malalim.

Let's get this started.

---

Rinig ko ang pagtama ng mga bala sa tangkeng sinasakyan ko. Hula ko ay mas dumami pa sila dahil hindi lamang anim ang direksyong pinangagalingan ng bala. Mariin akong napapikit at hindi na sila binalingan ng atensyon.

Napasulyap ako sa numerong 2040 na nakalagay sa gilid ng mata ko at napabuntong-hininga. Hindi ako marunong gumamit ng tangke pero dahil nandito na ako, wala na akong magagawa.

Akmang pipindot na ako sa tangke ng biglang lumabas ang imahe sa harapan ko kaya bahagya akong napaigtad. Isa itong tangke. Maya-maya lang ay lumabas ang iba pang imahe na nagpapakita kung paano kontrolin ang tangke.

Nakahinga ako ng maluwag sa nakita at pinindot ang isang pindutan kaya nabuhay ang makina ng tangke. Mas lalong lumakas ang pagtama ng bala sa tangkeng sinasakyan ko nang magsimula ko itong paandarin.

Biglang lumabas ang isang mapa sa gilid ng mata ko at sa aking hula ay ito ang mapa ng base nila. Sa pinakang-dulo ay ang kinaroroonan ng missile.

Napatango ako at kaagad na kinontrol ang tangke patungo sa direksyong iyon. Hangga't buhay pa ang tangke, ligtas kong mararating ang kinalalagyan ng missile.

Nakakalungkot lang isipin na otoridad pa ang kalaban ko sa pagligtas sa mga mamamayan. Itong mga taong may pinag-aralan pa ang mga nagtatangkang kumitil sa aking buhay upang mapigilan ang binabalak ko. This is so irony. Really far from what it should be.

Napangisi ako nang makitang malapit na ako sa lugar na kinalalagyan ng missile. Napasulyap ako sa oras at tanging 1080 na lang ang natitira. Medyo hapit na sa oras pero dapat kayanin. Napakapa ako sa controller ng biglang tumigil ang tangke. Paulit-ulit kong sinubukang pagalawin muli ang tangke pero nabigo ako. Bigla ang paggapang ng kaba sa buong pagkatao ko.

Biglang nabawasan ang mga bumabaril sa akin kaya napalunok ako. Paniguradong hinihintay na lamang nila na lumabas ako sa aking kinalalagyan. At alam kong alam nila na tumigil na sa pag-andar ang aking tangkeng sinasakyan.

Kinakabahan akong humawak sa bukasan ng tangke at bahagya itong binuksan. Narinig ko ang ilang sigaw ng mga sundalo sa akin.

"Sumuko ka na! Wala ka na ring kawala!"

"Lumabas ka na d'yan!"

"Hindi ka na makakatakas!"

Mariin akong napapikit at binuksan iyon ng malaki bago muling hinila ng malakas at sinarhan.

Ngumisi ako. "Wala kayong mauuto, mga duwag."

Humawak akong muli sa controller at kinontrol ang parang cannon ng tangke. Hindi ako pamilyar sa tawag dito. Kita ko ang pag-atras ng mga sundalo nang makita nilang itinutok ko sa kanila ang baril ng tangke. See fools? Kayo ang walang kawala.

Mabilis kong itinutok sa harapan ko ang baril ng tangke. Doon maraming nakapwesto at nakatutok ang baril sa akin. Kaagad namang nagsitabi ang mga sundalong nasa harapan ko kaya kaya pinalabas ko kaagad ang bala.

Napangisi ako lalo nang makitang ang lahat ng sundalo ay nagsitakbo na sa likuran ko kaya doon ko naman itinutok ang baril ng tangke. Kita ko ang panlalaki ng mga mata nila na kaagad tumakbo palayo.

Binuksan ko ng bahagya ang tangke at nagbato ng smoke granade upang maging malabo ang paligid nila ng pansamantala. Mabilis akong tumalon pababa sa tangke at tumakbo palapit sa missile spot.

I only have 325 seconds left.

Inilabas ko ang aking baril at pinaputukan ang kadenang naglolock sa kinaroroonan ng missile kaya kaagad ko itong nabuksan. Pagpasok sa loob ay mabilis kong sinarhan ang pinto at tumakbo sa controller ng missile.

201 seconds left.

Pinindot ko ang controller ng missile gamit ang nanginginig kong kamay. Napapakunot pa ang noo ko dahil hindi ko ito maactivate. Ngunit sa kabila nito, tila ba malamig na ang buo kong katawan at 'di nako makaramdam ng kaba.

109 seconds left.

Napasulyap ako sa pinto ng makarinig ng tumatakbong mga yabag. Kinakabahan akong mariing pumikit bago tumitig sa pinto. Pinilit kong kontrolin ang pinto na huwag bumukas kahit na ano pa ang gawin dito.

86.

Ramdam ko ang pagsakit ng ulo ko dahil sa matinding paggamit ng kapangyarihan. I guess using my power too much causes severe pain on the head.

63.

Nang maayos ang setting ng missile ay kinakabahan kong pinindot ang ACTIVATE. Bahagya akong napangiti ng makitang activated na ang missile.

23.

Napaluhod ako sa sobrang sakit ng ulo habang pinipilit pa rin na kontrolin na huwag bumukas ang pinto habang ang missile ay kumukuha pa ng bwelo.

13.

Umapoy na ang pwetan ng missile at mabilis na lumipad. Mula sa bumukas na bubong ay pumasok ang tubig ng ulan kaya lalo akong nabasa. Ganunpaman, bawat lamig na nararamdaman ko sa aking katawan ay parang sumisimbolo ng kaligtasan. Napatitig ako sa missile na lumalayo na sa akin at napangiti.

4.

Tuluyan ko ng nabitawan ang kontrol sa pinto. Napayuko ako ng hinang-hina habang patuloy pa rin ang ulan sa pagbuhos.

3.

"Sumuko ka na!"

Napapikit ako habang pilit na tumitingala. Nakita ko ang napakaraming sundalo na nakatutok ang baril sa akin. Mapait akong napangiti bago dahan-dahang itinaas ang kamay.

2.

"I-I'm surrendering myself now, officers. I'm done with my w-work."

Napatingala kaming lahat nang makarinig ng pagsabog sa taas kasabay ng pagtigil ng ulan. Napangiti ako bago tuluyang nawalan ng malay.

1.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status