Ayesha’s POV
Ilang araw ang lumipas at water splash festival na. Ang event kung saan nagbabasaan ang mga tao. That’s one of the best event here at Monstrous Academy, dahil bukod sa malaya kang basain ang kahit na sino ay after noon ay may party kinagabihan kung saan mamimili ang organizer ng prince and princess of the night. Sana nga lang ay si Liam ang maging date ko sa party na iyon dahil may dinner date ang kung sino mang mananalo.Nakakahalata na ako pero ayoko na lang masiyadong isipin. Sana lang talaga at mali ang hinala ko na may gusto si Liam kay Rain.“Beb, gising na,” Tinapik ko si Rain at agad naman itong nagising. “Mag asikaso na tayo, malapit nang magstart 'yung water splash festival.”“Anong oras na ba?” Tanong niya nang bumangon at magkusot ng mata.“10:00 a.m.” Tipid kong sagot habang tinatali ko ang buhok ko. Maya-maya lang ay tumayo na rin siya at dumiretso sa banyo para mag-asikaso.Hindi naman nagtagal ay“Tingin mo ba maniniwala ako? Ibaba mo na ako.” Sapilitan akong umalis sa pagkakabuhat niya inayos ang sarili bago nagmadaling bumalik ng dorm para maligo. Alam ko namang pinagtitripan lang ako ng lalaking iyon. Sanay na sanay na ako sa mga panggagago niya sa akin. I’m not going to fall for it, not again.Inis kong binuksan ang pintuan ng kwarto namin ni Ayesha ngunit laking gulat ko na lang nang makita ko si Thunder. Umaakyat lang naman siya sa balkonahe gamit ang sangang malapit doon.“H-hoy! Anong ginagawa mo?!” Tanong ko nang lapitan ko siya. Hindi niya ako sinagot at basta na lang pumasok ng kwarto. “B-bawal ka dito! Lumabas ka!”Pilit ko siyang tinutulak palapit sa pintuan pero masiyado talaga siyang malakas kaya hindi man lang siya gumalaw nang itulak ko siya.Ano bang ginagawa niya rito?! Sino ba siya? Si Naruto at halos sabay lang kaming nakarating dito kahit mas nauna akong umalis? Saka bakit ba kasi nandito itong kumag na ito?!“Pwede ba
Dalawang araw ang lumipas mula nang mangyari ang party and so far ay wala namang mali sa paligid, maliban na lang sa sarili ko.Oo may mali sa akin, mula kasi noong gabing iyon ay hindi ko na maalis si Thunder sa isipan ko. Para siyang tumor na bigla na lang tumubo sa utak ko nang walang pasabi.Gusto niya akong protektahan? Dahil lang sa salitang iyon ay hindi ko na maalis sa isip ko kung totoo ba talaga ang sinabi niyang may gusto siya sa akin o baka way niya lang iyon para pagtripan na naman ako.“Ulaaaaaaaaaan!” Sigaw niya sa akin. Bakit kasi siya pa ang naging kagrupo ko ngayon?!“Sinabi ko nang wag mong tatagalugin ang pangalan ko, eh!” Sinamaan ko siya ng tingin pero ngumiti lang siya. Hindi ko alam kung ano ang nangyari pero simula din noong gabing iyon ay nag-iba na siya sa akin.“Eh bakit kasi lutang ka?! Kanina pa kita kinakausap. Sino bang iniisip mo?!”“IkaㅡYung activity!”“Excuse me Mr. Cross and Ms. Celvero. Hindi lang
“Ano?” Iyon lang ang nasabi ko matapos mag-sink in sa utak ko ang sinabi niya. Oo keen ako, pero hindi gumagana ang utak ko sa ganitong sitwasyon. Napahawak na lamang ako sa dibdib ko dahil sa sobrang bilis ng pagtibok noon.“Let’s talk some other time. 'Yung tayong dalawa lang.” Sabi nito habang nakatingin sa ibang direksyon. Sinundan ko kung saan siya nakatitig at nang lumingon ako, nakababa na ulit si Thunder. May hawak siyang papel at ballpen.“Rain tara.” Aya niya sa akin at agad naman akong lumapit doon kung saan sila nakapwesto. Nagkumpulan kaming anim na para bang isa kaming team ng basketball at ang nagsisilbing coach ay si Thunder.“Ganoon ba talaga kaseryoso ang gagawin natin?” Hindi ko naiwasang itanong, dahilan para bigla na lang akong pitikin ni Matthew sa ilong “Aw! Ang sakit no'n, ah!”“Saglit, kausapin ko lang si Rain,” Sabi nito at bigla na lang niya akong hinatak palayo doon sa apat.“Bakit?” Tanong ko nang sa wakas ay kami na la
“Thunder,” Tawag ko at saka marahang tinanggal ang mga kamay niyang nakapulupot sa baywang ko. Mabuti na lang ay hindi pa sinagot ni Ayesha ang phone kaya kinansel ko muna iyon. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa mga oras na ito ngunit kahit ganoon ay dahan-dahan ko pa rin siyang hinarap."Why?" Mahinang tanong niya nang magtama ang paningin namin. Nakakatunaw ang tingin na binibigay niya sa akin.“Hindi ko alam kung pinagtitripan mo lang ako o ano pero gusto kong magpasalamat. Salamat sa tulong na ginagawa mo para sa'kin. Masaya ako kasi nakikita kong unti-unti kang nagbabago, pero ayoko kasing umasa. I mean ayokong maniwala sa sinabi mo ngayon lang at isa pa, may girlfriend ka.”“I understand...but I really mean it, and Rain. Wala akong girlfriend, Emerald is just a past time, that's it.” Sabi nito at bahagya lang akong ngumiti at saka ipinagpatuloy ang pagtawag kay Ayesha. Hindi ko na alam ang gagawin kay Thunder. Hindi ko alam
Sabado ngayon, mabuti na lang at naiintindihan ako ni Ayesha. Gustong gusto kong sabihin sa kanya ang mga nangyayari pero sa ngayon, ako at ang dark lang muna ang pwedeng makaalam sa nangyayaring misteryo rito sa Monstrous.“Beb, saan ka tutuloy ngayong weekend? Gusto mo sa bahay ka na lang?” Tanong ni Ayesha habang iniimpake ko ang pang-dalawang araw kong gamit. Hindi ako pwedemg mag-stay sa dorm ngayong weekend dahil kailangan kong magdoble ingat.“Hindi na Beb. May kakilala naman akong mapagtutuluyan,eh.” Sabi ko nang buhatin ko ang bag ko at iiwas ang tingin sa kanya. Nagsinungaling na naman ako.“Sig, Beb. Mauna na akong umalis, ah? Mag-ingat ka." Hinatak ko siya para yakapin at saka bumeso sa isa't isa. Matapos noon ay nagmadali na akong lumabas papunta sa gate ng campus kung saan naghihintay si Thunder ngayon.Katulad ko, nagdodoble ingat din ang Keen’s org kaya hindi nila ako pwedeng basta-basta kunin o huntingin dahil masiyado ng obvious iyon.
Kasalukuyan akong nakatunganga sa classroom. Mabilis lang lumipas ang araw kaya naman balik pag-aaral na ulit kami. Wala rin naman masiyadong kaganapan habang naroon ako sa apartment ni Thunder. Kain, tulog, basa ng libro at nuod ng T.V, iyon lang ang ginawa namin noong weekend.“Tymee. Okay ka lang?” Tanong ko nang mapansing tahimik ito. Kagrupo ko siya ngayon sa activity kasama si Jasper, Matthew at Axel.“Ah oo, may iniisip lang ako. Sorry.” Paghingi niya ng tawad. Magsasalita pa sana ako ngunit bigla na lang siyang tumakbo palabas ng classroom, dahil doon ay nagkatinginan kaming apat nila Matthew.“Anong nangyari do'n?" Tanong ni Matthew sa amin. Nagkibit balikat lamang ako at saka ibinaling ang atensyon sa papel na hawak ko.“Apat na lang tayo ngayon, wag niyong sabihin na sa akin niyo iaasa ‘tong paggawa ng essay?” Tanong ko sa tatlo pero parang nananandya sila dahil bigla bigla na lang silang nag-usap
“Paano mo nasabi na hindi suicide ang nangyari?” Tanong ni Axel habang naglalakad kami papunta sa likod girl’s dormitory. Agad ko namang inabot sa kanya ang telang hawak ko.“Napulot ko ‘yan kanina malapit sa kama ko. Hindi ka ba nagtataka? Malapit sa balkonahe ng kwarto namin 'yung pagkakatali ng lubid sa sanga ng puno. Alangan naman gumapang pa si Devon papunta roon. Eh di sana sa mismong balkonahe na lang niya sinandal 'yung hagdan.” Paliwanag ko at mukhang nagegets naman ni Axel ang sinasabi ko.Pagdating namin sa likod, nasa ibaba na ang katawan ni Devon. Sinusuri na ring maigi ang katawan niya.“Bawal kayo rito” Sabi ng isang pulis nang harangan niya ang daan namin.“Kailangan kong makita 'yung katawan. Baka may maitulong ako.” Sabi ko pero hindi pa rin ako pinadaan noong pulis.“Sinabing hindi pwede.” Balak pa sana akong hawakan ng lalaking iyon ngunit mabilis akong nahatak ni Axel palayo.“Don’t touch her.” Madiin nitong saad. Hinawakan ni
Ayesha’s POVBreaktime na at wala na naman si Rain. Pakiramdam ko talaga ay nalalayo na ako sa kanya. Madalas siyang busy nitong mga nakaraang araw at hindi rin niya sinasabi sa akin kung saan siya nagpupunta.Napabuntong hininga na lamang ako at pinagpatuloy ang pagkain ng mag-isa. I miss the old days.“Alone?” Tanong ni Jin nang maupo ito sa harapan ko. Kapansin-pansin naman ang pasa sa mata niya kaya hindi maiwasang magsalubong ang pareho kong kilay.“Anong nangyari? Bakit may black eye ka?” Balik tanong ko habang pilit niyang itinatago ang mukha niya. Seriously? I already saw it.“Napaaway lang ako.” Tipid na sagot nito kaya tumango na lamang ako but I didn't expect na darating din si Liam na may sugat sa gilid ng labi.Gusto ko sana siyang tanungin ngunit hindi ko nagawa dahil tumayo si Jin at nagharapan silang dalawa na tila magsusuntukan pa yata. Are they serious? Right in front of me?“Yesha. Una na ko.” Biglang paalam ni Jin at saka na