LaurenNasa kalagitnaan na ako ng panonood ng SpongeBob ng biglang lumabas mula sa dining area si Lavine. Nakangiti ito na lumapit sa akin. "Lauren halika na, tapos ko na ma prepare ang lahat. Kain na tayo." Pag aaya nito sa akin sabay hawak ng kamay ko at hinila na ako pa puntang dining room nito. Hindi naman na ako nakapag react pa dahil sa pagkagulat ng biglang pag hila nito sa akin. Kaya nag patangay na lang ako dito at hindi na nag reklamo pa. Nang makapasok na kami sa kusina ay medyo napahinto ako sa paglakad ng bumungad sa akin ang ayos ng table nito. Nakapatay na ang ilaw at ang nagsi silbing liwanag na lang dito ay ang candle na nasa table ngayon. Napakaganda ng pag kakaayos niya. Kung titignan mo nga ay parang sa isang magkasintahan na may special dinner date ang ayos nito ngayon. Although nakita ko naman na ito kanina nung bigla ko siyang pinasok dito para sana tumulong kaya lang nga ay nagalit diba siya at kaya na raw niya yun. Nagtataka na binalingan ko ng tingin
LaurenNang sagutin ko na ang tawag ay bigla akong natigilan ng marinig ko kung kaninong boses ito. Sa way pa lang ng pag sasalita nito ay kilalang kilala ko na siya. At mas lalo na akong di nakapag salita sa mga pinag sasabi nito at gusto nitong ipagawa sa akin ngayon. Tsaka halata ko din sa boses nito na parang galit siya. At kailangan ko ng makapunta agad sa bahay nito sa loob lang ng 30 minutes. Hello ang layo kaya ng bahay niya dito kila Lavine. Bakit ba ura urada na lang kung makapag utos ito at sa ganitong oras pa talaga ako pinapapunta nito sa bahay niya. Hindi man lang makapag hintay kinabukasan. Kung kailan naman gabi na eh saka siya magpapamadali nyan. Balak niya ba akong madisgrasya dyan sa pag mamadali niyang makapunta kaagad ako sa kanya. Ano ba kasi ang kailangan ng matandang ito at ganito na lang siya ka eager na makita ako. Nag bigay pa talaga ng oras ha. Hindi na rin ako nakapagsalita pa dahil binaba nito kaagad ang tawag ng masabi niya sa akin ang mga gusto niy
Lauren"Magandang gabi po Ma'am Camela." Pang uulit ko na bati dito. Paano naman kasi hanggang ngayon ay di pa rin ito nag sasalita. Nakatingin lang sa akin ng masama na para bang may ginawa akong kasalanan dito. Ano pa nga ba ang aasahan ko dito kay Ma'am? Eh ganyan na yan ever sense. Walang araw yata na good mood ito sa akin eh. Hays ang hirap talaga ispelengin ni Ma'am Camela. Akala mo laging may dalaw ang sungit na di mo ma gets ang ugali. Dapat talaga dito mag ka jowa na at ako dapat yun para naman mabawasan ang pagka maldita nito. Baka lang kasi stress ito di ba at kailangan lang ang lambing ng isang cute na si Lauren. Hayst kawawa talaga ako dito kung magiging asawa ko ito pag pinalad na mapaibig ko ang pinsan ni satanas na ito. Pero kahit na ganyan ang ugali nyan. Siya pa rin ang number one sa puso ko. Hindi naman ako na tu turnoff sa ugali nito. Mas hot pa nga siyang tingnanng ganyan pag nag mamaldita na siya. May lahi yatang magnanakaw ito eh. Paano naman kasi ninakaw
LaurenNang masagot ko ang mga tanong nito sa akin ay kita ko ang pag ngiti nito ng palihim. Pero nahuli pa rin iyon ng matalas kong mga mata. Bakit parang pakiramdam ko ay interrogation ito ng isang mag jowa na nag hihinala na may kabit ang isa. Kasi kung titingnan talaga eh ganun ang suma total nito eh. Huwag siyang ganyan sa akin at baka hindi niya mapanindigan pag ako na ang kumilos sa kanya. Baka biglang magkalaman ang tiyan nya ng wala sa oras. Lalo pa at kanina pa naka rise itong si little Lauren sa kanya. Sobrang pag pipigil lang ang ginagawa ko kaya huwag siyang mag ki kilos ng ganyan. Ako pa ang hinamon niya. Baka mabutasan ko siya ng wala sa oras. Mahina pa naman na ang pagpipigil ko. Kaya nga gusto ko ng umalis kaagad dito sa harap niya eh. Maya lang ng di pa rin ito nagsasalita ay umimik na ako. "Ma'am Camela, pwede na po ba akong umuwi?" Pagtatawag pansin ko dito. Paano nakatingin lang ito sa kawalan na para bang malalim ang iniisip niya. Iniisip siguro nito kung
LaurenNang masabi ko ang salitang iyon ay bigla itong tumigil sa pagwawala niya. At tinignan ako ng nanunuri na para bang hinahanap doon ang sagot kung nag sasabi ba ako sa kanya ng totoo o hindi. "Pakiulit mo nga yang sinabi mo Fortalejo. Medyo hindi ko kasi narinig masyado at gusto ko makasiguro kung tama ba ang pag kakarinig ko. Mahirap naman na mag assume ako kaagad pero iba naman pala ang ibig mong sabihin." Matiim na sabi nito sa akin na titig na titig ngayon sa mata ko.Pero may nakikita na akong kislap sa mata nito at tuwa na para bang natuwa ito sa aking sinabi sa kanya. Tinitigan ko rin naman ito at seryoso at nag sabi dito. " Tama ka ng narinig Ma'am Camela, mahal po kita kaya ikaw lang ang papayagan ko na humalik sa akin. Wala na akong ibang gusto na mag may ari sa akin kundi ikaw lang mula ng una kitang makita ay binihag mo na kaagad ang puso ko kaya naman nangako ako sa sarili ko na sayo lang ako. Sana naman maniwala ka sa mga sinasabi ko sayo" Seryoso na sabi ko dito
LaurenNang makalayo na sa akin ito ay nag salita ulit si Ma'am Camela. "Gusto ko pag usapan natin kung ano ang mayroon tayo ngayon Fortalejo. Hindi pwede na ganito lang tayo na walang label eh nagka aminan naman na tayo. Nakarami ka na rin ng halik sa akin hindi naman pwede na ganun na lang yun basta. At bago ka pumunta dito ay nakapag desisyon na ako. Ayaw ko ng mag paligoy ligoy pa. Mula sa araw na ito girlfriend na kita sa ayaw mo man o sa gusto. May reklamo ka ba doon ha Fortalejo?" Tanong nito sa akin at matiim ngayon na nakatingin ito. Awang lang naman ang bibig na nakatingin lang ako dito. Seryoso ba talaga siya sa sinasabi niyang yan? Baka naman naka drugs ito tapos kung mausawan na ay biglang bumalik sa katinuan niya at itatwa ako na girlfriend ko ito. OMG totoo ba ito na siya na ang nag insist na kami na sa ayaw ko man o sa gusto. Paano pa ako makapagsalita pa dito ay halos hindi kayang e process ng utak ko ang mga nangyayari na ito. Ganito ba talaga itong si Camela ? M
Lauren"Talaga? Liligawan mo pa rin ako kahit tayo na? Hindi mo naman na kailangan gawin yun eh paramdam mo lang sa akin kung gaano mo ako kamahal ay sapat na sa akin yun Lauren. Mas mahalaga sa akin yun kaysa sa mga materyal na bagay dyan. " Nakangiting baling naman nito ng tanong sa akin.Makikita mo sa kislap ng mata nito na natuwa siya sa aking sinabi. Sabagay sino ba naman kasi ang hindi matutuwa sa bagay na yun kung liligawan ka pa rin ng mahal mo kahit na ba kayo na nito. Pero kahit sabihin nito na huwag ko na siyang ligawan at paramdam ko na lang na mahal ko siya ay gagawin ko naman talaga lahat yun eh. Tsaka hindi naman ako mag bibigay dito ng bagay na hindi ko pinag hirapan. Hindi ako ang klase ng tao na mahilig lang mag pa empress. "Opo Ma'am Camela, liligawan pa rin kita kahit na girlfriend o maging mag asawa na tayo. Dahil ikaw lang po ang mahal ko at gusto ko maramdaman mo na mahal na mahal po kita at hindi ka magsisi na ako ang pinili mo. " matapat na sabi ko dito sab
LaurenKinabukasanNapaaga masyado ang gising ko ngayon. Paano ba naman kasi e sobrang excited akong pumasok sa school. Paano makikita ko naman kasi doon ang ehemmm girlfriend ko na ngayong si Camela. Hayst ang swerte ko talagang tao. May magulang ako na super supportive sa akin tapos ngayon yung pinapangarap ko lang noon at tinatanaw sa malayo eh girlfriend ko na ngayon. Halos ayaw ko na ngang umalis sa bahay niya kagabi eh. Kung di lang ako pinanlakihan na nito ng mata ay baka doon na ako natulog. Gusto ko pa sana sulitin na mayakap ito eh. Pero ano magagawa ko eh pinauwi na ako ni Kumander. Mahirap naman ma magalit na kaagad ito sa akin dahil lang doon. Balak ko pa naman na makitulog na lang sana sa bahay niya, wala naman kami gagawin na iba eh. Gusto ko lang na hawak ang kamay nito ang sarap kasi sa feeling yung katabi mo siya matulog sobrang nakaka relax kaya yun. Pero baka nga maiilang lang ito sa akin kapag pinilit ko pa ang gusto ko. Sa mga susunod na mga araw or buwan sigu