"Oo naman, bro. Hindi naman ako magdadala ng babaeng malikot ang kamay at hindi mapagkakatiwalaan. Wala pa akong pinaligaya sa kama na babae na malikot ang kamay, 'no? Malikot lang ang kamay kapag nagse-sex kami ngunit hindi sa kahit anu-anong bagay na puwedeng kunin. Alam mo na kung ano ang ibig kong sabihin, bro. Anyway, thanks for allowing me with that," sagot ni Marcus sa best friend niya na nakangiti.
"Dapat lang, bro. You're always welcome," nakangisi pa ring tugon ni Ivan sa kanya. "Ikaw na bahala sa prinsesa namin." "Yeah. Your princess will be treated as special as the royal family. Ako na ang bahala sa kanya. She's safe with me." May pinag-usapan pang ibang bagay ang mag-best friends na sina Ivan at Marcus bago natapos ang kanilang pag-uusap sa kabilang linya. Matapos ang pag-uusap nilang 'yon ay natulog na silang parehas. Inaantok na kasi sila kaya natulog na sila. Kinaumagahan nga ay sinabi kaagad ni Ivan sa kapatid niya na si Divine na sasamahan siya ng kaibigan nito na si Marcus sa bahay nila habang wala siya at nasa Singapore kasama ang boss niya. Muntik na ngang mabilaukan si Divine sa sinabing 'yon ng kapatid niya sa kanya. Nanlaki pa ang mga mata niya. "A-Ano po? Si Kuya Marcus po ang makakasama ko dito sa bahay habang wala ka po?" tanong ni Divine sa kanya na biglang bumilis ang tibok ng puso. Her brother gave her a quick nod before he speaks to her again. "Oo, bunso. Ang best friend ko na si Marcus muna ang makakasama mo habang wala ako dito sa bahay. Magkakilala naman kayong dalawa, 'di ba? Pumayag naman nga siya na samahan ka para may kasama ka na magbabantay sa 'yo at masigurado na ligtas ka dito sa bahay. Mapagkakatiwalaan naman ang best friend ko na si Marcus kaya wala kang kailangan na problemahin sa kanya. Siya na muna ang bahala sa 'yo habang wala ako at magiging kuya mo. Hindi ka mag-iisa dito sa bahay dahil may makakasama ka kahit wala ako. Babae ka, bunso. Hindi puwedeng mag-isa ka lang talaga dito sa bahay kaya gusto ko na may kasama ka. May kasama ka na nga next week kahit wala ako. Magiging panatag ang loob ko dahil may kasama ka dito sa bahay. Hindi ka mag-iisa..." paliwanag ni Ivan sa kapatid niya. "S-Sige po, Kuya Ivan," mahinang usal ni Divine sa Kuya Ivan niya. Wala na siyang sinabi pa ng kung ano dito. Wala na rin naman siyang magagawa pa sapagkat nasabihan na nito ang best friend niya na si Marcus na matagal na niyang gusto. She can't believe that the man he secretly loved will stay with her next week. Ito ang makakasama niya habang wala ang Kuya Ivan niya. Her brother Ivan nods his head. Napansin ng Kuya Ivan niya ang pananahimik niya kaya nagsalita ito muli sa kanya. Nakanguso rin siya habang pinag-uusapan nilang dalawa 'yon. Dapat sana ay matuwa siya na makakasama niya ang lalaking matagal na niyang gusto ngunit hindi. Kinabahan siya sa hindi niya malaman na dahilan. Kahit papaano ay may tuwa rin ngunit mas nangingibabaw ang kaba at takot na silang dalawa lang ni Marcus na lalaking gusto niya na pantasya pa niya ang magkasama simula next week sa bahay nila. "Ayaw mo ba na kasama ang Kuya Marcus mo, bunso?" tanong nito sa kanya. Nanlaki pa ang mga mata ni Divine sa tanong na 'yon ng Kuya Ivan niya. "H-Hindi po, Kuya Ivan," mabilis na sagot ni Divine sa kanya. "A, talaga ba?" "Opo. Bakit mo naman po natanong ang ganoong klaseng tanong, Kuya Ivan?" tanong rin ni Divine sa kanya. Parehas silang dalawa na magkapatid tumigil sa pagkain ng kanilang agahan. He sighed first. "Napansin ko kasi na nakanguso ka, eh. Hindi ka natutuwa na may kasama ka pa rin next week kahit wala ako. Dapat ay matuwa ka, bunso. At saka natahimik ka kaagad na para bang wala lang. Kaya naisip ko na baka ayaw mo na kasama simula next week ang best friend ko na si Marcus," paliwanag ni Ivan sa kanya. "Hindi naman po ayaw ko, Kuya Ivan. Natural naman po sa akin ang pagnguso, 'di ba? At saka wala naman pong dapat na ikatuwa. Ganoon pa rin naman po, eh. Pumalit lang naman siya sa 'yo bilang kasama ko, Kuya Ivan," pagdadahilan ni Divine sa kapatid niya kahit ang totoo ay may ibang rason talaga siya. "Sigurado ka ba sa sinasabi mo?" paniniguradong tanong pa nito sa kanya. "Opo," sabi niya. "Siguradong-sigurado po ako." Pinagpatuloy na lang nilang dalawa ang kanilang kinakain matapos 'yon. Naiwan muli si Divine sa bahay nila dahil pumasok na sa trabaho ang Kuya Ivan niya. Laman ng kanyang isipan ang tungkol sa nalaman niya sa kuya niya na ang makakasama niya next week ay walang iba kundi ang best friend nito na si Marcus na matagal na niyang gusto. Hindi talaga siya makapaniwala sa nalaman niyang 'yon. Kinakaban siya. Hindi lang siya kinakabahan kundi natatakot rin siya. Hindi niya alam kung ano ang puwedeng mangyari sa kanilang dalawa next week na silang dalawa lang ang magkasama sa bahay nila ng Kuya Ivan niya. Gusto niyang may makausap dahil mag-isa lang siya sa bahay nila kaya naisipan niya na tawagan ang isa sa mga kaibigan niya na si Janna na nasa bakasyon pa ngayon kasama ang pamilya niya. Mayaman kasi ang kaibigan niya na si Janna. Sinagot naman kaagad ng kaibigan ni Divine na si Janna ang tawag niya. Nagkumustahan silang dalawa. Kinukuwento ni Janna ang nangyayari sa pagbabakasyon niya kasama ang pamilya niya kaya kahit papaano ay hindi maiwasan na mainggit ni Divine. Gusto rin niya na magbakasyon. Mahigit isang taon ang nakalilipas nang magbakasyon silang dalawa ng Kuya niya sa ibang bansa. Hindi na nasundan 'yon dahil abala ito sa trabaho. Hindi pa siya guma-graduate ng magbakasyon sila, eh. "Mabuti ka pa ay nakakapagbakasyon kasama ang pamilya mo, bes. Ako kasi ay hindi na, eh. Si Kuya Ivan na lang ang puwedeng makasama ko dahil wala na ang mga magulang namin. Gusto ko rin na magbakasyon kaso nga lang ay abala si Kuya Ivan sa trabaho. Wala siyang oras para sa bagay na 'yon kaya nakakainggit ka, bes. Mahigit isang taon na ang nakalilipas nang huli kaming magbakasyon sa ibang bansa," nakangusong sagot ni Divine sa isa sa mga kaibigan niya na si Janna. "Huwag kang mainggit, bes. Magkakaroon rin ng oras o panahon ang Kuya Ivan mo na magbakasyon kayo soon. Magtiwala ka lang talaga," sabi nito sa kanya sa kabilang linya bilang sagot. "Sana nga, bes. Sana nga ay magkaroon siya ng oras o panahon para sa bagay na 'yon. Next week nga ay lilipad siya patungo ng Singapore kasama ang boss niya. Mananatili siya doon ng isang buwan," kuwento ni Divine kay Janna. "Oh, really?" "Yeah." "Paano n'yan, bes? Ang sabi mo lilipad next week ang Kuya Ivan mo patungong Singapore kasama ang boss nito at mananatili ng isang buwan, so paano ka n'yan? Wala kang kasama sa bahay n'yo. Mag-isa ka d'yan simula next week. Mabuti pumayag naman ang Kuya Ivan mo na mag-isa ka lang sa bahay n'yo. Alam mo naman ang Kuya Ivan mo. Napaka-overprorective sa 'yo. Himala kung ganoon nga na—" Hindi na pinatapos na magsalita ni Divine ang kanyang kaibigan na si Janna sapagkat nagsalita na siya. Mas importante ang sasabihin niya dito. "May kasama ako sa bahay kahit wala si Kuya Ivan next week, bes," sabi niya sa kaibigan niya sa kabilang linya. "Huh? Paano? Sino ang kasama mo simula next week na wala ang Kuya Ivan mo?" tanong ni Janna kay Divine.Nagawa pa rin ng dalawa na patawarin si Ivan ngunit hindi sa araw na 'yon na pumunta ito sa mansion. Lumipas muna ang ilang buwan bago nagawang patawarin nilang dalawa ito. Naging mag-best friends muli ang dalawa matapos 'yon. Lumalaki na nga ang tiyan ni Divine. Nalalapit na rin siyang manganak. Lalaki ang isisilang niya sa susunod na buwan. Excited na excited na talaga ang mga magulang ni Marcus. Ito nga ang bumili ng magiging damit at gamit ng magiging anak nilang dalawa kaya wala silang ginastos ni Marcus. Hinayaan naman nila ang mag-asawa dahil ito ang nagpresenta. Maging silang dalawa ay excited na rin na makita ang bunga ng pagmamahalan nila. May halong kaba at takot si Divine dahil wala pa naman siyang karanasan sa panganganak. Natatakot kasi siya na baka hindi normal ang panganganak niya kagaya ng ibang mga babae.Sa mansion pa rin si Divine nakatira kahit nagkaayos na silang dalawa ng Kuya Ivan niya. Bihira itong pumunta sa mansion para bisitahin silang dalawa ni Marcus dahi
Five days later..."May gusto sa 'yong kumausap, honey," wika ni Marcus pagkapasok niya sa kuwarto nilang dalawa ni Divine. Kumunot ang noo ni Divine sa sinabing 'yon niya."Huh? May gustong kumausap sa akin? Sino naman, honey? Nasaan ang gustong kumausap sa akin?" tanong ni Divine sa kanya."Nasa baba ang gustong kumausap sa 'yo, honey. Hinihintay ka niya," sabi nito na hindi sinasabi kung sino nga 'yon na taong gusto siyang makausap."Sino? Sino ang gustong kumausap sa akin, honey? Mga kaibigan ko ba? Si Janna ba?" sunod-sunod na tanong ni Divine sa guwapong boyfriend niya."Hindi sila. Hindi mga kaibigan mo ang gustong kumausap sa 'yo, honey," sagot nga ni Marcus sa kanya na mas lalong ikinakunot ng noo niya."Ano? Hindi ang mga kaibigan ko? E, kung hindi ang mga kaibigan ko ay sino naman, honey? Sino ang gusto na makausap ako, huh?" tanong ni Divine sa kanya.Huminga nang malalim si Marcus bago nagsalita sa kanyang muli."Gusto ka makausap ng Kuya Ivan mo, honey. Nasa baba siya. H
Binisita muli ni Divine ang puntod ng mga magulang niya kasama ang boyfriend niya na si Marcus sumunod na hapon kung saan wala itong ginagawa. Kung abala naman nga ito ay hindi naman niya ito yayayain na pumunta sila sa sementeryo para bisitahin muli ang mga magulang niya.Habang kaharap ang puntod ng mga magulang niya ay sinasabi niya dito ang nangyayari sa kanilang dalawa ng Kuya Ivan niya lalo na ang mga nalaman niya na hindi talaga niya inaasahan. Inamin niya rin na galit at masama pa rin ang loob niya sa Kuya Ivan niya. Mahigit isang oras silang dalawa ni Marcus doon sa sementeryo. Hapon na rin naman kaya hindi na masyadong mainit pa. Ang sarap-sarap nga ng simoy ng hangin at napakatahimik sa lugar na 'yon. Silang dalawa lang ang tao sa loob ng sementeryo na 'yon. Bago sila umuwi sa mansion ay nagtake-out na muna sila ng fried chicken dahil nagki-crave si Divine. 'Yung malaking bucket ng fried chicken ang in-order nila. Paborito kasi ni Divine ang fried chicken lalo na ngayon n
"Hindi lang sa atin naglihim ang kapatid ko kundi nagsinunggaling pa siya sa atin, honey. Hindi ako makapaniwala sa mga nalalaman ko na natuklasan mo. I never knew that he would do this. Pinaniwala niya tayong dalawa na totoo na kaya siya pumunta sa Singapore para sa trabaho niya at sa kompanya nila ngunit hindi naman pala. Magbabakasyon lang pala silang dalawa doon. Nakakainit ng ulo sa totoo lang, honey. Masasampal ko muli si Kuya Ivan kapag nakaharap ko siya dahil sa nalaman kong 'to mula sa 'yo. Siya lang naman pala ang marami ang tinatago pero kung makapagsabi siya sa akin ay pakiramdam mo ay ang bait-bait niya na walang ginagawang kalokohan. I'm so disappointed to him, honey. Mas Malala pa talaga siya sa ating dalawa," nadidismaya na sagot ni Divine sa boyfriend niya na si Marcus.Tumango-tango si Marcus pagkasabi niya."Sinabi mo pa, honey. Maging ako ay nadidismaya rin sa nalaman ko mula sa Kuya Ivan mo. I can't believe it. Hindi lang siya naglihim sa ating dalawa kundi ay nag
"Honey, may kailangan ka palang malaman," sabi ni Marcus kay Divine na girlfriend niya pagkarating niya sa mansion nila sumunod na gabi. Hindi pa nga siya nakakapagbihis ng damit na pambahay ay 'yon kaagad ang sinabi niya dito."Ano 'yon, honey?" tanong naman kaagad ni Divine sa kanya. "Ano'ng kailangan ko na malaman, huh?""It's about your brother, honey," sagot kaagad ni Marcus sa kanya. Kumunot ang noo ni Divine pagkarinig sa sinabing 'yon ng boyfriend niya na tungkol 'yon sa Kuya Ivan niya."What? It's about my brother? Seryoso ka, honey?" paniniguradong tanong pa niya dito.He shook his head and said, "Yes, honey. Tungkol sa Kuya Ivan mo na best friend ko ang sasabihin ko sa 'yo at wala nang iba pa. May kailangan kang malaman tungkol sa kanya.""Ano ba ang nalaman mo sa kanya, honey? May hindi pa ba ako nalalaman tungkol sa kanya?" tanong pa nga niya na nakakunot ang noo.Her boyfriend slowly nods his head and said, "Yes, honey. Meron pa talaga at kahit ako ay ganoon rin, eh. Nga
Naging masaya naman nga ang buhay ni Divine sa mansion kasama ang guwapong boyfriend niya na si Marcus. She was treated special there. Pinagsisilbihan siya nang maayos ng mga kasambahay. Binibigay sa kanya ang kung ano man ang naisin niya. Mas lalo pa nilang dalawa minahal ang isa't isa. Alam na rin ng kaibigan niya na si Janna kung nasaan siya ngayon dahil sinabi na niya dito lalo ang naging dahilan kung bakit siya umalis na sa bahay nila ng Kuya Ivan niya. Nalulungkot naman nga ang kaibigan niya na si Janna sa nalaman niya dahil tuluyan na talagang nagkalayo ang loob ng dalawang magkapatid. Gayumpaman ay umaasa siya na magiging maayos ang lahat sa tamang panahon. Umaasa siya na magkakabati ang dalawa lalo na magkapatid pa rin silang dalawa kahit ano ang mangyari sa mundo. "Kumusta ka maghapon dito sa mansion, honey?" tanong ni Marcus sa kanya pagkapasok nito sa kuwarto nilang dalawa. Kagagaling lang nito sa kompanya nila. Ginabi na ito ng uwi kasama ang daddy niya. May pasalubong