Chapter 22❤️If you can't find it, find it in your heart You may lose but at least you've tried"Basa na! Naiinlove ka na naman sakin." biro na naman ni Nyx kay Brandy nang saglit syang mapatanga sa lalaki.No comment na lang sya. Di naman sya mananalo. Tiningnan na niya ang librong hawak at binuklat yun. Walang laman pero puno ng pahina.Pinukulan nya ng masamang tingin si Nyx. "Are you fooling me, mahangin? Blangko to!" naiinis na inilapag niya ang libro sa see wall.Napahilamos ito sa mukha bago bumaba ng motor. Parang napipikon na ito sa kanya."Maanong magsabi ka na lang kung gusto mo akong tumabi sa yo. Dami mong excuse." anito at napilitan na kumilos palapit sa kanya pero kalmadong tambay pa rin ang dating.Dinampot nito ang libro at umupo sa tabi nya. At anong klaseng upo? Nakabukaka ito paharap sa tagiliran niya ang mahangin.At sya pa ang nailang talaga. Binuklat nito ang libro at maya maya ay natigilan na ito tapos tumingin sa kanya."What?" she asked.He dearl
Chapter 23 ❤️ One may never speak and may not even say i love you But the real score is he loves you more than those thousands of words in his thought. Prepare your army. This is a real battle Nyx. Tonight, 19:00 hours. I'll give you Ashimiro Yurinaki at Calamias island. This is the note Nyx received from Daniel Ynarez. Kinuyumos niya ang papel saka ipinag flush sa toilet. Saglit syang napaisip. Naitukod niya ang mga kamay sa pader saka sya yumuko. Ganito na ba kabilis ang lahat? Naduduwag ba sya? Hindi. Hindi sya pwedeng maduwag. Pero kung may isa syang kinaruruwagan ngayon, iyon ay dahil kay Brandy. Ang hirap yatang aminin pero walang pagkakaiba ang nararamdaman nito sa nararamdaman niya. Noong gabi na tinanggihan nya yung batang babae nang makarating sila sa hotel sa San Juan Greenhills, alam nyang doon nagsimula. Doon nagsimula ang karma sa isang Nyx. Alam niyang gusto talaga niya si Brandy. Hindi lang dahil sa maganda ito pero dahil nakita niya kung paano ito magmahal sa mg
Chapter 24---Maghapon ng naghihintay si Brandy pero wala pa rin si Nyx. Hindi pa nito alam na kasama sya sa meet up sa hapon na si Yurinaki. Hindi rin niya inaasahan yun at lalong nadagdagan ang nerbyos niya. Alam niya na si Yurinaki ang bagong anyo ng Jiro Tanaka at iba pang katauhan na iyon, na mastermind sa paggawa ng shabu.Kanina nang sabihan sya ng daddy niya ay nayakap niya ito nang mahigpit. Simula nang mabasa niya ang sulat nito ay kanina lang niya ito nalapitan. Wala silang usapan, basta yumakap lang sya sa ama na parang ang tagal nawala sa kanya.She even shed her tears. Di nya yun napigilan na huwag gawin. Mahal na mahal niya ang daddy niya at kahit hindi nya natukalasan ang totoong lihim na yun, hindi magbabago ang pagmamahal niya sa kaisa isang magulang na natitira sa kanya kahit pa kamatayan na lang nito ang pagsusungit sa kanya at pambabalewala.Napatingin sya sa pinto nang bumukas yun. Parang nahiya pa sya nang makita na daddy niya ang iniluwal nun. First time
Chapter 25❤️Walang kasing seryoso ang mukha ni Nyx mula nang sumakay sila sa chopper. Panay lang ang pisil niya sa kamay ni Brandy na hawak hawak niya habang ang utak niya ay lumilipad.Nag-iisip sya ng matino sa mga dapat niyang gawin kapag nagkagipitan. Hindi rin kasi niya alam kung nakanino ang loyalty ng mga tauhan ni Daniel Ynarez. Kung naroon ba o nasa pinaka ulo ng sindikato. Syempre doon yun sa makapagbibigay ng walang katapusang proteksyon. At kung pwede lang sana niyang sabihan ang mga ito na ituon ang concern sa matanda dahil kasangga siya ng mga ito, sana ay ginawa na niya. Pero hindi ganoon kadaling magsalita.Sugalan na iyon at buhay ang taya.He bit his lower lip. Saka sya bumuga ng hangin.Papalapag na ang chopper sa tabing dagat kaya sinulyapan na niya si Brandy na nakatingin naman sa labas.If you only knew that i love you more than those grinds of sand on the shore. Sana may pagkakataon pa na masabi nya yun dito pagkatapos ng misyon nya.Umiikot at paningin
Chapter 26❤️"Gusto ko sya makilala. Matagal ko sya di nakita." anang hapon na si Ashimiro kay Daniel na ama ni Brandy.Wala namang kangiti ngiti ang business tycoon pero napilitan magsalita."Sya na yun, ang kaisa isa kong anak. Si Brandy." anang matanda habang si Nyx ay parang inuutasan na ng hininga.Hinawakan na niya ang kanyang earpiece.Dumako ulit ang mga mata ng hapon sa dalagang nahihintakutan."Pinalaki mo na sya. Akin na sya." anitong walang kaabog abog habang nakabungisngis.Sira ulo!Tumingin sa kanya ang ama ni Brandy habang ang dalaga ay napaiyak na sa tabi niya.Tinanguan niya ang matandang lalaki.Pinindot niya ang aparato sa kanyag tainga."Now." mahinang usal niya kasabay ng pag-iling.Tiningnan pa sya ng hapon at tila may pagtataka sa mga mata nito. Nginisihan niya ang lalaki na para bang gusto niyang sabihin na naisahan niya ito.Nagbilang sya sa isip hanggang tatlo.One, two, three!Apat ang sunud-sunod na malalakas na pagsabog ang gumulantang sa
Chapter 27❤️You can't force yourself to love anybody else especially if your heart belongs to someone elseThree months later...Naglalakad si Brandy palabas ng building ng Ynarez Empire. Kung dati ay halos hubad syang modelo, ngayon ay hindi. She's the most classy lady boss and the most beautiful too.Nakatutok sa kanya ang mga mata ng lahat niyang empleyado. She's the new CEO of the company. She's kind but serious. Hindi sya halos umiimik pero mataray pa rin sya sa mga kalalakihan.Napilitan siyang pamahalaan ang kumpanyang iyon na ibinalik sa kanila ng gobyerno matapos na mapawalang sala ang kanyang ama sa kaso nito. Napakabilis ng paglaabswelto ng Daddy niya. He was endorses by Nyx and the book was found inside his locker. Napakalaki ng nagawa ni Nyx para mabago ang buhay nila, lalo ng kanyang ama. Halos araw-araw ang trial at minsan lang ang pahinga. Tinutukan na mabuti ang kaso ng Daddy niya at sa maikling panahon ay naabswelto rin kaagad. The justice system isn’t that bad
Chapter 28❤️Walang kagatol gatol na lumakad palapit si Brandy sa grupo ng mga lalaking yun na may mga kasamang babae, naghaharutan, naghahalikan.Nang malapit na sya ay eksaktong tumayo si Nyx mula sa kinauupuan habang hawak ang belt. Mukhang pupunta sa banyo ang taksil.Kinalabit niya ito nang hindi pa tumuloy sa banyo at nakipagdaldalan pa ng saglit, at nakipag halakhakan habang ang babae ay humawak sa braso nito kaya lalo syang nanggigil. Sasama yata sa banyo ang demonya!Pumihit ang binata."Yes? Do I know you?" tanong nito nang bahagya syang matingnan.Ah! Do I know you pala?"Oo!" aniya.At hindi sapak ang inabot nito mula sa kanya kundi suntok."Aray!" sigaw nito at nahawakan ang pisngi. Parang naalog pa ang ulo nito nang hindi napaghandaan ang suntok niya. Malamang kasi medyo lasing na ang herodes.Ouchy! Atungal ng isip nya dahil nasaktan ang kamay niya pero mas masakit ang kalooban niya.Saglit itong natigilan at tiningnan sya ulit. Napakunot noo ito. Naroon na
Chapter 29❤️Once you can't open your mouth to speak, remember that your eyes will always speak for you--Naiwan si Nyx na natitilihan. Kadarating pa lang nya kaninang umaga galing sa Mexico, Pagkatapos nyang magpagaling. Diretso syang sinundo mula sa airport ng mga kaibigan niya at dinala sa opisina and was awarded for a job well absolutely done, pero hindi niya alam. Isang mukha lang ang ipinakita sa kanya, mukha ng isang hapon na hindi rin niya halos maalala. Ang naaalala niya ay bomba o baka nga parte lang iyon ng panaginip.Wala siyang maalala na kung sino man kahit na mga katrabaho raw niya. He woke up in an unfamiliar place and had a headache, body pains and wounds.At naroon sila sa bar para mag celebrate pero sino ang makakapag celebrate kung may isang magandang babae na umiyak sa harap niya at sabihin na parte sya ng nakaraan nito?Hindi nga ba naman siya magiging speechless at maiiwan na nakatanga?Ano ba ang nasa isip nga niya? Binalikan niya ang alaala nang araw n