SC One❤Pamilyar kaagad kay Brandy ang pakiramdam ng pagkahilo at may kaunting dugo sa sanitary napkin niya. She's pregnant again, alam niya.Okay na rin naman kasi isang taon na mahigit si Sidney, isa pa eh hindi naman sya nahihirapan sa pag-aalaga dahil nandyan ang yaya niyang nagpalaki sa kanya. They're living with their Daddy na palagi namang wala at naglalagalag kung saan saang panig ng mundo.Sasabihin ba niya kaagad kay Nyx? Hindi na muna siguro. Baka kulit kulitin na naman syang magpa check up at kulang na lang eh itira sya sa ospital o sa clinic ng OB o kaya ay wag na naman syang papagkilusin. OA kasi ang asawa niya."O si Commander na maganda!" nakangising bati ni Zion sa kanya nang pumasok sya sa opisina ng mga ito.Nabago lang ang tawag sa kanyang Miss pero ang maganda, naroon pa rin. Si kumander na syang maganda ngayon. Maganda pa rin naman talaga sya kahit na may anak na sya. Still the same figure noong model sya. Why she can't be while She enrolled in a fitness cl
SC twoApat na araw na pero wala pa rin si Nyx. Nag-aalala na si Brandy at hindi na naman makontak ang asawa niya. Ganoon na ganoon din nung napunta ito sa U.S. Ang huling message niyang natanggap kay Nyx ay,Babe, di muna ako makakatawag at text. Please change your number. Please do okay. I love you so much.That was two days ago at ibang number ang gamit ng asawa niya. Di nya malaman kung maniniwala ba sya o hindi pero mukhang si Nyx nga iyon dahil unattended na ang totoong number nito. Alam niyang may mali na naman at baka malalaglagan sya kapag may nangyaring masama sa asawa niya.Ilang araw na nyang pinabubuntutan ang asawa niya. Simula pag-alis nito ay may hired investigator na sya na sumusunod kay Nyx. Duda sya sa sinasabi nito na maghahatid lang ng papers sa Alaminos Pangasinan. Mukhang may misyon na naman ang asawa niya na ayaw sabihin sa kanya.Tiningnan niya ang anak na naglalaro sa loob ng crib. They can't lose Nyx. Lalo pa ngayon na may baby na ulit sila.Napatingin
Chapter Three❤️Binayaran na ni Brandy ang detective na tumulong sa kanya. Sa loob mismo ng kotse sya nagpaturo kung paano ikakasa ang baril at ang bilin ay huwag hahawakan ang gatilyo kapag hindi ipuputok dahil baka raw aksidente na makalabit."Umuwi ka na Mr. Tarantado. Baka malaman ng asawa ko eh mapatay ka pa." aniya sa lalaki.Tumango ito. "Sige. Isa pa, Jace Mercado ang ginagamit na pangalan ng asawa mo sa hotel." pahabol nito.Jace Mercado? Bakit? Para hindi nya matunton kung sakali kaya nagpalit ng pangalan? Imposible naman na dahil may misyon. Paano magkakamisyon eh lantad na nga ang pagkatao?Gago lang?Napilitan syang tumango sa lalaki bago ito bumaba ng sasakyan. Pagka alis nito ay inihanda na rin niya ang sarili. Naduwal pa sya bago sya tuluyang makababa ng kotse. Mabuti na lang at hindi sya nahihilo. Naunahan na kasi niya ng mga vitamins noon pang nakaraang araw kaya wala syang gaanong maramdaman na pagkahilo at panghahapo. Meron, pero hindi katulad noong pagbubunt
Chapter Four❤️Nagkataon si Brandy paglipas ng ilang sandali na natapos ang mga gustong sabihin ni Nyx sa kanya. She was so wrong all this time. How can she ever thought of him having a mistress?"Hindi ko alam kung bakit ganito ako. Hindi ako ganito dati. I'm not afraid to be alone, I'm not afraid to die, I'm not afraid of anything." halos hindi niya matingnan ang asawa. Nahihiya syang mali mali ang takbo ng isip niya.Tapos ang bait bait pa rin nito sa kanya.Totoo nga lahat ng sinabi niyang yun. Pero bakit parang simula nang mahalin sya ni Nyx lahat ng tapang nawala sa kanya, laging may takot, laging nag-aalala? Dahil ba naranasan na niya kung paano magkaroon ng karamay sa buhay kaya takot syang mag-isa ulit at mabawasan ang mga kokonting taong nagmamahal sa kanya?Siguro nga. She was alone for almost twenty four years of her life, ayaw na nyang maulit pa yun.Sa sulok ng mga mata niya ay nakikita niyang pinagmamasdan sya ni Nyx.Then he just chuckled. "Eh patay na patay ka
Chapter Five❤️Nakatingin si Nyx sa mukha ni Brandy habang nakahiga sa stretcher. Halos tatlong oras na itong natutulog simula raw ng himatayin sa simbahan. Alam nitang natakot na naman ito ng husto sa nangyari at sa pag-iisip kung babalik pa ba sya talaga.Hindi naman sya gaanong nahirapan. Kokonti lang naman ang sakay ng mga van at kotseng hinabol niya at halos ubos na rin nga niya sa pakikipagbarilan nang dumating ang responde niya at mismong kasama pati ang ninong general nila.Natunton nila ang hide out ng mga yun di kalayuan sa talahiban na sinuotan ng mga gunmen. Caught in the act ang starlet, ang attorney at ang isang lalaki sa pagpapalano ng mga bagay.Ang mastermind sa krimen na yun ay ang mismong kapatid ng Heneral. Hindi tunay na kapatid ng lalaki kundi ampon. Pinaghalong kasakiman sa yaman at inggit ang dahilan ng lahat kaya pinatay ang anak ng ninong nila. At balak pang ubusin yata ang lahat ng lahi. Iniwan na niya ang mga kasamahan niya sa paghuli sa mga iyon at bi
Sc Six ❤️ Lumipad ang antok ni Brandy nang makita ang ilang maleta sa may tabi ng kama. Para siyang antok na antok pero bigla iyong nawala dahil kahit hindi pa man lang nakakapagproseso ang isip niya ay iisa ang salitang pumasok sa inaantok niyang isip, may aalis. May aalis dahil may maleta. Sinong aalis? Si Nyx na naman? Kauuwi lang nila noong isang araw pero bakit may nakaempake na naman na gamit sa maleta? Ano ba? Wala bang kadala dala ang asawa nya talaga? Inis na inis siya sa nakikita. Paratina lang ba siyang iiwan ni Nyx? Parati na lang ba siyang kakabahan, mag-alala kung isang araw ay balo na siya? Hidni siya papayag this time kahit magtalo pa sila. Bumangon sya at di pa man lang sya nakakabuka ng bibig para tawagin ang asawa ay pumasok na ito karga ang panganay na anak nila. Nakangiti kaagad ito, maharot pa rin kahit na matagal tagal na silang nagsasama. "What's this Nyx?" bungad kaagad niya sa asawa na napasipol lang. Biglang bumalikwas ang sikmura niya kaya tumakbo sya
Chapter 1MISTER MAHANGINWalang pakialam si Brandy kung halos hubad na sya sa tabing dagat. Litaw na litaw ang mala-dyosang kagandahan niya sa two piece niyang suot. She'll pretend that she's naked downwards while she's really not.Bayad siya sa halos hubad na mga litrato niya pero ang totoo ay wala pang nakakakita ng kabuaan ng kanyang katawan. She maybe a rebel but not a porn star. Ni may nakaholding hands siya ay wala, dahil masungit siya at mapanakit sa mga lalaki. Tinutuhod niya ang gusto niyang tuhurin at sinasapak ang gustong sapakin, kaya walang mangahas na manligaw sa kanya at lalong umalok na maging boyfriend. Halos mapagkamalan na nga siyang lesbian dahil sa ugaling taglay niya. Parati siyang nag-iisa at napakaloner pa. She knows inside her heart that she needs something that no one could ever give except for her father. Doon magmumula ang pagmamahal na gusto niyang maramdaman para naman maging masaya siya sa buhay niyaat huwag ng maging malungkutin. Narami kasing tanong
Chapter 2FIND ME A BOYFRIEND"Ganda talaga! Hayop! Ito nga yung nasa internet, naghahanap ng boyfriend nasa website ng magazine naka post!" boses iyon ni Zion, isang agent sa NBI na kaibigan ni Nyx.Gumalaw ang kanyang mga paningin para tingnan ang kaibigan na nanlalaki ang mga mata habang nakatulala sa isang men's magazine na Naked Bitches. Nakakita ng hubad na babae malamang, kaya ganoon na lamang ang pagkakanganga at kulang na lang ay literal na tuluan ng laway ang kumag."Wala! Walang maglalakas ng loob diyan pare, ubod daw ng taray at mapanakit ang babaeng yan. Mahirap na baka maputulan ng kaligayahan. Ohoy! Sayang si Manoy!" tumatawang sambit ni Pukito.Kagagaling lang niya sa loob ng opisina niya at inaral ang bagong kaso na kanyang hahawakan. Delikado ang isang kaso na iyon dahil tungkol iyon sa suspected businessman na may illegal firearms na isinasama sa mga kahon at sa packaging ng herbal products naman, ay drugs na inilalagay daw sa mga sachet na kunwari ay herbal sup