로그인Kinausap ko siya hanggang sa makarating ako doon, I distruct her para hindi siya maglaklak ng maglaklak ng maglaklak at mahirap na. Gusto ko pa man din siyang makausap mamaya.Nang makarating ako sa bar mag alas onse na ng gabi. Hinanap ko ang aking kaibigan at nakita ko siyang nakalupaypay na ang ulo. Ginising ko ito para sana kausapin pero ang gaga inaya akong magsayaw kami sa stage."Nope...not now, hindi pa ako naka inom baka hindi tumalab sa akin ang kapal ng mukha ko. Kaylangan ko pang uminom at mahirap na."Sige samahan na muna kitang uminom para sabay din tayo sa stage mamaya," ika nito na papungay pungay na ng mata. "Kanina ka pa naman yata umiinom. Baka hindi mo na kaya mamayang sumayaw," pahayag ko."Kaya pa yan," aniya na tumatawa."Wait...mamaya ka uminom. Kaylangan muna nating mag usap," ani ko."Anong pag uusapan na naman natin," ani nito pero ang gaga pumupungay na ang mga mata."Ano yung tinanong mo kay Cheska na gusto mong sabihin sa akin," tanong ko.Doon siya tuma
Mag uumaga na ng makatulog ako. Tumulong muna ako sa kanila sa kusina at nakipag kulitan pa sa kanilang lahat. Nagtulungan kaming mag ayos dito, nakikain din ako ng makaramdam ng gutom. Nagluto sila ate ng madaliang makakain.Yung mga dating pagkain dito, yun ang pinakain ko kanina kaya kami ang nawalan. Nagluto ng pancit canton at toast bread si Aling Mercy. Uminom din kami ng kape kaya yan tuloy na trigger ang aking antok.Nawala na tuloy ang antok kong diwa kaya ng pumasok ako sa aking kwarto mag alas kwatro na pero worth it naman dahil nalinis namin ng maayos ang kusina. Tuwang tuwa ako ng makita kong wala ng mga dumi dito at nasa husto na ang mga lagayan ng makakain. Mapaglinis kasi ako, gusto kong malinis lagi lalo na sa kusina. Nakita ko sa kanila na mapaglinis silang kasama kaya masaya ako dahil diyan.Wala pa naman kasi ang guard at driver na pinapakuha ko kay Angel. Kaylangan din kasi talaga ng lalaki dito. Kaylangan nila ng makakasama dito para kapag may mga aberyang ganit
Ayoko talagang makasama si Steve ngayon at natatakot ako. Hindi naman ako natatakot sa kanya kundi sa sarili ko. Wala na akong tiwala pa sa aking sarili, traydor ito. Sa mga pinapakita ni Steve sa akin, ramdam ko sa aking sarili na may nararamdaman pa ako sa kanya.I know mission yun at hindi pwedeng umayaw pero nandiyan pa naman ang aking mga kaibigan. Marami pang mga agent diyan at hindi lang ako. Ilan taon akong nag tiis para lang makalimutan ko siya kaya sana sa ngayon, huwag muna at gusto ko munang maramdaman ang freedom na meron ako. Na hindi lang siya ang iniisip.Hayyyyy... bulong ko bahala na si Boss diyan, hindi naman siguro ito magagalit kung aayaw man ako ngayon. Nang hindi niya ako mapilit, sumuko na din si Boss ng tuluyan. Nagpaalam na ako kay boss ng wala na kaming pag uusapan pang iba. Nakakatakot din kasi ang kinasasadlakan ni Steve na naman ngayon pero ayoko na namang magpaka hero at alam kong sa huli ako na naman ang magdudusa.Pagbaba ko ng opisina ni Boss para a
Nagtataka si Boss kaya binasang muli ang folder at sinabing wala daw asawa itong si Loisa. Napa kunot noo din ako. Impossible din na hindi sila nagpakasal. Aware naman kaming lahat na mahal na mahal nila ang isat isa kaya walang reason na hindi niya ito pinakasalan."Sa sinabi sa akin ng aking tauhan, may boyfriend lang siya pero wala pang asawa. Papalit palit siya ng kasintahan, ngayon naman nagkabalikan silang muli ng kasintahan nitong isang french siya si "LUCIANO, isa sa boss ng " THE BUTCHER"," ika niya.Muntik na akong mapa upo sa sahig sa narinig. Napamura ako, siya yung lalaking nakita ko kanina kaya pina imbestigahan ko. Gusto ko lang namang malaman ang background pero bakit sumobra naman ang information nito."So siya pala ang karibal ni Steve," ani ko habang patango tango."Anong karibal sinasabi mo?" Tanong na naman ni Boss."Sino pa nga ba boss, siyempre si Steve. Akala ko nga kasal na sila ngayon or baka naman nagkamali kayo ng pina imbestiga Boss. As what I know ng magi
Halos sumakit ang ulo ko ng makita ko ang napakarami naming mga pinamiling groceries. Yung pinamili lang namin kanina na mga damit puno na ang sasakyan na dala ko tapos ngayon naman itong groceries din.Kaya ang ginawa ko pinag taxi ko na lang silang tatlo, tatlong taxi ang kinuha namin para sa kanila. Tig isa silang tatlo. Punuan lahat at yung mga appliences naman pinadala ko yung mga yun. Lahat ng wala sa akin binili ko na at binilhan ko rin ng fridge sila Aling Mercy.May binili din akong isang freezer pa para sa kanila. Hindi naman ito kalakihan pero sapat na para sa kanila. Lahat ng mga gusto nilang kainin doon nila ilalagay at lahat din ng mga pinili nilang istock doon. May lutuan din kasi sila sa likuran ng tinitirhan nila.Gusto kong magkaroon din sila ng privacy para maging masaya naman sila. Gusto kong makalimutan nila ang past na hindi magandang naging experience nila. Nauna na kaming umuwi ng maayos ko ang aking mga gamit at maisakay sila Aling Mercy.Naiwan si Jam dahil h
Nakahinga kami ng maluwag ng makaalis silang lahat. Tuwang tuwa rin ang mga tao dito ng matalo siya at yung manager naman humingi sila ng paumanhin sa amin at sa mga ibang customer pa. Nakahinga rin ito ng maayos, sinabi niyang "mabuti na lang at umalis siya. Nakakatakot ang kanyang hitsura," ani nito sa mga kasamahan na narinig naman namin."Thanks for standing on us po," ani ko na nakangiti."Huwag kang mag alala kami ang makaklaban ng babaeng yun kapag may ginawa siyang hindi maganda sa inyo. Napaka yabang niya porket mayaman," sai naman ng matanda sa kabilang side na table."Yeah, we will protect you hija at ng mga kasama mo," ika ng matandang nilapitan ko sabay tapik sa aking balikat."Ang mga taong ganoon dapat sa kagaya niya din makihalubilo. Kakahiya naman lahat ng ginagawa niya," ika naman ng isang ginang."Kaya nga, pero nakita niyo kanina nakakatakot hitsura ng mga kasama niyang body guard," rinig kong bulungan sa kabilang side naman ng table.Hindi ako umimik at ngumingi
Pagkamulat ng aking mga mata hindi agad ako nakapagsalita. Nakiramdam ako sa paligid, I feel very tired. Mukhang namanhid yata ako, ilang araw na ba akong nakahiga dito. Napatingin ako sa buong paligid at ngayon lang nag sink sa aking utak na nasa hospital pala ako. Pumikit ako at inalala kung ano
Tumingala ako sa langit at nag-iisip ng dapat gawin pero wala akong maisip. Tatayo na sana ako ng biglang dumating ang order kong inumin. I told the lady to put it at the table, binigyan ko ito ng tip at sinabing umalis na siya. Hindi sinasadyang masagi ko nag kamay niya, nagulantang ako pero hindi
Hinayaan ko silang mag bonding na magkakaibigan at sumenyas sa dalawang ugok kong kaibigan na lumabas kami. Nagpunta kaming tatlo sa terrace nito, napangisi ako ng makitang may terrace pa pala ang napili ng mga ugok na to. Prinsesang prinsesa ang lagay ng mga ito dito, napailing ako napaka obvious
Hindi ako gumagawa ng hakbang habang nandito pa ang dalawa. Kitang kita ko ang galit na galit na hitsura ni William. Ngayon ko lang naalala, kumusta na din kaya si Jam at Cheska. Sa nakikita ko sa dalawang ito mukhang masama ang tama ng mga iyon gaya ni Aya. Mukhang mahal na mahal talaga ni William







