Share

Chapter 6

AOIDE

"Kumusta? Balita ko tuloy na pagbalik n'yo sa probinsya sa susunod na araw ah," rinig kong usal ni Benjie.

"Oo, sabi ni Don Marcelino kailangan naming umuwi doon dahil marami s'yang ipapasanay sa akin. Hindi ko naman alam kung ano iyon," tugon ko habang hawak ang kutsilyong binigay n'ya sa akin.

Napagpasyahan na kasi ng Don na umuwi na kami ng probinsya dahil tapos na din naman ang mission na ginagawa namin dito.

Naraid na namin lahat ng mga warehouse ng mga kalaban sa negosyo ng Don kaya naman pwede na kaming umuwi. Namimiss ko na din sila mama at ung mga kapatid ko.

"E! Kumusta naman ang training mo kay Cold?" tanong nito kaya naman natigilan ako at napatingin sa tanawing tanaw dito sa veranda ng kwarto ko.

Hindi pa din mawala sa isip ko ung paghihinala ko kay Cold, minsan na din akong nagtanong kung kilala ba talaga ng iba si Cold pero ang tanging nakuha ko lang nasagot ay s'ya ang pinagkakatiwalan ng Don pag dating sa negosyong illegal sa ibang bansa.

Walang nakakaalam ng ibang identity n'ya kaya naman hindi ko alam kung kakampi ba s'ya o kalaban basta ang alam ko lang naghihinala ako sa kan'ya at may tendency na kalaban s'ya, pero meron sa loob ko na nagsasabing hindi s'ya kalaban.

Ung about naman sa training ko sa kan'ya, matapos ang raid namin na mukhang naset up kami. Bumalik kaming dalawa sa pagtetraining n'ya sa akin. Walang pinagbago! Harsh pa din s'ya at talaga namang walang palya ang parusa. Feeling ko nga maskulado na ako dahil sa pinapagawa n'ya sa akin!

"Ayon! Macho na ako dahil sa ginagawa namin, pero mukhang mahihinto iyon dahil uuwi na nga kami," tugon ko na ikinatango n'ya lang.

Panandaliaan kaming natahimik at dinama lang ang simoy ng hangin.

"Aodie, mag iingat ka pati ang pamilya mo, ingatan mo." biglang saad nito kaya naman napatingin ako sa kan'ya.

"Anong sinasabi mo?" tanong ko dito pero umiling lang s'ya.

"Wala.. gusto ko lang na mag ingat ka, kayo.. dahil sa trabaho natin, kaakibat nito ang kamatayan, kaya hindi natin masisisi si Cold na hindi nag bibigay ng ibang info dahil sa trabaho na ito," tugon n'ya. "Naririnig kong nag hahanap ka ng info about sa totoong identity ni Cold, pero wag mo nang gawin dahil wala kang mapapala," dagdag pa nito.

Hindi ko alam kung dapat kong sabihin kay Benjie o kung mapagkakatiwalaan ko ba s'ya kaya naman sasarilinin ko muna.

"Gusto ko lang naman, alamin kung sino talaga s'ya" tugon ko at bahagyang napairap nang makita ko ung labi n'ya na nakangisi at nang aasar!

"Bakit type mo si Cold? Ayiie! Si Aodilaida pumapag ibig!" biro nito sabay tusok sa aking tagiliran.

Isa lang s'ya sa nakakaalam ng totoong pangalan ko. Ewan ko paano n'ya nalaman pero bigla na lang isang araw, tinawag n'ya akong Aodilaida.

Pero dahil sinabi n'ya bigla namang nag init ang mukha ko pati ang ulo ko. Hindi naman kasi ako tanga para hindi mapangalanan ang minsang pagbilis ng puso ko sa tuwing lalapat ang mga mata ni Cold sa akin.

Yung pakiramdam na parang s'ya lang ang nakikita sa paligid pero pilit kong pinipigilan iyon dahil pakiramdam ko kalaban s'ya.

"Ewan ko sa'yo! Ang bakla mo doon!" saad ko tapos ay tumayo. "Kain tayo! Nagugutom ako, baka tapos na sila doon sa baba," yaya ko dito.

Kumakain kasi ung mga may ranking doon, niyaya na kami kanina kaso umayaw ako, kaya sinabi nito na sa akin na lang daw s'ya sasabay. Dapat nga kasama itong si Benjie dahil gaganto ganto lang ito pero mataas ito sa grupo namin.

"Tara!" sagot n'ya at sabay na kaming lumakad palabas ng kwarto ko.

"Wow! Benj! Natikman mo na din si Aodie? Kaya pala malakas ang kapit! Lahat ng gusto may ranking.. iba talaga pag malandi," bungad sa amin ni Christine na iika ika pa din sa paglalakad.

"wag kang mag alala, Christine. Mas masarap ka pa din naman kesa kay Aodie.. kaso mas mabango s'ya sa'yo, kaya next time bago ka bumukaka sa mukha ko, maghuhugas ka ha," nakangising saad ni Benjie at inakbayan pa ako para masabay sa paglalakad.

Pigil tawa naman akong nagpatianod dahil ung mukha ni Christine, halos hindi maipinta! Ang g*go din nitong si Benj!

"Totoo bang mabaho ung kan'ya?" natatawang tanong ko dito kay Benj na bumitaw na sa pagkakaakbay n'ya.

"Hm.. amoy bagoong na pangatlong init tapos nakulob," natatawang tugon n'ya kaya nahampas ko s'ya.

"Ang baboy mo, Benj! Tapos tinikman mo?! Kadiri!" saad ko at umarte pang kinikilabutan!

"Paborito ko ang bagoong lalo na pag iniinit!" tugon n'ya sabay malakas na tumawa dahil sa itsura ko at may pa duwal duwal pang kasama.

"Apaka baboy mo!" singhal ko dito sabay hampas sa kan'ya.

Naglakad na kami pareho habang tinatawanan n'ya pa din ako.

Pababa na kami ng hagdan nang pareho naming nakita si Cold na paakyat habang nakatutok sa phone n'ya.

Hangga't maaari ayokong tumingin sa kan'ya dahil nanghihina ako pag nakikita ko ung maabong mata n'ya.

Hindi naman ako nakaligtas sa pang aasar ni Benjie na nakatikim ng tutok ng kutsilyo sa akin.

"Manahimik ka, gigripuhan kita," bulong na banta ko sa kan'ya.

Tumigil naman s'ya agad kaya matiwasay kaming naglakad.

Hanggang sa halos magkatapat na kami ni Cold na biglang tumunog ang phone kaya mabilis n'ya itong sinagot, hindi man lang n'ya kami binalingan ng tingin at mabilis na umakyat.

Ano kayang meron sa lalaking iyon at bakit parang walang emosyon?

"Mabali ang leeg mo ah! Masakit iyan!" rinig kong saad ni Benjie habang patuloy na naglalakad pababa kaya naman hinabol ko s'ya at mukhang naramdaman n'ya iyon kaya tumakbo ng mabilis na muntikan pang mahulog sa hagdan!

Sira ulo kasi!

—-----------------

Kinabukasan nga ay maaga kaming gumayak para makauwi sa aming bayan sa probinsya.

Akala ko kami lang ni Don Marcelino ang uuwi pero nagulat ako nang kasama namin si Cold at ang iba pang kasama namin.

"Marami ho ata tayo," takang tanong ko sa Don.

"Kailangan," simpleng tugon nito at hindi na muling nagsalita.

Hindi na din ako nag salita at tumingin na lang sa labas ng bintana tutal hindi naman ako ang nagdadrive kun'di si Cold.

Dahil malayo ang probinsya namin sa Manila, hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako at pagabi na nang magising ako.

Saktong nandoon na din kami sa mansion kaya naman bumaba na ako at kinuha ung gamit ko, kasama ang gamit ng Don.

Pumasok kami ng bahay at agad na sinalunong nila manang at kinuha ung mga gamit nila. Hindi ko na binigay iyong akin dahil ako na ang mag aakyat sa kwarto ko.

Nagpaalam na ako sa kanila at mabilis na pinahintulutan iyon.

Bagsak ang katawan ko sa kama at para akong pagod na pagod. Siguro ay lumabas lahat ng pagod ko nitong nakaraan kaya ganito na lang ang pakiramdam ko.

Huminga ako nang malalim at tumayo para maligo at mahimasmasan ako.

Bukas may training na naman ako kay Cold at paniguradong paguran na naman ang mangyayari sa amin dahil sa dami na naman ng ipapagawa n'ya sa akin.

—----------------

"Don Marcelino, pwede ho ba akong umuwi muna sa bahay namin, gusto ko lamang pong makita sila mama, halos isang buwan na din ho kasi akong hindi umuuwi, panigurado hong nag aalala si mama," paalam ko sa amo ko na umiinom ng tsaa.

Dalawang araw na simula nung nakauwi kami at ngayon lang ako nagpaalam dahil maraming ginagawa nitong nakaraan.

Ibinaba niya ang inumin 'ska ako tinignan.

"Aodie, gusto kong maintindihan mo na lagi kitang hinahayaan na umuwi sa inyong pamilya ngunit ngayon ay hindi ko mapagbibigyan ang iyong kahilingan, delikado," saad nito na bahagya kong ikinagulat.

"Pero kaya ko naman pong ipagtanggol ang sarili ko," katwiran ko dahil gusto ko talagang umuwi ng bahay namin.

"Alam ko pero kaya mo bang ipagtanggol kung kasama mo ang pamilya mo? Malalaman nilang kaya mong pumatay ng tao," saad nito sa mahinahon na paraan kaya naman natigilan ako.

Hindi alam nila mama na pumapatay ako at humahawak ng baril.

"Pero kung kinakailangan po, ayos lang na nalalaman nila," nakayuko kong turan dito ngunit hindi pa din ako pinayagan ng Don dahil delikado raw.

Laglag ang balikat kong lumabas ng opisina ng Don at malungkot na lumakad papuntang kwarto ko.

Ganoon ba kadelikado ang buhay namin kaya hindi ako maaaring magpunta sa amin. Alam ko namang delikado ang trabahong kinahinatnan ko ngunit anong magagawa ko eto ang naging buhay ko matapos akong ibenta ni mama kay Don Marcelino.

Ilang araw ang lumipas at miski pag labas sa bakuran ay hindi ako gaano pinapalabas ng Don. Pakiramdam ko kinukulong na n'ya ako dahil malapit na n'ya akong angkinin kaya naman nakaisip ako ng paraan. Tatakas ako!

Hindi naman ako aalis sa puder n'ya, gusto ko lang umuwi ng bahay namin para makumusta sila mama dahil hindi ko din makontak ang telepono nito.

Muli akong nag kulong sa kwarto ko, pagkatapos ng hapunan at doon nag palipas ng oras. Marami pa kasing tao sa labas ng mansion at paghindi ako nag antay, tiyak na mahuhuli ako ng mga ito.

Nang maramdaman kong tahimik na ang paligid at hindi na masyadong maraming tao sa paligid. Tumayo ako at nagbihis ng itim na sando, itim na hoodie, itim na pants at itim na boots ko. Kumuha din ako ng isang itim na facemask para hindi ako mapansin.

Bibit ang kutsilyo kong maliit at ang baril ko na pagmamay ari mismo, mabilis ang kilos kong tumalon sa ibaba galing veranda ng kwarto ko.

Agad kong itinago ang sarili ko sa isang madilim na parte ng mansion nang makita kong may bantay na naglalakad sa pasilyong dadaanan ko.

Minsan na akong tumakas kaya alam kong may daan dito sa likod ng mansion.

Nang makita kong wala ng tao sa dapat kong dadaanan, mabilis ngunit tahimik akong nag lakad papunta sa sekretong daanan.

Dahan dahan kong inalis ang mga nakaharang dito sa lagusan papuntang labas ng mansion.

Tahimik akong lumabas at inuunti unting ibalik ang mga kahoy na nagmimistulang harang ng lagusan na iyon. Nang mabalik ko na lahat, agad akong huminga nang malalim at humarap sa daan kung saan ako pwedeng sumakay pauwi ng bahay namin.

Nakakatatlong hakbang pa lang ako nang may marinig akong nag salita at halos manlamig ang buong katawan ko dahil doon.

"You're so stubborn, Aodie,"

Dahan dahan akong humarap dito at nakita kong nakasandal s'ya sa pader nalapit sa lagusan na dinaanan ko habang nakatingin sa kutsilyong hawak n'ya.

"You are not just putting yourself in danger but also your family. Our boss told you don't leave the mansion but stubbornness really filled in your body, kaya naman tatakas ka," usal ulit nito sabay binalingan ako ng malalim na tingin.

Kinakabahan man, pilit kong nilabanan ang mga tingin n'ya na s'yang nakakapagbigay ng hina sa mga tuhod ko.

"Kailangan ko makita ang pamilya ko!" giit ko dito.

"Go, you can go! Just don't comeback here when your family got killed because of your stubbornness," bwelta n'ya.

"Gusto ko lang silang makita! Bakit napunta sa mamatay sila?!" inis kong sigaw sa kan'ya.

"If you want to see them, stay in the mansion, don't be so stubborn! You should obey! It's for your own safety," dagdag n'ya sabay lalakad papuntang main door at hindi na lumingon pa sa akin.

Kahit ayoko, sumunod ako sa gusto ni Cold at pumasok sa loob ng mansion gamit ang sekretong lagusan. Dahan dahan akong pumasok sa loob at muling nagulat nang makita kong nandoon si Cold at mukhang binabantayan ako kung babalik ba ako.

Napairap na lang ako sa kawalan dahil sa itsura n'ya.

"Say goodbye to your secret passage, wala na iyan bukas," saad n'ya. "Tomorrow, 4:30am. Underground training room. Combat training, so be ready," paalala n'ya pa.

Muli akong umirap at pamaktol na naglakad papasok ng pumasok ng mansion.

Nakasalubong ko pa si Giovani na nagtataka sa akin itsura pero hindi ko s'ya pinansin! Naiinis kasi ako doon sa lalaking yelo na iyon!

Combat?! Humanda s'ya sa akin bukas! Gaganti ako sa ginawa n'ya sa akin ngayon at noong mga nakaraan!

---------------------

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status