Share

Chapter 5

AODIE

"You are 5 minutes late," mahinahon at malamig na turan nito habang nililinis ang baril na hawak n'ya.

Mahinahon naman ang pag kakasabi n'ya pero pakiramdam ko, katapusan na ng buhay ko.

Nalate kasi ako ng gising dahil anong oras na ako nakatulog kakaisip ng mga pwedeng training ko! Papahirapan n'ya ba ako o magiging brutal ba s'ya sa akin!

"What are you looking at me? Start running, woman! Since you are 5 minutes late, 50 laps!" saad nito at binalingan ako ng tingin na halos ikanginig ng katawan ko.

Matapang naman ako pero babae pa din ako at nakakatakot ung titig n'ya.

Inayos ko iyong buhok ko at damit ko habang naglalakad papunta sa umpisa ng tatakbuhan ko.

50 laps?! Sinong tao ang kakayanin ang 50 laps?! Nagawa na ba n'ya iyon para sabihan ako ng gano'n! Tsk!

Ikaw naman kasi Aodilaida! Bakit late ka na nagising?!

"Tatakbo ka ba o tatanga ka na lang d'yan?"

"Tatakbo na," tugon ko at mabilis na tumakbo para makalayo sa yelong boses ng lalaking pinaglihi ata sa North Pole ng nanay n'ya! Tsk!

Halos habulin ko na ang hinga ko nang matapos ko ang 50 laps na parusa ko sa pagkalate ko. Kanina pa ako hinihingal at sinubukan kong magpahinga pero ang bwisit na Cold na ito! Tinutukan ako ng baril at sinabing hindi daw pwede magpahinga!

Mabilis akong naupo at kinuha ko ang tubig ko nang makalapit ako kung saan naroon ito!

Nangangalahati pa lamang ako nang makarinig ako ng putok ng baril kasabay nang pagkaubos ng tubig ko. Hindi dahil naubos ko sa pag inom kun'di dahil natapos ito dahil kay Cold! Binaril n'ya ung tumbler ko!

"Who said that you can drink water?" walang emosyon na tanong nito kaya pinanlakihan ko s'ya ng mata.

Hindi ako makapagsalita dahil sa hingal ko pero pinakita ko na masama ang loob ko sa ginawa n'ya! Hayop na ito! Papatayin yata ako sa uhaw!

"Stand up! Assemble that guns. That will be your rest," saad nito tapos tumalikod at pumunta sa isang lamesa na panigurado ay naglalaman ng mga baril na sinasabi n'yang aayusin ko.

Huminga ako nang malalim at pilit kinakalma ang sarili ko.

Tumayo ako at bahagyang pinagpag ang itim kong basang leggings at nagpunta sa lamesa kung saan naroon si Cold.

Iba't ibang klaseng parts ng baril ang nandoon at hindi lang basta nandoon! Nakakalat ang mga bahagi ng mga baril!

"Ano 'to?" inis na tanong ko dahil hind ko na mapigilan.

Papahirapan ata talaga akong hayop na lalaking ito!

"Assemble those guns in front of you using this scattered parts. Siguro naman alam mo kung ano ang mga bahagi ng mga iyan," saad nito at ngayon ko lang narealize na nagtatagalog pala s'ya. Ganda ng accent ng tagalog n'ya!

Ay! Ano ba naman iyan! Bakit iyon pa ang naisip ko! Papahirapan lang naman n'ya ako!

"Alam ko naman but pinahihirapan mo talaga ako? Pagkatapos mo akong parusahan ng 50 laps, hindi painumin ng tubig, bibigyan mo ako ng ganitong gawain! Akala ko ba rest?!" usal ko na mababakasan ng pagkainis.

Mas nabubwisit ako kasi wala man lang s'yang reaksyon! Ung mukha n'ya!

"Done with your tantrums?" tanong nito pero hindi ko s'ya sinagot at umirap lang.

Tantrums! Hindi tantrums iyon! Napaka ng lalaking yelo na ito!

Binalik ko ang tingin sa kan'ya dahil hindi na s'ya nag salita pa pero laging gulat ko nang nakatalikod na ito at kampanteng naglalakad paalis dito sa training room!

Bago pa ako makapagtanong, magsalita na ito habang nakatalikod.

"Get back to me if you're done with your tantrums and complaints. Ayoko sa mareklamo," saad nito.

Sasagutin ko sana s'ya pero huli na dahil nakalabas na s'ya kaya ang tanging nagawa ko lang ay sumigaw!

"AARGH! Bwisit!!!" inis kong sigaw 'ska isa isang ikinabit ang mga parte ng baril na nakakalat doon.

Aaminin kong medyo nahirapan ako sa paghahanap ng mga parte ng baril na nakahain sa harap ko kanina pero dahil determinado at gusto kong ipahiya ang bwisit na yelo na iyon, hindi ko ininda at pilit kong binuo ang mga baril na iniwan n'ya. Ipapakita ko sa kan'ya na kaya ko!

Matapos kong ikabit lahat ng baril, naghanap ako ng isang bag na pwedeng paglagyan ng mga iyon at inilagay ang mga baril doon.

Tumingin ako sa orasan at nakita kong halos dalawang oras din ang itinagal ki dito sa training room para doon sa mga baril na iyon. Bwisit talaga iyong yelo na iyon!

"Aods! Ano iyang hawak mo?! Bakit nakasabit iyang AK-47 sa balikat mo?! Hoy! Anong gagawin mo?!" gulat na tanong ni Benjie nang makita n'ya akong paakyat ng 1st floor ng mansion.

Dahil hindi kasya ang mga baril, sinabit ko ung isa sa balikat ko at binitbit.

"Nakita mo ang lalaking kamag anak ni Elsa?!" gigil na tanong ko sa kan'ya.

Mukha namang nagtataka s'ya sa tanong ko habang patuloy pa din na sumasabay sa pag lalakad ko.

"Kamag anak ni Elsa? Sino iyon?" tanong nito.

"Sino pa?! Edi si Cold!" singhal kong sagit sa kan'ya.

"Ah! Nasa dining, kumakain na, kaya nga kita pinuntahan doon kasi akala ko tapos na kayo, yayayain sana kitang kumain," saad nito pero hindi ko na pinakinggan ung iba at mabilis na nagtungo sa dining.

Walang katok katik akong pumasok sa loob ng dining at nakita kong nandoon si Cold, Giovani at si Don Marcelino.

Tumingin sa akin si Don Marcelino at Giovani na nagtataka, marahil sa itsura ko. Yumuko lang muna ako sa kanila bago mabilis na lumapit sa lalaking hindi man lang ako tinapunan ng tingin at patuloy na kumakain.

Pabagsak kong binaba iyong hawak kong AK-47 sa gilid n'ya at katulad kanina wala pa din s'yang reaksyon! Kaya naman sa sobrang inis ko dahil inuubos n'ya ang pasensya ko! Bininaba ko iyong bag na pinag lalagyan ko ng baril sa lamesa at binuksan iyon.

"Eto na ung mga baril na pinapaayos mo, boss Cold!" gigil na saad ko 'ska binaliktad ung bag at doon nag silaglagan ung mga maliliit na baril na nagkasaya sa bag. Halo halo iyon at wala na akong paki kung ano ang mga tawag doon.

Itinapon ko sa gilid n'ya ung bag at tumalikod na dahil hindi ko na kayang pakitunguan ang napakayabang na lalaki na ito!

Malapit na ako sa pintuan kung saan nakatayo si Benjie na nakangiwi sa akin nang magsalita si Cold.

"It took you 1 hour, 46 minutes and 43 seconds to assemble all of them, you need to practice more," saad nito kaya hindi makapaniwalang hinarap ko s'ya.

Mabilis kong kinuha ang baril sa tagiliran ni Benjie at walang sabing ipinutok iyon sa kamay ni Cold na hindi umiwas kaya naman tumagas ang dugo doon.

"You're testing my not so long patience, Mr. Cold!" galit na saad ko at ibinagsak ang baril sa lamesa at lumabas ng dining.

Nasagad na talaga ako ng husto at wala na akong paki kung parusahan pa ako ni Don Marcelino.

—----------------------

"We need to stick to each other! Let's go back to the mansion together! Is that clear?!" sigaw ni Giovani sa amin habang nakasakay kami sa itim na van patungo sa isa na naman warehouse na ireraid namin.

Katulad nung nakaraan, sniper ulit ako at kailangan kong umakyat sa pinakamataas ng building malapit sa warehouse.

Huminga ako ng malalim at binalingan si Cold na tahimik na inaayos ung baril n'ya. Tinignan ko iyong kamay n'ya na may gloves at alam kong sa likod noon may bendang nakabalot sa sugat na ginawa ko.

Tatlong araw na din ang makalipas nang maubos ang pasensya ko sa kan'ya. Ilang oras nga lang matapos no'n ay pinatawag ako ni Don Marcelino at pinagalitan. Pinarusahan din ako nito, hindi naman mahirap dahi sanay naman ako sa parusang ibinibigay n'ya sa akin. Matapos nga no'n sinabing meron ulit kaming mission na dapat gawin at eto na nga iyon.

"Aodie, be ready! Malapit ka nang bumaba," agaw atensyon sa akin ni Giovani kaya naman bumalik ako sa pag aayos at pagkundisyon sa sarili ko.

Makalipas ang higit sa kalahating oras, nakarating kami sa dapat kong babaan kaya naman mabilis at tahimik akong kumilos. Bitbit ang baril na gagamitin ko bumaba ako.

"Careful."

Dahil sa pagmamadali ko, hindi ko na inabala ang sarili para tignan kung sino ang nagsabi no'n.

Agad din silang umalis at nagtungo sa warehouse.

Tahimik akong nakapasok sa building napupwestuhan ko nang may nakita akong tatlong taong tingin ko ay nag aabang sa amin. They are also have the same gun like mine!

Agad kong hinugot ang .45 caliber kong baril at nilagyan ng silencer.

Tahimik akong pumunta sa isa sa mga kwartong tanaw ang mga anino nila.

Isa ito sa mga tinuro sa amin, ang kumilos sa dilim at tanging anino o kaluskos lang ang dapat na marinig.

Hindi ako makapagbigay ng warning kila Giovani dahil alam kong maririnig aki ng mga kalaban namin.

Huminga ako nang malalim at tumingin sa tutok ng baril ko.

Nang makita kong gumalaw ang isa pakanan agad kong kinalabit ang gatilyo ng baril na hawak ko at kitang kita ko ang pagkabahala ng mga kasama n'ya nang bumagsak ang ulo nito.

Hindi ko na pinatagal at agad kong sinundan ng isa pang pagkalabit para muling bumasag ang isa.

"P*tang ina!" gigil na saad ng huling natitra sabay kuha ng baril nito sa tagiliran n'ya.

Hindi n'ya alam kung saan galing ang bala kaya naman para mapanatag s'ya at tumigil na s'ya sa pag iisip. Ibinigay ko sa kan'ya ang pangatlong bala ng hawak kong baril.

Kasabay ng pagbagsak n'ya ang pag tayo ko at pagkausap sa mga kasama ko.

"Set up! Alam nilang lulusob tayo!" gugil na saad ko at mabilis na pumunta sa baril na nakahanda para sana sa amin.

Agad akong gumapa at hindi inalintana ang mga katawan na wala ng buhay sa tabi ko.

Sumilip ako sa x4 scope na nakalagay sa sniper gun na nakaset up at kitang kita ko ang mga kasama kong naghahanda sa paglusob.

[Aodie, back to original plan! Cover us!] madiing utos ni Cold.

"Pero naset up tayo! Sa kaliwa mo!" sigaw ko at agad na binaril ang dalawa sa tatlong papalapit sa kanila.

[Just listen to my order! Now! Cover us!] gigil na saad nito.

Kitang kita ko na tinanggal n'ya ung earpiece n'ya at lumakad pasugod kasunod ang mga kasama namin.

Katulad ng original na plano namin, ako ang nag cover sa kanila sa lahat ng nakaset up.

Naging abala ako sa lahat ng sasalubong sa kanila at hindi ko na nakita ang iba.

Matapos kong patahimikin ang lahat ng nasa harap nila, isa isa ko silang tinignan at doon ko napagtanto na wala si Cold sa grupo namin.

Tumayo ako at nagbalak na lumipat sa kabilang kwarto nang may makita akong isang pigura.

Agad akong nagtago at inihanda ang baril ko.

Agad na bumungad sa akin ang dulo ng baril ng isang babaeng tingin ko ay kasama ng kabilang kampo.

Hindi n'ya alam nandito ako dahil kung alam n'ya iyon, kanina pa n'ya pa pinutok ang baril na hawak n'ya.

Tuluyan s'yang nakapasok sa kwarto kung nasaan ang mga kasama n'ya at ako naman ay dahan dahang lumakad palabas.

Tahimik lang ang naging galaw ko at muli akong nag punta sa kabilang kwarto kung saan ako nakapwesto kanina.

Muli kong itinutok ang baril ko sa direction ng babae. Nakasentro na ito at handa nang iputok, ngunit natigil iyon nang makita ko ang isa pang pigura ng tao, lalaki ito panigurado.

Nagkita sila at parang nag usap. Mahina lang iyon at hindi ko marinig pero isa lang ang nahihinala ko, may traydor sa grupo namin!

Napaigtad ako nang makarinig ako ng putok ng baril at nakita ko na lang ang pigura ng babae na bumagsak sa sahig.

Pilit kong itinago sa corner ng silid ang sarili ko para hindi ako makita. Gusto kong umuwi sa bahay namin, kila mama!

Naging tahimik sa paligid kaya naman muli akong tumayo at tinignan kung nandoon pa ang traydor pero wala na.

Mabilis ang kilos kong lumabas ng building para pumunta sa mga kasama ko. Inihanda ko ang mga ammo na dala ko para sa baril na gamit ko. Kinapa ko din ang kutsilyong ibinigay sa akin ni Benjie nung nakaraan. Nang masiguro kong handa na akong lumaban, ipinagpatuloy ko ang pag lalakad, lahat ng madaanan kong kalaban ay binabaril o kaya ay ginigilitan ko agad sa leeg.

Nang makarating ako sa pwesto ng grupo ko, hinanap ko sila dahil paniguradong nasa paligid lang sila.

Hindi naman ako nag kamali dahil ilang minuto lang akong nakabantay sa van namin. Nagsidatingan sila ngunit may dalawang tao akong hinahanap at wala sila rito.

Nakahinga ako ng maluwag nang makita kong bumalik si Giovani gamit ang daan na tinahak nila kanina.

Sa 'di naman kalayuan natanaw ko ang isang lalaking ayokong paghinalaan pero tugma sa pigura n'ya ang nandoon kanina sa building.

Naglalakad s'ya na parang normal na tao at hindi man lang nababahala sa maaaring mangyari dahil naset up kami.

"Let's go, our mission is done here," saad nito nang makarating s'ya sa amin.

Naunang sumakay ang mga kasama namin bago si Gio, pasakay na sana ako nang may makita akong kumikinang sa 'di kalayuan.

Agad kong itinulak si Cold patalikod at ako naman ay nagtago sa kabilang puno. Isang putok ng baril ang nag kumpirma sa hinala ko na laser ang kumikinang na iyon.

"Stay here! Iikutan ko, cover me!" rinig kong sigaw ni Cold

Kahit pinag hihinalaan ko s'ya sumunod pa din ako sa kan'ya at ginawa ko ang sinabi n'ya hanggang sa nawala s'ya at nakarinig na lang ako ng putok ng baril.

Agad akong pumasok sa loob ng van nang makita kong pabalik na s'ya.

Tahimik ako buong byahe namin dahil sa mga nalaman ko at sa taong pinaghihinalaan ko.

Paano kung kaya umiwi si Cold dito ay para traydurin kami? Paano kung s'ya ang nagset up sa amin? Sino ba talaga si Cold?

Katulad noon, sinalubong ako agad ni Benjie at tinignan kung may mga tama ako.

Umiling lang ako at nagdere-deretso sa kwarto ko.

Hindi dapat ako magpahalata na may nalaman ako o na may pinaghihinalaan ako dahil matatapos ang buhay ko pag ginawa ko iyon. Kailangan ko pang umuwi sa bahay namin, inaantay pa ako panigurado ni mama.

-----------

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status