เข้าสู่ระบบRina Cortez POV Nabitawan ko ang bote ng tubig na hawak ko. Ramdam ko ang pagtalsik ng tubig sa sapatos ko, pero hindi ko na iyon pinansin. Halos himatayin ako sa narinig ko mula kay Elena sa kabilang linya. "Rina? Rina, andyan ka pa?" boses ni Elena, gumaralgal na at halatang nagpapanic. "O-opo, andito pa ako. Paano... paano nila nakuha si Theo?" halos pabulong kong tanong. Lumingon ako kay Gabriel. Nakatingin siya sa akin, naghihintay ng balita, pero nang makita niya ang hitsura ko, unti-unting nawala ang kulay sa mukha niya. Inagaw ni Gabriel ang phone sa kamay ko. "Elena? What happened?!" Hindi ko na narinig ang sagot ni Elena mula sa earpiece, pero nakita ko kung paano humigpit ang hawak ni Gabriel sa phone hanggang sa mamuti ang kanyang mga knuckles. Ang panga niya ay tumigas, at ang mga mata niyang kanina ay puno ng pag-asa ay biglang naging madilim at malamig. "I’ll kill him," bulong ni Gabriel. Hindi ito sigaw, pero mas nakakatakot ang boses niya dahil sa sobrang
Rina Cortez POVHalos hindi ako makahinga habang nakatingin sa puting papel na hawak ni Gabriel. Sa gitna ng parking lot ng Villareal Group, habang nagkakagulo pa ang mga reporter sa lobby, kaming dalawa lang ang tila tumigil ang mundo. Ang marriage certificate na hawak niya ay may pirma niya at ni Monica. Naka-rehistro na ito sa PSA, may seal, at mukhang legal na legal."Paano nangyari 'to?" mahina kong tanong. "Gabriel, kailan ka pumirma niyan?""I don't remember, Rina. Hindi ko alam," sagot niya habang hinahawakan ang kanyang sentido. "The last time na uminom kami nina Ricardo was three months ago, noong bago pa lang tayo magkilala. I was wasted that night. Akala ko business papers lang ang pinapirmahan nila sa akin.""So, asawa mo na siya?" pakiramdam ko ay biglang gumuho ang lahat ng tapang na naipon ko kanina sa boardroom.Hinarap ako ni Gabriel at hinawakan ang magkabila kong balikat. "No. Hindi totoo 'to. It’s a fraud. Gawa-gawa lang ni Ricardo 'to para ma-trap ako. Hindi ako
Rina Cortez POV Nanatili akong tulala sa cellphone na hawak ko kahit naputol na ang linya. Ang boses ng babae sa kabilang panig ay kalmado pero bakas ang awtoridad. Tumingin ako kay Atty. Ramos na matiyagang naghihintay sa harap ko. "Sino talaga siya? Sabi ni Gabriel, matagal nang wala ang nanay ni Theo," tanong ko, pilit na kumukuha ng lakas para magsalita nang diretso. "Hindi lahat ng kwento ni Gabriel ay buo, Ms. Cortez. Minsan, kailangang magbura ng mga detalye para sa ikabubuti," sagot ng abogado habang inaayos ang kanyang salamin. "Magpahinga ka na muna. Susunduin kita bukas ng alas-siyete ng umaga. Huwag kang lalabas ng kwartong ito, at lalong huwag mong sasagutin ang kahit anong tawag mula sa mga Montero o kay Gabriel." "Bakit pati kay Gabriel?" "Dahil binabantayan ang lahat ng linya niya ngayon. Kapag nalaman nilang nagkakausap kayo, mas lalong magiging delikado para sa bata," maikling paliwanag niya bago tumalikod at lumabas ng pinto. Hindi ako nakatulog nang maa
Rina Cortez POV Imbes na sa airport, pumasok ang sasakyan sa isang sementadong kalsada paakyat sa isang pribadong estate sa Tagaytay. Malamig ang simoy ng hangin na pumapasok sa bahagyang nakabukas na bintana, pero hindi nito mapakalma ang kaba sa dibdib ko. Huminto kami sa harap ng isang malaking mansion na gawa sa bato at salamin. "Bakit tayo nandito? Sabi ni Monica sa airport ang punta ko," tanong ko sa driver habang pilit na binubuksan ang pinto. "Dito po ang utos, Ma'am. Nauna na po si Ma'am Monica sa loob," tipid na sagot ng driver bago lumabas para pagbuksan ako. Wala akong nagawa kundi sumunod. Pagpasok ko sa loob, sinalubong ako ng isang malawak na sala na puno ng mga antigong gamit at mamahaling painting. Sa gitna, nakaupo sa isang leather armchair ang ama ni Monica, si Mr. Montero. May hawak siyang baso ng scotch at seryosong nakatingin sa isang folder. "Maupo ka, Ms. Cortez," sabi niya nang hindi tumitingin sa akin. Ang boses niya ay malalim at puno ng awtoridad,
Rina Cortez POV Nabitawan ko ang wireless phone ng rest house sa kitchen counter. Ang lakas ng tibok ng puso ko, halos marinig ko na sa sobrang tahimik ng bahay. Paano nalaman ni Monica ang numerong ito? At paano niya nalaman na narito ako sa Batangas? Hindi ako nakagalaw sa kinatatayuan ko hanggang sa muling tumunog ang telepono. Sunod-sunod. Parang humihingi ng atensyon, parang nananakot. Sa halip na sagutin, hinugot ko ang wire nito mula sa wall socket. Nanginginig ang mga kamay ko. Agad kong kinuha ang tablet at sinubukang tawagan si Gabriel sa Messenger, pero walang sagot. Sinubukan ko ang phone niya, pero "out of coverage area." Naalala ko ang sinabi niya—mahina ang signal dito para iwas-trace, pero bakit si Monica, nahanap ako? Lumipas ang isang oras na nakaupo lang ako sa sala, nakatingin sa madilim na dalampasigan sa labas ng salamin. Maya-maya, narinig ko ang busina ng sasakyan mula sa malayo. Hindi lang isa, kundi dalawa. Tumayo ako at sumilip sa bintana. May mga
Rina Cortez POVMabilis ang naging pag-empake ko. Wala naman talaga akong masyadong gamit kundi ang iilang damit na dinala ko mula sa dorm at ang mga bagong binili ni Gabriel. Habang inilalagay ko ang huling pares ng sapatos sa maleta, pumasok si Gabriel sa kwarto. Naka-itim ng jacket na siya at shades, kahit madilim pa sa labas."Handa ka na?" tanong niya. Kinuha niya ang maleta ko bago pa ako makasagot."Gabriel, saan ba talaga tayo pupunta? Sobrang layo ba 'yan?" sumunod ako sa kanya palabas ng suite."Batangas. Meron akong maliit na property doon na hindi alam ng mga Montero. It’s private, and more importantly, it’s secure," sagot niya habang naglalakad kami patungo sa private elevator.Tahimik ang parking basement. Isang itim na SUV ang naghihintay sa amin, hindi 'yung karaniwang sports car na ginagamit niya. Pagkasakay namin, agad siyang nag-drive. Ramdam ko ang tensyon sa mga kamay niya na mahigpit ang hawak sa manibela."I’m sorry about kanina," bigla niyang sabi nang mak
Rina Cortez POV "Prof, tama na... baka may makakita sa atin dito." Sinubukan kong itulak ang dibdib ni Gabriel pero parang pader ang tinatamaan ko. Nandito kami sa dulo ng hallway, sa tapat ng fire exit kung saan pundido ang ilaw at walang dumadaan na estudyante. Isinandal niya ako sa malamig n
Rina Cortez POV “Focus, Rina. Pangatlong mali mo na ’yan sa entry ni Abad.” Napaigtad ako sa malamig na boses ni Gabriel sa mismong gilid ng tenga ko. Halos isang pulgada lang ang layo ng mukha niya sa akin habang nakatitig siya sa monitor ng laptop. Nakaupo ako sa high-back chair niya, habang
Rina Cortez POV Mabigat ang mga paa ko habang naglalakad sa hallway ng Business Administration building. Katatapos lang ng quiz namin sa Management Control at pakiramdam ko, pigang-piga na ang utak ko. Pero hindi lang ’yun ang dahilan kung bakit ako hindi makalingon nang maayos. Ang totoo, bawat
Rina Cortez POV Malamig at matigas ang dulo ng desk sa likuran ko, pero ang katawan niyang nakadikit sa akin ay naglalabas ng init na parang tinutunaw ang katinuan ko. Ang mga kamay niya ay nasa bewang ko, madiin ang pagkakahawak na parang ayaw niya akong pakawalan. Bawat haplos niya ay nagpapahin







