Share

Chapter 44

Nagtungo siya sa rooftop at doon niya inilabas ang sniper na dala niya. 'Yun pala ang laman nang bitbit-bitbit niya.

Ang tanong ngayon ay kung sino siya. Malalaman ko rin 'yan.

Umalis na ako doon nang makahingi ako nang kopya nang mga footages. Pag-aaralan ko itong muli pag-uwi ko sa bahay.

Sa ngayon ay si hagdan muna ang aasikasuhin ko. Sa susunod na kami magtutuos nang kung sinumang taong nasa likod nito.

Bumalik ako sa ospital at dumeretso ako sa kwarto ni hagdan. Ang sabi daw nang doktor ay kailangan pa daw nang mahabang pahinga ni hagdan.

Marami rin daw ang nawalang dugo dito kaya mas lalo niyang kailangan nang pahinga. Stable naman na daw ang kondisyon niya, ang kailangan nalang ay pahinga at i-monitor ang lagay niya.

"Nalaman mo ba kung sino ang culprit?" Tanong ni Alexa sa akin.

Umiling ako. "Hindi pa, sa susunod ko pa pag-aaralan ang mga footages para malaman ko kung sino ang taong may sala."

"Maraming galit kay Al kaya hindi na ako nagtaka kung bakit nangyari ito sa kaniya." Napapabuntong hiningang sabi ni Tristan.

"Yeah, he's been playing with girls for almost a year. May mga couple pa nga na naghiwalay dahil sa kaniya." Pag sang-ayon ni Raia.

"It is not his entirely fault. Gusto din naman nang mga babae ang makipaglaro kay Al." ~ Blake.

"Your right about that, Blake. But he is still wrong on what he did. Right, Andrea?" Baling sa akin ni Alexa.

Tumingin ako sa kaniya saka ako tumingin sa natutulog na si Alistair.

Bumuntong hininga muna ako bago sumagot. "Tama ang mga sinasabi niyong lahat, pero mas lamang ang kamalian na ginawa ni hagdan." Sagot ko.

"You have a point, but you have to side with him because he's your boyfriend." Wika ni Raia.

"Hindi porque boyfriend ko siya ay kakampihan ko na siya. Hindi ko kukunsintihin ang anumang kalokohan niya."

Kahit na kapatid ko pa ang gagawa nang anumang kalokohan lalong lalo na ang paglalaro sa mga babae ay hindi ko ito kukunsintihin. Baka ibalibag ko nang wala sa oras ang kapatid ko kung ganoon siya.

Umuwi ako sa amin nang mag-umaga na. Alam naman na nila mama ang nangyari kay hagdan at pumayag naman sila na doon ako matulog nang isang gabi.

Sinundo din ako ni kuya Andrew nung mag-umaga na dinalaw na rin niya si Al.

"Kailangan mo ba nang tulong sa imbistigasyon mo?" Tanong sa akin ni kuya Andrew nang makaupo kami sa couch sa sala.

"Mas mapapadali ang pag-iimbistiga mo kung tayong apat ang mag-iimbistiga." Wika ni kuya Andrello.

Hihingin ko naman talaga ang tulong nila kapag hindi ko kaya, pero ngayong nag-alok na sila ay sino ba naman ako para tumanggi?

Inilahad ko sa kanila kung ano ang nangyari. Lahat sila ay nakinig lang sa kung anuman ang sinabi ko at hindi sila nagsalita hanggang hindi ako natatapos.

"Hindi talaga si Alistair ang target nila kung 'di ikaw." Sabi ni kuya Andrello.

"'Yun din ang theory ko tungkol sa sinabi mo. Baka nakita ni kuya Al 'yung tao sa rooftop kaya ka niya hinila palapit sa kaniya at niyakap ka para siya ang tamaan." Wika naman ni Andrei.

Alam ko na 'yang mga 'yan. 'Yan ang unang pumasok sa isip ko kagabi. Ako ang gusto niyang patayin at hindi si hagdan.

"Ang tanong ay sino at ano ang motibo niya." Sambit ni kuya Andrew.

Wala naman akong ibang kilala na may galit sa akin ngayon kung 'di si Blaine Cuevas. Pero matagal na siyang hindi nagpaparamdam sa amin mula nung malaman niya kung sino ako.

"Hindi kaya si Blaine Cuevas?" Tanong ni Andrei.

Inilingan ko siya. "Malabo." Sabi ko.

"Paanong naging malabo? Hindi ba at napa kidnap ka na niya noon para patayin?" Tanong ni Andrei.

"Matagal na siyang nananahimik at hindi nagpaparamdam kaya malabong siya ang may gawa nito."

"Maaaring kaya matagal siyang nanahimik ay dahil pinaghandaan niya ang gagawin sa 'yo." Wika ni kuya Andrew.

"No, hindi pwedeng si Blaine Cuevas 'yon. Alam na niya kung sino talaga si Andrea kaya alam kong hindi na niya ito kakalabanin pa." Sabi ni kuya Andrello.

"Kung ganun, eh sino?" Tanong ni Andrei.

Maraming gang ang nakalaban namin noon at lahat sila ay natalo ko. Hindi ito sa pagyayabang ngunit ito ay puro katotohanan.

Maaaring isa sa mga pinuno nang gang na iyon ang nagtangkang pumatay sa akin.

Sino naman sa kanila ang naglakas nang loob para gawin iyon?

"Hindi kaya 'yung mga gang na nakalaban mo dati, ate?" Tanong ni Andrei.

'Yan nga ang iniisip ko kani-kanina lang.

Umiling kaming sabay-sabay nila kuya.

"Laging may maskarang suot si Andrea sa tuwing pupunta siya sa hideout nila at sa t'wing siya ay makikipaglaban." Paliwanag ni kuya Andrew.

"Eh, baka 'yung mga nakalaban niyong gang dati. Baka si ate ang gusto niyang gantihan bilang ganti sa inyo." Tanong muli ni Andrei.

"Hindi rin, dahil gaya niya ay naka-maskara kami." Sabi ni kuya Andrello.

"Baka nagpa-background check sila?"

"Kahit na magpa-background check sila ay wala silang impormasyon na makukuha mula sa amin dahil maging ang tunay naming mga pangalan ay hindi nila alam." Sagot ko.

Lahat kami nila kuya ay miyembro at pinuno nang isang gang. Lahat kami ay iniwanan din ito makalipas ang dalawang taon.

Wala silang makukuhang anumang impormasyon mula sa pagkatao namin dahil kami ay ingat na ingat doon. Kahit na isang expert sa pang ha-hack ay hindi makukuha ang impormasyon namin.

Lahat din kami ay gumagamit nang codename kaya wala silang mapapala sa amin.

Kung sino man ang gumawa nito ay may galit sa akin ngunit hindi ko alam kung sino.

Wala akong natatandaang may isang taong galit sa akin. Hindi naman kasi ako mahilig makihalubilo sa mga tao.

Pinasasakit niya ang ulo ko. Humanda talaga siya sa 'kin kapag nahuli ko siya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status