Hanggang saan ang kaya mong gawin para sa lalaking minamahal mo? Hanggang kailan mo kayang panindigan ang tinitibok ng puso mo? hanggang kailan ka aasa na darating ang panahon na mamahalin ka din ng lalaking binulag ng kasinungalingan? Handa ka bang magtiis at manatili sa relasyong, ikaw lang ang may gusto? Relasyong galit ang naghahari sa puso ng lalaking minamahal mo? "Why do you hated me this much?! Ano bang ginawa ko?! Was it a crime to love you?! Sabihin mo! Kasi hindi ko naiintindihan!? Kung ayaw mo sa akin, bakit kasama kita ngayon?! If we're not meant to be then, bakit I have to make s*x with you again! Garrett sabihin mo! Kasi tao din naman ako! Sabihin mo bakit?!" "Dahil pinatay mo ang Mama ko!" "A----ano?! Hindi ko ginawa iyon! Hindi ako kriminal!" "Ki... hindi ikaw ang pumatay! Parte ka pa rin ng pamilyang iyon and I hate You!"
View MoreUnexpected wedding
Alas-Singko ang ni-set na oras ng kasal nina Garrett Del Valle at Hope Valdez sa Amancio Hotel sa Makati. Alas-siete na ng gabi pero hindi pa dumadating ang nobyo. Samantalang si Hope ay mahigit Dalawang oras ng naghihintay. Kasama ang pamilya at mga bisita. Marami sa mga bisita ang naiinip na naghihintay, iyong iba ay umalis na rin. Nalulungkot siya dahil sa nangyayari ngayon sa kasal niya. May mga naawa at nakisimpatya, pero pakiramdam niya ay mas marami ang pinagtatawanan siya.
"You, see, I'm telling you. Hindi ka sisiputin ng mapapangasawa mo dahil siguro nalaman niya na isa ka lang alila!" Mataray na saad ni Monique, padaskul pa niyang hinalukipkip ang kanyang mga braso at inirapan siya nito.
Isang matalim na tingin lang ang isinagot nito sa kanya na agad din namang napansin ni Corry ang kanyang Step-Mother. Pinandilatan siya at masakit na tinignan.
"Hindi ka pa nga na ikakasal, mataray ka na! Wag kang pakasisiguro Hope!" mariing anas sa kanya ni Corry.
Tinignan lang niya ito at muling yumuko. Walang kahit na ano mang namutawing salita sa bibig niya. Mahigpit ang hawak niya sa gilid ng kanyang Trahe de buda. Dahil sa inis sa mag-ina. Kung tutuusin wala silang karapatan para itrato na parang hindi siya tao. At alilain dahil mga sampid lang sila, pero napaka duwag at walang awa ng kanyang Papa. Dahil hindi man lang siya nagawang kaawaan at ipagtanggol.
Sa kabila ng pang-aalipusta ng mag-ina sa kanya ay nag tiim-bagang na lang siya.
Sanay na siyang apihin ng mga ito, pero may mga panahon ding nasasaktan siya.
"Hilario! Mabuti pa siguro umuwi na tayo!Dahil siguradong hindi na sisiputin ng nobyo ang bastarda mong anak!" galit na turan ni Corry sa Papa niya, na ngayon ay nakatitig sa kanya. Madilim ang mukha, salubong ang kilay at maigting ang panga. Marahil ay iniisip niya ang malaking kahihiyan na maidudulot nito sa kanilang pamilya, kung hindi siya siputin ng nobyo, at siya ang sisihin kung nagkataon!
Marahan siyang nag-angat ng tingin sa Papa niya. Nasasaktan siya sa ganoong titig ng ama. Yumuko lang ito upang pigilin ang mga luhang kanina pa nais kumawala.
Mabigat na ang dibdib niya sa mga nangyayari. Pilit niyang pinipigilan ang sarili na 'wag bumigay dahil lalo lang siyang ka kawawain kung iiyak siya. Siputin man siya o hindi, dapat walang kahit maliit na butil ng luha ang malalaglag sa mga mata niya.
Alam naman niyang hindi siya magugustuhan ni Garrett. Dahil malayo ang agwat nila sa buhay.
Sino ba siya para pumayag si Garrett na ikasal sa kanya. Isa lang siyang di hamak na ordinaryong babae, na wala pang nararating sa buhay. At ipinagkakaila pa ng ama. Samantalang si Garrett ay Mayaman, gwapo, sikat at namamayagpag na sa larangan ng negosyo.
Sobrang nanliliit siya sa kanyang sarili. Masyado siyang naniwala na magugustuhan din siya ng lalaking matagal na niyang iniibig, na ni minsan ay hindi man lang siya nagawang tapunan ng tingin.
"Give way, I have to go!" inis na turan sa kanya ni Monique.
Walang pakundangan siyang itinulak dahilan ng pagka-salampak niya sa sahig.
Napangiwi pa ito sa sakit dahil naipit ang paa niya sa pagitan ng mesa at upuan.
Gano'n nalang ang gulat niya nang maramdaman niyang may malaking kamay na humawak sa bewang niya. At inalalayan siya sa pagtayo. Amoy niya ang mabango at nakakaakit na pabango ng lalaki. Unti-unting nilingon niya iyon. Gano'n na lang ang gulat niya nang makita ang gwapong mukha ni Garrett, na parang nililok ng magaling na skultor dahil sa pantay na pagkakatabas ng panga nito. Matangos din ang ilong na maihahalintulad sa ilong ng isang Koreano dahil sa manipis ito, kulay brown ang kanyang mga maninipis na labi, makakapal ang kilay at matalim ang makikislap niyang mga mata. Ilang beses siyang napa kurap-kurap. Hindi niya aakalaing sisiputin siya ng binata. Mabilis ang bawat pintig ng kanyang puso, nag-iinit ang buo niyang mukha, dahil sa presensya ng lalaki. Hindi niya akalain na sa gabing ito. Matutupad ang pangarap niyang mapangasawa ang lalaking matagal na niyang minamahal. At sa lahat ng mga nakamit niyang tagumpay ito ang pinaka-paborito niya.
Matalim na tingin ang iginawad ng lalaki kay Monique bago nito in-offer ang braso kay Hope.
"Hold on to my arm," Utos nito sa kanya.
Napalunok at lalong kinabahan si Hope sa sinabi ng binata. Nanginginig ang kamay niyang humawak sa braso nito.
Samantalang si Monique ay laglag ang panga, habang pinagmamasdan ang ginawang pagtulong ni Garrett kay Hope. Hindi nito akalaing ang lalaking matagal na niyang pinapantasya ang siyang mapapangasawa ni Hope.
Lalo pa itong tinubuan ng mas malaking galit kay Hope. Dahil ang lalaking matagal na nitong gustong makuha ay mapupunta lang kay Hope ng gano'n gano'n lang!
Hindi mapirmi ang bawat pintig ng puso ni Hope habang hawak niya sa braso si Garrett. Hindi siya makapaniwala na ang lalaking mahal niya ay mapapangasawa niya. Labis-labis siyang nag papasalamat, dahil sa wakas ang halos gabi-gabi niyang panaginip ay matutupad na. Ang kasama niyang maglakad ang lalaking mahal niya patungo sa altar.
Maikling seremonya lamang ang ginawa ng Pari para sa kasal nila.
"Now, I pronounce you Husband and Wife, you may now kiss the bride." Mariin siyang napapikit nang marinig ang sinabi ng Pari. Pakiramdam niya ay may grupo ng banda ang tumutugtog sa loob ng dibdib niya. Dahil sa malakas na pintig nito, lalo na nang itaas ni Garrett ang kanyang belo at hinagkan siya sa pisngi. Naamoy niya ang mainit at mabango na hininga ng binata. Pero bigla siyang nakaramdam ng hiya at lungkot. Dahil akala niya ay sa labi niya ito hahalikan. Masyado na naman siyang umasa.
Matapos ang kasal nila ay agad na hinila siya ni Garrett palabas sa reception.
Mahigpit ang hawak nito sa kamay niya, nakaramdam siya ng takot sa inaasal ni Garrett, pero wala siyang magawa kundi sundan na lang ito.
Tumigil sila sa harap ng yellow Maybach na sasakyan ng Lalaki. Mabilis na umikot ito at umupo sa may driver seat. Wala naman siyang imik at pinapanood lang ang ginagawa ng lalaki.
Ilang sandali pa ay bumaba ang salamin ng bintana.
"Get, in the car," mariing utos nito sa kanya. Napalunok siya at hindi agad gumalaw.
Kumunot ang noo ng lalaki at nagsalubong ang kilay.
"I said get in the car now!" iritadong turan nito sa kanya.
Tinanguan lang niya lang ito at agad na binuksan ang pinto sa may backseat at pumasok. Nanginginig ang mga kamay niya at tila ba nanlalamig siya alam niyang hindi siya gusto ng lalaki pero hindi naman niya aakalaing ganito siya itatrato nito.
Yumuko lang siya at hindi nagawang lingunin ang lalaki. Isang malakas na buntonghininga ang narinig niya mula sa harapan, bago umandar ang sasakyan. Inaliw na lang niya ang sarili sa panonood sa mga nadadaanan nilang stablisyemento.
Ilang sandali pa ay tumigil din ang sasakyan sa harap ng isang elaganteng hotel.
"Go, down and follow me," iritadong boses ng lalaki. Mabilis niyang binuksan ang pinto at bumaba.
Halos patakbo na siyang maglakad dahil hindi man lang siya hinintay nito. Sumasakit na ang lalamunan niya, gusto niyang umiyak sa sitwasyon niya.
Halos buhatin na niya ang buo niyang suot dahil sa may kabigatan ito.
Pinagtitinginan din siya ng mga tao. Nahihiya siya at nasasaktan pero ipinagsawalang bahala na lang niya ang pakiramdam niyang iyon.
Agad din namang bumukas ang elevator nang makapasok sila sa loob.
"Get inside first," turan ni Garrett sa kanya. Agad din naman niyang sinunod ang utos nito.
Wala silang kibo sa isa't-isa hanggang sa makarating sila sa 10th floor.
Agad na may sumalubong sa kanila na isang babaeng naka pencil skirt ng itim at puting long sleeve. Kasama nito ang dalawang lalaking naka suot ng tuxedo na na kulay itim at puti ang panloob na long sleeve.
"Take her, with you at sukatan niyo siya ng damit. Get her name and make her a bank account. Transfer Ten Million on her account, pagkatapos niyang magbihis bring her to my room. May paguusapan kami." Mariing utos ni Garrett sa mga tauhan niya.
Hindi niya lubos akalain na gano'n kayaman ang asawa niya. Napalunok pa siya nang sabihing bigyan siya ng Sampung milyon. 'Isa na akong milyonarya' na-e-excite na sinasabi ng isip niya.
"Okay Boss," halos sabay-sabay na sagot ng mga tauhan ng lalaki.
Pagkatapos ay naglakad na ito palabas ng elevator at deri-deritsong naglakad patungo kung saan ang penthouse niya na hindi man lang siya nililingon.
Devine''Parang malalim ang iniisip mo ah?'' mahinang tanong ko kay Garrett. Humawak ako sa kanyang braso at sumandal sa kanyang balikat.Malungkot siyang bumuntonghininga at tumingala sa kalangitan. Nasa balcony kami ngayon ng mansyon, hindi na kami bumalik sa dating bahay na binigay ni Sam dahil hindi na gusto ni Lolo na iwan pa namin siya.''Matagal na panahon na hindi ko nagawang pagmasdan ang mga tala at buwan sa kalangitan. Sabi ni Dr. Fuentes ang buwan at mga tala daw ang talagang paborito ko. Hindi ang katahimikan sa dilim...'' Sagot niya sa akin. Ramdam na ramdam ko ang kalungkutan niya doon.''Simula noong naaksidente ako hindi ko na nagawa pang pagmasdan ang buwan at mga tala sa gabi. Ang gusto ko lang noon, magpakain sa dilim. Hanggang makita ko muli ang liwanag kinabukasan.'' Malungkot na dagdag niya.''Alam mo ba... Sa mga panahon na wala ka, lagi akong humihiling sa mga tala na ibalik ka na sa ak
Devine"Okay lang ba dito muna kayo nila Manang Josie? May bibilhin lang ako sandali. Babalik din ako agad." Si Sam. Hinaplos pa niya ako sa balikat. Nasa farm kami ngayon nila Zia. Hindi na sana ako sasama dahil maraming trabaho sa opisina ngayon. Pero sabi niya ay uuwi din kami bukas, gusto niya lang daw ipakita sa akin ang orchids farm nila.Tinanguan ko siya at tipid na nginitian. "Just relax your self..." Bilin pa niya. Malungkot akong tumango muli sa kanya. Hindi ko alam kung kailan ko ba kaya matatanggap na wala na talaga ang asawa ko. Ilang buwan na pero sariwa pa rin ang sakit. May mag pagkakataong nagiging malakas ako. Pero mas maraming pagkakataon ang nilalamon ako ng matinding kalungkutan. Miss na miss ko na si Garrett... Sobra. Kung pwede lang humiling ng kahit isang araw lang na mapuntahan ko siya sa langit gagawin ko."Welcome to Medina Farm! Late na kitang na greet!'' Tatawa-tawang saad ni Zia sa akin. Pinagsalikop pa niya ang d
Third Person's POV'sGulong-gulo si Garrett noong makita ang ginawa ng nagpakilalang Mama ni Janine kay Janine. Napatulala siya dahil galit nitong sinalubong ng sampal si Janine. Hindi malinaw sa kanya ang dahilan ng babae. Gusto niyang ipagtanggol sana si Janine subalit alam niyang wala siyang karapatan. And besides he respect that old woman...Lalo pang nagpagulo sa isip niya ang sinabi ng babae na may ibang pamilya na siya. Ganoon pa man kahit gulon-gulo na siya. Pinilit niya pa ring aninagin ang pinag-uuspan ng mag-ina. They were fighting kaya kahit mahina iyon ay naaaninagan niya dahil mataas ang boses nila sa isa't-isa.Hindi man niya maunawaan kung bakit ganoon ang pinagsasabi ng matanda kay Janine. Nakaramdam pa rin ito ng malaking duda. Noong napansin niyang lalong lumalala ang tensiyon sa dalawa ay minabuti niyang umalis na lang doon."Garrett…!" Tawag sa kanya ni J
Janine"Sa bahay mo na lang ako magkakape.""No!" Sigaw ko. Halong takot at inis ang naramdaman ko. Ano bang pumasok sa isip niya at kailangan na yayahin pa niya akong magkape.Narinig ko ang pagbuntonghininga niya sa linya. "Ooookay..." Mahabang saad niya sa akin.Nakahinga ako nang malalim. Nilingon ko si Garrett na ngayon ay mataman na nakatitig sa akin. Parang nagtatanong ang kanyang mga mata. Kunot din ang kanyang noo."Is someone bothering you?" Tanong niya. Kinuha pa niya ang unan na nasa pagitan namin. Inilapag niya iyon sa kanyang likuran tapos ay dahan-dahan siyang lumapit sa akin.Tipid akong ngumiti sa kanya saka umiling. "Wala... Iyong si Kris. Nakakainis, kasi ang kulit niya gusto niyang lumabas na naman kami. It was my day off and I don't want to go anywhere. Mag-isa mo lang dito kaya kailangan ay samahan kita.Nagtaas siya ng kanyang dalawang makakapal na kilay sinabayan niya iyon ng malalim na buntonghininga. "Sasamah
Janine''What?! How come you can't approve his visa? You should do something! Mga bwesit kayo!'' Galit na bulyaw ko sa kausap ko ngayon sa agency. They must approve his visa sa lalong madaling panahon. Hindi kami pwedeng manatili dito sa Pilipinas. It's been Six months since nag-apply ako. And there's nothing happened.Mariing napailing ang matabang lalaking kaharap ko ngayon. Hinilot rin niya ang kanyang sintido.''Ma'am... Hindi po pumasa sa evaluation si Sir.'' mahinahong pakiusap niya.Napagitgit ako ng aking mga ngipin. Malakas kong hinampas ang mesa. Dahilan para mapaiktad siya.''You f**king tell me the reason! Ilang buwan na akong naghihintay. Ilang milyon ba ang dapat isuhol sa iyo? Mukhang pera ka!'' Galit na sigaw ko.''I don't need your money. If you have a millions I have that too... Don't you dare be littling me. You may go, or else you will be scourted by the guards.''Mariin kong ikinuyom ang aking mga kamay. ''F**k yo
Janine''Sino ka? At nasaan ako?'' Hindi mapakaling tanong ni Garrett noong tuluyan na siyang magkaroon ng malay. Napakuyom pa ito ng kanyang kamay at mariing napakagat sa pang-ibaba niyang labi. Marahil dahil sa iniinda niyang sakit sa kanyang likuran.Lumapit ako sa kanya, itinaas ko ang dalawa kong palad para pigilan siyang gumalaw. Hindi iyon nakakabubuti sa kanya. Baka kung ano pa ang mangyari sa kanya.''Love... Calm down,'' Pag-aalo ko sa kanya.Pansin na pansin ko ang malakas na pagtaas baba ng kanyang baga.''Nasaan ako? Sino ka?'' Ulit niyang muli.Nanginginig ang mga kamay kong hinaplos ang kanyang magkabilang pisngi.''Tumingin ka sa akin...'' malunay na pakiusap ko. ''Wala ka ba talagang naalala?'' Tanong ko.Marahan siyang umiling. Napangiwi pa siya, marahil ay sumakit ang kanyang ulo.''Love... Ako si Janine... At asawa mo ako. Hindi mo ba naalala?'' malungkot na tanong ko sa kanya. I even fake to cry para
Comments