Sa Zimmer Villa sa Niumhi. Nagniningning ang lugar sa mga ilaw.Iyon ay gabi ng ika-pitong put na kaarawan ni Senyor Zimmer, at puno ng mga bisita ang lugar.Lahat ng kanyang mga anak at apo ay binigyan siya ng regalo, at sabay-sabay nilang hiniling, “Sana mabiyaan pa si Senyor Zimmer ng malakas na pangangatawan at mahabang buhay.”Si Senyor Zimmer ay mukhang malakas at masigla nang siya ay umupo at sinabing, “Magaling. Lahat kayo ay masunurin. Masaya ako ngayon, kaya tutuparin ko ang kahilingan ng bawat isa sa inyo. Sabihin niyo lang sa akin ang gusto niyo.”“Lolo, gusto ko po ng apartment malapit sa dagat. Hindi naman po iyon kamahalan, nasa isang milyong dolyar lamang po.”“Lolo, gusto ko po Chanel limited edition na bag…”“Lolo, gusto ko po ng BMW sports car…”“Lolo, gusto ko po ng Rolex watch…”“…”“Sige, aking tutuparin isa-isa ang iyong mga hiling!” Ginawa ni Senyor Zimmer lahat ng kanyang pangako nang walang alinlangan.Tuwang tuwa ang mga batang humingi ng regalo. Halos lumuho
“Isang mensahe mula sa mga York.” Bahagyang nakasimangot si Harvey.Ang mga York ay ang pinaka-maimpluwensyang pamilya sa South Light. Kalaunan, si Harvey ay ang nararapat na tagapagmana.Ngunit tatlong taon na ang nakaraan, may isang tao sa pamilya nila ang inakusahan siya na binulsa niya ang pondo ng kumpanya. Kung kaya, ang kanyang estado bilang tagapagmana ay nawala.Ang buong pamilyang York ay may parehong opinyon at si Harvey ay agad na tinakwil. Bukod dito, ang kanyang mga magulang ay ipinadala sa ibang bansa at hindi na niya sila nakita mula noon.Nang umalis siya sa mga York tatlong taon ang nakararaan, wala siyang kahit isang sentimo. Labis siyang naapektuhan ng matinding dagok sa ekonomiya, at siya ay nagkasakit ng malubha. Sa kabutihang palad, si Lola Zimmer ay mabait at kinupkop siya. Pinayagan niya pa siyang maging manugang, kaya't hindi siya namatay sa isang malagim na trahedya.Gayunpaman, kahit na kasal siya kay Mandy sa loob ng tatlong taon ngayon, sa papel lang
Kalahating oras ang nakalipas, nakarating si Harvey sa kumpanya ni Mandy. Nang makapasok siya, isang bodyguard na may hawak na stun baton ang biglang humarang sa kanya. Masungit na sinabi ng bodyguard, “Lumayas ka! Hindi namin tinatanggap ang mga pulubi dito.”Kakagising lang ni Harvey, at hindi muna niya nalinis ang sarili. Isa pa, nakasuot lang siya ng T-shirt at pares ng shorts na puno ng tahi. Mukha nga siyang pulubi sa kalsada.Gayunpaman, sanay si Harvey sa ganoong klaseng bagay. Ngumiti siya at sinabi, "Sir, narito ako upang maghatid ng dokumento sa aking asawa." "Sa itsura mong iyan, mayroon kang asawa?" Naghinala ang bodyguard. "Ang tagalinis ba — si Zara o ang manggagawa na nagtatrabaho sa kusina - si Lily?" “Si Mandy ang asawa ko,” sabi ni Harvey.Nagulat ang bodyguard. Di nagtagal, humalakhak siya. "Ikaw pala ang manugang ng mga Zimmer. " Hindi niya mapigilan ang pagtawa.Umiling si Harvey. Hindi niya sukat akalaing siya ay medyo kilala."Tama na yan. Ibigay mo sa
"Paliwanag? Bakit ako magpapaliwanag sa iyo? " Pagalit na sabi ni Harvey. “Una, asawa ko si Mandy. Layuan mo siya. Kung nais mong gumawa ng eksena, doon ka sa ibang lugar!”"Pangalawa, kung ang aking asawa ay mahilig sa mga rosas, ako ang bibili nito para sa kanya! Napakaganda niya. Paano magiging angkop sa kanya ang payak at murang mga bagay? Ako mismo magpapadala sa kanya ang mga rosas mula sa Prague ngayong gabi!""P*tang *na! Nasa tamang pag-iisip ka pa ba o sadyang tanga ka? Ang isang rosas mula sa Prague ay higit isang libong dolyar. Narinig kong humihiling ka ng sa isang scooter kay Senyor Zimmer kahapon. Isa ka lang namang walang kwentang tao. Kahit na ibenta mo ang iyong bato, hindi mo rin kayang bumili ng mga iyon. Bakit ka matapang, gumagawa ka ba ng palabas dito?"Nanlamig si Don. Mayroon siyang marangyang katayuan sa York Enterprise. 'Paano nagagawa ng isang manugang na katulad niya ang kausapin ako nang ganito?’Bukod pa rito, ang bagay na ikinagalit niya ng sobra ay
"Sir, sasabihin ko to agad sa chief…""Huwag niyo na subukang makipagtawaran sakin. Kapag ginawa niyo yun, sisirain ko yung buong York Enterprise!" Bago pa makapagsalita yung kausap niya sa phone, ibinaba na agad ni Harvey ang tawag. ... Sa lugar ng Gold Coast Villa, ang bawat villa ay dinesenyo mismo ng isang sikat na international designer. Mula sa klase ng mga ceramic tile hanggang sa klase ng mga puno sa lugar, ang lahat ng ito ay piniling maigi ng designer. Isa itong lugar na hindi kayang bilhin ng sinoman kahit na mayaman pa sila. Sa sandaling iyon, nakaupo si Harvey sa sofa na nasa balkonahe. Kaharap niya ang kasalukuyang chief ng mga York, si Yonathan York. Siya ang tiyuhin ni Harvey, at siya yung nag-utos sa driver niya na sunduin si Harvey at dalhin siya sa villa. Habang tinitingnan niya ang masayahing si Harvey, ngumiti si Yonathan at sinabing, "Harv, ilang taon tayong hindi nagkita. Mukhang mas gwapo at mas masayahin ka ngayon…" "Huwag ka nang magpaliguy-ligoy
"Si Don?" Saglit na napahinto si Harvey. Pagkatapos ay ngumiti siya, 'Ang lalaking iyon ay isa lamang tuta ng York Enterprise. Ilang sandali na lang bago siya mapaalis.' "Ina, hindi ako makikipag-divorce. Kahit na mag-divorce pa kami, wala na kayong pakialam dito. Sana ay hindi ka mangingialam sa relasyon namin." Tumawa si Harvey at nagsalita bago sumakay sa kanyang paboritong electric bike at umalis. "Harvey, sampid ka lang!" Nanginig sa galit si Lilian. Muntik na niyang sagasaan si Harvey gamit ng kanyang kotse. Subalit, nagawa na lang niyang pigilan ang kanyang galit at kaagad na umalis pagkatapos niyang makita ang mga tao na nakapalibot sa kanila. … Naglakad si Mandy papunta sa front desk ng kumpanya nang lagpas na sa oras ng opisina. Pagkatapos ay nakakita siya ng dalawang babaeng tumatawa habang may sinasabing kung ano at maraming empleyado ang nanonood. "Isang talunan ang asawa ni Miss Zimmer. Sinabi niya na bibigyan siya nito ng rosas na galing sa Prague. Paano n
"Ikaw si… Harvey?" Nagdududang tinignan ni Howard Stone si Harvey. Ngumisi siya sandali, ipinarke ang kanyang kotse, at naglakad papasok sa hotel. Sobrang naiilang si Harvey. Hindi niya inaasahan na hindi siya papansinin ni Howard nang makipag-usap siya sa kanya. Magkasunod na pumasok ang dalawa sa private room. Naroon na ang lahat ng kanilang kaklase sa oras na ito. Lumingon silang lahat nang bumukas ang pinto. "Hindi ba siya ang class monitor? Nagtagumpay rin sa buhay class monitor! Napakagwapo!" sabi ng isa. Suot ng tuksido at isang pares ng sapatos na balat si Howard habang nakasabit sa kanyang baywang ang susi ng kanyang Audi. Napakakisig niyang tignan sa sandaling ito. Hindi nagtagal, may nakakita rin kay Harvey na naglakad sa likod ni Howard. Kahit na hindi masyadong hapit sa kanya ang tuksido, mamahalin pa rin ito at galing sa isang sikat na brand. Nakita ito ng isang kaklase at ngumiti. "Harvey, mukhang maayos rin ang naging buhay mo. Halika, ang dalawang upuan na
May gusto sanang sabihin si Harvey, ngunit nang makita niya ang inasal ni Howard, umiling siya at hindi na lang nagsalita. Sa halip ay pumunta siya sa tabi ni Shirley at sinabi, "Sabay na ba tayong pumunta? Ikinatatakot ko na baka magkagulo mamaya." "Ito…" nagdalawang-isip sandali si Shirley. Mayroon siyang magandang ugnayan kay Harvey habang sila ay nasa kolehiyo, ngunit syempre, si Harvey ang bida ngayong gabi. Kung aalis siya ngayon, di ba magagalit niya si Howard? Sa kabilang banda, nang makita ni Howard na nandoon pa rin si Harvey at kasama pa ang magandang kaklase na si Shirley, nagdilim ang kanyang mukha. Tinitigan niya ito. "Harvey, ayos lang kung di ka umalis. Ngayon gusto mo pang dalhin kasama mo ang maganda naming kaklase. Sino ka ba sa tingin mo? Isa ka bang asensadong tao? Wag mong kakalimutan! Isa kang live-in son-in-law, at nahihiya kami na magkaroon ng kaklaseng kagaya mo!" "Tama yan! Lahat ng mga kaklase namin ay maayos ang kalagayan. Isa kang kahihiyan!" "Dali
"Okay pa rin ang mood ko ngayon.”"Pero, magagalit ako nang mabilis.""Huwag mo akong sisihin kung magpatong-patong ang mga bangkay dito pagkatapos nito!"Si Miles Keaton ay bahagyang ngumiti habang walang pakialam na kinuha ang isang butterfly knife at nagsimulang maglinis ng kanyang mga kuko.“Ako si Harvey York.Sa wakas ay humarap si Harvey habang tahimik na tumingin kay Miles."Bakit ka pa nagpunta dito para sa akin, kung maaari kong itanong?"Tiningnan ni Miles si Harvey nang may pag-usisa bago tumawa."Ikaw ba ang maalamat na Representative York?""Hindi naman talaga siya ang alamat.""Isa lang akong ordinaryong kinatawan."Si Miles ay nagmukhang masungit at kumaway ng kanyang kamay.Isa sa kanyang mga nasasakupan ang lumapit at ibinagsak ang tseke sa mesa.Tiningnan ni Harvey ang tseke nang walang gaanong pakialam.Isang daan at limampung libong dolyar ang nakasulat dito."Narito ang isang daan at limampung libo, Representative York. Isipin mo na lang itong regalo
Sa sandaling si Harvey York ay handang harapin ang mga customer nang sabay-sabay, isang malakas na ingay ang narinig.Ang mga customer ay itinaboy sa gilid bago dumaan ang isang grupo ng mga lalaking nakasuot ng madilim na berdeng mga suit.Lahat sila ay may matitinding tingin, nakataas ang kanilang mga ulo, at malinaw na hindi sila mga karaniwang tao.Ang pinuno ng grupo ay isang lalaking may salamin na may gintong rim, maputing balat, at makikitid na mata, na nagbigay sa mga tao sa paligid niya ng masamang pakiramdam.Matatag siyang humarap sa lahat.Si Castiel Foster at ang iba pa ay humakbang pasulong."Sino kayo? Ano ang problema?”Ngumiti ang lalaki."Ito ba ang Fortune Hall?""Tama yan. Ano naman?" Sumagot si Castiel.Sinipa ng lalaki si Castiel sa lupa bago kumuha ng silya at umupo.“Ayos yan!"Malamang nandito ang isang lalaking nagngangalang Harvey York!""Ilabas mo siya dito ngayon na!""Mag-ingat ka sa sinasabi mo!"Si Kellan Ruiz ay itinatabi ang pera ng iba
Matapos makita ang tingin ng mga tao na lumipat mula sa paghanga patungo sa paghamak, nag-aapoy si Kora sa galit."Ano bang gusto mo, Harvey?!" sigaw niya habang nagngingitngit ang kanyang mga ngipin."“Simple lang.“Mayroon kang dalawang pagpipilian."Una. Maging alipin kita ayon sa kontrata."Ikalawa. Magbayad ng isang daan at limampung milyong dolyar bilang kompensasyon para sa stone gambling site, pagkatapos ay sabihin mo sa akin kung sino ang nagpadala sa iyo dito."Kung magsasabi ka ng totoo, maaari kang umalis."Si Kora ay nakaramdam ng pangingilabot. Hindi niya inaasahan na bistado na ni Harvey ang lahat.Gayunpaman, agad siyang nanginig matapos niyang isipin ang taong nag-utos sa kanya na pumunta rito.“Ano ang ibig mong sabihin?"Nagpunta lang ako dito para maglaro!“Handa akong aminin ang pagkatalo ko!“Sasama ako sayo!"Gusto ko talagang makita kung ano ang gagawin mo sa akin!"Kapag dinungisan mo ang pagiging inosente ko, hindi ka titigilan ng school ko!”Ng
Ang maayos na plano ni Kora ay agad na nawasak dahil kay Harvey York.Sa sandaling lumitaw ang Emperor’s Gem, tuluyan nang natalo si Kora.Mukhang nakakatakot siya habang tinitingnan ang tanawin, parang hindi pa rin siya makapaniwala sa anumang nakita niya noon.Ang ilang magagandang disipulo ay pinagsampal pa ang kanilang mga sarili sa mukha, umaasang panaginip lamang ang lahat.“Nanalo tayo! Nanalo tayo!"Si Arlet Pagan ay nahimasmasan bago tumalon-talon habang niyayakap ang braso ni Harvey.Si Kade Bolton ay nakahinga ng maluwag.Ngumiti rin ang mga tauhan ng Archa Corporation.Hindi nila inasahan na ganito ang magiging takbo ng mga pangyayari."Lumabas na tayo dito. Tama, hindi ba't dapat sumama ka rin sa amin?“Kailangan namin ng isang tao na magbuhos ng tsaa namin sa selebrasyon, di ba?”Ngumiti si Harvey kay Kora."Nasa akin ang kontrata. Hindi mo naman ito tatalikuran, hindi ba?"Ang ekspresyon ni Kora ay naging madilim habang ang buong mukha niya ay nanginginig.
"Kung ano ang itinanim, siya ring aanihin."Ngumiti si Harvey York."Dahil mabait ka, bibigyan din kita ng pagkakataon."“Lumuhod ka at humingi ng tawad para sa lahat ng mga mapagmataas na salita na sinabi mo."Mag-iwan ka ng isang daan at limampung milyong dolyar dito bilang kabayaran sa mga pagkalugi ng stone gambling site; saka ko lang pag-iisipan na huwag buksan ng panday ang batong ito."Mag-iiwan ako ng kaunting respeto para sayo at sa iyong guro.“Pero kung hindi mo gagawin ‘yun, huwag mo akong sisihin sa susunod na mangyayari.”Ang lahat ay nagulat bago sila humalakhak.Marami na silang nakitang mga mayayabang noon…Pero ito ang unang pagkakataon nilang makakita ng isang tao na ipinagmamalaki ang kanyang lakas sa bingit ng kamatayan!Ang katawan ni Kora ay nanginginig sa galit matapos makita ang kalmadong ekspresyon ni Harvey."Buksan mo ‘to! Buksan mo na ‘to!" sigaw niya habang tinuturo si Harvey.“Makikita natin kung magagawa mo akong pagsilbihan ka!"Pagsisisiha
Bumuntong-hininga si Harvey York."Hindi ka pa nga matanda, at gusto mo pang tawagin kita ng ganyan?""Walang hiya ka."Pulang-pula ang mukha ni Kora."Hayop ka!" sigaw niya.""Anong karapatan mong inisin ako ng ganito?!""Kapag natalo ka, huhugasan mo ang mga paa araw-araw!"Ang mga lalaking katabi ni Kora ay nagulat bago tumingin kay Harvey na may inggit at selos.Nanginig si Harvey bago siya umirap."Hindi ako interesado."Kapag natalo ka, uutusan kitang ikuha ako ng tsaa, maglampaso ng sahig, at lilinisin mo ang inidoro sa Fortune Hall araw-araw!“Ang lahat ng kailangan mo ay ibibigay sayo."Kasama na ang pagkain at matutuluyan. Huwag kang mag-alala."Bumilis ang paghinga ni Kora. Sa wakas ay nagawa niyang pakalmahin ang kanyang sarili bago magsalita.“Bumukas niyo na ang mga bato!"Gusto kong makita kung paano mo tutuparin ang mga salitang iyon gamit ang lahat ng kalokohang ito!"Ngumiti si Harvey bago tinawag ang panday na buksan ang mga bato, na hindi pinansin an
Si Harvey York ay tuluyang hindi pinansin si Kora habang nagpapakitang-gilas siya.Iginuhit niya ang kanyang kamay, senyales kay Kade Bolton na maghanda ng kontrata.Sa kanyang mga mata, ang mga tao mula sa mga sacred martial arts training grounds ay lahat mayabang.Kung walang kontrata, masama kapag binalewala ni Kora ang pustahan.Matapos gawin ang kontrata, nilagdaan ni Harvey ang kanyang pangalan bago ito ihinagis kay Kora.Nag-alinlanagn sandali si Kora bago pirmahan ang kanyang pangalan habang nagngingitngit ang kanyang ngipin.“Dalian niyo! Isara niyo ang buong lugar na ito!"Suminghal si Kora matapos makita si Harvey na kunin ang kontrata. Syempre, kampante siya sa kanyang energy detection technique.Talagang naniniwala siya na matatalo si Harvey.Tumingin si Harvey kay Kora."Hindi kita pagsasamantalahan."Pipiliin ko ang labindalawang bato dito mismo.“Ayos lang naman ‘yun, hindi ba”Kumabog ang puso ni Kora nang makita na kampante si Harvey.“Sige! Mayroon akon
Tumingin ng malamig si Kora matapos niyang marinig ang mga sinabi ni Harvey.Tumalim ang kanyang mga mata habang sinusuri niya si Harvey bago siya suminghal.“Natatakot?"Hindi kailanman nagkaroon ng salitang iyon sa aking diksyunaryo mula pa noong bata pa ako!"Nagdisect ako ng mga pusa at aso mula pa noong tatlong taong gulang ako!"Mag-isa akong natulog sa sementeryo ng isang buong gabi noong anim na taong gulang ako!"Dinala ko pa nga ang isang bangkay mula sa punerarya pauwi noong siyam na taong gulang ako!"Hindi ako marunong matakot!"Pero gayunpaman, wala akong interes sa isang walang kwentang pustahan na tulad ng sayo."Kung handa kang taasan ang pustahan, makikipaglaro ako sayo!"Nagpakita si Kora ng malamig na ekspresyon."Gayunpaman, may lakas ka ba ng loob?""Magsalita ka," sagot ni Harvey."Kapag natalo ako, gagapang ako palabas ng lungsod na ito.“Kapag natalo ka, ikaw ang gagawa nun.“Ano sa tingin mo?”Tumawa si Harvey.“Hindi pa sapat ‘yun…“Bakit hi
Siyempre, alam ni Kora kung sino si Harvey York.Alam niyang baka hindi siya magkaroon ng kalamangan kung siya rin ay kikilos.Sinasadya niyang nagkunwari na pigilan ang mga tao sa likuran niya upang wala nang dahilan si Harvey na makipaglaban.Kung nakipaglaban pa rin si Harvey sa ilalim ng mga kalagayang iyon…Tatanungin siya kahit na siya ang kinatawan ng Martial Arts Alliance ng bansa.Kasabay nito, tinawag lamang ni Kora si Harvey na isang utusan upang hindi niya maipahayag ang kanyang pagkakakilanlan. Maaari niyang ipagpatuloy ang pag-pressure sa kanya sa ganung paraan.Ang karamihan ay nagpakita ng labis na paghamak nang tingnan nila si Harvey.‘Hindi nakapagtataka kung bakit siya tumatahol sa lahat ng nakikita niya! Alaga siya ng pamilya Pagan!’‘Pero sa totoo lang, mas mabuti pang magpakamatay na lang siya!’‘Makikinabang siya sa pagiging alaga. Wala siyang kahit ano kung isa lang siyang utusan!Kung hindi pagmamay-ari ng pamilya Pagan ang lupa, malamang ay nalunod na