Share

Chapter Three

IGINALA ko ang tingin sa condo unit ko. Everything was the same. The carpet. The furnitures. The curtain. My favorite black rose painting. Almost all the furnitures in my unit are black. It was my favorite color.

I’ve been living here for five years. Regalo ito sakin ni Nick, isa sa mga ex-boyfriend ko. Sa lahat ng mga naging boyfriend ko, siya ang pinakagalante. We only went out for a year pero niregaluhan na agad ako ng condo. Too bad, I got bored with him easily.

Muli kong iginala ang tingin sa buong unit. Suddenly, it felt empty. 

I have no family. I have no friends. Tama ang lahat ng sinabi ni Kairos tungkol sa akin. I was a product of a one night stand. Limang taon ako nang iwan lang ako ng magaling na ina kay Auntie Mona para sumama sa lalaki niya. I thought Auntie Mona really cared for me. But I learned later on that she’s just an opportunist. Napilitan lang siyang alagaan ako dahil sa perang pinapadala sa kanya ng nanay ko mula Amerika. Nang huminto sa pagpapadala ng pera ang nanay ko ay nagbago na rin ang pakikitungo niya sa akin. Napilitan akong umalis sa poder ni Autie Mona at buhayin ang sarili. Nung namatay si Auntie Mona, nawalan na rin ako ng balita sa nanay ko. Wala naman akong pakialam sa kanya. 

I stared myself at the full length mirror in my room. Mula sa salamin ay nakita ko ang sarili ko. I’m still wearing the black dress I wore that day I got hit. The red lipstick on my lips was already smudged. My long hair was a bit messy. My skin looked so pale. Fuck. 

I can’t believe I’m almost dead. At ang magaling kong death angel, bigla na lang nawala. Sabi niya, may emergency siyang kailangang puntahan. Umalis siya bigla nang hindi man lang sinasabi sa akin ang mission ko. 

Kairos said that he will give me a mission. Kapag nagawa ko raw ang mission na iyon, there's a chance that I’ll be able to enter heaven. 

"The creator is a forgivable God. He wants to give you a chance to go to heaven. So he decided to give you a mission." Iyon ang eksaktong sabi niya bago siya umalis. 

Whatever that mission is, I'll fucking do it. Kahit ano pa yan.

I can’t let myself rot in that hell! Impyerno na nga ang naging buhay ko sa lupa, pati ba naman sa after life, sa impyerno ang bagsak ko? I need to enter heaven, by hook or fucking crook.

Sinubukan kong hawakan ang salamin sa harap ko, pero lumusot lang ang kamay ko. So this is what it feels like to be fucking invisible. 

"The soul is the most powerful part of a man. The human body is only a vessel of the soul."

Naalala ko ang sinabing iyon ni Kairos. Kahit wala ako sa katawan ko ay makakaya ko raw humawak ng mga bagay. But it needs fucking concentration. Lalo ba raw sa mga baguhang katulad ko. Pumikit ako at sinubukang i-concentrate ang pag-iisip sa salamin na nasa harap ko. 

"Woah," nagulat ako nang unti-unti kong maramdaman ang salamin sa kamay ko. Kairos is right. I can still touch things. Pinansadahan ko ng tingin ang mga gamit ko sa kwarto. Ang mga alahas ko, mamahaling bags, damit at sapatos. Sinubukan kong hawakan ang balenciaga bag na binili ko pa sa Singapore. Isang beses ko pa lang nagagamit iyon. Bumuntong-hininga ako. Kung alam ko lang na mamamatay ako ng ganito ay araw-araw ko na sana iyong ginamit. Ang dami ko pang sapatos na hindi nasusuot. Naalala ko ang kotse ko. Katatapos ko lang bayaran iyon. Sino na ang makikinabang ng lahat ng ito? Nanlulumong napaupo ako sa sahig. Sayang ang lahat ng pinaghirapan ko. 

Ilang sandali pa akong nagtagal sa aking condo bago nagpasyang lumabas. Mag-isa lang akong sakay ng elevator. Itinaas ko ang kamay para pindutin ang button para sa lobby pero lumusot lang ang kamay ko. "Ugh." nairitang daing ko. Pumikit ako at muling sinubukan pero muling lumusot ang kamay ko. 

Bumukas ang elevator. Natigilan ako nang tumambad sa akin ang isang pamilyar na matanda. Siya iyon. Iyong matandang nakasabay ko rin noong gabing naaksidente ako. Pumasok siya sa elevator at pinindot ang 2nd floor. She turned to me. Kumunot ang noo ko nang tingnan niya ako diretso sa mga mata na para bang nakikita niya ako. "Lobby?"

Napatango ako sa kanya. Teka, paano niya ako nakikita? Gusto kong magtanong subalit muling bumukas ang elevator at may dalawang taong pumasok. Nakita kong ngumiti ang babaeng pumasok sa matanda. 

Nanatili ako tingin ko sa matanda na nasa unahan ko. Bakit niya ako nakikita? Patay na rin kaya siya? Pero, nakikita siya ng dalawang taong kasabay namin ngayon? 

Pagdating sa 3rd floor ay bumaba ang dalawa naming kasama. Naiwan kami ng matanda sa loob. Natigilan ako ng nilingon ako ng matanda. 

“Sabi ko sa’yo mag-ingat ka.” Kasabay niyon ay bumukas ang pinto ng elevator. 

Bago pa ako makabawi sa sinabi niya ay nakalabas na siya ng elevator. Sinundan ko siya ng tingin pero nawala na siya sa paningin ko.

How in the fucking world she can see me? At bakit parang alam niya ang nangyari sa akin? Kung hindi siya kaluluws, ano siya? 

Umiling-ilong ako pagdating sa lobby. Fuck! I should stop thinking about that old hag. Lumabas ako ng tower at nagpasyang magpunta sa opisina kung saan ako nagtatrabaho. My office is just a few blocks away from my condo. Hindi ko nga alam kung bakit naisipan kong bumili ng kotse kahit walking distance lang naman ang office ko mula sa condo ko.

Naiinggit ka kay Rihanna, remember? 

Naalala ko ang isa sa mga officemate na si Rihanna. She was my most hated person in the office. Naalala ko nang ipagyabang niya ang biniling kotse, kinabukasan ay nagpunta ako sa car dealer para kumuha rin ng sasakyan. Dalawang taon ko ring hinulugan ang kotse kong iyon. Ay kung kailan natapos ko nang bayaran at saka hindi ko na magagamit. 

 Naiinis na naglakad ako. Mabuti sana kung kasama ko si Kairos, pwede ko siyang utusang magteleport. That death angel! May pasabi-sabi pa siyang death angel ko siya pero bigla na lang siyang nawawala!

Pagdating ko sa opisina, nakasabay ko sa elevator ang tatlo kong officemate. One of them is Rihanna. Napairap ako habang tinitingnan sila. They’re all bunch of pathetic bitches. Especially that bitch Rianna. I really hate that bitch. Akala mo kung sinong maganda. Peke naman ang boobs. Takutin ko kaya sila? What if… I press all the buttons here? I smirked at my own idea.

“Rihanna, narinig mo ba ang nangyari kay Cresia?” 

Napatingin ako kay Rihanna. She was wearing a black body con dress, my favorite shade of lipstick and even my favorite perfume. I smirked. “You’re really an insecure bitch,” nang-uuyam na wika ko. Too bad she can’t hear me.

“Oh, what happened to her?” Mula sa screen ng cellphone ay tumingin si Rihanna kay Carla. 

“Ano ka ba, girl? It was even on the news. Nasagasaan siya.”

“Well, she deserves that,” narinig kong sagot ni Rianna. “Iyan na ang karma niya sa pang-aagaw niya kay TJ.” 

Si TJ ang ex-boyfriend ni Rianna na inagaw ko sa kanya. I was so pissed at her for stealing the company project that was for me. Bilang ganti, inagaw ko sa kanya ang boyfriend niya noon na si TJ. Isang buwan lang naman ni TJ dahil hindi ko naman talaga siya type. Gusto ko lang talagang gantihan si Rihanna sa pang-aagaw niya sa project ko. 

“Ano ka ba, girl? Kawawa naman siya! Sabi ni Sir Marlon, nasa ICU daw."

“Anong kawawa? Buti nga iyon sa kanya no!" Rianna smirked. "Karma niya iyan!"

Napasinghap ako. "Eh, kung sabunutan kaya kita ngayon at nang makita mo kung sino ang kawawa?" I smiled evilly.

"Iyan ang huwag na huwag mong gagawin."

Marahas akong bumaling sa pinanggalingan ng boses. It was Kairos. Suddenly, he was standing beside me. “Kung gusto mong mapunta sa langit, hindi ka na puwedeng gumawa ng masama.”

 Matalim na inirapan ko si Kairos bago ibinalik ang tingin sa officemates. “Magpasalamat talaga kayo, ayokong mapunta sa impyerno.” Lumabas ako ng elevator at sinundan sila papunta sa opisina. Our office was located at the 20th to 2tth floor of this building. Dumiretso ako sa desk ko. Napansin ko ang isang bouquet ng bulaklak sa nakapatong sa desk ko. Get well soon, Cresia. —From Management. 

"Anong ginagawa mo rito?" 

Bumaling ako kay Kairos na nakasunod pala sa akin. 

"Masama bang puntahan ang office ko? Ikaw, san ka galing?"

“Naghatid ako ng kaluluwa sa impyerno,” he casually answered. 

"Everyone."

Napatingin ako sa boss namin na nagsalita. "I know all of you have learned what happened to Cresia. She was confined at St. Luke's. Anyone, who wants to visit her? Raise your hand para maisabay ko kayo?" 

Inilibot ko ang tingin sa paligid. Wala ni isang nagtaas ng kamay. Well, what do I expect? Wala naman akong kaibigan sa office. No, scratch that. Wala akong kaibigan. 

 "Come on, may pupuntahan tayo."

Bumaling ako kay Kairos. “Saan mo na naman ako dadalin?”

He clicked his fingers. Sa isang iglap ay nawala kami sa opisina. Napunta kami sa harap ng isang bahay. Bumaling ako kay Kairos. “Anong talent mo bukod sa teleportation?”

He grinned at me. “You wouldn’t want to know.”

Iginala ko ang tingin sa bahay. It was a two story house that belong to a middle classs family. Mayroong maliit na garden at kulay puting gate. “Anong gagawin natin dito? Kaninong bahay to?” 

“This is where your mission is.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status