Share

KABANATA 16

KABANATA 16

BRAZINN'S POV

“Tara na habang maaga pa”, saad ko at inangat ang bag na may lamang gamit para sa pangangaso. 

“Tara!” agad naman na sumagot si Spruce.

Tumayo na ako at nagsimulang humakbang papunta sa pinto ng room namin. We're currently here in the stockroom of Servant Quarters. Donya Allura offered us to use everything we will be needing. Maraming mga gamit dito na ayun kay Donya Allura, gamit ng mga kawal para sa digmaan. 

Karamihan dito ay mga ispada, sibat at Pana. Hindi man ako marunong ng mga ito pero nagdala ako ng ispada, Pana at sibat na gagamitin kung sakali man na may umatake sa amin sa loob ng gubat ayun sa sabi ni Donya Allura.

FLASHBACK 

“Kung sakali man, mag-ingat kayo sa loob ng gubat sapagkat may nagbabantay doon na galing sa ibang Hanay. Nagiging mahigpit sila sa gubat sapagkat nais nila na walang ibang makinabang sa mga ligaw na hayop kundi sila” pagkwento ni Don Loathur.

Maigi lang kaming nakikinig sa kanya.  We need to listen to them kasi dito na sila naninirahan at alam na nila ang mga pasikot-sikot dito at kung ano ang dapat at hindi dapat gawin. 

“Ano pong mga hanay?” seryuso kong tanong.

I was not informed na marami pang ibang hanay dito sa Paraiso de Inferno bukod sa hanay nila Fetish at Donya Allura.

Tumayo si Donya Allura mula sa pagkakaupo. Humakbang siya palapit sa bintana na nasa dulo ng mesa. Sinundan ko lang siya ng tanging habang naghihintay ng sagot. 

“Maraming hanay dito sa Paraiso bukod sa hanay namin at hanay nina Fetisha. Sa ngayon nais ko kayong i-pasyal dito sa aming hanay at ipakilala sa inyu ang kabuoan nito. Ang aming kaharian ay tinatawag na ‘Paradise of Plebeians’ bago paman kami nasakop ni Fetisha at tinawag na mga Alipin” pagsisimula ni Donya Allura habang nakatayo at nakadungaw sa bintana. 

I listen intently... I might need such information to finally get out of this place. 

“Ngayon ay Bahay tambakan na ang tawag ng lahat sa kaharian namin. At ito...” bahagya siyang humarap sa amin at umangat ng tingin sa bubong. “itong kaharian namin ay tinawag na Servant Quarters at ang malala pa ay nagreyna-reynahan dito si Fetisha at maging kami na dating Hari at Reyna dito ay wala nang karapatan na pamunuan sa sarili naming kaharian” 

I don't know how to react, wala akong alam tungkol sa history ng Paraiso de Inferno and I don't know how to react with it. I just shook my head as I gasp for air to breath.

I want to help them but how?

Ilang sandali pa ay nagsimulang maglakad si Donya Allura papunta sa pinto. Agad naman na sumunod sa kanya ang asawa niya at ang kapatid na si Tatay Alberto. 

“Hali kayo at sumunod sa akin, sisimulan na natin ang pamamasyal habang maaga pa” saad ni Donya  Allura at ngumiti sa amin bago naglakad. 

Binalingan ko si Spruce na nakayuko at nakatitig sa pagkain niya. Si Avierry naman ay agad na tumayo at tinapik si Cazsey sa balikat. 

“Tara na Caz” 

Tumayo na din ako nang lumapit na sila sa akin. “Spruce bakit natutulala ka?” 

Parang nagulat naman na tumayo si Spruce sa kinauupuan at bumaling sa amin.

“Hmm... Wala wala” saad niya sabay kibit baliktad at kamot sa ulo. Tinitigan ko lang siya na humakbang palapit sa amin. 

Naunang naglakad si Avi at Caz dahil medyu nakakalayo na din sa amin Sina Ginang Allura. 

Nilingon ko si Spruce na nakakamot padin sa batok nito. Tinitigan ko lang siya na may question mark sa mukha. “Hmm?”

“I'm sorry, preoccupied” saad niya at hinawakan ako sa balikat bago nagsimulang maglakad. Hindi na ako nagtanong at sumunod nalang sa kanya. 

Lumabas na kami palasyo at nandito na kami ngayon sa hardin na ngayon ko lang napansin. Sumabay sa amin ang dalawang babae na pinagalitan ni Tiya Brenda kanina. Pinakilala sila ni Donya Allura sa amin, the brave girl is Hestia and the shy one was Alva. Pinasama sila sa amin dahil hindi maganda ang pakiramdam ni Tiya Brenda kaya sila na muna ako magiging kapalit nito para alalayan si Donya Allura. 

Huminto kami sa harap ng isang rebulto na gitna ng hardin, it was a topless girl holding a crown on her hand. Nagtaka ako dahil mukha itong umiiyak at may sugat sa mukha. 

“Ito ang Rebulto de Kanulo...” pagsisimula ni Donya Allura. 

Hindi ako nagsalita at patuloy na nag-oobserba sa rebulto na nasa harap namin. It seems like there's something on it's face... 

“Bakit siya umiiyak?” I suddenly asked out of nowhere. Binalingan ko ng tingin si Donya Allura at mapait siyang ngumiti. 

“Yan si Reyna Nympha, ang aking Lola...” pagsisimula nito. “Reyna siya ng Paradise of Plebeians, nagmahal ngunit pinagkanulo” 

“Ano po ang ibig niyong sabihin?” Pagtatanong ko, my curiosity is killing me.

Donya Allura smiled before she raised her head up. “Ayon sa kwento ng aking Ina, ang aking lola ay isang matapang at respitadong prinsesa bago pa man namatay ang mga Ama't Ina nito. Sinanay siya upang magbantay sa gubat sapagkat ito ang gawain ng isang Diwatana nakatakdang maging Reyna. Habang naglilibot ay nakilala niya ang lalaking nagpatibok ng puso niya, si Alfonso. Hindi nagtagal ay minahal siya ni Reyna Nympha, araw-araw silang  nagkikita sa gubat kahit labag sa mga magulang nito. Isang araw napagkasunduan nila na magkitang muli at ipapakilala siya nito sa mga tao at sa pamilya niya ngunit ang hindi niya alam ay pinagkanulo siya nito sa mga dalub-agham kapalit ng pilak at kayamanan” 

Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko pero ramdam ko ang pagtayo ng balahibo ko. I gasp for air as I bowed down. Masyadong malungkot ang kwentong iyon.

“Hindi makapaniwa si Lola Nympha sa pagtatraidor sa kanya ng kasintahan. Hinuli siya ng mga dalub-agham habang nanunuod lang si Alfonso, mabuti nalang at nailigtas siya ng mga kawal ng kanilang angkan at ng alaga nilang sigbin. At yang sugat niya sa pisnge? ‘Yan ay resulta ng tama ng ispada na muntik na niyang ikamatay. Ang hindi pa niya matanggap ay napasok ng mga dalub-agham at mga tao ang kaharian at namatay ang Ama't Ina nito... Doon nagsimulang tawagin ang lugar na ito na Paraiso de Inferno dahil simula ‘nong araw na ‘yun ay naging kalbayo na ang kaharian. Hindi na atim ni Lola ang mga pangyayari at sinubokan nitong magpakamatay ito at isuko ang korona ngunit napag-alaman nilang buntis siya sa akin Ina” 

That was awful, ganun ba kagahaman ang mga tao? Habang nakikinig ako kay Donya Allura, napagisip-isip ko na mag tanong para sa mas marami pang impormasyon.

“Kung ganun may dugo po kayong Tao?” I asked seriously.

Tumango lang si Donya Allura bago yumuko. “Nakakahiya man dumadaloy sa aking dugo ang dugo ng isang traidor. Isang traidor na dahilan ng pagkakasira ng kaharian na ito at kung bakit nakakulong tayong lahat ngayon dito” pagkwento nito. 

Now I understand why Fetisha is mad to us, humans. Masyado palang hindi maganda ang history ng mga tao sa kanila. 

Tumango nalang ako at humakbang palapit kay Donya Allura. 

“Patawad” saad ko at hinawakan siya sa kamay. Nagtataka niya akong tinitigan.

“Bakit ka humihingi ng tawad?” nagtataka nitong tanong. 

“Bilang tao, gusto kong humingi ng tawad sa pagiging makasarili at hindi pagbibigay ng konsiderasyon sa inyo, na hindi lang kaming mga tao ang nakatira dito sa mundo” saad ko at mahigpit na hinawakan si Donya Allura sa kamay at lumuhod. 

“Tumayo diyan Hija, Ang nangyari ay nangyari na at hindi na maibabalik pa Kahit ilang besis ka pang humingi ng tawad sapagkat ang tiwal, kapag nasira ay mahirap nang ibalik” saad nito at inalalayan akong tumayo. 

“Bilang tao, humihingi po ako ng tawad. Hindi namin masisisi kung bakit ang mga engkantado na kagaya ninyo ay may galut sa tao at kung bakit ninyo kami minsan ginagantihan sapagkat may kasalanan din kami sa inyo. Hindi naman iniisip na hindi lamang kamia ng nakatira dito sa San sinukob” tumingin ako nang biglang magsalita sa Spruce mula sa gilid namin. 

Nakita ko na ang lungkot sa mga mata ni Donya Allura ay paunti-unting napalitan ng ngiti. Hinawakan niya din si Spruce sa kamay. 

“Lahat kaming mga engkantado ay galit sa nga tao at hindi yun nabago. Ngunit isang araw ay dumating kayong pariho at pinatunayan niyo na hindi lahat ng tao ay masama, na pare-pareho lang tayong lahat na may kasamaan at kabutihan sa puso” saad ni Donya Allura bago kami niyakay pareho ni Spruce. 

Ilang sigundo kaming nanatiling magkayakap hanggang sa si Donya Allura mismo ang kumawala.  

“Hali kayo dito at ipapakilala namin kayo sa mga tayo dito sa mga kaharian” saad niya at nagsimulang maglakad, nasa tabi naman niya si Don Loathur na naka-alalay sa kanya. 

Ialng sandali pa kaming naglakad hanggang sa makarating kami sa kumpol ng mga tao na abalang nagtatanim. 

“Magandang umaga Donya, Don” 

“Magandang umaga po” pagbati ng mga ito sa amin. 

Ngumingiti lang ako sa kanila. 

“Magandang umaga sa lahat, nais ko lang sana na ipakilala sa inyo ang bagong miyembro ng aming pamilya. Si Spruce, Avierry, Cazsey at si Brazinn, sana maging mabuti kayo sa kanila” 

Ngumiti ulit ako dahil sa sinabi ni Donya Allura.

“Kilala na po namin iyang si Brazinn, siya ang nag ligtas sa buhay ni Tiyo Alberto mula sa kamatayan” saad ng isa sa kanila habang nakangiti. 

“Sila ang mga taong noon ay kawal ng aming kaharian ngunit ngayon ay mga magsasaka na ng mga pagkain para sa amin at sa kaharian ni Fetisha” saad ni Donya Allura. 

Ilang sandali pa ay dinala niya ulit kami sa iba pang bahagi ng Paradise of Plebeians at pinakilala sa mga tao. Sobra’ng saya ko. 

Ang huli naming pinuntahan at ay ang tambakan ng mga gamit sa gyera. Hinayaan niya kaming kunin ang mga kakailanganin namin para sa pangangaso.

END OF FLASHBACK

Naglakad na kami palabas ng bahay at nagsimulang maglakad papunta sa gubat na sinasabing maraming ligaw na hayop ngunit may mga nakabantay galing sa ibang kaharian. 

Medyo malayos siya sa servant quartes kaya ilang minuto din ang nilakad namin para maka rating dito.

Sa paanan palang ng gubat ay nakaramdam na ako na hindi ganun ka safe dito. Mahigpit kong hinawakan ang ispada ko para kung sakali ay handa ako. 

“Nandito na tayo, sana marami tayong mahuli nang sa ganun ay maakhabol tayo sa oras na binigay ni Fetisha sa atin” saad ni Spruce habang patuloy sa paglalakad. 

Tumango lang ako sa kanya habang at sumunod sa saang tinatahak niya. Naramdaman ko ang paglapit ni Avierry sa akin at ang mahigpit niyang hawak. 

Nagtaka ako kaya nilingon ko siya at nakita ko ang takot sa mukha niya. Hindi ba siya sanay sa ganito? Bakit gayan Ang reaksyon niya? I thought matagal na siya dito, is it her first time here? 

Aligaga niyang iniikot ang paningin sa paligid, I'm just curiously looking at her. After a minute, she noticed me looking at her... Bigla siyang bumitaw at umayos ng tayo bago yumuko. 

Hinayaan ko nalang siya at nagpatuloy sa paglalakad. I was surprised when Spruce surprisingly take his bag off. Kiniha niya ang pana loob nito. 

“Anong gaga—” saad ko pero bigla ang pinutol ni Spruce. 

He covered my mouthed with his right hand. Biglang nanlaki ang mata ko dahil sa ginawa niya. What’s the matter. 

Naramdaman ko ang bahagyang paglapit ni Spruce sa tainga ko. “Shh may parating” 

Bigla akong nakaramdam ng takot dahil sa sinabi niya. When Spruce let me go, I immediately look at him with a question mark in my face. 

Bilang may kumalabog sa likod namin and the next thing I know... Zach is already dragging me towards a tree and he pushed me away. Sisigaw na sana si Avierry nang biglang tinakpan ni Cazsey ang bibig niya. 

Gosh, anong nangyayari? 

Kahit may takot ay mabilis ko ring hinalungkat ang bag ko at nilabas ang pana, this is the only thing I know how to use. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status